Share

Chapter 4

Reen

“Kumusta ang unang gabi? Na-enjoy mo ba?” bungad na tanong ni Lillier sa akin habang naglalakad palabas ng bar na aming pinanggalingan.

Tumingin muna ako sa kanya bago ko ito sinagot.

“Okay naman. Okay lang pala ro’n. Buong akala ko kasi ay may pahawak-hawak na magaganap, eh! Saka akala ko rin babastusin tayo ro’n. Bar kasi, ‘di ba? ‘Yon ang unang impresyon ko.”

Tumango-tango lamang siya sa ‘kin.

“Alam mo, medyo nahirapan lang ako sa . . .” Huminto sa paglalakad, pagkaraa’y napakamot ako sa aking ulo. 

“Sa—”

“Sa?” putol ni Liller sa aking sinasabi.

“Sa— kung . . . pa’ no ba?” hindi ko masabi ang gusto kong isambit dahil iniisip ko na baka hindi ako nito maintindihan.

“Kaya mo ‘yan!” giit niya sa ‘kin.

“Kasi— hindi ko alam kung . . . kung paano sasagot sa mga parokyanong kasama natin kanina sa KTG. Ay mali!! KTT pala—”

“What the hell?” Napaigtad ako mula sa ‘king kinatatayuan nang makita itong nagulat. “Bi, ang bastos naman ng bunganga mo!”

Napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi nito.

“Ha?” kunot noo kong sambit. “Paanong— anong bastos sa sinabi ko? Eh, ‘di ba nasa KTT naman talaga tayo kanina?”

“KTV, bi! Ano ka ba naman . . .”

Bigla akong natigilan.

“KTV . . .” Tumawa ako nang mapagtanto ang sinabi ko kanina. “Pasensya na,” usal ko habang kakamot-kamot sa ‘king ulo. “Bubu po ako, bi!” dagdag ko pa.

Tumingin siya sa akin.

“It’s okay. Tandaan mo lang ‘yan okay na! Kasi alam mo? May mga t*ti lang talaga ‘yung mga customer pero KTV talaga ‘yon—” 

“Ssshhh . . . ano ka ba naman? May makarinig sa ‘yo, mamaya sabihin pa nila, kung mag-usap tayo ay para bang wala na tayong V-card!”

“Anong V-card?” tanong niya sa ‘kin.

“Ano ba ‘yan. Sa bar ka nagtatrabaho hindi mo ‘yon alam?”

“Ano ba kasi?” muli niyang tanong.

“Virginity po, Inday!” tugon ko.

Sandali siyang natahimik.

“Uh, edi— isipin nila! Wala akong paki!” sabay tawa nito.

Bahagya akong yumuko habang nangingiti nang makita ang masaya niyang mukha.

“Okay ka rin talaga, ‘no?” anito habang inaayos ang bag na nakasukbit sa kaliwang balikat nito. “Pero dahil kailangan natin umuwi, tara na! Gusto ko nang makapagpahinga,” anyaya nito sa akin.

Tumango ako sa kanya bilang pagtugon sa sinabi niya. Tatawid na sana kaming dalawa upang sumakay ng jeep sa kabilang kalsada, nang bigla kaming sabay na matigilan dahil sa isang magarang kotse na mabilis pa sa kabayo ang takbo.

“Hoy!” turo ko sa humaharurot na kotse.

“F*ck!” salita naman ng kasama kong si Liller.

“G*go ka, ah!” sigaw ko sa sasakyan na muntik nang bumangga sa amin. “Bumalik ka rito! T*ng ama mo, mayabang kang lintek ka!” duro ko roon habang papalayo mula sa aming kinatatayuan.

“Grabe talaga rito sa Manila,” muling sambit ni Liller. “Bakit ba may mga gano’ng tao? Mga kulang sa pansin!” dagdag pa nito.

Tumingin ako sa kanya habang hinahawi ang buhok kong nagulo dahil sa pag-iwas sa walang modong driver ng sasakyan na aming inilagan.

“Okay lang ako, ikaw? Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang mabigat niyang paghinga.

“Okay lang naman. Kaya lang ‘yung puso ko parang nalaglag sa puson ko,” sabi nito habang hinihimas-himas ang kanyang braso.

Umayos ako nang tayo sa harap niya.

“Maniniwala na sana ako, eh! Kaso . . . kailan pa napunta ang puso sa braso, Tih?” patudyo kong sabi rito.

Napailing ako nang tumingin siya sa isa nitong kamay, habang nasa kanyang braso.

“Ahay—“

“Ano bang nangyayari sa earth?” aniko.

Nawala ang ngiti nito sa kanyang mukha.

“Alam mo, tara na. Kasi gusto ko na talaga makahiga,” muling anyaya nito sa akin.

Tumango ako sa kanya. Siguro nga’y napagod ito. Maaga kasi siyang nagising kanina.

AGAD na dumiretso sa banyo si Liller nang makarating kami sa ‘ming tinutuluyan na bahay. Binaba ko ang bitbit kong bag nang makapasok sa ‘king kwarto, saka ako nagpalit ng short at sando na kulay maroon. 

Humarap ako sa salamin nang makapagbihis, at maisuot ang aking pangyapak. Pagkaraa’y hinawakan ko ang aking mukha na halos hindi ko na makilala dahil sa kapal ng kolorete na nakalagay rito.

“Ayoko man itong gawin, pero para sa ‘yo, Nay. Magtitiis ako. Kakayanin ko ang lahat. Para sa pamilya natin— para kay Papa,” bulong ko sa ‘king sarili.

Huminga ako nang malalim. 

Ganito ako kapag mag-isa. Ang akala ng mga nakakakita at nakakakilala sa akin, ay hindi ako nakakaranas ng problema— masayahin kasi akong tao. Hanggang maari ay ayokong nalalaman nila na hindi ako okay. Ayokong nakikita nila na mayroon akong tinatagong lungkot at pasakit mula sa ‘king dibdib. 

Gusto ko, ay okay lang ang lahat.

Mahirap mabuhay mag-isa. Mahirap lumaking walang gabay ng magulang dahil sa kahirapan ng aming buhay. Pero dahil hindi nga ako lumaking mariwasa, kailangan kong kumayod. Kailangan kong tulungan ang sarili ko upang kumita ng pera. Kailangan ko makaipon. Kailangan, para kay Papa— iyon ang unang dahilan kung bakit ko piniling lumayo mula kina Inay. 

Gusto kong pa-imbestigahan ang nangyari sa ‘king ama. Gusto kong malaman ang tunay na nangyari. Lalo, nang marinig ko mula sa ‘king pinsan na si Zairel na sinadyang patayin si Papa habang nasa trabaho ito. 

Alam ko na hindi siya nagsisinungaling. Alam ko kung kailan ito nagsasabi ng totoo— kapag galit ang pinsan ko sa akin, alam kong totoo lahat ng lumalabas mula sa kanyang bibig. 

Gusto kong matahimik mula sa gumugulo sa ‘king isipan. Kaya nais kong alamin ang totoo. At hindi ako titigil hanggang hindi nagkakaroon ng kasagutan kung anong tunay na nangyari kay Papa.

“Hey, Reen!” 

Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang tinig ni Liller. Nang mahagip ito ng aking paningin mula sa salamin na nasa aking harapan, ay agad ko itong nilingon.

“Anong nangyari sa ‘yo? Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo?” tanong niya habang nakatayo sa gilid ng pinto ng aking kwarto.

Gumalaw ako, tila natauhan mula sa taos na pag-iisip.

“Uhm, w-wala. H-hinihintay lang kita matapos sa banyo gagamit din sana ako,” litanya ko.

“Ah, katatapos ko lang. Pasensya na, init na init kasi ako kanina pa kaya nag half-bath ako. Saka pasensya na rin kung hindi na ‘ko kumatok, bukas kasi ‘tong pinto mo.”

“Uh, may kailangan ka ba?” seryoso ang aking tono.

Umisang iling siya sa akin.

“Wala naman. Itatanong ko lang kasi sana kung gusto mo ba kumain muna bago matulog? May stock kasi na tocino sa ref. Magluluto ako. Gusto mo sumabay?” 

Napaawang ang mga labi ko. Ewan ko ba, pero parang lumilipad pa rin ang isip ko. Tila wala ako sa sarili, buhat nang maalala ko si Papa.

“Huy!” usal sa ‘kin ni Liller.

Napakurap-kurap ako nang tumingin sa kanya.

“Uhm, pasensya na,” sambit ko. “S-sige. Mamaya na lang siguro ako maghihilamos at magtu-toothbrush.”

Naningkit ang kanyang mga mata sa akin.

“Okay ka lang ba?” muli niyang tanong sa akin.

Dalawang beses akong tumango.

“O-ou, ayusin ko lang ‘tong mga gamit ko. Susunod na rin ako,” saad ko. 

“Sige, magluluto lang ako.”

Tumalikod ako matapos ni Liller lumabas. Muli kong tiningnan ang aking sarili sa salamin. 

“Hindi man tayo sinuwerte sa buhay, Pa. Malaman ko man lang ang tunay na nangyari sa ‘yo, ayos na ‘ko.” 

Bahagya akong yumuko, pagkatapos ay inayos ko ang aking sarili saka ko inihakbang ang aking mga paa palabas mula sa ‘king kwarto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status