Chapter 9

Reen

TAHIMIK lamang ako at nakikiramdam habang nasa byahe kami ng mokong na nagpakilala sa 'king Asher.

Ewan ko ba kung bakit ako nagtiwala rito, basta ang alam ko lang ay pagod na ‘ko at nanghihina. 

Hanggang ngayon kasi ay para pa rin akong ninerbyusin dahil sa mga nangyari kanina. Bukod doon, ay naiilang pa ako. Paano ba naman kasi, kahit pagbali-baligtarin ko ang katawan ko rito sa sasakyan, hindi ko maipagkakaila ang sobrang pinagpalang gwapong lalaki na katabi ko. 

Kaya keri lang kung rapist ‘to. Charot!

Lumunok ako at pasimpleng tumingin dito. Sige lang ito sa pagmamaneho kahit hindi ko naman ibinibigay ang address ko sa kanya. 

Monggoloyd talaga. Saan kaya ako nito dadalhin? Feeling yata nito googul map siya! 

"Baka matunaw ako, ah. Hinay-hinay lang sa pagtitig.”

Taranta kong naibalik ang tingin ko sa ‘king harapan. Gulat na gulat ako nang bigla niya ‘kong sitahin.

B'wisit talaga 'tong lalaki na 'to! Pa'no niya nalamang tinitingnan ko siya? May samaligno ba 'to? Gwapong maligno . . .

Sandali kong ipinilig ang aking ulo upang mahinto sa mga naiisip ko. Pagkaraa'y, napakagat ako sa 'king ibabang labi dahil sa mga pinaggagawa ko! 

Syete ka talaga, Maureen!

Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha kahit hindi ko ito nakikita. Pa’no ba naman, hanggang sa ‘king tainga ay ramdam ko na nag-iinit ito. Lalo pa ‘yong lumala nang marinig ko ang mahinang pagtawa ng mokong na nasa tabi ko! 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Para bang gusto ko na lang magpakain sa lupa. 

Letse talaga!

Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtataka man ay agad ko itong kinuha mula sa 'king bag dahil sa isipin na baka si Liller ito. 

May nangyari kaya?

Nangunot ang noo ko nang makita kong hindi pangalan ng aking kaibigan ang rumehistro sa screen ng phone ko. Number lang kasi ito at hindi ko alam kung sino. 

Sino ka . . .

Para mabawasan ang aking pagtataka ay tumungo ako sa inbox para i-check kung mayroon ba ritong text, o nag-text ba muna ang may-ari ng numerong ito bago tumawag sa ‘kin. Baka kasi nagbago lang ng numero si Liller, o ‘di kaya si Kuya. Sila lang naman ang madalas na kumu-contact sa ‘kin.

Lumunok ako nang wala akong nakitang mensahe rito. Sino kaya ‘to? Mokong number 2?

Sa pagtataka'y naisipan kong sagutin ang tawag, kanina pa ito ring nang ring, pero nag-aalinlangan talaga ako dahil baka kung sino lamang ito. 

Pipindutin ko na sana ang phone ko. Pero bigla naman natapos ang pag-ring nito.

Umirap ako sa hangin nang mabigo sa 'king nais. Pagkatapos ay aksidente akong napatingin sa katabi kong lalaki, na walang kasing dilim ang mukha.

Anong nangyari sa monggoloyd na 'to?

Muli, ay bigla na lamang akong binalot nang pagtataka. Bukod kasi sa mukha siyang badtrip, kapansin-pansin din na tila bigla na lang nagbago ang ekspresyon nang mukha nito.

Kanina lang, panay ang ngiti nito. Tumatawa-tawa mag-isa. Samantalang ngayon, kulang na lang ay mag-apoy ito dahil sa pamumula nang mukha niya. 

Teka, galit ba 'tong monggoloyd na 'to? Pero— bakit naman siya magagalit? Wala namang gumagalaw sa kanya, hindi na nga ako pumapatol sa pang-aasat niya! May tama yata talaga ito sa utak. Daig pa niya ang mga babae sa bilis magbago ng mood! 

“Pasalamat ka talaga, g'wapo ka,” bulong ‘ko sa aking sarili.

“Sino ‘yon?”

Agad akong napatingin sa kanya nang sabihin niya 'yon. Ilang segundo ang pinalipas ko bago ko siya sinagot.

“Ha?” hindi ko alam kung paano at ano ang itutugon ko sa kanya.

Napalunok ako nang tapunan niya ‘ko nang tingin.

“Sabi ko sino ‘yang katawagan mo.”

Sandaling nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ang malamig nitong tono.

“Katawagan?” nagtataka man ay tinanong ko pa rin siya.

Siraulo ba talaga ‘tong lalaki na ‘to? Nakita niya naman siguro na hindi ko nga nasagot ‘yung tawag na 'yon, pagkatapos ay pagbibintangan pa ako nitong may katawagan?

Pero— teka! Eh, ano naman kung isipin niya ang bagay na ‘yon laban sa akin? Hindi ko naman siya jowa para matakot at magdipensa nang ganito sa kanya! 

“Baba."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nitong ihinto ang sasakyan niya sa tapat ng hindi ko mawari kung hotel ba o isang mall? Maganda kasi ito at malaki. 

“S-siraulo ka ba?” Pinaikot ko ang aking mga mata sa labas ng bintana ng sasakyan nito, upang tingnan ang lugar na pinagtigilan namin. Maya-maya ay ibinalik ko sa kanya ang aking tingin.

“Seryoso ka ba, ha?" nakaramdam ako nang takot nang makitang walang ekspresyon ang mukha niya.

"Pinilit mo ‘kong pasakayin dito kanina, pagkatapos ay pabababain mo lang ako sa lugar na hindi ko naman alam at kabisado—”

“I said, baba,” mariin niyang ulit sa kanyang sinabi kanina.

Hindi ko alam, pero bigla na lang may gumuhit na sakit mula sa aking dibdib dahil sa sinabi niya.

Napatulala ako sa kanya. Pagkaraa'y lumunok ako, bago kinagat ang aking ibabang labi upang pigilan ang emosyon na ano mang oras ay kakawala na. 

Ano bang kasalanan ko sa mga lalaki?Bakit ang lulupit nila sa akin? Parang gusto ko na lang tuloy maging isang hotdog! Tamang palamig lang sa refrigeratress ganorn!

Hinawakan ko ang bag na dala ko, bago inayos ang aking sarili. Huminga ako nang malalim, pagkatapos ay maayos na humarap sa kanya.

“Sa susunod na makikita mo ‘ko, ‘wag na ‘wag ka nang magmamagaling na kunwari ay tutulungan mo ‘ko pero hindi naman pala—” Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla itong bumama mula sa sasakyan niya. 

Nagmamadali itong umikot patungo sa ‘kin. Takang-taka ako habang sinusundan ko siya nang tingin. 

Ang tindi talaga nito! Mukhang pagbubuksan niya pa ‘ko para lang palayasin at iwan na lang sa lugar na ito na parang isang pusa na gusto niyang iligaw!

“Baba na,” muli niyang mando sa akin .

Tama nga ako. Nag-effort pa talaga ito para palabasin ako sa sasakyan niyang kung sinu-suno na yatang chix na nakasakay! 

Nagdabog ako habang pababa sa kotse niya. Kung hindi lang maganda at mukhang mamahalin ang sasakyan na 'to ay sisindihan ko talaga ng apoy para sumilab na, eh! 

Kaimbyerna!

Mabilis akong tumalikod nang makababa sa sasakyan niya. Bago 'yon ay inirapan ko muna siya. Maglalakad na sana ako, pero natigilan ako nang hawakan ako nito sa ‘king isang kamay. 

Agad akong napalingon sa kanya.

“Saan ka pupunta?” salubong ang makapal nitong mukha— este, makakapal niyang kilay nang magtanong sa akin.

“Saan pa ba? Edi uuwi!" singhal ko. "Aba’y s’yempre, tao lang ako, 'no! Hindi mo ba nakikita? Galing pa ‘kong trabaho. Bukod sa pagod na ‘ko, ay nakainom pa ako. Kaya, p’wede ba? ‘Wag kang epal d’yan. Kailangan ko na umuwi para makapagpahinga—”

Napasinghap ako nang bigla niya akong hilahin at isandal sa sasakyan niya!

Syete!

Nanlaki ang aking mga mata nang tingnan ako nito nang pailalim. Seryoso at parang nang-aakit.

Ano ba naman 'to . . .

Oo, inaamin ko. Nababahala ako. Lalo, nang ikulong niya ako sa kanyang mga bisig.

“A-ano na naman ba ‘to, A-Asher—” 

Natahimik ako nang ilagay niya ang kanyang hintuturo sa ‘king mga labi, siguro ay dahil nais niya na patahimikin ako.

“Isang salita pa, parurusahan kita sa paraang matutuwa ka."

Ow, shit! 

Hindi ko alam kung ano ang una kong iintindihin sa mga ipinapakita niya sa akin— ang kanya bang mga sinasabi? O ang pagtama nang mabango nitong hininga sa ‘king mukha, na nagiging dahilan nang pagtaas ng mga balahibo ko sa ‘king braso at batok! 

Ito na naman ako! Ano bang klaseng nilalang kasi ang lalaking 'to . . .

Hindi ko man alam o maintindihan kung ano ang sinasabi nitong parusa na kanyang gagawin sa akin kapag nagsalita ako, sinunod ko na lamang siya. ‘Pagkat natatakot ako na baka anong gawin nito sa akin.

Muli, ay natigilan ako nang unti-unti siyang lumayo sa akin. Napaigtad ako nang mabini niya ‘kong hilahin muli sa ‘king isang kamay at ipasok sa isang magarang building. 

Saan niya 'ko dadalhin? Taga rito ba siya? Kaya niya pala ako pinabababa kanina ay dahil dito. Paksyet! Ang ganda-ganda na nang drama ko kanina, eh!

'Yan! Judgementally ka kasi, Maureen! Pa-emote-emote ka pa kanina, buset ka!

Hindi ko alam kung anong klaseng lugar ang tinatapakan naming dalawa, pero malakas ang kutob ko na ang mga narito ay condominium? 

Hindi ko shore! 

Panay ang pagdagundong nang dibdib ko hanggang sa makasakay kami ng elevator. Hindi ako makaimik dahil baka halikan na naman ako ng mokong na ‘to! 

Ang letseng ‘to. Kumukota na ‘to sa ‘kin, huh! Masyado na siyang nag e-enjoy sa paggamit sa kahinaan ko! Pero— sige, go lang! Kering-keri. 

Rawr!

Sumunod lang ako sa kanya habang hawak nito ang isa kong kamay. Wala na ‘kong pakialam sa kung anong maging itsura ko, basta ang alam ko lang, ay para kaming mga teenager na mayroong hindi pagkakaintindihan dahil sa simpleng problema lang! 

“Sa’n mo ba ‘ko dadalhin—”

“I warning you,” pagbabanta niya nang humarap ito sa akin.

Wala na ‘kong nagawa pa, kundi mapalunok na lamang dahil sa sinabi niya. Oo nga pala. Bawal ako magsalita.

H*yop na ‘to, eh. Kanina pa niya ‘ko minamanduhan! Itulak ko kaya ‘to rito sa building? Kaso— sayang siya. Mabango pa naman at g’wapo. Magtitiis na nga lang ako! 

Natahimik ako lalo nang hilahin niya ako papasok sa binuksan niyang pinto. 

Dahan-dahan akong humakbang, matapos niyang bitawan ang kamay ko. Hindi ko alam ang marararamdam ko sa mga oras na ito, dahil sa mga bumungad sa akin.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, siguro'y dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita nang ganitong kaganda, karangya, at kabangong lugar. 

Nakamamangha. At the same time, ay  nakakainggit.

“S-sa ‘yo ‘to?” Lumunok ako matapos iyon lumabas mula sa ‘king bibig. 

Hindi ako tumingin sa kanya. Kahit nahahagip siya ng aking paningin ay hindi ko ito tinapunan kahit nang konting tingin, dahil tila napako sa kung saan ang aking mga mata at atensyon.

Hindi ako makapaniwala. Ganito talaga siya kayaman? 

Muli akong napalunok nang bigla kong maalala ang buhay na meron ako. Buhay na kapag nalaman niya— siguradong magsisisi siya na nakilala at dinala niya pa ako rito.

“Okay ka lang ba—”

“Bakit mo ‘ko sinama rito?” mabilis kong untag sa kanya.

Hindi siya agad nakapagsalita. Marahil, ay nagulat ito sa agarang pagbabago ng aking ekspresyon at tono. 

Tipid akong ngumiti, saka seryosong tumingin sa kanya.

“Alam mo ba kung sino ako? Alam mo ba, kung anong buhay ang meron ako, huh?” malamig ang aking tono. Pero hindi iyon naging dahilan para siya'y magseryoso. Dahil imbes na sagutin niya ako, ay tinawanan niya lang ako.

“Hindi ako nakikipag lokohan sa ‘yo,” mariin kong sabi sa kanya. 

Umayos ako nang tayo nang mapansin kong unti-unting nawala ang mga ngiti niya sa kanyang labi. 

“Walang dahilan. Gusto ko lang tumulong. ‘Wag kang mag-alala, wala akong gagawing masama sa ‘yo," sandali siyang huminto sa pagsasalita, pagkaraa'y nagpatuloy rin. 

"And yes, I know you. I know who and what you are." Umalis siya sa ‘king harapan matapos sambitin ang mga bagay na iyon.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sinabi at ginagawa niya. Siguro nga, ay natapakan lang nito ang kaakuhan ko. Pero masisisi niya ba ‘ko?

Kahit saang anggulo niya tingnan. Pagbali-baligtarin man niya ang mundo— hindi niya mababago ang katotohanang langit siya, at lupa lang ako. Kaya kahit makipagkaibigan sa akin, ay hindi niya dapat ginagawa o gawin. Dahil kailanman, hindi maaring magkasundo at magsama ang tubig at apoy.

Hinding-hindi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dhana
Yey. Unlocked this chapter using free bonus. Thanks to Good Novel.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

DMCA.com Protection Status