Share

05

Nakatingin siya sa akin at simple itong iniwas bago siya tumingin sa kawalan. Iniwas ko nalang rin ang tingin ko at pinagmasdan ang nag niningningang mga bituin. 

Tahimik lang kaming nag s-stargazing nang biglang dumating si Boss Jim. Parang may hinahanap siya at nagulat nang makita kami. 

“Ay…” Sabi ni Boss Jim nang maabutan kami sa balkonahe. 

“Andito lang pala kayo. Bumaba na kayo para kumain, kayo ha…” Sabi niya tsaka kami tinignan ng nakangisi. Nag-paalam nalang ako na mauna na sa baba. 

“Oh san ka galing? Akala ko pa naman nauna ka na dito.” Bungad ni Chin ng makita ako papunta sa dining area. 

“Nagpa-hangin lang ako.” Sagot ko naman bago ako inaya ni Tita Mona umupo. 

“Saan na ba ‘yong mga boys? Ay eto na pala.” Napatingin naman kami sa may hagdanan nang marinig namin ang malakas na tawa ni Boss Jim. Napasapo nalang sa noo ang misis niyang si Tita Mona. 

“Oh hello girls.” Bati ni Boss Jim tsaka umupo, napangiti lang kami at yumuko para magbigay galang kila Boss. 

“Let’s eat!” masiglang sabi ni Tita Mona nang matapos kaming magdasal. Magkatapat si Boss Jim at Tita Mona, magkatabi naman kami ni Chin habang sa tapat ko si Kuya Matt. 

“Halatang magaganda ang parents ng mga batang ito.” Biglang sabi ni Tita Mona tsaka napangiti kaming tinignan. Napatingin naman kami ni Chin habang nahihiyang ngumiti. 

“Sino ba ang mga parents niyo?” Tanong naman ni Boss Jim bago kumain ulit habang hinihintay ang sagot namin. 

“Bernardo Villanueva at si Anna Villanueva.” Sagot naman ni Chin. Hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihin kung sino talaga ang magulang ko kasi panigurado makikilala nila. 

“Nasa probinsya pa rin ba sila? Tsaka kinakamusta ka ba palagi?” Tanong naman ni Boss Jim. Napatango naman si Chin. 

“Yes po, nagsasaka po sila. Araw araw po talaga sila tumatawag para po kamustahin ako.” Kwento niya naman tsaka ngumiti. Nakaramdam ako ng inggit. Hindi naman siya pinalad na mabigyan ng mala-prinsesang buhay pero ang yaman niya naman pagdating sa pagmamahal ng pamilya. 

Isang sikat na business woman ang Mommy ko, iyon ang alam ng mga tao. Pero sa likod nun, isang negosyong illegal. Ang akala ng lahat ang furniture company ni Mom ang nagpa successful sa kanya. 

Naabot lang ni Mom ang pangarap niyang umunlad ang furniture shop niya noon na ngayon ay isang kompanya lang. Nag engage siya sa mga illegal na gawain para mapadali ang paglaki ng kanyang kompanya. 

“How about you Ali?” Tanong naman sa akin ni Tita Mona, napaayos ako ng umupo tsaka ngumiti ng tipid. Sakto naman na napaharap ako kay Kuya Matt, tinignan niya ako na parag inaalam ang reaksyon ko. Napaiwas naman ako agad ng tingin tsaka tumingin kila Tita Mona. 

“Um… Ara and Rio po.” Sagot ko naman tsaka ako ngumiti. 

“Ara and Rio?” Tanong naman ni Boss Jim. Hindi ko alam kung magsi-sinungaling ba ako or aamin ko na— 

“Jim, may pagkain pa ba tsaka kape?” Biglang tanong ni Kuya Matt, kaya naagaw ang atensyon nila. 

“Pagkain pa? Ang takaw mo naman ngayon Matt.” Sagot naman ni Boss Jim tsaka sila sabay na pumunta sa kitchen. 

“Ako na magtitimpla ng kape, anong gusto niyo girls?” Tanong naman ni Tita Mona sa amin. 

“Okay na po ako sa juice.” Sagot naman ni Chin at tinuro ang pitcher sa mesa na may juice. 

“Ako rin po, okay na ako sa juice.” Sagot ko naman. Nagpaalam naman si Tita Mona na pupunta sa kitchen, tumango lang kami ni Chin at ngumiti. 

“Okay ka lang ba, Ali?” Tanong ni Chin habang kumukuha ng pagkain sa plato niya. 

“Oo, okay lang ako.” Sagot ko at kumain na ulit. Hindi naman sila ganoon ka tagal sa kitchen tsaka dinig na dinig pa rin namin ang kwentuhan at tawanan nila. 

“Naalala mo pa ba si Nicole?” Rinig kong tanong ni Boss Jim sa misis niya habang pabalik na sila sa dining area. Pamilyar naman sa akin ang pangalan na pinag-uusapan nila. 

“Ay oo, ‘yong dinadala niya dito noon? Gomez ba ‘yon?” Tanong naman ni Tita Mona habang may inaalala. Apilyedo palang kilala ko na. 

“Nicole Samantha Gomez.” Singit ni Kuya Matt sabay upo at lapag ng kanyang plato sa mesa. 

“Hindi na ba talaga kayo nagkabalikan ni Nicole? Sayang ang ganda niya pa naman at ang bait.” Sabi pa ni Tita Mona. Totoong mabait si Nicole, sobrang bait niya. Maganda pa tsaka humble. 

“Matagal na siyang naka move on don tsaka may bagong gusto na si Matt ngayon no.” Sagot naman ni Boss Jim tsaka mapang asar na nginitian si Kuya Matt. Binalewala lang ito ni Kuya Matt at tahimik lang na kumain. 

“Talaga? Sino?” Tanong naman ni Tita Mona. 

“Kwento naman diyan!” Sabi rin ni Chin. Napatigil si Kuya Matt sa pagsubo bago umupo ng maayos. Abang na abang naman kaming marinig ang sasabihin niya. 

“Aamin muna ako sakanya bago ko isasabi sainyo kung sino siya.” Sagot niya ng walang emosyong pinapakita ang mukha. 

Nang matapos kaming kumain, tinulungan muna naming magligpit si Tita Mona bago naming mapagpasyahang pumanhik sa taas para makapag pahinga. 

“You’re welcome.” Biglang sabi ni Kuya Matt. Hindi ko alam kung pano ko nagawang gumalaw ng mabilis at nabulhot ko ang kwelyo ng suot niya at tinulak siya sa pader. Sakto namang nakapasok na ang mga kasama namin sa mga kwarto nila. 

“Anong alam mo sa akin?” Pabulong na tanong ko habang hawak-hawak parin ang kwelyo niya at hinarangan sa pader. Napangisi siya at unti unting tinatanggal ang hawak ko sa kwelyo niya. 

“Do I have to know something about you?” Kuya Matt asked while a smirked formed on his lips. 

“Wala naman.” Sagot ko tsaka siya ko siya tuluyang binitawan. Napasandal pa rin siya sa pader habang nakapamulsa at wala ng emosyong makikita sa mukha niya. Pero parang ang mata niya ay nangungusap. 

“I just felt you’re uncomfortable so I diverted their attention. You should thank me instead of pulling my collar while pushing me on the wall and you even moved closer towards me.” Mahabang sabi niya habang diretso pa rin ang tingin sa akin. 

“But if that’s your way of saying thank you, then I would be much greater to say you’re very welcome.” He smiled and in just one snap he entered his room. 

Napatulala akong pumasok sa kwarto. Nagtanong pa si Chin kung bat ako natagalan. Sinagot ko lang na may naiwan ako sa baba. Tsaka kami natulog. 

Kinabukasan, maaga kaming pumunta sa shop para magtrabaho ulit. Nag text naman ako kay Kenji na nasa shop na ako para masundo niya ako mamaya. 

Umaga palang madami na kaming customers. Mabuti naman ngayon at medyo upgraded na ang gamit namin. May hose na na sabon ang lumalabas tapos ang isang hose naman ay malinis na tubig pero demano pa rin ang pagpunas namin gamit ang basahan. 

Habang naglilinis ako, may naririnig akong yapak kaya napatingin ako kung sino iyon. Isang lalaki na walang shirt at maluwag na pantalon lang ang suot niya kaya kitang kita ang underwear niya. 

Hinanap naman ng mata ko si Chin, pero wala siya. Hindi ko alam ang gagawin ko nang kinabahan ako dahil hinawakan niya ang braso ko kaya ako napatingin sa kanya. 

“Anong pangalan mo?” Biglang tanong niya at pinagmamasdan ang kabuoan ko. Pinipilit kong bawiin ang braso ko pero masyado siyang malakas. 

“Ang ganda mo naman.” Sabi niya ulit. 

“Bitawan niyo po ako Sir.” Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko, ayaw kong ipakita na mahina at natatakot ako at baka I take advantage niya iyon. 

“Pano kung ayaw ko- 

Napaatras ako nang may biglang sumuntok sa kanya at natumba siya. Nagulat akong tumingin kay Kuya Matt na masamang tinitignan lang ang lalaking nang ha-harass sa akin. 

“Bakit mo ako sinuntok?!” Biglang sigaw na patanong ng lalaki bago siya bumangon at pinahiran niya ang dumugo niyang labi. Nakaagaw kami ng atensyon kaya nagsipuntahan ang mga kasama namin sa washing area. 

“Sinubukan ko lang kung malakas pa ba, matagal tagal na rin kasi nang huli akong makasuntok.” Sabi niya at chineck pa ang kamay niya. 

“Malakas pa nga talaga.” Sabi niya sabay tingin sa mukha ng lalaki. 

“Gago ka ah- 

Aamba na sana siya ng suntok ng biglang dumating si Boss Jim. 

“Kung manggugulo lang, alis. Kahit suki pa kita, wala akong pakealam. Alis!” Galit na tugon ni Boss Jim. Napapamura pa ang lalaking iyon ata sinasabing makakaganti rin siya. 

“Okay ka lang ba, Ali?” Nag-aalalang tanong naman sa akin ni Boss Jim. Ngumiti lang ako ng tipid at tumango tsaka tumingin kay Kuya Matt na nakatingin na rin pala sa akin. Tsaka naagaw ng pansin ko ang kamay niyang may bahid ng dugo. 

“Boss Jim, may first aid kit po ba kayo?” Tanong ko naman at lumapit kay Kuya Matt at tinignan ang kamay niya. 

“Hala, oo meron. Teka kukunin ko lang.” Pumunta naman agad si Boss Jim sa opisina niya. Inaya ko namang umupo muna si Kuya Matt. 

“Hindi naman na kailangan gamutin.” Sabi niya habang tinitignan ko ang kamay niya. 

“Kailangan. Tsaka dapat may tabon para hindi madapuan ng dumi.” Sagot ko naman at saktong dumating na si Boss Jim. 

“Ikaw na bahala Ali, may tatawagan pa rin kasi ako. Okay lang ba?” Tanong naman ni Boss Jim. 

“Oo naman po, ako na bahala.” Sagot ko at tsaka na nagpaalam si Boss. 

“Ang lakas mo naman sumuntok.” Sabi ko habang nililinis ang kamay niya. 

“Isang Jaxx Matthew ba naman ang susuntok. Syempre malakas talaga.” Mayabang niyang sagot at wala pa ring emosyon sa mukha niya. 

“Ang tigas naman ng kamay mo.” Komento ko naman habang nararamdaman ko ‘yong texture ng kamay niya. 

“Mas matigas mukha niya.” Sagot niya naman tukoy don sa sinuntok niya napatawa lang ako at nilinis na ang kamay niya. 

Nilabas ko ang alcohol at binuksan ito. Ipabubuhos ko na sana nang bigla niya akong pigilan. Napatingin naman ako sa kanya, nagtatanong. Tsaka ko nakuha ang gusto niyang ipahiwatig. 

“Ikaw lang ang mayabang na kilala ko na takot sa alcohol.” Sabi ko habang nag pipigil ng tawa. Pero hindi ko talaga napigilan at napatawa. Ang cute naman kasi, isang lalaking maskulado takot sa alcohol. 

“Ah sh- 

Napamura siya nang tuluyan ko ng buhusan ang kamay niya ng alcohol. Hinawakan ko kamay niya habang pinapakalma siya kasi panigurado ang hapdi non. Hinipan hipan ko bago ko lagyan ng bandage tsaka tinali na rin ang panyo ko. 

“Gamitin mo muna panyo ko, para iwas dumi.” Sabi ko at tinapik ang kamay niya nang matapos na ako. 

“Thank you.” Sinserong sabi ko at tinignan siya sa mata habang ngumingiti. Matagal rin bago siya nakasagot. 

“Salamat din.” Sabi niya sabay pakita sa kamay niya, ngumiti lang ako at nag thumbs up. 

Nagligpit na ako ng gamit. Isasara ko na sana ang kit nang may biglang humawak sa braso ko. 

“Wag ka matakot, po-protektahan naman kita.” 

Sabi ni Kuya Matt, bago siya umalis. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status