Chapter 2

Hinatak nila ako papalabas, ninanais ko sanang tumakbo ngunit hindi ako makahanap ng tiyempo.

Tinitignan ako ng mga lalake rito, mula ulo hanggang paa. Parang nag lalaway sila na hindi ko maintindihan.

Ibinalibag nila ako sa sementadong higaan sa gitna ng lugar na ito. Hindi ko alam ang mangyayari. 

Hindi ako maka isip, tumatagas na ang pawis dahil sa kaba ko. Wala na din akong luhang mailabas dahil ubos na kanina pa ako nag kukubli sa kwartong binabahiran ng dugo.

Mayroon isang lalakeng naka suot ng jacket na itim habang may suot-suot na smiley face mascara. 

Kinilabutan ako sa paraan ng pag tingin niya sakin. Nakaka kilabot ang mask niya, kahit smiley lang ito. Hindi ko alam kung anong itsura ang nakukubli sa kanyang mga maskara.

""Boss, alam na namin kung sino 'yang magandamg babae na yan!""

Isang matabang lalake ang sumulpot mula sa pintuan. Pinalilibutan ako ng sandamakmak na lalake.

""Paki usap, pakawalan niyo na 'ko. Wala akong pag sasabihan ng ginawa niyo.""

""Manahimik ka babae, nanggigigil nako sa 'yo. Gusto na kitang bayuhin kanina pa!""

Tinali ako ng isa pang lalake, sinampalsampal ang aking pisngi. Ang kanyang daliri ay pinaikot sa mga labi ko.

'"Wag mo 'kong hawakan!""

""Aba, matigas kang babae ka ha. Makikita mo, dadalhin kita sa impyerno mamaya.""

Halatang ang naka suot ng smiley face na mask ang leader nila.  Tinanong niya sa matabang lalake ang pag kaka kilanlan ko. 

""Si mr. Robert Tanaka ang daddy niya! Boss... jackpot talaga tayo!""

""Sigurado ka?""

""Oo.""

Binalingan niya ako ng tingin atsaka sinabi ang kataga ng pambabanta.

""Hu 'wag kang mag alala. Hindi ka namin papatayin, pero gagamitin namin ang buong katawan mo.""

""Please wag!! Nakiki usap ako!!""

Sinakal niya ako sa leeg, napaka higpit nito. Para akong hindi maka hinga.

""Napaka... inutil mo para mag tiwala.""

""Isipin mo, kung hindi ka nag tiwala sa taxi driver kanina. E' di sana, wala ka dito ngayon at hindi naka gapos, hindi ba?""

Binitawan niya ang pag kakasakal sakin.

""Hindi lahat ng tao, maari mong pag katiwalaan.""

"'Maraming posibilidad na pwedeng mangyari, madalas ang tao ang nag mumukhang hayop. Malamang sa malamang ay dahil hindi sila marunong kumilala ng kapwa nila.""

""Kasuri, right? Maraming posibilidad, matakot o magalak ka man. Hindi doon nababase ang resulta. Kadalasan malalaman ang resulta sa katapusan in other words... kamatayan.""

Napaka mahinahon ng boses niya.

""Ang ibig kong sabihin sa lahat ng sinabi ko, may pag asa ka pa dahil nabubuhay ka. Bibigyan kita ng pag kakataon upang manlaban.""

Inutusan niya ang dalawang lalake sa gilid na tanggalin ang tali saakin.

""Pero boss...""

""Hmm?""

""Baka talagang makatakas siya.""

""Do you think na bobo ako?""

""Pasensya na, boss.""

Marahan nilang tinanggal ang pag kakagapos sa kamay at paa ko. Dahil doon ay nagawa kong tumayo mula sa sementadong pader na animo'y kaunting kalayaan ang nadama ko.

""So, Kasuri. Ito ang kutsilyo.""

Binato niya sa pagitan ng paa ko ang isang matalim na kutsiyo. Akala ko noong una'y plastic lang ito. Pero ng abutin ko ay napag alamang tunay na bagay ito.

Kahit pa man naka suot siya ng smiley face mask ay parang naka ngiti rin ang likod ng kanyang maskara. Niliikot likot niya ang kanyang balikat, parang hinihintay ang pag atake ko.

""Paki usap, ayaw kitang saktan. Palabasin niyo nalang ako ng mapayapa. Sainyo na lahat ng pera pati gamit sa bag ko.""

""Huh? Hindi yan ang pinag usapan natin, Kasuri. Hinihintay ko ang pag atake mo.""

""Pero-

""Tumigil ka!"

Nag seryoso na ang boses niya.

""Isipin mo ang kahihinatnan mo! Gagahasain ka naming lahat..." Tinuro niya ang buong lalake sa paligid.

""....Binibigyan kita ng pag kakataon para maka takas, hu 'wag mong sasayangin!!""

""Pag natapos ka naming gahasain ay papatayin ka namin, yan ang mangyayari. Huwag kang mag makaawa para patakasin kita dahil hindi ko yan gagawin!!""

Naiintindihan ko.

H-hindi naman ako makukulong kung maka patay ako dahil self defense ito d-diba?

Pero...

Kasalanan...

ang pag patay!

""Nahihibang ka naba? Bakit mo binitawan ang kutsilyo mo?""

Saglit akong hindi naka sagot, para akong wala sa sariling sinagot siya.

""Kagaya ng sinabi mo, sa kamatayan matutuklasan ang resulta...""

'""Huh?!""

""May tutulong sakin, kahit maliit ang posibilidad kagaya ng sinabi mo, umaasa ako.""

""Hindi ka manlang sus-

""Ayos lang.""

Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako. 

""Kakaiba kang babae.""

Napangiti muli ako, siya palang yata ang pumuri sakin sa katotohanan.

Naka pamulsa siyang tinalikuran ako. Ilang mga hakbang pa'y hindi ko na muling nakita ang kanyang mga bakas. Simula noon ay nawala na ang ngit na binigay ko lang sa kanya. Malakas ang pakiramdam ko na mabuti siyang tao.

Unti-unti akong nakadama ng maraming kamay sa likod ko. Unti-unti nilang sinira ang damit ko. Tinali din ang aking mga kamay upang hindi makatakas.

""Ito na ang katapusan.""

""Wag!""

""Tapang -tapangan ka kanina, bakit nanlalaban ka ngayon ha!?""

Binalutan ako ng takot.

Nawala ang kaninang tapang ko. Alam ko bago ko umpisahang sabihin ang mga katagang yun ay maliit ang posibilidad, ngunit ayoko ring pumatay. 

""Tang ina, istorbo naman oh."" 

Isang putok ng baril ang umalingawngaw mula sa labas ng abandonadong straktura na kinalalagyan namin. Balak pa sana nilang sirain ang bra at panloob ko ngunit sunod-sunod ang lumampas na putok na baril.

""Nag lalaro nanaman ba sila ng baril?!""

""Diba sabi ni boss, huwag daw mag sayang ng bala?""

""Wait lang.""

Hindi na siya bumalik.

Marami paring tao dito sa loob, nawalan sila ng gana ng putok ng baril ang bumungad bago sila mag umpisa.

Hindi man ito ang posibilidad na inaasahan ko, umaasa parin akong ito yon.

Nabawasan ang tao sa loob upang pumunta sa labas upang tukuyin ang dahilan ng putok. Hindi ko inaasahan ang pag pasok ng isang lalake.

Hindi ko makita ang kanyang mukha, nakahiga ako at tinali kanina ang aking kamay at paa.

""Sino ka-""

Siya lang mag isa doon ngunit nagawa niyang pabasakin ang lalakeng may malaking katawan. 

""Tang ina, sino kaba? Ang lakas ng loob mong pumasok sa teritorya na-

Muli niyang sinuntok ang isa pang lalakeng nag salita.

""AHHHHHH""

""Paki usap, huwag please!!""

Akmang manlalaban ang isang lalake ngunit agad niya itong napatumba. Dumating sa punto na lima nalang ang natirirang lalake kasama niyang naka tayo.

Puno ng dugo ang paligid dahil sa mga dugo ng bugbog saradong katawan.

""Baka naman pwede nating pag 'usapan to?!""

Humagipit ang suntok nito sa lalake hanggat lahat ay napatumba niya. Hindi ko lubos isipin ang posibilidad kung paanong nangyaring nagawa niyang patumbahin ang lahat ng lalake rito.

Bigla akong napuwing habang pinapanood ang mga nangyayari. Pumikit ako sandali ng bigla kong naramdamang ang lalake ay lumapit sa 'kin atsaka tinanggal ang pag kakatali sa mga kamay ko.

Pagkatanggal ng tali ay agad kong kinusot ang mata ko upang titigan ang lalake. Ngunit nakatalikod lang siya sa harap ko, kahit ako'y halos hubot hubad.

""You may leave now.""

""Anong pangalan m-

""I said you may leave now!""

Hindi ko nagawang tuntunin siya dahil sa kanyang sigaw.Napansin ko lang ang kanyang suot at yo'n ay parehas ng uniform ng Phillips academy.

""Paki usap, humarap ka sakin!"" Wala akong pake alam kung mukha akong walang hiya. Ngunit hindi ko magagawang umalis hanggat hindi ko alam ang kung sino ang taong nag ligtas sa 'kin.

""Leave!!""

Tumayo ako at ng nakaramdam ako ng lakas ng loob upang lapitan siya ay bigla akong nawalan ng malay. Doon ko nalang nalaman na tinamaan niya passlide ang batok ko gamit ang kamay niya dahilan upang mawalan ako ng malay.

Saking pag kagising ay nasa hospital na ako. Kaharap ang ilang mga pulis sa bedside.

""Hello, ms. Kasuri. Can we ask you something about gang groups you encounter?""

""Huh?"" 

""Babalik nalang kami pag tapos ng inyong recovery. Papunta na ang parents mo. Marami kaming katanungan sa 'yo pero mag pahinga ka muna.""

Tumango nalang ako.

Hindi pala panaginip ang lahat.

Tunay na may nag ligtas saakin, nais kong malaman kung sino siya.

Hindi ako ma pakali, ninaais kong alamin ang pag kakakilanlan niya. Gusto kong personal na mag pasalamat dahil sa kabutihan niyang loob na tinulungan ako.

Nawalan ako ng malay dahil kinarate niya ako gamit ang kanyang kamay sa bandang batok. Di ko inaasahang gagawin niya yun sa isang babae.

Sa pag tiktok ng orasan ay biglang bumukas ang pinto, nakita ako ni Fernandong naka higa sa kama ko.

""Diyos ko, ano kaba!? Bakit ka lumayas?!"" Halong pag aalala at galit ang boses niya.

""Pasensya na.""

Tumingin ako sa pintuan kung may papasok pang ibang tao sa silid ngunit wala ng sumunod pa.

""Ba't may pasa ka sa mukha mo, Fernando?"" 

""Hu 'wag mo na kong alalahanin. Ano bang nangyari sayo?!""

""Wala naman.""

""Kinausap ko ang pulis, tapos nalaman ko kinidnap ka?!""

""Aah- oo.""

""Mabuti naman naka takas ka!!""

""Hindi ako naka takas. May tumulong lang sakin.""

""Sino?""

""Hindi ko nakita ang mukha ni 'ya.""

""Ganun ba, pero sa ngayon mag pahinga ka muna. Sabi ng doctor ay pwede ka ng madischarge bukas.""

Tumango lang ako.

""H-hindi ba pupunta dito sina Daddy?""

Nakita ko ang pag aalinlangan niya sa pag sagot.

""Siyempre naman pupunta sila! Pero malalate lang, maya-maya siguro nandito na sila. Pinauna lang nila ako kasama ng driver mo.""

Hindi na ako nag tanong pa. Una palang alam ko na kung nag sisinungaling ang isang tao. Kagaya ni Fernando, madaling mahuli kapag nag sisinungaling.

Natulog muna ako at pag gising ko'y naabutan ko si Fernando na nag babalat ng mansanas.

Kagaya ng inaasahan ay wala dito ang magulang na tinuturing ko. Inabutan niya ako ng mansanan sa platito.

5 o'clock na ng umaga, binuksan ni Fernando ang bintana at tanaw ko ang maliwanag na buwan.

Napaka liwanag ng buwan.

Talagang maliwanag ang buwan.

""Tumawag ang daddy mo kanina at sabi niya ay hindi raw siya makaka punta. Gusto niya raw sanang pumunta ng maaga pero traffic.""

Sa nakasanayan ay nag sisinungaling nanaman siya. 

Hindi talaga siya magaling mag sinungaling.

""Ah ganun ba, Fernando?""

""Oo- teka, Samantha nga pangalan ko!!""

Kaunti akong napangiti.

Sa hindi inaasahan ay biglang bumukas ang pinto at doon tumambad ang mga tauhan ng pulisya. 

Muli pala'y tatanungin nila ako ng mga nangyari.

Gumilid muna si Fernando at doon binuka ko ang aking bibig.

Nais kong malaman ang pag kaka kilanlan ng lalakeng tumulong saakin.

Lumipas ang isang gabi.

""Bago ko sabihin lahat ng nangyari, gusto ko sanang malaman kung sino ang nag ligtas saakin yung naka suot ng uniform na nasa parehas na edas ko.""

""Wala, hindi namin kilala ang tinutukoy mo i'ha. Pag dating namin sa lugar kung saan ka kinidnap ay lahat ng kalalakihan doon ay naka hilata. Lahat sila'y bugbog sarado at mayrong naka pending na kaso.""

""Ganun puba, huling tanong na. Nahuli niyo ba ang taxi driver na nag dala sakin sa lugar na 'yon?""

""Oo.""

Mabuti naman. Tinanong nila sakin ang lahat ng nangyari. Agad din iyong natapos at sila'y nag paalam na upang umalis.

Hindi ako papayag na hindi makilala ang lalaking nag ligtas saakin. Bukod sa uniform ay natatandaan ko pa ang itim na bonnet na naka lagay sa ulo niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status