Surviving On Her Own
Surviving On Her Own
Author: Ydewons
CHAPTER ONE

“Iyan ang napapala ng disgrasyadang katulad mo! Puro problema nalang ang bininibigay mo sa amin ng ama mo! Oh nasaan ka ngayon? Iyan nakaratay at hindi maintindihan ang sakit na napapala mo! Kung nakinig ka kasi akin-”

Hindi na kaya pang iproseso ng utak ng dalaga dala na rin ng sobrang sakit na nararamdaman ang anumang sabihin ng kanyang Tiya Isabel, ang kanyang madrasta.

Kapit ka lang baby. Kaunti nalang mailalabas na kita. ‘Wag mo masyadong pahirapan si mommy.

Papikit-pikit niyang usal upang panandaliang mawala sa isip ang sakit na parang pumapatay sa kaniya.

“Aray ko po! Aaaah! Malayo pa po ba? Parang hindi ko na kakayanin!” sigaw niya sabay hinga nang mabilis at malalim. Kabuwanan  na niya ngayon at malaki pa rin ang pasasalamat niya na mabilis na nagising ang kanyang Tiya Isabel upang alalayan at dalhin agad siya sa ospital.

Halos dumugo na ang kanyang labi sa sobrang diin na pagkagat niya sa mga ito. Nagsama na ang pawis at luha sa kanyang mukha pati ang ilang hibla ng kanyang buhok ay humaharang na rin sa kanyang paningin.

“Iyan kasi! Kung nagtino ka lamang at nakinig sa akin ay hindi mo iyan mararanasan! Nasaan ang ama ng bata? Wala! Kasi puro kakatihan ang pinaiiral mo! Tingnan mo nga iyang itsura mo! Daig mo pa ang walang makain at may anak na sampu sa itsura mo! Nalosyang kana Alice! Losyang! Hindi mo ako tularan! Sa edad kong ito ay napagsasabihan pa rin akong mukha lang daw akong twenty years old,” anito sabay kuha ng maliit na salamin at lipstick sa suot nitong bag at nanalamin. Matagal nitong kinatitigan ang sariling mukha bago ibaling muli ang mga tingin sa akin.

“I’m sorry Ma’am pero hanggang dito nalang po kayo-”

“Hindi ko rin namang gugustuhing pumasok diyan ‘no! Wala naman akong pakielam sa babaeng iyan!” saad nito patungkol sa operating room.

Iyon ang mga huling salitang narinig niya bago makita ang maraming nurse at doctor na pumapalibot sa kanya. Sa huling sandali ay piping kinausap niya ulit ang bata sa kanyang sinapupunan bago tuluyang mawalan ng ulirat dahil sa matinding sakit na nararamdaman.

“Nasaan ang anak ko? Alice? Anak?” sunod-sunod na tanong ng ama ng dalaga pagkadating niya sa naturang ospital. Agad naman itong pinuntahan ni Isabel upang ipaalam ang nangyari. Kinuwento niya rito ang ginawang pagsisigaw ng dalaga upang magising siya.

“Hindi mo kasi inaalagaan ang anak ko! Sa iyo ko siya pinabantayan dahil inakala kong mabibigyan mo siya ng sapat na patnubay-”

“Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko Aries pero sadyang matigas ang ulo ng anak mo. Lagi niya akong sinusuway at pinagtataasan ng boses. Pag naman binibigyan ko siya ng mga prutas at gulay para ‘kako lumaking malusog ang bata ay tinatanggihan niya at bigla na lamang ihahagis sa harapan ko. Mahal na mahal ko ang anak mo Aries. Parang anak na nga ang turing ko sa kaniya. Huwag kanang magalit, mahal ko,” sunod-sunod na paliwanang ng ginang sa ama ng dalaga na pawang puro kasinungalingan lamang.

Hindi totoong binibigyan siya nito ng prutas at gulay. Kung minsan pa nga ay hindi siya nito pinapakain kahit na alam naman nitong may bata sa kanyang sinapupunan na kailangan ng nutrisyon dahil unti-unti na itong lumalaki.

“Sino po ang ama ng bata?” nag-aalalang tanong ng nurse pagkalabas sa operating room. Agad namang lumapit ang ama ni Alice na may takot at kaba sa dibdib.

“Ako po ang ama ng dalaga. Ano na o bang balita? Kamusta ang anak ko?” sunod-sunod na tanong ng ama.

“Safe naman pong nailabas ang bata pero si mommy po-”

“Wala akon pakielam sa bata! All I care is my daughter! Hindi ko gugustuhing makita iyang bata kung mawawala naman ang aking anak!”

“Kung ganooon po ay paraanin ninyo ako. Kasalukuyang nauubos na  ng dugo ang inyong anak at kailangan pa po naming tumawag sa ibang ospital para humingi ng tulong para sa dugo. Dahil ngayon po ay naghihirap ang ospital sa pagkalap ng mga dugo-”

“Ako! Magdodonate ako! Para sa anak ko-”

“Aries ano ka ba! Hindi ba makakasama sa iyo iyon? Huwag na nurse. Lumakad kana bilisan mo para mailigtas ang aming anak-”

“Shut up Isabel! Sa ganitong pagkakataon naiisip mo pa iyan? Kailangan ako ng anak ko! Let’s go Miss.”

Wala nang nagawa ang ginang ng sabay na umalis ang kanyang asawa at ang nurse na nag-aasikaso kay Alice. Napagdesisyunan nalang din niyang sumunod sa mga ito upang maalalayan ang asawa.

“Sir bago ko po kayo kuhanan ng dugo ko ay kailangan ko munang itest ang compatibility ninyong mag-ama.”

Tumango naman ang ama ng dalaga bago itinusok ng nurse ang dala-dala nitong syringe injection sa braso ng lalaki.

“Pakihintay nalang po ng result. Dito nalang po muna kayo.”

Agad namang dinaluhan ng ginang ang matandang lalaki nang bigla itong mahilo.

“Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo. Kaunting dugo pa lamang ang kinukuha sa iyo ay nahihilo kana. Paano ba kung madamihan?”

Hindi na nakipagtalo ang ama ng dalaga dahil dumating na rin kaagad ang nurse na kumuha ng dugo sa kaniya.

“Sorry sir. Your blood and the blood of your daughter is not compatible. Magkaiba po ang mga dugo ninyo. Hindi po namin kayo makukuhanan ng dugo dahil hindi din naman po magagamit knowing na magkaiba ang mga dugo ninyong dalawa.”

Lihim na ikinatuwa ng madrasta niya ang narinig na balita sa nurse habang ang kanyang ama naman ay tulala at hindi malaman kung anong salita ang mga bibitawan.

“Dito ka muna. Hahanapin ko muna ang mga dokumentong nagsasabing anak ko si Alice! Imposible. Hindi to maaaring mangyari.”

“Oo Aries, dito lamang ako. Babantayan ko ang ating anak. Gawin mo kung ano sa tingin mo ang nararapat,” saad nito gamit ang pinakamalungkot na boses ngunit sa kabilang banda ay nag-iisip na naman ng magandang paraan para mapaalis ang dalaga sa mga buhay nila lalo na ngayon na hindi naman pala ito totoong anak ni Aries.

Lumipas ang isang araw ay bumalik ang ginang sa ospital upang tingnan ang kalagayan ng dalaga. Agad namang nagtaas ang mga kilay niya nang malaman na gising na ito at maaari nang kausapin. Agad-agad siyang umakyat sa kwarto kung nasaan si Alice at sinarado ang pintuan g silid.

“T-tiya Isabel, si papa po? K-kasama nyo po ba siya? N-nasabi nyo na po ba sa kaniya ang n-nangyari?” hirap man magsalita ay nagawa niya pa ring itanong sa madrasta kung nasaan na ang kaniyang ama.

“Oo alam na alam niya ang nangyari. At hindi ko siya kasama. Pagtapos niyang malaman na hindi pala siya ang iyong tunay na ama ay umalis siya. Iniwan ka. Hindi niya raw maatim tingnan ang mukha mo.”

“P-po? Hindi po iyan totoo! Siya ang ama ko. Siya ang totoong ama ko at magkadugo kami!” saad niya sabay patak ng luhang sunod-sunod na lumandas sa kanyang pisngi.

“Anong hindi totoo? Anong akala mo sa akin sinungaling? Kung ayaw mo pa din maniwala ay tanungin mo sa nurse ang naging pag-uusap nila nakaraang gabi ng iyong ama ay hindi mo nga pala ama si Aries. Kung gusto mo ay hingin mo pa ang records ninyong dalawa ni Aries.”

“Iiwan na kita dito at marahil ay ito na nag huli nating pagkikita. Huwag na huwag mo na kaming guguluhin ni Aries. Isa ka lamang b****a! At oo nga pala, simulan mo na hanapin ang ama mo o ama ng anak mo dahil hindi na namin sagutin ang mga bayarin mo dito sa ospital,” sunod-sunod na turan nito sabay alis sa silid at pabagsak na isinara ang pintuan.

Kakatapos lang niya sa pag-iyak nang may kumatok sa kaniyang silid. Maya-maya lamang ay isang nurse ang pumasok kasama ang kaniyang anak.

“Nasaan po ang guardian ninyo? Pwede na po kayong madischarge ngayong araw. Sa counter nalang po para mabayaran na ang mga bills-”

“Miss maaari ko bang malaman kung magkano lahat ng babayaran?”

Binanggit ng nurse ang kabuuang bayarin at nang sabihin niyang wala siyang pambayad ay agad itong umalis at tinawag ang head nurse ng ospital.

“I’m sorry Ma’am pero kung hindi ninyo mababayaran ang payment ay mapipilitan kaming paalisin kayo ngayon mismo. You have the whole day and night to decide. ”

Hindi man alam kung saan at paano siya pagkalabas ng ospital ay wala na siyang nagawa. Maswerte pa rin siya na hindi siya ikinulong dahil hindi siya nakapagbayad. Kinagabihan ay dalawa sila ng anak niyang naglalakad sa madilim na eskinita. Hindi alam kung ano ang maaaring mangyaring sapitin sa paglipas ng magdamag. Nilalamig man ay pinilit niyang maghanap ng masisilungan. Panandalian. Lalo na’t nagsisimulang bumagsak ang patak ng ulan. Nag-iisip kung paano tatawirin ang animo’y mala-alambreng nangyayari sa buhay niya ngayon.

Huwag ka mag-alala anak. Gagawin ni mama ang lahat. Hindi na natin maaaring asahan ang lolo mo dahil hindi niya pala ako tunay na anak. Gagawin ko ang lahat. Itataguyod kita nang ako lang mag-isa. Kaya ko. Kakayanin ko.

Piping usal niya sabay halik sa noo ng anak.

DMCA.com Protection Status