Share

Chapter 3

"Cai, 'yong project ko. I badly need it in 20 minutes!"

Dali-dali namang kumilos si Cailiegh para maibigay ito sa kaniyang kaklase.

"Ito na tapos ko na." Binigay niya agad ito sa napagawa sa kaniya.

Pagtanggap nito sa binigay niyang project. Binigyan naman siya ng pera para sa bayad nito.

"Thank you!" Ganito siya ka-busy kapag nasa paaralan niya. Gumagawa ng project ng iba para may allowance. She use her skill and knowledge para mairaos ang sarili. Mahirap man maging mag-isa sa buhay pero kailangan niya gumawa nang paraan para mairaos niya ang kaniyang sarili. Ayaw niyang iaasa lahat sa sweldo niya sa fast-food. May mga kailangan pa siyang bayaran na bills.

After niyang matapos maibigay sa mga kaklase ang mga assignment, project at iba pa ay inayos niya ang kaniyang sarili. Malapit na rin kasi ang next teacher na magtuturo sa kanila.

KAKAPASOK pa lang ni Sky sa classroom niya ay sinalubong siya ng mga kaibigan niya. Aside kina Lewis, Fred, Lyndon at Darby may mga kaibigan pa siya. Hindi naman gaano ka close kagaya nang samahan nilang lima. Sa kanilang lima siya lang ang hindi pa naka graduate. Ahead kasi sa kaniya ang apat. First year college pa lang siya at nasa second year naman ang apat kaya huli siya.

Hindi naman iyon hadlang sa pagkakaibigan nila. Umupo agad siya sa kaniyang upuan. Mahilis naman niyang kinuha ang cellphone at pumunta sa F******k. Nakita naman niya na may bago na ang ex-girlfriend. Agad naman niyang binalik sa home ang cellphone niya then he saw a message. Pinindot agad niya ito at nakita ang message ni Cailiegh ang naka-sagasa ng kotse niya.

"Sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo may trabaho pa ako." 'Yon ang laman ng message niya. Sky tsked bago binalik ang cellphone sa bulsa niya. Ipinikit na lang niya ang kaniyang mga mata. Pumasok naman sa isip niya ang dare ni Lewis sa kaniya.

"Saan kaya ako hahanap ng babae?" Ang nasa isip niya. Napa-ayos naman siya sa sarili dahil sa naisip. Isa rin ito sa problema niya.

As soon as possible ay dapat na na siyang makahanap before the month end. May isang buwan lang siya itong matapos kung hindi ay matatalo siya.

Nang mag-dismiss na sa klase si Cailiegh ay nagmamadali siyang lumabas. May three hours siyang free time bago ang next class. Kaya naisip niyang pumasok sa fast kung saan siya nagtatrabaho. Sayang naman kasi ang oras niya na wala siyang ginagawa.

Nagbihis agad siya ng uniporme sa kanilang trabaho. Nakasalubong naman niya ang kanilang manager - naka-suot nang isang white long sleeve at naka black pants. Hindi niya magawang hindi purihin ang kaguwapuhan ng manager niya.

"Pormang-porma natin, manager. May lakad?" tanong niya rito.

Napako naman ang tingin ni Kerielle sa kaniya. Ngumiti ito sa kaniya. Lumabas ang pantay na pantay nitong maputing ngipin. Mas lalo itong gumuwapo sa kaniyang paningin.

"Ikaw pala, Cai," sambit nito. "Wala naman akong lakad. Dito lang sa business ko."

Nag kumustahan muna sila bago sabay pumunta sa kani-kanilang trabaho. Humarap naman si Cai sa mga customer nila ngayon. Naging maayos naman ang kaniyang trabaho hanggang matapos.

Nalaman naman niyang may meeting na magaganap sa kanilang paaralan. Laking pasasalamat naman niya dahil hanggang 7 p.m pa siya makaka-uwi. Mabuti na lang at tinext siya ni Ashleigh - one of her classmate. Kaya sinabihan niya si Kerielle na seven na siya mag-out.

Sobrang inaantok si Sky habang kaharap ang kaniyang professor na nagtuturo sa kanila ngayon. Wala namang araw na hindi siya inaantok sa subject na ito. Boring na nga magsalita ito, hindi pa maayos magturo. Sino nga ba ang hindi aantukin. Gusto niya matapos ang klase para makapagbar siya. Matagal na rin kasi no'ng huli siyang makapasok ng bar. Gusto niya mag-enjoy sa sarili. Habang nag-di-discuss ang kanilang guro biglang may pumasok at pina-alam na may emergency meeting na magaganap. Ang kaniyang inaantok na itsura ay nagpalitan. Sa wakas ay makakalabas na siya.

Matapos umalis ng kanilang guro ay nagkaniya-kaniya naman silang alis.

Tinawag naman siya ng isa sa mga kaklase niya, "Basketball tayo sa court?"

Mahilis naman niyang hinindian ito dahil gusto niya mag bar at mag relax.

"Next na lang." Hindi na siya pinilit nito at iniwan siya. Siguro ay tumungo na ito sa basketball court.

Hindi na rin siya nag-aksaya ng oras. Pumunta na siya sa kotse niya para lumabas. Naramdam naman siya ng gutom kaya naisipan niyang kumain muna. Humanap si Sky nang malapit na makakainan. He's lucky naman at nakakita agad siya.

"Combinian's Cuisine," basa niya sa pangalan ng establishment. Mukhang maganda naman ang building dahil sa labas pa lang ay naka organized na lahat. Halata ring maraming customer dahil marami itong tao sa loob. Hindi na siya nagdalawang isip na pumasok sa loob.

Mas lalo pa siyang namangha sa pagpasok niya. Sobra nitong relaxing. Ang ambiance nito ay nakapagaan ng loob. Humanap agad siya nang ma-uupuan. Tiningnan agad niya ang menu. Hindi naman gaano ka-mahal ang presyo. Sky already give his order to the staff.

Nilibot niya ang kaniyang paningin sa loob. Hanggang sa nahinto ang kaniyang tingin sa isang pamilyar na tao. Tumatawa ito habang kaharap ang isang lalaki. Tinitigan niya ito nang maayos kung kilala na ba niya. He's not mistaken. Kilala niya ito. The girl who bumped to his car. "So dito siya nagtatrabaho?" He said.

Medyo naiinis siya sa kaniyang nakikita. Kaya mabilis siyang tumayo sa kaniyang inupuan at pumunta sa gawi nila. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis at nagrereact ng ganito. Napagtanto na lang niya na nasa harap na siya ng dalawa.

"So you're here."

MASAYANG nag-uusap si Kerielle at Cailiegh. Wala naman itong kaso sa iba dahil hindi lang naman kay Cailiegh ganito si Kerielle. Sadyang si Cailiegh lang ang may time na naka-usap ang manager nila. Hindi na iba kay Kerielle ang mga employees niya. Tinuring na niya itong kaibigan or pamilya. Dahil kung wala sila ay hindi maging successful ang business niya.

"Manager naman." Tumatawang sabi ni Cailiegh sa kaharap. Ang corny kasi ng jokes. Hindi niya mapigilang hindi matawa sa pinaggagawa sa kaniyang manager.

"So you're here?" Nagulat na lamang siya dahil nasa harap niya ang lalaking may-ari ng kotse.

"You know him, Cai?" tanong naman ni Kerielle kay Cailiegh. Sumama naman ang ayos ng mukha ni Sky sa turan ni Kerielle.

"Manager, ano kasi," hindi makapagsalita nang maayos si Cailiegh. Hindi niya alam paano simulan ang lahat.

Bago pa siya makapagsalita muli ay inilayo na siya ni Sky at inilabas. Walang paki-alam si Sky kung ano ang isipin ng ibang tao sa loob.

Gulat na gulat naman si Cailiegh sa ginawa ni Sky sa kaniya. Huminto na lang sila nang nasa harap ng kotse na sila.

"Ano ba! May trabaho pa ako!" Agaw ni Cailiegh sa kamay niya hawak ni Sky hanggang ngayon. Mas lalo pa itong hinigpitan ni Sky sa pagkakahawak.

"Starting this day. You'll work for me to pay your debt." Nagulat naman si Cailiegh sa sinabi ni Sky.

"No way!" Mabilis siyang komuntra dahil hindi niya pwedeng iwan ang trabaho niya.

"That's final. Let's talk the contract about to your and the payment." Hindi na naka-react si Cailiegh.

Mukhang mababago na ang takbo ng buhay niya.

A/n: Grammatical error and typos ahead.

Vote, comment and be fan!

- KievanCastro101

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang sungit sungit mo sky hindi porket broken hearted ka ei
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
sungit mo sky
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status