Share

03

"Ang sungit."  Komento ko naman ng makaalis na siya.

"Ganyan talaga si Matt. Hindi siya sociable." Sagot naman ni Boss Jim. Klaro naman na hindi siya sociable pero nagpakilala lang naman ako. Sungit niya parin.

Tinuruan na ako ni Chin kung ano ang gagamitin at kung pano maglinis. Mabilis lang naman, kaso nakakapagod.

Sunod sunod pala dito ang customers ni Boss Jim. Malakas din ang shop niya, at klarong klaro sa mga mekaniko na magaling silang mag ayos ng kotse.

Masyadong nakakapagod ang araw nato, mabuti nalang at hindi toxic ang mga customers. Pansin kong ang iba ay suki ni Boss Jim.

Pa gabi na at pauwi narin kami. Nagpunas lang ako at nagbihis dahil ang grabe 'yong pawis ko. Buti nalang talaga may parang gear kami para di mabasa damit namin habang nag ka-carwash.

"Uwi ka na? May susundo ba sayo?" Tanong ni Chin ng nasa labas na kami.

"Ah oo, hinihintay ko lang si.. ay ayun na pala." Sabi ko ng matanaw ko na si Kenjiro sa labas na hawak hawak ang apron niya. Naka uniform pa, batid kong galing siya sa trabaho.

"Kanina ka pa?" Tanong ko ng makalapit kay Kenji.

"Mga 123456789 hours na." Sagot niya naman. Binatukan ko at dahil don napatawa siya. Siya lang yung nasasaktan na natutuwa pa.

"Ang cute niyo." Biglang sabi ni Chin, hindi pa pala siya nakauwi.

"Ako lang." Nilingon ko siya sabay akbay kay Kenji.

"Gwapo kasi ako." Ani ni Kenji. Hanep talaga, taas ng confidence, di ko ma reach.

"Ngi." Angil ko naman at kunware chineck ang mukha niya ng nakakunot ang noo.

"Ngilo ra na imong ngipon." Ayun nanaman iyang pagbibisaya niya. Sinikmuraan ko lang siya, ano ba kase ibig sabihin nun.

Tumawa lang si Chin at nagpaalam na ganon rin kami ni Kenji. Pagkauwi ko dumiretso na ako sa kwarto hindi na ako kumain, hindi rin naman ako gutom.

Ilang araw na rin ang lumipas ng magsimula ako mag trabaho, nakakapagod siya. Nakaka pahinga lang kami mga isang oras lang sa isang araw.

Hindi ko rin inaasahan na ganito pala ka busy, ang expectations ko lang ay sa isang araw swerte na siguro if naka more or less twenty na kotse ang nalilinisan mo.

Pero dito more or less forty cars. Ganun ka lakas, mabuti nalang din gamay na gamay ko na ang paglilinis kaya mabilis akong matatapos.

Nang makapasok ako dito sa trabaho, parang unti unti ko nang nalimutan ang galit at sakit sa puso ko. Marunong na akong i control ang feelings ko. Di na ako madaling maiyak.

Mas masakit pala yung pag galing sa pamilya 'yong cause kung bakit ka nasasaktan. Love from a family is for forever, kaya ganon nalang kasakit pag nag-aaway away kayo.

Napatawad ko na si Mommy, pero hindi pa ako handa magpakita ulit sa kanya. Gusto kong magpakita kung kailan ready na ako. Yung naghilom na talaga ang sugat sa puso ko.

"11 palang ng umaga, ang dami na nating nalinisan." Biglang sabi ni Chin ng matapos siya sa kotseng nililinisan niya. Umupo muna kami saglit dahi mahigit na 4 hours na kaming nakatayo.

"Oo nga, nangangalay na nga ang paa ko." Sagot ko naman habang minamasahe ang paa ko.

"Uy wala ka palang gloves?" Tanong niya at hinawakan ang kamay kong kumkulubot na dahil kanina pa nababad sa tubig.

"Wala eh, teka mag ba-banyo lang." Paalam ko at iniwan ang towel ko sa upuan.

Pagbalik ko, si Chin naglilinis na. Napansin ko rin may kotse ng nakapark sa area ko. Pupunasan ko na sana ang kamay ko sa towel ko ng may napansin ako.

May biscuits, juice at gloves na na nakapa ibabaw sa towel ko. Tinignan ko ang paligid ko, halos lahat naman sila ay busy sa ginagawa. Napaisip naman ako, baka may nag iwan lang.

Kaya kinuha ko na ang towel ko pero mas nagulat ako ng may nahulog na papel. Tsaka may nakasulat.

'take time to rest, you need it Allison. (F) JM.'

So para nga sakin to!? And who is JM!? Nagtataka akong tinignan ang mga binigay nitong si JM sakin. Sinuot ko nalang ang gloves at iniwan ang mga pagkain sa towel ko. Baka kay Boss Jim 'to galing.

Nakatulong rin ang gloves, kahit papano. Siguro kung di pa ako mag ga-gloves panit na kamay ko.

Nakalinis na ako ng mga limang kotse ng napagpasyahan kong umupo muna at kinain ang pagkain na binigay sakin kanina.

"Uy may gloves ka na pala?" Biglang tanong ni Boss Jim. Kaya napalingon ako sa kanya na may hawak ng Box ng gloves.

"Ah opo, thank you po pala." Sabi ko sabay ngiti. Parang nagtataka si Boss Jim dahil nakakunot ang noo niya.

"Ah dito po sa gloves" dagdag ko sabay angat ng gloves na ginamit ko. Lalong nagkunot ang noo ni Boss Jim.

Kumuha siya ng isang gloves, napansin kong magkaiba ang kulay dahil yellow yung sa kanya tapos sakin ay kulay blue. Mas lalo akong nagtaka.

"Hala hindi yan galing sakin." Sabi ni Boss Jim. So kanino galing to!? So sino nga si JM?

"May pagkain nga po tong kasama." Ani ko at pinakita sa kanya ang juice at biscuits.

"Akala ko nga Boss, galing sa inyo. Pa merienda niyo." Dagdag ko naman.

"Hindi pa nga ako nagbibigay ng pa merienda." Ani niya naman at nagsimula ng magbigay ng gloves.

"May letter nga po." Sabi ko at tinignan niya ako.

"Eh, baka may manliligaw ka na." Parang nanunukso na si Boss Jim, napangiwi naman ako.

"May JM po sa letter, from JM ganon." Sabi ko naman sa kanya.

Nagtaka ako ng malakas na tumawa si Boss Jim, parang timang 'to. Napahawak pa siya sa tiyan niya. Sana okay lang si Boss.

"Hindi mo pa siya nakilala?" Tanong niya sakin ng makabawi na siya sa pagtawa.

Umiling iling ako, hindi ko talaga alam kung sino ba 'tong JM na to. Wala naman akong kakilala dito na JM. Puro mga nickname lang ang alam ko dito well except kay Chin.

"Siya si Jaxx Matthew." Dagdag ni Boss sabay tapik sa balikat ko at iniwan ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status