Share

CHAPTER 5

MELODY POV

Sakay nang isang magarang kotse pilit kong nilalayo ang aking sarili sa katabi. Nahihiya at hindi ako makatingin sa kan’ya ng diretso dahil sa uri ng suot ko—kung suot bang matatawag ito, isa pa baka mahawa s’ya sa lagnat ko. Kahit hindi s’ya magsalita nagpapasalamat parin talaga ako dahil tinulungan n’ya akong mailayo sa mga demonyo kong tiya at mga pinsan. Sumulyap ako sa lalakeng aminin na nating gwapo, pero kahit ganon ay napakamahangin n’ya. Kung hindi rin dahil sa kaniya baka nasa loob na ako ng bar ngayon.

“ Salamat pala sa pag tulong mo sa’kin mister na nagmamaneho. ” Sabi ko sa mahinang boses.

Sumulyap s’ya sa’kin matapos ay bumalik din sa daan ang tingin.

“ No problem! but— ” Tinuro n’ya ang lalakeng katabi ko kaya napatingin din ako sa tabi ko. “ Wag ako ang pasalamatan mo kundi si supremo na katabi mo. S’ya ang nagligtas sayo not me. ”

Nakatingin lang ako sa lalakeng katabi ko, pilit inaaninag na makita ang buo n’yang mukha, pero nabigo ako dahil sa naka shade s’ya at medyo madilim na din sa daan.

“ Ahmm…thank you sa pagtulong mo sa’kin mister. ” Nahihiya pero nakangiti kong pasasalamat sa kaniya. Hindi s’ya nagsalita,  hindi rin ako tinapunan kahit saglit lang na tingin. Suplado, sayang naman mukhang gwapo pa naman s’ya. Tumingin ako kay mister na nagmamaneho. “ Mister na nagmamaneho pakibaba  na lang ako sa susunod na waiting shed, ”

“ Sorry miss, pero hindi pwede. ” Sagot n’ya na ikinagulat ko. Anong hindi pwede? Hindi kaya kidnapper ang mga ito? Oh my jesus! Mapapahamak na naman ba ulit ako? Nagsisimula na naman akong makaramdam ng takot kaya naman pilit kong binubuksan ang pinto ng kotse.

“ Miss, what are you doing? ” Tanong n’ya habang nagmamaneho parin.

Pakiusap magbukas kana!

“ Kung iniisip niyong kidnapen ako pwes wala kayong mapapala sa’kin! Mahirap lang ako at wala ng mga magulang! ” Sigaw ko habang namamalisbis ang aking mga luha. Muli kong sinubukan buksan ang pinto ng kotse pero hindi ko magawa dahil naka lock ito.

“ Can you shut the f*ck up woman! ” Galit na sabi ng lalakeng katabi ko. Natahimik ako bigla, umiiyak ng walang ingay. Nakakatakot, kinakabahan dahil sa lamig niyang magsalita ni hindi rin s’ya nakatingin sa’kin ng sinabi n’ya ang nakakatakot na katagang iyon.

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay n’ya. Yumuko ako para lang hindi makita ang magkasalubong n’yang mga kilay. “ Please? Ibaba n’yo na lang ako. Wala kayong mapapala sa’kin. Nakikiusap ako sayo mister. ”

Naramdam kong tumingin s’ya sa’kin, kagat ang labi pinipilit kong hindi makagawa ng ingay ang pag iyak ko.

Napa pitlag ako ng hawakan n’ya ang baba ko at inangat para magkatinginan kami. “ Listen to me woman. You’re already sold to me either you like it or not. You’re also don’t have the f*cking right to order me what to do. From now on you’re under in my property. ”

Binili n’ya ako?

“ B-Babayaran kita pangako, pakawalan mo lang ako mister. Magtatrabaho ako ng mabuti, kung gusto mo hindi na rin ako magpapahinga para lang mabayaran kita. Alam kong hindi biro ang halaga ng million pero pipilitin kong mabayaran ka kahit paunti-unti. Maniwala ka sa’kin! ” Naiiyak kong sabi.

Hawak ang baba ko hindi ako nakakilos ng mag angat ang isa pa niyang kamay at nilagay sa batok ko. Patuloy parin ako sa pagluha. “ You’re too noisy woman, sleep well. ”

May kung anong ginawa s’ya sa batok ko hindi ko na naitanong pa iyon dahil bigla nalang dumilim ang paligid ko. Huli kong nakita bago ako nawalan ng malay ay sinalo n’ya ako gamit ang dalawa nyang malakas na braso.

_____________                        

ZEIG/SUPREMO POV

“ Saan tayo supremo? ” Thunder asked me.

I look at him. “ Ba’t mo pa tinatanong kung alam mo naman ang isasagot ko? Unless if you’re tired to lived, ”

He scratched his neck. “ I need to ask supremo. Office at mansion lang ang pinupuntahan n’yo. So, alin do’n? ”

“ Mansion, you assh*le. ” Coldly I anwered. He just nodded and continued driving towards my home.

Nagbaba ako ng tingin para tingnan ang mahimbing ng natutulong na babae. I couldn’t stand her crying and begging, I could do nothing but put her to sleep just by squeezing the vein against her neck. Ang babaeng ito wala na ngang matinong suot may mataas pang lagnat. Kailangan niyang gamutin para may lakas s’yang harapin ang attorney nang namatay kung ama kasama ako.

My name is Amadeus Zieg Asher, 25 yrs/o.

Both of my parents died. My father is mafia at ngayon na wala na s’ya sa akin na nakaatang ang lahat ng responsibility for being a mafia’s son. I don’t have a girlfriend and I don’t do relationship either because I’m not capable to love someone, not because I don’t know how to love, but because I do not want to have a weakness that can be used for me as my weakness. Kung hindi dahil sa tawag na iyon hindi ako lalabas ng office para samahan ang gagong Thunder na ito para maghanap ng babae. Yeah, ang tawag na iyon ay galing sa lalakeng pinagkakatiwalaan ng dad ko. Tumawag s’ya sa’kin ngayon dahil nasa tamang edad na ako and it’s time for me to take our biggest company at iyon ngang company na hawak ko pansamantala. He said bago namatay si dad may lihim itong kasulatan na ginawa para sa’kin na ipinatago n’ya sa attorney na iyon. Nakasulat doon na sa oras na nasa tamang edad na ako at makaya kong palaguin at palakasin pa ang company na iyon ay buo ko na itong maaangkin. I would have been happy, but you can be cussed and kill because of the condition written on the will. It would be great if I could get married and have a child as an heir to the next generation and that’s bullshit! It’s really good that I found a woman who can be my fake wife temporarily because I only have one day extension. Gagamitin ko ang babaeng ito para makuha ko kung ano man ang sa’kin, about sa anak hindi naman kailangang gumawa agad.

____________________

MELODY POV

Ginising ako ng sinag ng araw na tumatama sa’kin, pagmulat ko isang hindi pamilyar na malaking kwarto ang namulatan ko. Bumalik sa alala ko ang mga nangyari kagabi at do’n bumalik na naman ang kaba at takot na nararamdaman ko. Agad akong tumayo at tinakbo ang pinto nitong kwarto. Habang sinusubukan kong buksan ang pinto nagulat, ngtataka akong napatingin sa suot ko. Hindi ito ang nakatakip sa katawan ko? Bakit naka damit na ako? Sino ang nagsuot sa’kin nito? Higit sa lahat wala na akong lagnat?

“ Bw*sit! ” Inis kong sabi sa sarili ko. Naka lock ang pinto. Sunod akong lumapit sa  balcony at napalula na lang ako sa sobrang taas nito mula sa baba . Mukhang nasa second floor ata ako.

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong nagbukas at ang lalaking naka shade ang pumasok. “ Trying to escape from me? ”

“ Anong ginagawa ko dito? Bakit iba na ang suot ko? Ikaw ba ang nagpalit sa’kin habang wala akong Malay? At higit sa lahat bakit mo ako dinala dito? Anong lugar ba ‘to? ” Sunod-sunod kong tanong. Ano bang pake n’ya kung sinusubukan kong tumakas palayo sa kaniya? Hindi ba n’ya nararamdaman na natatakot ako sa kaniya?

Sinara n’ya ang pinto. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag lock n’ya rito. Unti-unti siyang naglakad palapit sa’kin. “ Hindi parin ba malinaw sa’yo na tinulungan kitang malayo mula sa taong gusto kang dalhin sa bar na ‘yon? Did you forget? I bought you from them. ”

Sinalubong ko ang pakiramdam kong titig n’ya sa’kin. “ Hindi mo ako tinulungan, nagawa mo kong bilhin sa kanila at hindi pagtulong ang tawag do’n mister. Anong tingin mo sa’kin? Produktong ginawa para bilhin ng isang tulad mo! ”

Kahit na tuluyan na s’yang nakalapit sa’kin ay pilit kong tinatatagan ang sarili para lang maging matagal ang pakikipagtagisan ng tingin ko sa kanya. Alam kong nasa akin nakatutok ang mga mata n’ya kahit pa sabihin natin na suot n’ya ang tended shade. Nagsalubong ang aking mga kilay ng sumilay sa kanyang labi ang ngiti, ngiting may ibig sabihin tulad ng ngiti ni Aron.

“ A-anong b-binabalak m-mong g-gawin s-sa’kin? ” Kinakabahan kong tanong habang nakatingin sa kamay niyang humawak sa palapulsohan ko. Napapikit ako ng mariin ng dahan-dahan lumalapit ang mukha n’ya sa’kin.

“ Guess what? ” Bulong n’ya sa tenga ko. Automatic akong kinabahan, kinilabutan at natakot sa sinabi n’ya.

“ Kung ano man iyang binabalak mo, pakiusap wag munang ituloy. Isusumbong kita sa polis kapag nakatakas ako dito. ” Pagbabanta ko pero mukhang hindi manlang s’ya natinag sa banta kong iyon. Bakit ba hindi n’ya inaalis ang shade na ‘yan? Ano bang meron sa mga mata n’ya at tinatago n’ya ito?

Kapag nakita ko lang kung ano ang tinatago n’ya sa likod ng shade na ‘yan, gagamitin ko ‘yon pang blackmail sa kanya.

“ Listen woman. Kahit ang police walang magagawa kapag pangalan ko na ang dawit, hindi ka rin makakalabas sa lugar na ‘to lalo na kung hindi mo alam ang daan palabas—kung makakalabas ka pa dito, ” Sabi n’ya. Nangingilabot talaga ako sa malamig niyang boses. Bigla s’yang sumeryoso. “ Try to escape from me, you’ll gonna taste a f*cking hell. From now on you’re lock into mine, ”

Lumayo ako sa kaniya ng isang hakbang, pilit inaalis ang kamay niyang nakahawak sa palapulsohan ko at sa bilis ng kamay n’ya bigla niyang nahapit ang beywang ko palapit sa kaniya. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kaniya sa gulat. Hindi ko manlang napansin na nabuhat n’ya na pala ako, natauhan lang ako ng maramdaman ko ang malambot na bagay sa likod ko. Buo kong lakas na tinulak s’ya, nagkaroon ako ng pagkakataong bumangon at isiniksik ang sarili sa headboard ng kama. Nagsimulang dumaloy ang mga luha ko, nakikita ko sa kaniya si Aron. Hindi ko maiwasang hindi matakot sa kaniya ng husto. He’s a devil, iyan ang nakikita ko sa kaniya ngayon.

Nagsimula ng manginig ang mga kamay ko. “ W-wag, p-p-please! ”

Hindi n’ya pinansin ang pag mamakaawa ko, gumapang s’ya palapit sa’kin. Halos hindi ako maka hinga dahil sa sobrang kaba at dahil narin nasa harapan ko siya ngayon. Mas lalo pa akong naiyak ng hawakan n’ya ang isa kong paa at hinila palapit sa kaniya. Habang ginagawa n’ya iyon ay lumuluha kong kinuha ang kumot at doon ko pilit na binabalot ang sarili. Hindi pa ako nakahubad pero pakiramdam ko parang nakahubad na talaga ako dahil sa ginagawa at sa balak n’ya.

“ W-Wag p-pakiusap, m-maawa k-ka s-sa’kin! V-virgin p-pa a-ako! ” Patuloy parin sa pag mamakaawa ko sa kaniya.

Nilapit n’ya ang labi n’ya sa tenga ko. “ I’ll be gentle, ”

Lumapit pa siya sa’kin—malapit na malapit. Sa sobrang lapit namin sa isa’t isa ay wala ng pagitan ang makikita. Pilit kong niyuyuko ang ulo ko ng inabot n’ya ang panga ko at itinunghay para magkatitigan kaming dalawa. Hanggang ngayon ay suot parin n’ya ang shade, pero kahit gano’n nararamdaman ko ang nag-aalab n’yang tingin na pwede ng pumaso sa’kin. Hinalikan n’ya ako, naramdam kong kinagat n’ya rin ang pang ibabang labi ko habang ako ay nananatili pa ring nakatulala at umiiyak. Hindi ko maiwasang hindi mapakapit sa braso n’ya dahil sa lumalalim ang halik n’ya, hawak ang batok mas diniin ang labi n’ya sa labi ko. Hindi sinasadyang napa ungol ako.

Naramdaman kung may munting ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. “ You like it huh? ”

Dahan-dahang dumadaos-dos ang mga halik n’ya  pababa sa leeg ko. Sinipsip at hinalikan ito ng marahan. Bigla namang nakaramdam ako ng kuryenteng mabilis na dumaloy sa buo kong katawan. Dapat nagmamakaawa ako ngayon at tinutulak s’ya, pero tinatraydor ako ng sarili kong katawan at nagugustuhan n’ya ang bawat dampi ng labi ng lalakeng ito na hindi ko naman kilala.

Siguro nga ay pokpok ako. Katawan ko na mismo ang patunay,

Parang unti-unti na akong bumibigay, napapikit ako at biglang pumasok sa isip ko sina mama at papa. Bago pa ako madarang sa mga halik n’ya kahit hindi payag ang katawan ko buong pwersa ko s’yang tinulak palayo sa’kin kaso ang tatag n’ya at hindi manlang natinag sa pagkakatulak ko.

“ S-supremo, I-I’m b-begging. P-please s-stop! ” May munting luha ang dumaloy sa gilid ng aking mata ng sabihin ko iyon. Natatakot ako kahit na nagugustuhan ng katawan ko ang ginagawa n’ya, pero kailangan kong labanan ang tukso na meron ang taong ito. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko agad ang ganitong pakiramdam sa kaniya kahit sa halik n’ya lang samantalang hindi ko ito naramdaman ng halayin ako ng gago kong pinsan. Pakiramdam ko walang mali sa ginagawa n’ya sa’kin kahit pa alam kong matatawag ng rape ang ginagawa n’ya.

Kahit na binili n’ya ako alam kong wala akong magagawa sa kung ano man ang naisin n’ya sa’kin, alam ko iyon, pero kahit na gano’n hindi pa ako handa. Hindi ko kayang ibigay ang katawan ko na maging kabayaran ng isang milyong halaga na binigay n’ya kay Tiya. Hindi ko s’ya kilala kaya ganito nalang ang takot ko sa kaniya. Tinulak ko s’ya sa ikalawang beses.

“ Don’t call me in that name! It’s Zieg. Say my name woman, ” Bulong n’ya sa tenga ko, hindi binigyan pansin ang pag mamakaawa ko.

Hinalikan na naman n’ya ulit ako sa labi sa marahas na paraan dahilan para tumaas ng kunti ang shade na kanina pa n’ya suot. Gusto ko mang tignan ang mga mata n’ya hindi ko nagawa dahil naging mabilis ang kilos at agad s’yang nakalayo sa’kin.

“ D*mn it! ” Mura n’ya habang binabalik ulit sa ayos ang shade n’yang tumabingi ng kunti dahil sa ginawa n’ya.

Ano bang meron sa matang iyon at ayaw n’yang tanggalin ang shade n’ya?

Iniwan n’ya akong nakahiga sa kama, pasimpleng minamasdan ang bawat kilos n’ya. Pumasok s’ya sa isa pang malaking kwarto na kunektado dito mismo sa kwartong ito, parang may kung ano s’yang kinukuha do’n. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para bumangon at patakbong lumapit sa nakasaradong pinto. Mabilis akong pumuntang pinto para makalabas, pero hindi ko pa man nahahawakan ang siradura laking gulat ko nalang ng may malaking kamay ang humapit sa beywang ko, pinaikot paharap sa kaniya at hinapit palapit sa kaniya.

Magkasalubong ang mga kilay at nakataas ang sulok ng labi. “ Escaping from me is not that f*cking easy woman, ”

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku melody huwag mo ng tangkaing tumakas baka lalo ka lang mapahamak
goodnovel comment avatar
Faija Jamaldin
bkit lock parin
goodnovel comment avatar
Cherry Mortel
pabukas nman Ng page ko
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status