Reen
AGAD akong nag-asikaso nang marinig ko ang pagtunog ng alarm mula sa 'king phone.
Hindi ko alam kung nasaan ang mokong na kasama ko sa bahay na ito, dahil hindi na 'ko bumaba buhat nang manggaling siya rito para baliwin na naman ako. Ewan ko, pero kahit bumalik sa pagtulog, ay hindi ko na nagawa.
Peste talaga siya. Ilang beses niya ba 'ko hahalikan nang walang paalam? Kung umasta siya, ay parang pagmamay-ari niya 'ko. Isang ulit na lang talaga na gawin niya iyon, ay makakatikim na siya sa akin.
Hindi purkit wala siyang naririnig na reklamo mula sa akin, ay gusto ko na ang ginagawa niya. Hindi ko naman sinasabing hindi siya masarap, pero— teka, masarap?
ReenTAHIMIK lang ako, habang nakikiramdam sa driver ko— este, sa gwapo pero wirdo kong kasama rito sa sasakyan.Hindi ko alam kung saan niya 'ko dadalhin ngayon, pero kahit monggolord ang lalaking ito ay nasa mukha o itsura naman niya na mapagkakatiwalaan siya.Sana nga ay hindi ako nagkakamali. Wala naman siguro siyang gagawing masama laban sa akin? Hindi naman yata niya ako pagkakaperahan— ibebenta sa kung kanino lang, or whats!Bakit pa kasi ako nakakilala nang ganitong klaseng lalaki? My gosh talaga! Ang laki niyang sakit sa ulo.Buhat nang umalis kami sa bahay na inuupahan namin ni Liller, at pilit niya 'kong pinasakay sa kotse niya, ay
Reen KUSA akong nagising mula sa mababaw na pagkakaidlip nang maramdaman kong tila may pares ng mata na nakatingin sa akin. Hindi ako nagkamali. Dahil nang idilat ko ang aking mga mata, ay mukha ng lalaking mokong ang bumungad sa akin. "Aalis na tayo." Mabilis akong nagtaka nang lumapit siya kung saan ako nakahiga, matapos niyang sabihin iyon. Agad na nanlaki ang mga mata ko, nang bigla niya 'kong buhatin! "Ano ba? Bitiwan mo nga ako—" "Tatah
Reen SINAMAHAN ko si Asher hanggang makarating kami sa unit na kanyang pagmamay-ari. Sa totoo lang, ay hindi ko alam kung paano ko siya aaluin upang kahit papaano, ay maibsan ang sama ng loob na nararamdaman niya dahil sa nangyari sa kanila ng daddy niya. Simula nang magkakilala kami, ay ngayon ko lang siya nakitang ganito. Tila wala sa kanyang sarili, at malalim pa sa dagat ang iniisip. Mabuti na nga lang, ay hindi kami naaksidente habang bumabyahe papunta rito. Mula pa lamang kasi sa byahe ay hindi na siya kumikibo, para bang mayroon itong mabigat na dinadala, dahil panay ang pagbuga niya nang hangin kanina. "Okay ka na ba?" Nakaramdam ako ng
Asher Wala sa sarili nang lagukin ko ang alak na laman ng basong hawak ko. Napangiwi ako, nang gumuhit sa ‘king lalamunan ang pait nito. F*ck! Napatitig ako sa bote na nasa harapan ko, nang makita kong ubos na ang laman nito. I would have taken another wine, but I was shocked to notice that the most important woman in my life had suddenly bowed. D*mn! “Reen?” I said as I gently tapped her. I took a deep breath when she answered me with a soft grunt. Oh, f*ck! She's drunk. “Yo
Reen "NAKALIGO KA NA PALA." Mabilis akong napatingin sa gawi kung saan nagmula ang tinig na nagsalitang iyon. "Uhm, o-ou, saka— hiniram ko na rin pala ito," Tinuro ko ang T-shirt na suot ko, pati na ang short na nakuha ko sa kanyang kabinet. Nakialam na ako, at hindi na inabala ang sarili ko na magpaalam pa sa kanya kanina dahil wala akong lakas ng loob na kausapin siya matapos maalala ang mga nangyari kagabi. Letse naman kasing ka-abnormalan ito! Mukhang lumabas tuloy na ako pa ang dinamayan niya nang samahan ko siyang umino. Bakit nga ba ginawa ko 'yon? "Okay ka lang ba?"
Reen HINDI ako mapakali buhat nang dumating kami ni Asher dito sa isang mamahaling restaurant. Yes, this are expenserve. As in, hindi pang poorest persons! Kahit hindi ako aral na tao at kahit na mahirap lang ako, ay alam ko naman kung ano ang pang mayaman sa pang mahirap na lugar. Nakasisiguro ako, na hindi ito kainang pangmadla. 'Pagkat ito'y isang pribadong lugar na hindi mapupuntahan ng kung sino lang. Napahinga ako nang malalim, nang mapansin ko na bukod sa aming dalawa ni Asher ay wala ng ibang customer na narito. Buong akala ko kanina ay normal lang na madalang ang pumap
Reen "YES, KUYA. DARATING AKO SA BIRTHDAY NI MARO." "Ayaw mo ba talagang sunduin kita riyan?" tanong nito mula sa kabilang linya. "Uh, h-hindi naman sa ayaw. Pero— 'wag na," Huminga ako bago muling magpatuloy sa pagsasalita. "Kaya ko naman ang mag-isa. Parang hindi mo naman ako kilala niyan, Kuya. Minsan, mas lalaki pa nga ako sa 'yo," Mahina akong tumawa matapos sambitin iyon. "Sure. Nagbabakasakali lang naman ako dahil nag-aalala ako sa 'yo. Anyway, mag-iingat ka. Message mo ako kapag nasa byahe ka na n'yon," bilin niya. "Shore, Kuya," masigla kong sabi. "Sige na, ha? Patayin ko na 'to. Pauwi kasi ako sa tinutuluyan ko, eh!" dagdag ko.
Reen "HI! GOOD EVENING." Mabilis akong natigilan sa paghakbang habang papasok sa loob ng bahay na aking tinutuluyan, nang isang bati mula sa kaibigan kong si Liller ang sumalubong sa akin. Hindi ako kaagad nakapagsalita, sapagkat hindi ko inasahan na ngayon pala siya darating dito. "Oh, bakit parang nakakita ka ng multo riyan?" Napakurap-kurap ako matapos marinig ang sinabi niyang 'yon. "Uhm, n-nandito ka na pala. Akala ko kasi— bukas pa ang dating mo?" sabi ko. "Kaya pala mukhang gulat na gulat ka, eh."