Chapter 04

Sa bawat araw na nag dadaan, mas nagiging malapit pa kami ni Syeb sa isa't isa. Madalas kami magka-usap pero hindi pa ganon kakilala ang isa't isa.

Kailan lang ay ng plano kaming mag kita-kita, parang isang kurap lamang ang nangyari. Bukas ng umaga ay bi-biyahe na kami ni Maxine papuntang Manila.

"Sis, anong dala mo?" Tanong saakin ni Maxine, inalabas ko lang ang isang maliit na bag. Yung bag na lagi kong dala, kapag po-porma.

"Seryoso ka? Ang liit niyan." Sabi niya at tumango ako.

Alcohol, extra facemask, wallet, phone, charger and power bank. I also have a panyo. Nag dala rin ako ng isang maliit na wallet kung saan nakalagay yung mga gamot ko. Incase of emergency.

"Ikaw, ano bang dala mo?" Tanong ko sakanya at inilabas niya naman ang isang tote bag. Halos magkaparehas lang kami ng laman nito ang pinagka-iba lamang ay lalagyanan siya ng face shield.

To: gllnsyeb

Matutulog na ako, maaga pa biyahe bukas.

Nag ayos na kami ni Maxine ng higaan, what if mauna kami sa Intramuros and inihatid siya ng mga ate niya.

Edi makikita ko mga ate niya? Kinakabahan ako, minsan kasing magkausap kami sa video call. Sleep call yata tawag doon, maaga akong nagising kaysa kay Syeb.

Tapos mukha ng ate niya bumungad, nagulat tuloy ako. Paano kung kasama 'yon sa mag hahatid sakanya bukas.

From: gllnsyeb

Sleep well, ingat sa biyahe.

Nang mabasa ko ito ay chinarge ko na cellphone ko at power bank, pahiga na sana ako ng maalala ko yung fuji film camera ko. Nag lagay akong film, incase maisipan kong dalhin siya bukas.

Umaga naman kami pupunta doon, pero paniguradong gagabihin kaya dadalhin ko pa rin. Kasya pa naman siya sa bag ko.

Pagkagising ko ay alas kuwatro na, sakto lang ang gising ko. Mag papatuyo pa kasi akong buhok.

Alas kuwatro imediya ang usapan namin ni kuya James.

"Max, gising na four na." Gising ko kay Max, nagulat siya kay napa bangon siya agad.

Naligo na kami at gumayak dahil on time talaga si Kuya James, inilagay ko sa bag ko ang susi ng bahay at sumakay na sa kotse.

To: cool gang

Otw na kami ni Max

From: cool gang [Maxine]

Tulog muna ako.

Papatayin ko na sana yung data ng phone ko kaso biglang nag notify yung chat ni Syeb saakin.

From: gllnsyeb

Ingat sa biyahe

Natulog muna ako since maaga akong nagising, at pag gising ko ay nasa Manila na kami. Malapit na rin kami sa Intramuros, sa gawing España kami nag daan. Siguro ay ito lang ang alam na daan ni Kuya James, hindi man lang kami binaba sa Dapitan.

Nasa Dapitan kasi ang bahay namin dito sa Manila, malapit sa UST, FEU, UE at iba pang skwelahan.

Medyo malapit na malayo naman ang SBU at PUP, pati na rin ang CEU at iba pang mga skwelahan.

From: cool gang [Azi]

Nandito na kami ni Inigo sa Intramuros

From: cool gang [Maxine]

Saan doon?

From: cool gang [Marisse]

Oo nga, kalaki ng Intramuros

Totoo, malaki nga ang Intramuros, napunta na ako doon nung fourteen years old palang ako. Kasama ko sila mama, naikot nga namin pero hindi lahat.

From: cool gang [Azi]

Sa main entrance lodz

"Nandito na tayo." Sabi ni Kuya James, napatingin ako sa paligid. Intramuros nga.

"Salamat kuya James." Sabi ko sakanya at inayos ang sarili ko, nag suklay at liptint na rin ako. Pati Mascara.

"Nandoon ako sa bahay ng Kaibigan ko sa España, tawagan niyo lang ako kung uuwi na tayo." Sabi niya at tumango kami, bumaba na kami ni Maxine at natanaw ko na sila Azi kahit malabo ang mata ko.

"Ingat kuya James." Sabi ni Maxine.

"Ingat din kayo." Sabi niya at umalis na, pumunta kami sa gawi nila Azi. Nakatayo lang dalawa dahil walang upuan doon.

"Maxine?" Tawag ni Inigo kay Max.

"Hi, kanina pa kayo?" Tanong ni Max sakanila.

"Kanina pa, nag chat nga sa gc. Hi Azi!" Bati ko kay Azi.

Close kami ni Azi, siya talaga pinaka-close ko sakanila bukod kaya Maxine. Si Inigo at Marisse naman ang close, tapos si Maxine at Syeb.

"Saan ba si Syeb?" Tanong ni Azi sakin, bakit sakin tinatanong ako ba mag hahatid? Joke.

"Oo nga, wala pang paramdam sa gc." Sabi ni Inigo.

"Nako, late yon." Sabi ni Maxine.

"Late? Eh sa Tondo lang naman bahay non." Sabi ni Azi sakanya.

Pamaya-maya lang ay dumating na si Marisse, sinalubong agad siya ni Inigo. First time magkita pero hindi awkward.

Habang si Maxine ay aligagang aligaga sa cellphone, nag uusap naman sila Inigo at Marisse.

"Kamusta biyahe?" Tanong ni Azi saakin.

"Biyahe pa rin." Sabi ko sakanya at hinampas niya ako ng bahagya.

"Ayos lang, tulog ako." Sabi ko sakanya at napa iling naman siya.

"Nasaan naba si Gillan, ang tagal naman." Sabi ni Marisse at tumingin sakin. Bakit saakin?

Tinuro naman ni Azi ang isang kotse na papalapit dito saamin, kung wala akong kasama paniguradong iisipin ko na kidnapper 'to.

Agad bumaba si Syeblig galing doon, ibinaba ng babae sa driver's seat yung bintana niya.

"Mag iingat ka, tumawag ka kapag uuwi ka na." Sabi nito, maganda siya mahaba ang buhok maputi at mukhang mataray na strikto. Pero mukha rin siyang mabait.

Nakita ko naman sa front seat yung babaeng bumungad sa video call namin, yung isang ate niya.

"Azi!" Tawag nila kay Azi, agad naman pumunta si loko sa gilid ng kotse.

Nag usap sila saglit, napa-ngiti naman si Syeblig habang nag uusap sila Azi. Napansin kong tinuro ako ni Azi, tumingin naman sakin yung babae. Kinabahan tuloy ako, bwisit na Azi.

"Sige na ate, alis na kayo." Sabi ni Syeb at sinamaan naman siya nito ng tingin. Ate nga niya.

"Hay nako Gillan Syeb, ang tagal mo." Reklamo ni Marisse.

"Naka hoodie kana ah, bakit may extra ka pang dala?" Tanong ni Inigo sakanya.

"Ahh, ehh. Ano, para may pang palit ako sa pictures." Palusot niya.

"Kainit-init Gillan naka hoodie ka." Sabi ni Maxine sakanya.

"Max!" Tawag niya kay Max at nilapitan ito sabay yakap.

"Hops na 'yan, tara na sa loob. May mcdo dito, kain muna tayo." Aya ni Azi.

"Sino oorder?" Tanong ko sakanila, sabay-sabay naman nila ako tinuro. Mga bwisit, hanggang dito ba naman ako pa.

Nag lakad kami papunta doon, mabuti nalang at cloudy ngayong araw. Hindi masakit sa balat ang araw.

Sabay kami lumakad ni Azi sa harapan since kami nakaka-alam, inakbayan pa ako ni loko.

"Mare, libre mo'ko" sabi niya saakin

"Siraulo kaba?" Tanong ko sakanya at tumawa siya.

"Samahan mo nalang ako umorder." Sabi ko sakanya at tumango naman si loko.

"Max, picture-an mo kami ni Azi dito." Sabi ko kay Max at inabot ang film Camera ko.

Matapos ang isang take ay pumasok na kami sa loob at naupo, tig-dalawa sa isang table.

Kami ni Azi ang mag-kasama since we're very close best friends.

"Anong sainyo?" Tanong ko kila Inigo at Marisse.

"One peace mc chicken samin with fries and sundae." Sabi ni Inigo at ibinigay ang pera nila ni Marisse.

"Sainyo?" Tanong ko kila Maxine.

"Chicken fillet ala king tapos fries at sundae." Sabi ni Maxine at inabot din ang pera niya.

"Sasamahan ka raw ni Gillan." Sabi ni Maxine saakin, edi sige. Salamat nalang sa lahat.

"Huh? Eh sabi ni Azi sasamahan niya raw ako." Sabi ko at itinuro si Azi.

"Huh? Hindi, basta one mc chicken sakin with fries and sundae." Sabi niya at ibinigay sakin ang pera niya.

"Order na ah, nagugutom na kami." Sabi ni Azi at itinayo ako. Tumayo na rin si Syeb at pumunta na kami sa counter.

Habang naka pila kami, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa kaba. Hindi dahil sa kape, hindi naman ako nag kape kanina.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sakanya.

"Ikaw."

"I mean ikaw, anong gusto mo?" Tanong niya saakin, malapit na kami sa counter ayaw pa sumagot ng matino.

"Ako na bahala don, ano na?" Kinakabahang sabi ko, halo-halong kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"Mc chicken, nuggets and mc float." Sabi niya at ibinigay ang pera niya saakin.

"Ate, limang mc chicken po with fries and sundae. Yung isa po walang fries and sundae,

Dalawang mc float po tapos isang iced coffee, dalawang mc nuggets." Sabi ko, magulo pero mukhang nakuha naman ni ate. Napa dami yata ang order ko saakin pero nagugutom talaga ako.

"Dami yata." Bulong niya at ng bayad na ako, sakto lang ang mga perang ibinigay nila saakin.

Tinulangan niya ako mag bitbit ng tray, tig-isa kami sa isang tray naman ay si kuyang nag dadala ng tray.

Pag balik namin sa upuan ay ng ku-kwentuhan sila at doon na nakaupo si Maxine sa upuan ko.

Mga bwisit, planado ba 'to?

"Kayo ng dalawa diyan, ang ku-kwentuhan kami ni Azi." Sabi ni Maxine saamin.

"Weh? Usap ba talaga?" Sabay naming sabi ni Syeb.

Ibinigay nalang namin sakanila yung food nila, ang dami pala ng sakin. Una kong kinain ang mc chiken, pinagsabay naman ni Syeblig yung Chicken at Nuggets.

"Hindi mo kinakain yung nuggets mo with rice?" Tanong niya sakin na ikinagulat ko, ubos na kasi yung chicken ko kaya pinapapak ko nalang yung nuggets.

"Yeah, but-"

"Please, next time. Eat your nuggets with rice." Sabi niya at kumain ulit.

"Sometimes I eat nuggets with rice." Sabi ko at kinain ang huling piraso ng Nuggets.

Tapos na rin siyang kumain, kinain ko naman ang fries with sundae ko kasabay sila Azi.

"Wala kang fries and sundae, Syeb?" Tanong ni Azi sakanya at umiling lang siya.

"Diba isa rin 'to sa paborito mo?" Tanong ni Maxine sakanya.

"YeaH, but I'm not in the mood." Sabi niya at ininom yung mc float niya.

"Kamusta biyahe?" Tanong sakin ni Syeb.

"Biyahe pa rin." Sabi ko sakanya at tiningnan niya naman ako ng seryoso sa mata.

"Seryoso biyahe pa rin, ayos lang tulog ako." Sabi ko sakanya.

"Bakit ba kayo naka hoodie? Kainit-init." Sabi ko sakanya, parehas kasi sila ni Azi na naka hoodie. Si Inigo naman ay black shirt lang.

Si Maxine ay naka crop top and pants, si Marisse naman ay naka dress. Grabe mga outfit nila, sana sinaksak nalang nila ako.

Si Azi ay naka plaid pants at hoodie, si Syeb naman naka shorts na ewan basta tipical na short at hoodie. Nasa bulsa lang yata wallet at cellphone, may dala pang extra hoodie. Lamig na lamig 'yarn?

"I love hoodies nga." Sabi niya.

"Tara na." Aya nila Marisse at naglakad na palabas, sabay sila ulit ni Inigo.

Ang nabago lang ay kami ni Syeb at Azi. Papunta kami sa harap ng Lyceum, mayroong parang garden doon or park na pinupuntahan ng estudyante sa PLM.

Malilim dito at malinis, sa gilid naman ay golf course.

Naupo kami sa dumuhan, malinis naman ito at walang tae. Hindi katulad saamin.

"Pamaya-maya na tayo mag lakad papuntang Fort Santiago, paniguradong sasakit tagiliran natin kung nag lalakad tayong busog." Sabi ni Inigo at sumang-ayon naman kami.

"Kaya lakarin 'yon?" Tanong ni Maxine.

"Oo, bukod sa mae-exercise ka. Mae-enjoy mo rin nag view." Sabi ni Azi sakanya.

"Lakad muna kami ni Inigo banda doon." Sabi ni Marisse at itinuro ang mga halamaan sa kabilang gawi nito.

"Pahinga raw pero mag lalakad." Sabi ni Maxine.

"Alam mo Maxine, lakad din tayo. Pababa tayo kinain, doon tayo sa may wall na iyon." Sabi ni Azi at tumayo.

Pinanlakihan ko ng mata si Azi at nginitian niya lang ako, naka tanggal face mask namin dahil kaming anim lang ang nandito.

"Huh? Ang gulo niyo, ayoko." Sabi ni Maxine, pakipot 'yarn? Nginitian naman siya ni Azi.

"Ayy oo sige, mukhang maganda nga roon. Picture-an mo ako, Steph pahiram ah." Sabi niya at itinaas ang Film Camera ko.

"Picture-an mo rin si Azi tapos yung dalawa para may remembrance." Sabi ko at uminom ng kape ko.

"Eh kayo?" Tanong ni Azi.

"Game na." Sabi ni Syeb.

Ngumiti naman kami sa camera at umalis na silang dalawa.

"Talagang mahilig ka sa kape." Sabi niya at naupo sa gilid ko, kanina kasi ay nasa likod ko siya.

"Alam mo, picture-an mo nalang ako." Sabi ko at ibinigay ang isang cellphone ko, samantala ang isa ay pinang-vivideo ko saamin.

Memories lang.

Ngumiti naman ako sa ilang picture, ang iba ay hindi ako naka ngiti.

Napansin kong inilabas niya yung cellphone niya at ipinalit sa cellphone ko.

"Oh bakit 'yan yung gamit mo?" Tanong ko sakanya.

"Memories nga diba? Ise-send ko naman saiyo." Sabi niya kaya ngumiti nalang ako.

"Picture tayo para masaya." Hindi ko kasi alam kung kailan ulit kaming lahat magkikita kita.

Nag picture ako ng for keeps at ang iba naman ay nasa i* story ko na.

Nagulat ako ng kinuha niya yung kape ko at inilagay sa harapan ko, inayos niya rin yung flannel ko. Tiniklop niya ito ng bahagya.

Hinakawan niya ang kamay ko, hindi ko alam kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko. Dahil ba sakanya, sa ginawa niya o dahil sa kape. Ayoko na mag kape kapag kasama siya.

"Bakit?" Tanong ko sakanya, inilabas niya naman ang cellphone niya at pinicture-an ito, pati na rin sa cellphone ko.

"Okay." Kabadong sabi ko sakanya.

"Tiktok tayo." Sabi niya, oo nga collab din ito.

"Ano ba yung sa'yo?" Tanong ko.

"Yung eto." Sabi niya at pinlay yung music.

"Sige."

"Ako muna, tapos ikaw, tapos sabay tayo." Sabi  niya at tumango naman ako.

Ini-landscape niya yung cellphone niya at pinindot ang record button.

"I lose my mind when it comes to you." Kanta niya, nagulat ako akala ko ili-lipsync niya lang.

"I take time  the onez I choose" lipsync ko sa part ko, hindi naman kasi maganda boses ko.

"and I don't wanna smile if ain't from you." Sabay naming kanta.

Awkward ha.

"Ako naman." Sabi ko sakanya.

Ginawa namin yung kanta na sakanya raw kahit hindi naman. Yung pretty boy swag.

"Hoy sali!" Sabi nila Maxine na kadadating lang.

"Yung ano, beggin'" sabi ko sakanya.

"Ako mag sisimula." Sabi ni Syeb.

"Begging, 'cause I don't wanna lose you." Lipsync ni Syeb sa part niya.

"ratata, I'm beggin', beggin' you." Lipsync ko sa part ko at ipinasa ko kay Azi.

Nang mayari kami ay ang lakad na kami papuntang Fort Santiago, may isang skwelahan pa kaming nadaanan.

Hindi kami nakapag lakad ng maayos dahil sa picture, it's either sa phone ko or sa film camera ko.

Sabi ko sa phone ko nalang kasi I love photos lalo na kung may memories.

"Gawa tayong i* natin." Sabi ni Marisse, agad naman gumawa si Maxine.

Initial namin ang inilagay na username, AMIMSS ang baho HAHAHHAA.

After years of taking picture ay sa wakas malapit na kami sa Fort Santiago.

"Pasok tayo mamaya sa Cathedral." Sabi ni Inigo, mabuti nalang ay Catholic kaming anim.

Si Marisse at Inigo na ang bumili ng ticket namin na tig-80 pesos.

Sa 80 pesos mo sulit naman na 'yon.

"Azi!" Tawag ko kay Azi at lumapit siya saakin.

"Padala ng bag ko please, nangangawit na balikat ko." Sabi ko akmang kukunin ito ni Azi pero kinuha agad ito ni Syeb.

"Sige pre, ako na. Kay Maxine nalang bitbitin mo mukhang mabigat." Sabi ni Syeb aky kinuha naman ito ni Azi.

Masunuring bata.

"Hindi mo pa ako tinatawag sa pangalan ko." Sabi saakin ni Syeb.

"Hindi mo pa rin ako tinatawag sa pangalan ko." Sabi ko sakanya.

"Stephanie." Agad na sabi niya sa pangalan ko.

"Syeblig." Tawag ko rin sakanya, napangiti naman kaming dalawa.

"Hoy pasok na!" Sabi ni Marisse saamin.

"Bakit Syeblig?" Tanong niya saakin.

"I mean, bihira lang kasi ang tumatawag saakin non. Ayoko rin tinatawag ako sa pangalan na 'yon." Sabi niya saakin.

"Ayaw mo? Edi don't." Sabi ko sakanya.

"Ulitin mo."

"Syeblig." Sabi ko naman.

"Sige." Sabi niya at nag lakad na, loko iniwan pa ako.

"Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo diyan, si Stephanie iniwan mo." Rinig kong sabi ni Azi kaya tumakbo pabalik sakin si Syeb.

Siraulo.

Related chapters

DMCA.com Protection Status