Share

Chapter 1

KITANG-KITA ni Leigh kung paano bugbugin ng lalaki ang isa pang lalaki  halos maligo na ito sa sarili niyang dugo at hindi na rin halos makilala dahil sa sabog na ang pagmumukha nito. Sa madaling salita, halos mapatay na nambubugbog ‘yong isa pang lalaki.

“No! Mapapatay niya na ito! Nakakatakot siya! Sobrang nakakatakot!” sabi ni Leigh sa kanyang isipan na nababalot ng tao sa kanyang kinatatayuan.

Gusto niyang awatin ang binatang nanbubugbog na itigil na ang ginagawa nito pero pinangungunahan naman siya nang matinding takot. Sa bawat suntok at sipa na ginagawa nito sa lalaking binubugbog ay nadadama rin ni Leigh na animo’y siya ang binubugbog nito. Matapos pa ang ilang suntok at sipa na ibinibigay nito sa lalaki ay tumigil na rin ito. Binitawan na ng binata ‘yong  lalaki na kung saan basag-basag na ang pagmumukha, mukhang nakuntento na ito sa ginawa niya sa kawawang lalaki.

"Walang kwenta!" Sabay alis.

Ano ba siya? Wala ba siyang puso? Grabe! Nagawa niya iyon sabihin sa lalaking halos wala man lang kalaban laban sa kanya? Napakawalang puso niya! Tao pa ba siya sa lagay niyang 'yan? Parang hindi siya tao sa ginagawa niya. Halimaw ba siya na nagkatawang tao lang? Bakit niya nagagawa ang gan’yang bagay sa taong alam niya namang walang kalaban-laban sa kanya? Mamamatay tao ba siya?

At dahil sa naaawa si Leigh sa lalaking binugbog nito ay kinuha niya ang kanyang phone at tumawag sa 911.

"Hello, may nangangailangan po ng tulong dito. Urgent po! Nag-aagaw buhay na po siya andito po sa San Roque Street pakipuntahan naman po siya. Please! Salamat po," dali-dali niyang sabi at nang matapos niyang maibigay ang impormasyong ay agad ni Leigh pinatay ang tawag.

“Siguro naman kahit sa ganitong paraan matulungan ko man lang ang kaawa-awang lalaking ito,” mahina niyang usal sa kanyang sarili.

Naghintay pa ang dalaga nang ilang sandali hanggang sa nakita niya na dumating ang ambulansiya at agad na inasikaso ang lalaking nakahandusay sa kalsada.

"Gosh!" napabulalas na singhap ng babaeng paramedic.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng lalaking kabababa palang mula sa driver seat.

Napapailing ang isang lalaking paramedic habang sinusuri ang lalaking binubugbog kanina. “Grabe naman ang may gawa nito sa kanya. Mukhang matindi ang galit!" saad nito.

"Mad dog lang ang makakagawa ng ganito,” pagbibigay diin ng driver.

"JC, Roy! Tulungan niyo ako!" utos na sigaw ng babaeng paramedic.

Agad namang kumilos ang mga paramedics at isinakay ang lalaki sa ambulansiya para madala na rin ito sa ospital. Nakahinga naman si Leigh nang maluwag at handa nang umalis sa lugar na iyon nang bigla siyang mapalukso sa kanyang kinatatayuan na nagdala ng matinding pagkabog sa kanyang puso nang may makita siyang lalaking nakatayo sa kanyang likuran.

"Pitong Puting Pating!" Gulat na gulat na bigkas ni Leigh na may kasamang panlalaki ng mga mata at napahawak sa kanyang mga tainga.

"Anumang nakita mo, nakita mo. ‘Wag kang makikialam kung ayaw mong madamay," malamig pagkakabigkas ng binatang nasa kanyang harapan.

“Gosh! Nangangatog na ang mga binti ko! Hindi na ako makahinga nang maayos. Help me! Ayaw ko pang mamatay sa kamay ng halimaw na ito. Tulungan niyo po ako,” pagmamakaawa ni Leigh sa kanyang isipan.

Halos gusto ni Leigh na umiyak na nang sandaling iyon pero pilit niyang pinipigilan ang kanyang sarili at baka ano pa ang gawin sa kanya ng binatang ito. Bigla namang inangat ng binata ang kamay nito dahilan para mapapikit si Leigh nang biglaan sa labis na takot. Naramdaman niyang lumapit pa lalo ang binata sa kanya at naramdaman niya ang mainit na paghinga sa kanyang tainga na mas lalong nagpbigay lamig sa kanyang katawan nang sandaling iyon.

"Kung ayaw mong matulad sa kanya ‘wag na ‘wag kang magsusumbong o pagsasabihan ng nakita mo ngayon sa kahit na kanino. Naiintindihan mo?" pagbabanta nitong paalala kay Leigh.

Sa sobrang takot naman ng dalaga ay sunod-sunod na pagtango na lang ang nagawa nito. Matapos noon ay iniwan nito si Leigh na nag-iwan ng kakaibang aura na labis na nagbigay ng takot sa dalaga. Naglakad na naman ang binata papalayo kay Leigh matapos nito masabi ang kanyang babala. Halos mapahandusay ang dalaga sa kalye dahil sa sobrang takot na naramdaman niya nang sandaling iyon.

Habol ang paghinga ni Leigh kasabay noon ay ang paghawak nito sa kanyang d****b. "Grabe nakakatakot siya! ‘Yong mga mata niya kitang-kita na handa talaga siyang pumatay ng tao kahit babae! Shit! Muntik na akong maihi sa sobrang takot!" takot na takot na pagbubunton ng dalaga.

Sa sobrang takot ay dali-dali na umuwi ang dalaga at baka balikan pa ako noong halimaw na 'yon.

“Shit! Killer ba siya? Bakit ganoon siya? Wala ba siyang puso? Tao pa ba siya o alien? Sa’n ba siya galing kung tao man siya anong klaseng tao ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Leigh sa kanyang sarili na labis na hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan ng gabi ito.

SA BAHAY,

Halos hindi mabura sa isipan ni Leigh ang mga pangyayari kani-kanina lang hanggang ngayon ay binabalot pa rin siya nang matinding takot. Sobrang nakakatakot at napakarahas talaga ng lalaking kanyang nakita.

“Ano bang ginawa ng lalaking ‘yon sa kanya at halos patayin niya na lang sa pambubugbog?” naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili.

“Ang nakita mo, nakita mo. Wag kang makikialam kung ayaw mong matulad sa kanya.”

“Grabe talaga siya wala man lang ba talaga siyang puso at ganoon na lang siya makapagbitaw ng mga pagbabanta at sa babaeng tulad ko pa talaga? Grabe nakakapang hilakbot naman ang pagkatao niya. Isa siyang HALIMAW!” mariing saad ni Leigh sabay inihampas sa kanyang unan sa higaan.

"Anumang nakita mo nakita mo. Wag kang makikialam kung ayaw mong madamay."

“Ano ba iyan nakakatakot talaga siya hanggang ngayon ramdam na ramdam pa rin ng katawan ko ang takot,” natatakot niyang sabi.

Kahit na wala hindi na siya nakatayo at nakaunat na ang kanyang mga binto ay ramdam na ramdam pa rin ni Leigh ang sobrang panangangatog ng kanyang mga binti. Sinubukan niya iyong himas-himasin para mawala ang pangangatog nito ngunit bigla siyang napalukso sa kanyang pagkakaupo sa labis na gulat nang tumunog bigla ang telepono.

"Ay! Kabayong buntis! Ay shit!" napabulalas niyang sabi ng wala sa oras.

“Sino ba kasi itong magiging dahilan din ng kamatayan ko? Hindi niya ba alam na kita na hindi pa ako nakaka-recover sa pangyayari kanina tapos gugulatin pa ako ng ganito?” saad niya sa pagitan ng kanyang malalalim na paghinga.

Huminga siya nang mangilang ulit para maikumpas ang kanyang sarili bago niya sinagot ang tawag.

"Hello, Jo residence,” bungad niyang sabi nang sagutin niya ang tawag.

Hinintay niya na magsalita ang nasa kabilang linya pero isang nakakabulahaw na boses ang sumalubong sa kanya na halos ikabingi ng kanyang tainga.

"Hoy bakla! Saan ka na naman nanggaling at nagawa mong indianin na naman ang beauty ko!” sigaw sa kanya ng magaling niyang bestfriend.

"Aray naman, Max! P’wede pakihinaan naman ng boses mo? Hindi naman ako bingi saka masakit sa tainga ang boses mo, alam mo 'yon?"  paalala niya sa kanyang kaibigan ng may bahagyang pagkainis sa kanyang tono nang pagsalitaan niya ito.

“Itong babaeng ito hindi ba siya marunong makiusap ng hindi sumisigaw? Bingi ba ang mga nakakausap niya at kailangan sobrang lakas ng boses?” Sa loob-loob niyang sabi.

"Kasi naman saan ka ba nanggaling? Ba't hindi ka dumating nagmukha na naman tanga ang beauty ko," saad ng kaibigan niya na may bahid ng pagmamaktol sa boses nito.

"Anumang nakita mo, nakita mo. ‘Wag kang makikialam kung ayaw mong madamay."

Nabalot na naman ng takot ang kanyang katawan nang umalingawngaw ang mga katagang sinabi sa kanya ng lalaki kanina.

"Hoy bakla andiyan ka pa ba?" bulahaw na tanong sa kanya ni Max dahilan para matauhan ang dalaga.

“Isa pa ito, bakit ginagawang mahirap ang buhay ko ngayon? Ano ba ang nagawa ko sa nakaraan at ganito ang nangyayari sa akin ngayon?” tanong ni Leigh sa kanyang sarili na labis nanlulumo sa mga nangyayari sa kanya ngayong gabi.

"Masama ang pakiramdam ko kaya 'di ako nakapunta," pagsisinungaling ni Leigh sa kanyang kaibigan.

Ayaw niya na mas lumaki pa ang issue kanina baka hindi niya na kakayanin na madagdagan ang takot na kanyang nararamdaman at baka tuluyan na siyang malagutan ng hininga.

“No! hindi ko pa nga nakikita ang taong magmamahal sa akin ng habangbuhay tapos mamamatay na ako kaagad? No, I can’t afford that to happened! Ayaw ko pang mamatay ang dami ko pang gustong gawin sa buhay. Gusto ko pang magkajowa,” sabi niya sa kanyang sarili habang pilit na pinapakinggan ang mga sinasabi ni Max.

"Lumang tugtugin na 'yan bakla magpalit ka naman ng alibi! Saan ka ba talaga nagpunta at—"

Pinutol ni Leigh ang pagsasalita ni Max. “Wala akong pinuntahan, masama talaga ang pakiramdam ko," matigas na pagbibigay diin ng dalaga.

"Masama—"

"Sige kita na lang tayo bukas, bye." Sabay baba ng telepono at bagsak ng kanyang katawan sa kama.

“Ano bang nangyayari ngayon? Bakit nagkakaganito? Ano bang nagawa kong mali? Bakit kasi nandoon pa ako?” nasisiphayong tanong ni Leigh na nakatingin kisame.

Bwesit na bwesit siya sa kanyang mga paa dahil sa kung saan-saan kasi nito gustong pumunta nadamay pa tuloy siya sa isang gulo na hindi niyan naman dapat kasangkutan at pinuproblema. Sa halip na dagdagan ang kanyang pagkainis ay naisipan niya na lamang na matulog baka sakaling mawala at makalimutan niya ang lahat-lahat na nangyaring sa gabing ito. Sobrang naging mahaba din ang araw na ito para sa kanya kaya kailangan niya na rin na magpahinga.

“Sana naman 'wag ko ng mapanaginipan ang lalaking iyon. Ayoko mamatay ng dahil sa bangungot,” hiling ni Leigh bago niya tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status