Share

CHAPTER 2

SOMEONE POV

“ This is b*llsh*t! ” Sigaw ni Supremo. Kahit hindi namin makita ang mata n’ya dahil sa suot niyang tended shade. Sapat na ang boses n’ya para malaman naming galit na galit s’ya.

“ Hoy! Mga panget. Anong problema ni Supremo? ” Bulong ni Dylan sa’min. Maka panget akala mo naman gwapo, hindi katulad ko mabait na gwapo pa.

“ Mas panget ka ul*l! ” Sagot ni Rolf sa kan’ya.

“ Gwapo ako kayo lang naman pangit, ” Sagot ulit ni Dylan sa mahinang boses.

Napa ingos ako sa sinabi n’ya. “ Tigilan n’yo nga iyan dahil alam nating lahat na ako ang mas gwapo kaysa sa inyo! ”

Totoo naman kasi na mas gwapo ako pangalawa lang sa kapogian ko si Supremo.

Nang sinabi ko na mas gwapo ako sa kanila dalawang suntok lang naman galing sa kanila ang natanggap ko.

 

“ G*g*! Mas gwapo ako, kayo lang ang pangit mga tol, ” Sabi ni Rolf, pero ang mga katulad namin ay hindi hahayaang matalo ng ugok na iyan.

I showed them my middle finger. “ F*ck you! Mas gwapo parin talaga ako kahit ano pa ang sabihin n’yo! ”

“ Palibhasa kasi ang pangit ng pangalan mo kasing pangit ng pagmumukha mo! ” Sabi sa’kin ni Dylan na ikinainis ko. Nakanamp*tcha anong pangit sa pangalan ko? Ang angas kaya ng pangalan kong ‘Thunder’ na malakidlat lang sa bangis.

Inakbayan ko s’ya sa balikat. Aba! G*g* to ah! “ Tol, payong kaibigan lang baka iyong sinasabi mong pangit na pangalan ay ang sa’yo? Ang pangit kaya ng pangalan mo Dylan—iyong totoo pangit talaga kaya nga ganiyan kalala itsura mo. ”

“ Mga tol, kung ako sa inyo mananahimik nalang ako kaysa masayang pa ang ka gwapohang taglay ko. ” Singit ni Rolf sa usapan. Binalingan namin s’ya ng masamang tingin at nakita nga namin s’yang nakangisi sa aming dalawa ni Dylan. Napipilitan kaming tumingin kay Supremo na nasa gawi namin ang tingin. 

Ngumiti ako ng hilaw. “ Yow! Supremo. ”

Parang lalabas na ang puso ko sa kaba. Kasalanan kasi ng pangit na Dylan na ito ei. Ramdam ko naman sa tabi ko si Dylan na parang natuod dahil sa titig ni Supremo kahit na naka tended shade pa ito.

“ Tsk! Iyan kasi ei pinagpipilitan niyong gwapo kayo kahit na ang totoo ako talaga ang gwapo dito. Pagalitan mo nga iyan Supremo! ” Nang-aasar na sabi ni Rolf. Isa pa iyang pangit na iyan, kung hindi lang talaga nakatingin sa’min ngayon si Supremo babaliaan ko talaga ng buto itong hambog na ito eh.

“ Can you shut the f*ck up, Saavedra! ” Galit na baling ni Supremo sa kaniya kaya naman pareho kaming dalawa ni Dylan na may ngisi sa labi.

Buti nga sa kaniya.

“ Supremo naman nagsasabi lang naman ako ng totoo na ako talaga ang gwa—Whoa! Teka! teka! teka! Supremo—Sh*t! ” Nalilito, hindi alam ang gagawin at sa likod ng leather sofa nalang naisipang magtago ni Rolf.

Gusto kong matawa sa reaction ng mukha ni Rolf, para s’yang daga na nagtatago dahil sa hina-hunting s’ya ng mabangis na pusa.

Lahat kami ay biglang nanlaki ang mga mata hindi inaasahan ang nangyari. Binato lang naman kasi ni Supremo ng maliit na patalim si Rolf, mabuti na lang nakapagtago pa s’ya sa likod ng leather sofa bago pa iyon tumama sa ulo n’ya. D*mn! Parang gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa itsura n’ya ngayon na akala mo nawalan ng dugo sa sobrang putla. 

“ Buti nga sa’yong ul*l ka! Akala mo—F*ck! ” Natatawang asar ni Dylan. Katulad din ng ginawa ni Supremo kay Rolf, hinagisan n’ya rin ng patalim si Dylan dahilan para mapatago rin sa likod ng sofa kasama si Rolf.

Dahil sa sobrang bilis ng kilos of Supremo’s hand hindi agad ako nakailag sa ginawa niyang paghagis kaya ramdam kong nadaplisan ang pisnge ko dahil sa munting kirot na nararamdaman ko. Sh*t naman ang napakagwapo kong mukha nasugat lang? Yari sa’kin ’tong si Dylan mamaya.

“ Get out in my f*cking office! Now! ” Supremo yelled us. Hindi maganda mood nitong si supremo kami napag-iinitan eh.

Rolf peeked from the side of the sofa. “ Supremo naman, saan kami tatambay kung palalabasin mo kami dito? ”

“ Oo nga naman supremo. ” Dagdag pa ni Dylan. Like Rolf he also peeked to see supremo.

“ I don’t f*cking care! You f*cking d*mb*ss! I will only repeat what I said once! Get out of my office before I shoot you three! ” Sigaw n’ya. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo. Hindi uso kay supremo ang salitang biro kaya sa oras na may sabihin s’yang katulad ng ganiyan nako! Bilisan munang sumibat kung gusto mong masikatan pa ng araw.

Tumayo si Dylan. “ Suprem— ”

“ One! ”

L*nt*k na nagsisimula na s’yang magbilang.

“ Two! ”

Patuloy parin sa pag bilang si supremo, dinampot ang baril na nakapatong lang sa kaniyang mesa at kinasa. T*r*nt*do talaga ’tong dalawang buguk na to.

Bago pa umabot sa tatlong bilang si supremo mabilis pa sa leopard na kumaripas ng takbo palabas ng office iyong dalawang ul*l. Ako naman ay nakahanda na rin tumakbo palabas dahil ayaw ko pang mamatay, sayang ang gwapo ko kung hindi ko ito maipapalaganap. Sayang ang sperm kay gwapo ko pa namang nilalang para mamatay ng maaga.

“ Thunder bumalik ka dito. ” Maawtoridad na pagpigil sa’kin ni supremo ng palabas na rin ako sa opisina n’ya.

Kung nagkataon na isa lang akong ordinaryong tao panigurado akong kikilabutan na ako sa lamig ng pananalita n’ya. Si supremo ang uri ng taong ayaw kung maka bonding at makaasaran ng matagal.

“ Supremo, may kailangan ka? ” Kinakabahan kong tanong.

“ Find me a woman. ” Walang emosyon niyang utos sa’kin. Siguro kong may iniinom lang ako baka naibuga ko iyon sa kaniya ng hindi sinasadya.

Woman? For what?

Nagtataka akong napatingin sa kan’ya. Namali ba ako ng narinig? “ Huh? ”

Minsan talaga may pagka ewan din itong kagwapohan ko, nakakalimutan kong isang beses lang pala kung sabihin ni supremo ang mga sinasabi n’ya. Masiyado kasing mahal ang laway nitong si supremo.

Itinutok n’ya sa’kin ang nakakasa ng baril. “ Are you trying my patience, Scott? ”

“ What i mean is, woman? What for supremo? ” Nakataas ang kamay habang naiiling kong tanong. Ito ba kinaiinitan ng ulo kanina pa ni supremo? Dahil naghahanap s’ya ng babae? Seriously? Kailan pa nagkaroon ng interest itong si supremo sa babae? P*ta nasa earth pa ba ako hanggang ngayon?

“ Do i need to explain my self to you, Scott? ” Seryuso niyang tanong sa’kin.

I shaked my head. “ No need supremo. Sabi ko nga hahanapan ko kayo ng woman, ”

“ Ano pang tinatayo-tayo mo d’yan? Hanapan muna ako ngayon na! ” Utos niya sa’kin.

“ Now na? ” Gulat kong tanong.

Seryoso?

I was about to asked again when supremo was holding the trigger of the gun that was now aimed at me. Tumalikod na ako at hindi na sinubukan pang magtanong.

Pagbukas ng elevator dito sa basement agad kong tinungo ang sasakyan ko para maghanap ng babae kaso bigla nalang sumulpot iyong dalawang panget sa kung saan.

“ Kumusta Thunder? Buti nakalabas ka pa ng buhay do’n? ” Natatawang tanong ni Rolf sa’kin. T*ng*na nito!

Dylan give me a smirk. “ Alas bro! You did not even killed by the knife thrown by supremo? Tsk! Tks! Tsk! ”

“ Heh! Pa’no ako tutuluyan ni supremo kung alam niyang masasayang ang kagwapohan ko? Eh di nagluksa mga kababaihan dito? ” Sabi ko sa kanila at ayon magkabilaang batok ang tinanggap ko mula sa kanilang dalawa ulit.

“ Basta ako talaga ang gwapo—pero teka anong pinag-usapan n’yo ni supremo? ” Tanong ni Dylan. Bilis talaga mag-iba ng topic ang sira ulong ’to.

Rolf put his arm around me. “ Share mo naman sa’min. ”

Ginawa ko ang best ko para mag mukhang seryuso sa harapan nila, but I failed. “ Nako mga tol! Nababaliw na ata si supremo eh! ”

“ G*g*! Gusto mo bang matuluyan? Hinaan mo naman boses mo baka biglang sumulpot si supremo, pati ako mayari! ” Rolf almost yelled at us.

“ Wag mo ngang pansinin iyang si Rolf, kinulang lang iyan sa aruga. Sabihin muna sinabi sa’yo ni supremo. ” Gatong ni Dylan. Sinamaan ni Rolf ang sinabi sa kaniya ni Dylan pero hindi ko nalang ’yon pinansin.

“ Kasi ganito mga tol. Gusto ni supremo na hanapan ko s’ya ng woman. ” Simpleng paliwanag ko at tulad ko nagulat rin sila.

They looked each other in shock. “ Woman?! ”

Tumango tango ako habang nakapikit. “ Tama kayo. Nagulat kayo? Ako rin ei. ”

Dylan grabbed me violently on my both shoulders. Nalukot ang mukha ko. “ Para saan naman daw ang woman na ’yan? ”

“ Aba malay ko! Bakit hindi n’yo tanungin si supremo? Hoy! Bitawan mo nga ako Dylan, Baka isipin kong bakla ka! ”

Umasim ang mukha n’ya, agad inalis ang mga kamay sa parehong balikat ko at bigla nalang n’ya akong sinikmuraan.

Ang g*g*!

“ Grabe umiiba na takbo ng isip ni supremo. ” Iiling- iling na sabi ni Rolf.

Binuksan ko ang pinto ng Honda at agad na sumakay. “ Hindi bali, sigurado naman akong may magandang dahilan si supremo kung bakit kailangan n‘ya ng woman. I have a strong feeling that it was because he was talking on the phone earlier. Ang init kasi ng ulo pagkatapos niyon. ”

Matapos kung ipaliwanag sa kanilang dalawa ang mission ko, I left them in the basement to start the search for supremo’s future wife.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kaya pala mainit ulo ni supremo dahil kailangan nya magkaroon ng asawa
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
baka c Melody pa Makita ,.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status