Chapter 2.2

Kaka-discharge ko lang sa hospital, kasama si Fernando at ang aming driver ay dumiretso na kami papauwi. Naka titig lang ako sa bintana, ng hindi ko masyadong napansin na nasa tapat na pala kami ng gate ng aming mansyon.

Kahit hindi pa 'ko nakaka pasok ay ramdam ko na ang tensyon sa loob. Dahil marahil ito sa 'king biglaang pag-kawala. Hindi nga ako nag kakamali.

Pag bukas ng pintuan ng mga gate ay isang hagupit na sampal ang siyang bumalandra saakin. Napaka sakit, ang mga tingin ng aking ama ay hindi normal. Nanlilisik parang kaya niya akong patayin kung gugustuhin nito.

""Tama na po, kaka-discharge niya lang sa hospital. Bigyan nyo naman siya ng pag kakataon para makapag-pahinga!"" Sambit naman ni Fernando.

Ngunit hindi natinag ang aking halimaw na ama at pinambutungan din siya ng kanyang galit. Sinikmuraan siya ni Daddy.

""Fernando!"" Dinamayan ko ito ng bumulagta.

""Ikaw na bading ka, ang lakas ng loob mong pag taasan ako ng boses. Hindi naman mangyayari 'to kung binantayan mo lang ng maiigi si Kasuri!""

""I'm so sorry.""

""Baka nakakalimutan mo na ikaw na bakla ka. Kaya kong paalisin ang lola mo sa hospital na pinatayo ko. Ewan ko nalang kung makaka tagal pa siya kung papaalisin ko.""

""Pasensya na po."" Lumuhod si Fernando sa harap ng daddy ko,

""Itaas mo na si Kasuri sa taas, bago pa mag dilim ang mata ko sayong bading ka.""

""O-opo.""

""Sandali, asan si Mommy?""

Tinignan ako ng masama ni Daddy.

""Hindi ko alam.""

""Pinatay niyo ba siya?""

""Hinde.""

""Kung gano'n nasa'n siya?""

""Kasuri, gusto niyang kauspin ang kalaguyo niya. Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang pakiramdam ko.""

""Isang tanong pa ang gusto kong malaman, daddy.""

""Ano?""

""Nag dadalawanag isip parin ba kayo kung tunay niyo akong anak?""

""Oo.""

Sinamahan na 'kong umakyat saking kwarto kasama si Fernando. Pero kahit na sinuntok siya ay sa 'king harap ay nakangiti ito na parang walang nangyari.

""Kasuri, may good news ako, ipapaayos na yung bakuran para hindi kana maka labas pa ng walang paalam.""

""Gano'n ba? Okay lang naman.""

Hinawakan ko ang pisngi ni Marco habang nasa tabi kong nakaupo sa kama.

""Pwede mo bang ikwento sa 'kin ang tungkol sa lola mo?"!

""Bakit curious ka, Kasuri?""

""Malamang, mag kaibigan tayo.""

""Hindi ba, dapat ako ang nagtatanong kung bakit ka nag pasiyang lumayas ng bahay?""

""Simple lang naman ang sagot ko, at yun ay dahil gusto kong mag tulungan sina daddy at mommy na hanapin ako.""

""Akala ko naman matalino ka. Hindi mo ba naisip na pwede kang makidnap o maraped dahil sa ganda mo?""

""Hindi ko inisip yun"" 

Niyakap ko siya as a friend.

""Pasensya na,"" malambing na bulong ko sa kanang tenga niya. Pansin ko kung paano siya kilabutan sa ginawa ko. Bading talaga siya.

""Hindi mo pa 'to alam, Kasuri. Pero ang totoong dahilan ko talaga kung bakit ako nag tatrabaho dito ay dahil sa sakit ng lola ko."!

""Sakit?""

""Inabandona ako ng tunay kong mga magulang pero napulot ako ng isang matanda sa isang basurahan. Binitbit ako at tinuring na tunay niyang anak.""

""Napaka bait naman niya."" Napangiting tumango si Fernando.

""Tanggap niya rin na bading ako.""

Nakikinig lamang ako sa kanya, pumupula na ang mata niya isang palatandaan na malapit na siyang umiyak.

""Noong nag collage ako, biglang bumagsak si Lola habang nag ta-trabaho sa palengke. Nag seizure siya tapos napag-alamang may internal bleeding din siya.""

Doon ay hindi na niya nakayanan at napahagulgol na siya habang nag kukwento. Niyakap ko siya, umaasa na mapaparamdam ko ang concearn ko.

Nagpatuloy na siya sa pagkwento. Napaka pangit umiyak ni Fernando sa totoo lang talaga.

""Tapos... sa labas ng ospital habang umiiyak at nag iisip ako kung saang lupalop ako kukuha ng pera pampagamot sa lola ko ay may biglang lumapit sakin...""

""...Yun ay si mr. Robert. Napaka bait niya sakin, inalok niya ako kung gusto ko raw ba na magtrabaho bilang yaya. Ang kapalit ay siya ang magbabayad ng hospital fees ng lola ko.

""Sa totoo lang napaka bait ni mr. Robert. Napaka swerte mo Kasuri.""

""Anong napaka bait? Tignan mo nga ang itsura mo, sinuntok ka niya kanina!""

""Ito ang unang beses na pinag-buhatan niya ako ng kamay. Naiintindihan ko din kung bakit gano'n ang ugali niya. Dahil natuklasan niya ang asawa niya na may ibang lalake. Yun din marahil ang dahilan kung bakit hindi niya makontrol ang galit.""

""Sabagay.""

""Sana, intindihin mo ang daddy mo. Kahit na napaka busy niya sa trabaho. Palagi niyang tinatanong sa 'kin kung ayos ka lang ba o may kailangan ka.""

""Talaga?""

""Sa ganda kong ito, mag dududa kapang nag sisinungaling ako?""

Napaka galing niya talagang mag biro kahit busabos na ang mukha niya kakaiyak ay nagawa pa niyang mag biro. Dahil sa kanyang mga sinabi mas lalo akong naganahan na mapalapit kay daddy.

""Salamat, Fernando.""

""Hindi ako si Fernando! Samantha nga kasi ang name ko napaka kulit mo talaga, Kasuri.""

""Oo na,"" tumayo ako mula sa kama. 

""Sandali, sa'n ka nanaman ba pupunta?""

""Hu 'wag kang mag-alala. Gusto ko lang kausapin ang daddy ko ng masinsinan. Hindi kita ipapahamak.""

""Sinasabi ko sa 'yo, ha. Pag ako nalintikan, haha. Biro lang, mabuti kahit papaano nag uusap kayo ng masinsinan ng daddy mo.""

""Oo nga.""

""Down na down siya, simula ng malaman niyang nanlalaki ang asawa niya. Ngayon ka niya kailangan.""

""Oo na! O siya diyan ka muna, humiga ka lang diyan kase kanina kapa iyak ng iyak.""

Sambit ko bago lumabas sa aking kwarto. 

Nagtungo ako sa kwarto niya ngunit makailang katok ako ay wala paring sumsagot. Tinanong ko ang isa sa mga maid namin kung nasaan si daddy hindi niya sigurado ngunit baka raw nasa Wine Cellar.

Pumunta ako dito ngunit wala.

Sunod ko namang pinuntahan ay ang Billiard Room, napansin ko ang chess board do'n na nakita kong naka patong sa lamesa.

Sunod ko namang pinuntahan ay ang Sunny Room ngunit wala din siya.

Tumama ako sa panghuling kwarto na iniisip ko. Ang library room. Dito siya pumupunta kapag gusto niyang makapag isa, bakit hindi ko agad naisip nanandito siya.

Nagbabasa siya ng libro.

Nabaling ang tingin niya sakin, napaka putla ng mukha ni Daddy na animo'y pagod na pagod ito. 

""Kasuri, bakit ka nandito?""

""Gusto ko sanang makipag laro ng chess.""

""Pasensya na hu 'wag ngayon, makipag laro ka nalang kay Fernando.""

DMCA.com Protection Status