Share

CHAPTER 4

THUNDER POV

Papunta ako ngayon sa office ni supremo para ipaalam sa kaniya na wala akong mahanap na babae kuno, isa pa ano ba ang alam ko sa taste n’ya sa babae? Mabuti na iyong hahanapan ko s’ya pero dapat kasama ko s’ya. Mabuti na ang maingat para hindi mabawasan ka-gwapohan ko, habulin pa naman ako ng patalim ni supremo. Tsk!

Kaya mo iyan Thunder! Tandaan mo kidlat ang ibig sabihin ng pangalan mo!

Huminga akong malalim, ngumiti ng malapad bago walang katok-katok kong pinasok ang loob ng office n’ya. “ Yow! Supremo! ”

“ Give me a good reason why are you here in my office, Scott? ” He asked without looking at my handsome face. Haha! Hindi halatang hindi galit ang bwisit. Akala ko hindi n’ya malalaman kung sino ang dumating, ang bangis ng pakiramdam ni supremo kapag ka-gwapohan ko na ang usapan.

I smiled to hide the nervousness and fear I had been feeling. “ Supremo, may dahilan naman ako kung bakit ako nandito. ”

Anyway, nakatalikod sa’kin ang swivel chair ni supremo. Nakaharap s’ya sa labas ng glass wall ng company at makikita doon sa labas mula dito ang iba pang mga nagtataasang mga company building, syempre mas malaki parin ang company ni supremo. Ganyan s’ya ma kapangyarihang nilalang.

“ Spill it. ” He said in a cold tone. Tsk! Nakakatakot.

“ Supremo, total mabait naman ako sa inyo baka naman pwede kayong sumama sa’kin sa paghahanap ng babae n’yo? ” Paliwanag ko habang nanlalamig ang mga kamay. Kahit ang gwapo kong mukha nakakaramdam din naman ng takot isa pa anong malay ko kung may hawak na patalim itong si supremo sa ilalim ng mesa? Hindi lang naman kasi baril ang meron sa ilalim ng office desk n’ya.

Dahan-dahan niyang inikot ang swivel chair na kinauupuan n’ya, as usual suot-suot n’ya parin ang kanyang tended shade. To be honest, wala pang nakakakita sa mata ni supremo, kahit kaming apat ay hindi pa namin nakikita. Mag aagaw buhay ka muna bago mo makita ang mga mata n’ya sa likod ng tended shade at iwan ko ba kung bakit. That’s why I no longer expect to see supremo’s eyes because I still love my life so d*mn much.

“ Are you f*cking disobeying me, Scott? ” Matigas ang bawat salitang binibitiwan n’ya at mas lalong nakapagdagdag sa’kin ng tensiyon sa katawan.

“ No! What i mean ako parin naman ang maghahanap ng babae mo, all i need is what woman suits you that’s why i need you to come with me. Nothing else, supremo. ” Paliwanag ko.

He leaned back in his swevil chair, began to blow his fist. “ You want me to come with you? Are you tired of living? ”

“ Supremo naman, kahit minsan lumabas din kayo ng office n’yo. Wala namang papatay sa inyo at kung meron man syempre uunahan muna sila mafia ka ei! ” Sabi ko na ikinangisi n’ya.

May nasabi ba akong maganda? Wow! Thunder for the first time may nasabi ding maganda iyang kagwapohan mo?

“ Wanna die? ” Tanong niya sa’kin habang nakangisi. Ok, hindi pala s’ya masaya kundi lalong nagalit. Ok lang iyan Thunder gwapo ka parin.

Mabilis akong nagtago sa sofa ng tumayo s’ya dahil sa takot na baka hindi na ako makalabas ng buhay dito sa loob ng office n’ya. “ Supremo naman! Kalma lang, kapag mamatay ang kanang kamay mo—which is ako sino na lang maghahanap sa babae mo diba? ”

“ Listen Scott. I’m going with you, but! Make sure you find something right away. If not! Start digging your grave first. ” He tucked his gun in the waist band of his office suit, naglakad palapit sa’kin. “ Do you f*cking understand? ” Dagdag n’ya after niyang makalapit.

“ Yes! Naman supremo, ” Alinlangan kong sagot sa kaniya pagkatapos ay nilagpasan ako palabas ng office n’ya kaya naman sumunod na rin ako.

Sumakay kami ng elevator for VIP only at sino pa ba ang VIP dito? Walang iba kundi kami-kami lang din. Gan’yan kami ka importante dito sa company ni Supremo. Kahit ganiyan s’ya sa’min ramdam kong mahal na mahal n’ya kaming mga alagad n’ya. Pagbaba sa ground floor dahan-dahan bumukas naman ang elevator, agad s’yang lumabas hindi naman siguro s’ya nagmamadaling makahanap ng babae sa lagay na ‘yan?. Agad s’yang lumabas at dahil s’ya ang hari dito lahat ng madaanan namin ay napapatigil sa kung ano man ang ginagawa nila at mabilis na yumuyuko, hindi sila pwedeng mag-angat ng ulo hanggat hindi pa nakakalayo or nakakalabas si supremo, ganiyan ang patakaran dito. A time you raise your head expect the tip of the gun to face you.

Nang makalabas na kami sunod naman naming tinahak ang parking lot at tulad sa elevator, supremo have a parking lot for VIP like us also. I was about to get in my car when he stopped me.

He throw at me the key of his bulletproof Mercedez benz car. “ Use my car. ”

MEANWHILE...

“ May alam ka bang lugar na meron? ” Tanong n’ya sa’kin habang nagmamaneho ako. Supremo was sitting in the backseat while I was driving. Meron akong alam na lugar at do’n ko dadalhin si supremo, mas maraming babae at do’n din ako madalas lumandi kasama ang dalawang panget. Sa tingin ko wala sila do’n ngayon dahil kung nandon sila tatawagan ako ng dalawang iyon.

“ May alam akong lugar kong saan maraming babae supremo. Marami kang mapag pipilian. ” Sagot ko agad.

“ And what f*cking place is that? ” He asked in a cold way... again.

I smirked. “ Sa Heaven Bar supremo. ”

“ What the h*ck, Scott! ” He yells. Buti na lang talaga bullet proof ito at the same time tended itong kotse n’ya kaya walang makakarinig sa sigaw n’ya kahit ga’no pa ito kalakas. Hindi kami makikita nang ibang tao tulad ng pagkakita namin sa kanila.

“ What’s the problem supremo? May nasabi ba akong mali? ” I asked twice.

“ Do you want me to end your life! Do you think I am fooling around with that! You sh*t head! ” He yelled.

I faced him. “ Relax supremo. When we get there I will be the only one to get out of this car so that I’ll find the right woman for you, while you stay inside. Ipapakita ko naman sa’yo ang mga babaeng makukuha ko after all ikaw parin naman ang mamimili, supremo. ”

Hindi naman na s’ya umangal pa. Siguro napaka important ng tawag sa kaniya kasi hindi naman s’ya mag kakaganito kung hindi.

“ Just make sure. You know me. ” Pagbabanta n’ya. Nakahinga ulit ako ng maluwag at pagkatapos muli kong binuhay ang makina ng kotse dahil sandali akong napahinto.

Paghinto ng kotse dito mismo sa entrance ng Heaven Bar, agad akong lumabas, lumakad palapit sa isang bodyguard na malaki ang pangangatawan. I whispered to him to tell him not to move the parked car in front of the entrance of this bar because there was nothing wrong with his body size when the bullet hit him.

He nodded in agreement. I tapped him on the shoulder before I finally went inside to begin the work I had sent here.

______________________

MELODY POV 

Nagising ako dahil sa nakaramdam ako ng lamig. Nakatulog pala ako sa lapag dahil sa kakaiyak kanina. Mabuti nalang hindi na masiyadong sumasakit ang tagiliran ko na sinipa kanina lang ni Tiya. Tumayo ako at tumingin sa maliit na bintana at do’n ko nalaman na gabi na pala dahil madilim na sa labas. Nakaramdam din ako ng pagkalam ng sikmura, hindi pa pala ako kumakain simula ng nangyari ’yon. Mga h*yop sila lalo na ang Aron na ’yon pati sarili n’yang pinsan tinatalo n’ya. Napapaiyak na lang ako sa t’wing maiisip ko ang ginawa n’yang panghahalay sa’kin. Si Tiya naman sa halip na ipagtanggol ako, sinaktan at nilait-lait pa ang inabot ko sa kaniya.

Habang tahimik akong umiiyak, bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa non ang galit na si Tiya, Maya at si Aron na hindi manlang nakonsensiya sa ginawa niyang kababuyan sa katawan ko.

Lumapit sa’kin si Maya at bigla akong sinampal ng malakas. Inaasahan ko na mangyayari ’yon, pero nagulat parin talaga ako sa ginawa n’yang pagsampal sa’kin. Pakiramdam ko nabingi yata ako sa lakas n’yon.

Tinitigan niya ako ng may pandidiri. “ What a whore! ”

Kahit high school lang ang natapos ko may utak parin naman ako para maintindihan ang sinabi n’ya sa’kin at hindi ko gusto ang salitang ‘yon na lumabas sa madumi n’yang bibig.

“ Ma, anong balak mong gawin sa kaniya? ” Tanong ni Aron kay Tiya.

Ngmusi si Maya. “ Total naman kuya sinubukan kang akitin ng babaeng ito, bakit hindi natin subukang pagtrabahuhin s’ya sa bar? Subukan natin kung pa’no s’ya kagaling sa pang-aakit. Hindi ba malanding Melody? ”

Nanlaki ang mga mata ko.

Tumingin ako kay Tiya at lumuhod. “ T-Tiya, please! ”

“ Mukhang maganda ang nasabi mong ’yan Maya, pero sino nalang ang maglilinis dito at uutusan natin? ” Aniya. Kung ganon isa lang utusan ang tingin nila sa’kin? Bakit nga nagpauto ako sa kanila na aalagaan nila ako noon?

“ Tama si mama, Maya. ” Singit ni Aron. Napansin ko ang lihim n’yang pag sulyap sa’kin at nakangiti.

“ Pero kung hindi natin gagawin iyon baka sa susunod maghubad na iyan sa harapan ni kuya at maakit na naman itong si kuya. ” Paliwanag ni Maya. Kahit patayin pa ako ng kuya mong ul*l hinding hindi ko gagawin na maghubad sa harapan n’ya.

Tumango-tango si Tiya na para bang tama ang sinabi ni Maya. “ May point ka nga dyan. Nakapagdesisyon na ako. Dadalhin ko s’ya sa bar kung saan mga bigateng tao ang nanduduon, gamit ang katawan mong iyan makakatulong ka pa sa’min Melody. ”

Tuluyan na akong napahagulhol ng iyak. Gustohin ko man, hindi ko magawang makatakas sa kadahilanang nahaharangan nila ang pinto.

“ Pero ma! ” Tutol ni Aron.

“ Sorry anak, pero kung hindi ko gagawin ito mauulit na naman ang ginawa n’ya sa’yo kanina. ” Sabi ni Tiya pagkatapos lumapit siya sa’kin, hinawakan ang braso ko ng sobrang higpit at ganon din si Maya sa kabilang braso ko.

“ Bahala nga kayo! ” Sigaw ni Aron at padabog na lumabas ng kwarto. Kasalanan n’ya ’to h*yop s’ya.

“ Tiya maawa kayo sa’kin! Tiya! ” Pagmamakaawa ko habang kinakaladkad na nila ako palabas ng bahay. Tudo iyak at hagulhol na ang ginagawa ko para lang magmakaawa sa kanila.

Sinampal n’ya ulit ako. “ Dapat lang na gawin sa’yo ito dahil malandi! At makati kang babae! ”

“ Sinabi ko naman ang totoo na hindi ko inakit si Aron! Nagsisinungaling s’ya! ” Pagtatanggol ko sa sarili ko.

“ Manahimik ka kung ayaw mong sampalin kita! ” Galit at pa bulyaw niyang sabi.

“ Ti—argh! Nasasaktan ako Maya! ” Sabi ko. Sinabunutan n’ya ako ng matindi, kulang na lang matanggal na ang mga buhok sa ulo ko.

“ Hindi ka talaga mananahimik ha! Kasalanan mo ’yan dahil malandi ka! Wala ka bang kahihiyan pati si kuya gusto mong tikman! Haliparot ka talagang malandi ka! ” Sigaw ni Maya habang hila-hila ng malakas ang buhok ko.

Papalag pa sana ako pero huli na dahil naipasok na nila ako sa taxi at mahigpit parin ang hawak nila sa’kin habang ang isang kamay naman ni Maya ay hawak ang buhok ko. Hindi ko kayang lumaban sa kanilang dalawa dahil hindi malaya ang isa kung kamay na nakahawak sa kumot na s’yang nagtatakip sa hubad kong katawan.

“ Sa Hevean bar tayo manong! ” Sabi ni Tiya sa taxi driver. Wala akong magawa kundi ang umiyak, walang paki kung panay tingin sa’min ang taxi driver. Bakit ba nangyayari sa’kin ang ganito? Ano bang mali sa nakaraan ko at pinaparusahan ako ng ganito?

Mga ilang minuto na siguro akong umiiyak at mas lalo pang tumindi ang iyak ko ng huminto na ang taxi na sakay-sakay namin sa tinutukoy na bar ni Tiya.

Lumingon sa’min ang taxi driver. “ Nandito na po tayo sa Heaven Bar ma’am. Dito ko na lang po kayo ibababa may kotse po kasing nakaharang sa entrance. ”

Nagbayad agad si Tiya sa taxi driver at tinulak n’ya ako para makalabas sa taxi. Pinilit kong magpabigat para hindi nila ako mahila papunta do’n dahil ayaw ko talaga—dahil hindi ako pokpok, akala ko dahil sa pagpapabigat ko hindi na nila ako mahihila, pero dahil sa dalawa sila ni Maya ay nagagawa parin nila akong hilahin pareho.

Ito na ba ang katapusan ng buhay ko?

______________

                     

THUNDER POV

Ilang oras na akong naglilibot dito sa Heaven Bar para maghanap ng mga babae kaso wala akong mahanap na medyo matino, halos lahat kasi ng mga babae dito mga sabik na maikama ng mga lalake. T*ng*nang iyan!  Buti na lang mapili itong ka-gwapohan ko sa mga babae, pero never ko pa silang naikakama hanggang halik lang dahil sa mabait ako.

I wiped my face in frustration. “ D*mn it! ”

Habang nililibot ko ng tingin ang paligid ng bar nagbabaka sakaling may makita akong matino tino naman, kinuha ko ang latest iphone ko at tinawagan si Rolf.

Yari ako nito kay Supremo, Tsk!

“ Yow! Mamamatay kana ba? ” Tanong n’ya matapos sagutin ang tawag ko. T*ng*na kung malapit lang ako sa kaniya pinaputukan ko na to ng baril.

“ Parang gano’n na nga. ” Natatawa na hindi kong sagot. Sa kabilang banda rinig ko ang tumawang boses ni Dylan panget. Magkasama pala ang dalawang k*pal. Nalukot ang mukha ko.

Dylan laughed. “ Sino papatay sa’yo tol? Gusto kong makita kung paano ka papatayin. ”

G*g* talaga amp*ta,

Kinamot ang ulo ko. “ Saan kayo ngayon? ”

“ Wag munang alamin tol mamamatay ka rin lang naman. ” Nang aasar at tumawa na naman ang dalawa. K*ng*na mawawala na nga ang ka-gwapohan ko pagtatawanan pa nila.

“ Mga k*pal! Simulan n’yo ng hukayin libingan ko mawawala na ang dakilang gwapo sa mundong ibabaw na ’to. Magpapaalam na ang may pinaka maganda at malakas na sperm! ” I almost yelled dahil sa ingay ng lugar na kinatatayuan ko ngayon.

“ Sige! Sige tol! Para sa’yo paghuhukayin ka namin ng libingan, ganiyan ka namin kamahal tol! Good luck na lang sa’yo! ” Sabi ni Dylan habang tumatawa naman si Rolf. Matapos ng pag uusap pinatay ko na ang linya ng tawagan namin. P*ste naman hindi ba pwedeng mag drama kahit saglit lang?

Napipilitan, masama ang tabas ng mukha, kinakabahan at takot akong lumabas ng Heaven Bar para puntahan si supremo at sabihin na pinapahukay ko na kina Dylan at Rolf ang huling hantungan ko na handa na akong tumira sa hukay ko.

I was so close to the car when suddenly someone grabbed my foot and I jumped.

“ What the f*ck! ” I shouted in shock. Napatingin ako sa nagmamay-ari ng mga kamay na nakapulupot sa paa ko at isa pala itong babae. The woman was crying and begging.

“ Pakiusap kuya tulungan mo ako! ” She looked at me with so much tears on her face. “ Pakiusap! ”

I looked down at the blanket around his body. It looked like something had happened to her and now she was taken to this place. Nako! Alam kong gwapo ako, pero hindi naman n’ya kailangang gawin iyan para mapansin ko. Sorry na lang s’ya dahil mas pinoproblema ko pa ang kamatayan ko sa kamay ni supremo.

I held her hand who’s holding in my one foot. I smiled at her pitifully. “ I want to help you, but I can’t miss because I also have a problem. ”

“ Melody! ” Napatingin ako sa isang ginang na galit ang boses habang binabanggit ang pangalan. Nagbaba ako ng tingin ng biglang humagulhol ng iyak ang nag ngangalang

‘Melody’ sa paanan ko, mas lalong tumindi ang pagpulupot ng mga kamay n’ya sa may bandang tuhod ko.

“ Ano ba kasi ang nagawa mo? ” Tanong ko sa kan’ya.

“ Pakiusap! Tulungan mo ako. Ayaw kong magtrabaho sa bar! Pakiusap! ” Pagmamakaawa n’ya. Anong gagawin ko? Kaya ko s’yang tulungan, pero kasi kasama ko si supremo at hindi magandang paghintayin iyon. Shit! Ang hirap maging gwapong nilalang.

“ Sorry miss pero hindi kita matutulungan. ” Sabi ko, hinawakan ko ang kamay n’ya para alisin sa pagkakapulupot sa paa ko, pero lalo pa atang humigpit.

Miss, please! Don’t do this to me!

I was surprised when she knelt down while holding my one foot. “ Pakiusap tulungan mo ako! Promise, gagawin ko lahat ng iuutos mo matulungan mo lang ako mister! ”

Ako? Mister? Wala pa kaya akong asawa at masiyado pa akong bata para tawaging mister!

Nakikita ko ang unti-unting paglapit sa’min ng galit na ginang kasama ang babae na sa tingin ko bata pa. The woman smiled at me with a flirt on her lips. Tinitigan ko siya ng mabuti.

“ Hi, pogi, ” Bati n’ya sa’kin at naroon parin ang pang-aakit sa pananalita niya.

Tsk, hindi ‘to papasa kay supremo. Malandi ei.

I was about to speak when my phone suddenly rang, kinuha ko iyon sa bulsa ng jeans ko at nasa screen n’yon ang pangalan ni supremo. I took a very deep breath before answering his call.

“ I don’t have so much f*cking time. Whoever’s that girl crying, begging, and kneeling for your f*cking help bring her with you, you f*cking assh*le! ” He yelled in anger sabay patay sa tawag n’ya. Mabilis akong napatingin sa kotse. Nakita n’ya pala at narinig? Akala ko naman nakatulog na s’ya kaantay sa’kin.

“ Mister! Tulong, pakiusap! ” She yelled in begging habang hinihila na s’ya ng dalawa palayo sa’kin. Hinawakan ko ang kamay n’ya para hindi s’ya tuluyang makaladkad ng dalawa, may pakiramdam din ako na maaalis ang kumot na s’yang nagtatakip sa kaniyang katawan kapag patuloy pa s’ya sa pagpupumiglas. My forehead furrowed as I felt I would be scorched by the heat of her skin. This poor woman is sick.

Binalingan ko ang ginang at sa tingin ko ay anak n’ya. “ Let her go. ”

“ Sino ka naman para utusan ako? ” Masungit na tanong ng matabang babae. I smirked.

“ Ako lang naman ang pinaka gwapong lalake na napag utusan lang na tulungan ang magandang babae na ito. ” Nagbaba ako ng tingin para ngitian ang kawawang babae. “ Kaya bitiwan n’yo s’ya. ”

“ Aaminin kong gwapo ka nga, pero kasi ang babaeng ito ay may nagawang kasalanan at dinala s’ya dito ng mommy ko para parusahan sa kasalanang ginawa n’ya. ” Paliwanag ng babaeng kasama nang ginang. Napansin ko ang pag wink n’ya sa’kin kaya naman agad na umasim ang mukha. P*ta hindi ko s’ya type at ano daw? Mommy? Tch! Hindi na nga ka gandahan feeling rich pa, t*ng*na na ‘yan. Lahat kami ay sabay na napatingin sa nag bukas na pinto ng kotse at lumabas doon ang nangungunot na noo ni Supremo. The supremo presented a cheque to the old woman.

“ Here’s a cheque of a 1 Million in exchange of her. ” He pointed at the lady. “ I’m gonna take this woman with me. Scott you know what to do. ”

Nanlalaki ang mga matang aabutin ng ginang ang cheque’ng hawak ni supremo, but before she could get the cheque, supremo immediately released it so it fell to the ground. Without a word he grabbed the woman who asked for my help and pulled her into the car with him.

Nangingiti kong hinarap ang dalawa na hanggang ngayon ay parang hindi parin makapaniwala sa nangyayari. I flicked my finger in front of them. “ Pa’no ba iyan? Kailangan ko nang umalis dahil naghihintay na sa’kin ang supremo. ”

It looks like he has already chosen someone as his woman. My life is safe!

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
buti naman natyempo nandun sila supremo at thunder kaya natulungan si melody
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
thank you supremo kinuha mo c Melody sa mga bwisit nyang kamag anak .. yawa yung mag ina na yan my Araw din Kayo
goodnovel comment avatar
Rhea Balbido Garcia Tepora
laya kana melody wlaa kana sa kamay ng tiya mo at mga pinsan mong mga balasubas...kawawa ka nman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status