Share

Chapter 4

NANG MAKAPASOK si Cai sa bahay na kaniyang inuupahan ay humiga siya. Hindi pa rin maproseso sa kaniyang utak ang nangyari sa kaniyang pinagtatrabahuhan.

"That's final. Let's talk the contract about your work and the payment." Hindi agad siya naka-galaw o makapagsalita man dahil sa gulat.

"How dare you to do that to my employee?" sabat naman ni Kerielle sa kaharap na binata.

Maski siya ay nagulat sa pagsulpot nito at ginulo ang masaya nilang usapan ni Cai. Hindi niya kilala ang lalaking ito kaya hindi niya hayaang ganunin na lang si Cailiegh sa harap niya. As the manager of this fast-food. Responsibility niya na gawing ligtas ang employees niya.

"Huwag kang sumabat sa amin ok?" saad naman ni Sky.

"Ikaw nga itong unang sumabat!"

Bigla namang nataranta si Cailiegh sa hahanap na sagutan ng dalawang guwapong nilalang sa harap niya. Tinitigan na rin sila ng ibang customer.

"Ano ba kayo! Nakakahiya," bulong ni Cailiegh sa dalawa.

"Let's go!" Sabay kuha ni Sky sa kamay ni Cailiegh.

"Hindi siya sasama sa iyo." Agaw naman ni Kerielle sa kamay ni Cailiegh na hawak ni Sky pero mas lalong hinigpitan ni Sky ang pagkakahawak dito.

The tension of both man is so serious. Parehong ayaw magpatalo sa isa't-isa kung kanino sasama si Cai.

"Ako ang nauna kaya sa akin siya sasama," sambit ni Sky na pilit kinukuha ang kamay ni Cailiegh sa pagkakahawak ni Kerielle.

"I'm her boss. Hindi siya sasama sa 'yo at nagtatrabaho," angal naman na saad ni Kerielle.

Naguguluhan na si Cailiegh kung ano ang nangyari sa dalawa. Kalaunan ay kay Sky siya sumama dahil ayaw niyang sabihin kay Kerielle na may babayaran siya kay Sky. Alam naman ni Cailiegh na tutulungan na naman siya nito kaya minabuting inilihim na lang niya ito.

Dumating na sila sa bahay ni Sky. Malapit lang pala ito sa dadalhan niya sana ng order. Hindi mapigilan ni Cailiegh na mamangha sa ganda ng bahay.

Pumasok sa loob si Sky kasama si Cailiegh. Nag-usap agad sila at ang contract.

Cailiegh don't know bakit hindi siya pumalag at sumama na lang kay Sky. Bumangon agad siya sa kama niya at pumunta sa kusina. Hindi siya maka tulog dahil sa pag-iisip.

NAGISING si Cailiegh pasado seven o'clock in the morning. Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang mga mata. Biglang tumunog ang cellphone niya sa ulunan niya.

Mabilis niya itong kinuha. Nang makita niya kung sino ang tumawag. Nanlaki bigla ang kaniyang mga mata.

Sinagot niya agad ito, "Hello."

Mukhang naiinis naman si Sky sa kabilang linya, "Bakit ngayon mo lang sinagot. I called you how many times."

Dahil sa 'yo kaya hindi agad ako nakatulog kagabi. Kaya late ako nagising.

"On the way na ako," sagot ni Cailiegh at nagmamadaling kumilos.

"Faster!"

Wala nang sinayang na oras si Cailiegh. Mabilis siyang pumasok sa banyo at naligo.

Thirty minutes passed bago narating ni Cailiegh ang village. Namangha pa rin siya sa ganda nito lalo na ang mga bahay. Lahat pareho ang design at ang landscape nito sa mga halaman.

Talagang pang mayaman ang mga pwedeng titira sa village na ito.

Hindi na agad siya kumatok ng makarating na siya sa bahay ni Sky. Pagbukas niya ng pinto, napasigaw siya sa gulat.

"Ahhhhhhh!"

"Fuck!"

ABALA si Sky sa pag inom ng kape. Katatapos lang niyang maligo. Tanging suot lamang niya ay tuwalya.

Hinihintay niya si Cailiegh. Si Cailiegh pa lang ang unang babaeng nadala niya sa bahay na ito.

"Ahhhhhhh!"

"Fuck!" Naibuga niya ang nainom niyang kape.

"Hindi ka ba marunong kumatok, babae?" inis na sabi ni Sky.

"I'm sorry," mabilis naman na sagot ni Cailiegh.

Lumapit naman agad si Sky sa gawi ni Cailiegh na napatakip ang isang kamay sa kaniyang mga mata.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaki na nakahubad?" tanong niya sa dalaga.

"N-naku, h-hindi ahh," utal na sagot ni Cailiegh sa kaharap.

Hindi na bago kay Cailiegh ang makakita ng lalaking nakahubad. May kuya naman siya sa probinsya nila. Minsan din kapag nasa fast-food siya ay madalas na naghuhubad ang mga kasamahan niyang lalaki.

Pero iba ang naramdaman niya no'ng makita ang katawan ni Sky.

Lalo na ang magandang porma ng katawan nito. Mula sa anim na naka-ukit nitong abs, sa matipuno nitong dibdib.

"Talaga? Then why you put your hand on your eyes?" Sky whispered.

"N-nagulat lamang ako," sagot naman ni Cailiegh.

"Put your hand down! Bakit hindi ka tumingin sa akin?

Lalong diniinan ni Cailiegh ang pagka lagay ng kamay niya sa kaniyang mga mata.

"No, magbihis ka muna. Kahit anong sabihin mo. Hindi ko ibaba ang kamay ko," angal naman ni Cailiegh.

Nang medyo tumahimik ang paligid. Inakala na ni Cailiegh na nagbihis na si Sky kaya dahan-dahan na niyang tinanggal ang kamay niya sa kaniyang mukha.

Tumambad sa kaniya ang mukha ni Sky na malapit sa kaniya. Sobrang lapit nito at anytime maghahalikan na sila kapag gagalaw siya.

Mas lalo pang lumapit ang mukha ni Sky sa kaniyang mukha. Ilang dangkal na lang ang layo. Kaya tanging pagpikit na lang ang nagawa ni Cailiegh.

Hinihintay niya ang paglapat ng labi ni Sky, pero nakaraan ang ilang segundo. Hindi niya ito naramdaman.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang mga mata. Naka-ngisi si Sky at malayo na ito sa kaniya.

Para namang naubos na kandila ang naramdaman ni Cailiegh dahil sa pagkahiya.

Marahang kinagat ni Cailiegh ang ibabang labi niya dahil sa sobrang hiya.

Lupa lamunin mo na ako sa sobrang assuming ko.

Iniwan na lang siya ni Sky at tanging pagsarado na lang ng pinto ang tumunog sa sobrang katahimikan na namayani sa buong kuwarto.

Isang ngiti naman ang namayani sa mga labi ni Sky ng siya ay makapasok sa kaniyang kuwarto.

"This is so easy."

Kumuha na agad siya ng damit na susuotin dahil kailangan pa niyang pumasok sa trabaho. Whilst he studying, nagtatrabaho na siya sa company ni Lewis.

NANG iniwan na siya ni Sky. Nag-umpisa na siyang maglinis sa bahay. Napasimangot na lamang siya dahil sa sobrang kalat ng bahay.

May mga bote na nagkalat kung saan-saan. Puno ang basurahan ng tissue. Nagkalat sa sahig ang mga food wrapper at iba pa.

Inumpisahan na ni Cailiegh ang paglilinis para madali na siyang matapos. Papasok pa rin siya sa trabaho niya sa fast-food.

Pinulot na niya ang mga nagkalat na wrapper at bote. Nilagay niya ito sa maayos na lalagayan. Ang basurahan naman ay inayos niya.

Tatlong minuto ang lumipas hindi pa rin tapos si Cailiegh sa paglilinis. Marami-rami na rin ang na linis niya. Kasalukuyan na siyang nasa cr naglilinis.

Pinulot agad niya ang basang damit na iniwan lang ni Sky sa sahig ng banyo. Kasama na ang black boxer brief nito.

"Hindi ba siya marunong maglipit!" bulong ni Cailiegh sa sarili. Nilagay na niya ito sa basket para malabhan na niya.

Mahigit isang oras bago nalinis ni Cailiegh ang lahat sa loob ng bahay. Nakaramdam siya ng pagod. Umupo siya sa kama at pinikit ang kaniyang mga mata.

MASAYANG lumabas ng office si Sky. Natutuwa siya dahil mukhang nakakita na ang matalik niyang kaibigan ng babaeng katapat sa kaniya.

Dahil dito, naisipan niyang bumalik sa bahay niya para tingnan kung ano ginagawa ng iniwan niya rito.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya habang siya ay nagmamaneho ng kotse niya habang siya ay papauwi.

Kakaibang excitement ang naramdaman niya ngayon. Hindi niya alam kung bakit gano'n na lang ang ka excite niya sa mga oras na ito.

Hindi naman matagal ay dumating na siya. He step out to his car and get inside to his house.

Nagtataka siya kong bakit ang tahimik ng bahay. Wala siyang Cailiegh na nakikitang naglilinis. Pero nagulat siya sa nakita niya no'ng siya ay makapasok sa sala. Ang linis na nito. Organized ang mga bagay na naka display.

A sudden smile mark to his face. Agad naman niya itong binawi nang mapansin niya.

Nilibot niya ang paningin niya kung nasaan si Cailiegh. Pero wala siyang bakas na nakita.

Agad niyang napansin na may parang gumalaw sa sofa. Nilapitan niya ito and he shocked.

Cailiegh is sleeping. Nilapitan niya ito ng malapit. A strange feeling he feel in his heart. Para itong may kabayong nagkakarera.

He looked Cailiegh's face. Mula sa bilugang mukha nito na bumagay sa kaniya. Ang pilik-mata nitong mataas. Mapulang labi at pinkish nitong pisngi.

Parang nanunuyo ang lalamunan niya habang tinitingnan ang mukha ni Cailiegh habang natutulog.

Napabalik siya sa kaniyang sarili no'ng muling gumalaw si Cailiegh.

Dahan-dahan niya itong binuhat at dinala sa kama niya sa kaniyang kuwarto para comfortable ito sa paghiga.

Nahihirapan kasi itong humiga.

Nilapag na niya ito sa kaniyang kuwarto. Pagkatapos ay lumabas na siya.

NAALIPUNGATAN si Cailiegh habang siya ay natutulog. Nagtataka siya kung bakit ang tigas ng unan niya at ang bango. Sinimot-simot niya ito.

Ang masculine ng amoy. Lalaking-laking lalaki.

Ang nasa isip niya ay nasa sofa lamang siya nagpahinga at umidlip ng konti.

Napabalikwas siya ng bangon nang maalala niya ang kaniyang ginagawa.

Pero mas nagulat siya sa kaniyang nakita.

Itutuloy.....

Ano kaya nakita ni Cailiegh kaya siya nagulat? Any idea?

A/n: Sorry for the long waiting. Medyo tinamad ako sa pagsusulat. Busy rin sa study ko. Grammatical errors and typos ahead.

Vote, comment and be fan!

- Kievan Castro

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
syempre katabi nyang natutulog si sky at nakaunan sya sa braso nito
goodnovel comment avatar
Bernadeth C Cubangbang
maganda kaso hndi ma unlock
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status