Share

06

Matapos ang nakakapagod na araw sa shop ay sinundo na ako ni Kenji. Nang pauwi kami napansin ko na parang may bumabagabag sa kanya. Kanina pa rin siya hindi nagsasalita.

“Kenji?” Tawag ko naman sa kanya sabay wagayway sa kamay ko sa harap ng mukha niya. Tumingin lang siya sa akin, ngumiti ng tipid at tinaas ang dalawang kilay.

“May problema ba?” Tanong ko sa kanya. Napatingala lang siya tsaka tahimik na naglalakad. Hinintay ko naman siya kung kalian niya kayang sabihin ang nararamdaman niya.

“Si Nicole, nag away kami.” Biglang sabi niya habang nakatingala pa rin. Hinayaan ko lang siya na magsalita.

“Hindi naman talaga siya ‘yong problema.” Dagdag niya pa, ramdam ko ang sakit sa pagkakasabi niya.

“Ayon, naghiwalay kami.” Sabi niya sabay tingin sakin at ngumiti ng tipid. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na hahantong sa hiwalayan ang naging away nila.

“Alam mo, Kenji. Tama ka, ikaw nga ‘yong problem and if that’s the case you should also be the one to solve it.” Sagot ko at tinapik ang balikat niya. Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita.

Habang naglalakad kami sa madilim na eskinita, biglang may humarang sa amin na dalawang lalaki. Agad naman pumwesto si Kenji sa harap ko para itago ako sa likod niya.

“Hold-up to!” Maingat na pagkakasabi ng isang lalaki baka may makarining.

“Wala kaming kahit na ano, kaya pakiusap po pabayaan niyo nalang kami.” Malumanay na sabi ni Kenji pero nandon pa rin ang tapang sa boses niya.

“Hindi niyo kami maloloko, amin na yang bag niyo!” Sabi niya sabay bulhot sa mga bag namin, nanlaban pa kami pero nang nilabas nila ang baril nila ay hinayaan na namin silang kunin iyon.

Iniisa isa nila ang bag namin. Kita ko ang gustong pag pigil ni Kenji habang kinukuha ang mga pera namin at binulsa. Kinuha rin ang mga cellphone namin. Nang makuha na nila ang gusto nila ay tinapon nila ang mga bag namin sa mismong harap namin.

“May pera pa ako dito.” Sabi ko sabay tapik sa bulsa ko. Nagulat naman si Kenji at hinawakan ang braso ko.

“Ano bang ginagawa mo?” Pa bulong na tanong ni Kenji, sinenyasan ko ng hayaan niya ako. Wala na siyang magawa kasi di niya ako kayang pigilan.

“Akin na.” Lumapit sa akin ang lalaki tsaka pinwesto ang kamay niya sa harap ko.

“Ayoko nga.” Sabi ko na may pang aasar. Nakita ko agad ang galit sa mukha niya kaya nilabas niya ang baril niya at tinutok mismo sa dibdib ko.

“Ibibigay mo o mamatay ka?” Pananakot pa ng lalaki sa akin pero hindi man lang nagsitayuan ang balhibo ko o nanlamig ang tuhod ko.

Tinaasan ko siya ng kilay at ngumiti bago hinulbot ang slide ng baril sabay ilag at mabilis na binawi ito at hinila ko ang trigger bago tinutok sa kanya.

“Tumawag ka ng pulis.” Utos ko kay Kenji. Natataranta man ay sinunod rin ito ni Kenji.

Aakma sana silang tatakas ng mabilis kong nahablot ang sleeves niya at pinukpok ang baril sa braso niya sabay tapak ng malakas sa paa niya, napaupo naman siya sa sakit. Tinutok ko ang baril sa kasama niya kaya napahinto rin ito.

Ilang segundo lang, narinig na namin ang siren ng kotse ng mga pulis. Napatingin ako sa likod ko nagtaka naman ako nang hindi pulis car ang nakita kung hindi itim na mga sasakyan lang. Tututukan ko sana sila ng baril ng biglang nagpakita ito ng mga ids nila.

“Leonardo. Leo, from DVO. You can trust us with this Miss.” He said at agad pinusasan ang mga nang hold up sa amin ni Kenji.

“I’ve never heard about them before.” Bulong ko naman kay Kenji. Ngayon ko palang kasi narinig ang DVO.

“Para silang police slash agents. Wag ka mag alala, mapagkakatiwalaan sila.” Sagot naman ni Kenji. Ang weird naman kasi ng aura nila, I thought na sa teleserye ko lang makikita ang ganito.

They all have black na cars, I don’t know what’s the model. May nakaukit din na DVO sa gilid na kulay silver. Nakasuot din sila ng suit at may mga earphones din sila.

May lumapit na pamilyar na lalaki sa akin. Parang may kamukha siya, hindi ko lang masabi kung sino. He also looks younger than me.

“Jacob Mont De Vera, from DVO. Can I ask some questions about how it all happened?” Tanong niya naman, napakunot ang noo ko sabay paniningkit ng mata ko.

“I can’t tell you young mister, my apologies. I need someone older than you.” Tugon ko naman sabay ngiti at pat sa head niya.

“Im not a kid, Miss. They also trusted me with this.” He’s so consistent in getting the information but I can’t tell a kid about it.

“Im sorry, I don’t want a kid to meddle in this kind of situation. You-

“Come on! Inuubos mo pasensya-

“Excuse me, I’m Roiland. Roi for short.” Pagpapakilala niya naman sabay handshake sa akin. “Ako na ang bahala dito, Mr. Jacob.” Tugon niya sa batang lalaki na parang nag ta-tantrums pa. Lumakad na din siya palayo.

Nagsimula na mag interview si Sir Roi. Hindi naman ganon kahaba ang interview since meron namang cctv sa lugar. Nakuha na din namin ang pera at mga gamit namin. Nagpasalamat na kami ni Kenji, hinatid na din nila kami para makasiguro na ligtas kaming makauwi.

Kanina pa ako kinukulit ni Kenji. Bakit daw nagawa ko yon, bakit daw hindi man lang ako natakot. Ang dami niyang tanong at talagang inulit pa ‘yong nangyari kanina.

“Grabe yon, ang bilis ng kamay mo. Hindi ko aakalain na kaya mo palang humawak ng baril.” Kwento niya pa habang nakahiga sa kama ko.

“Kanina ka pa, Kenji.” Sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

“Kwento mo na nga kasi, bat ka ganon? Bat mo nakaya ‘yong ganon? Kasi feeling ko hindi pa kita kilala, ibang Ali ‘yong nakita ko kanina e.” Ang dami pang sinabi ni Kenji, ang kulit talaga. Kaya wala akong choice kung hindi I kwento nalang sa kanya, mapagakatiwalaan naman siya.

I was in my room, watching movies on Netflix when I heard my annoying kuya knocking on my door.

“What is it now, brother?!” I shouted so he could hear my voice, he entered my room and leaned on the door.

“Training time, Miss Ali.” Sagot niya naman. I just looked at him bago ako humiga ulit.

“Can we just do it tomorrow?” I asked while eating my popcorn.

“Hindi pwede, bumangon ka na diyan. Bago kita paulanan ng kiliti!” Pagbabanta niya naman kaya bumangon na ako at pumunta sa closet ko to change my outfit bago pumunta sa training room.

“Where’s Ate Azi?” I asked kasi hindi ko siya mahanap sa loob ng training room. Habang nag susuot ako ng gloves at sakto namang dumating si Ate Azi.

“Here I am, baby girl.” Sabi niya naman at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. She’s really the sweetest sa aming magkakapatid.

Nagsimula na kaming mag training with our mentor. I don’t really think this is necessary but mom always say that it will help us for the future to prepare us for something we don’t even know.

“Kick high, Allison!” utos ng mentor namin. We always train every weekday, more or less two hours. Noong una palagi akong nagkakaroon ng bodyaches pero habang tumatagal nasasanay na din ako.

Habang nagpapahinga ako sa sofa may nakita akong gusto ko ng hawakan. It feels like it’s tempting me. I grab my Kuya’s gun, sinusi ko ang bawat gilid. I was not familiar of the parts. It’s kind of heavy but I can still manage to hold and carry it.

“Oh my…” I heard my Ate Azi talked, so I looked at her. Lahat na pala sila nakatingin na sa akin.

“Ali, ibaba mo yan.” I was so stubborn to follow my Kuya’s command. I pointed the gun to him. Actually, I am not planning to shoot them. I just want to experience holding it while pointing at my target.

Mahinahon naman na lumapit si Kuya Yael sa akin. Hindi ko alam ang pina-plano niya. He confidently stood right in front of me while hands on his pockets.

“How about you put that gun down my little sister?” He asked, I just raised my brow and shook my head to tell him that I don’t want to put it down.

I was too slow to move when he quickly grab something on the gun and pointed it above him and it made a loud noise. He kicked the gun which made it slipped in my hands.

Madali niya ring kinuha ang bala. I was amazed by it kaya hindi ko siya tinigilan hanggang sa hindi niya ako tuturuan.

He trained me and taught me about some basics, like how to shoot, how to point and these and those stuffs.

“Yon lang, tinuruan niya ako when I was still 13.” Dagdag kong kwento at tinuon na ang pansin sa phone ko.

“So pwede ba? Tigilan mo na ang pangungulit sa akin?” I asked him a favor pero he just smiled at me.

“Turuan mo muna ako.” Sabi niya pa at tinataas ang dalawang kilay. Napasapo nalang ako sa mukha ko sabay iling.

“Wala tayong baril, hindi ko ma demonstrate no.” Sabi ko at tinulak siya palabas ng kwarto ko.

“Ali naman…hoy!” Rinig ko pang sigaw niya sa labas. Ni lock ko naman agad ang kwarto ko at napag desisyunan ng matulog.

Kinabukasan nagising ako ng maaga para mag handa ulit sa trabaho ko. Akala ko titigil na si Kenji sa pangungulit sa akin pero hanggang sa matapos kami kumain ng umagahan hindi siya tumigil sa pag ke-kwento.

“Alam ko naman na kaya talaga yon ni Ali.” Sagot naman ni Manang habang nag ke-kwento si Kenji.

“Ako pa nga naghahatid ng meryenda nila noon.” Dagdag pa ni manang.

“Talaga manang? So nakita mo kung pano-

“Manang, mauna na po kami. Tanghali na.” Sabi ko naman sabay hila kay Kenji palabas.

Ang daldal niya talaga kahit kalian. Hanggang sa mahatid niya ako daldal pa siya ng daldal. Hindi maka get over.

Nang makapasok na ako sa shop ay agad akong nagbihis at naghanda para mag trabaho na.

“Good morning!” Masiglang bati ko sa lahat.

“Good morning, Ali.” Bati din nilang lahat ng makita ako.

Nagsimula na kaming mag trabaho ni Chin. Habang naglilinis ay may nakita akong lalaki sa office ni Boss Jim, kasama si Kuya Matt. Agad ko namang tinawag si Chin para magtanong kung sino ‘yong bisita nila Sir.

“Ah, Si Mr. Zachario. Daddy ni Kuya Matt.” Sagot naman ni Chin, Kapangalan niya ang dad ko. Napatango-tango nalang ako. Tears started to form in my eyes pero agad ko itong pinunasan. Hindi ko alan kung bakit ako naiiyak.

Naalala ko din si Daddy, sabi nila magkamukha daw kami. Magkaugali din. Pero bata palang ako iniwan niya na kami, hindi ko alam kung bakit. Nasanay naman din ako na wala si Daddy sa tabi namin. Oo, masakit at nakakagalit pero wala rin akong magawa kasi hindi naman namin alam kung nasaan siya.

Habang naglilinis kami ni Chin, narinig namin ang tawanan nila, Napansin ko namang nakalabas na sila sa office ni Boss Jim.

“Your business is really growing, Jim. I’m proud of you.” Rinig ko namang sabi ni Mr. Zachario.

I wonder why Kuya Matt works for Boss Jim when he actually looks like rich. Well, maybe there’s a reason behind it.

“Wait, she looks new to me.” Rinig ko ulit na sabi ni Mr. Zachario. Yeah his not my dad. They say kung anak mo ma rerecognize mo, he does not even know me.

“Oh, siya po si Allison. New carwash girl, Sir.” Sagot naman ni Boss Jim kaya ako napalingon. Nagbigay galang naman ako.

“Wait, she looks familiar.” Sabi niya pa at mas lumapit sa akin. Familiar? Sobrang kaba ang naramdaman ko, iniisip kung kilala niya ba ang mommy ko or may nalalaman ba siya tungkol sa pagkatao ko.

“Oh, now I know her. I love how my son Jacob describes her.” Dagdag niya at napangiti. Jacob? Anak niya din si Jacob? ‘yong batang mag iinterview sana sa akin kagabi? So does it means-

“Please bring her later at the house, Jaxx.” Tugon niya na ikinagulat ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status