Share

Chapter 2

KINABUKASAN,

Pagmulat ni Leigh ng kanyang mga mata laking gulat niya nang makita niya ang malalambing, cute at pamilyar na mga mukha sa pagdilat ng kanyang mga mata. Anong ginagawa nila rito?

"Mommy! Si Ate Leigh gising na!" sigaw ni SaJun.

Naibaling ni Leigh ang kanyang tingin sa babaeng na kakapasok lang ng kanyang k'warto. "Gising ka na pala, Leigh," nakangiting bati ni Tita Hany sa kanya na may ubod na lambing mga ngiti sa mga labi nito.

"Paanong—"

"Good Morning, Ate Cute!" Sabay-sabay na bati ng apat na kambal sa kanya na sina Cess, Pam, Geli at Vince.

Naguguluhan ang dalaga sa kanyang nakita at kung totoo ba na narito silang lahat. Panaginip ba ang lahat ng ito?

Biglang bumukas muli ang pinto para maibaling ni Leigh ang kanyang tingin doon at bumungad sa kanya ang isang lalaki.

"Oh! P’kin, gising ka na pala,” nakangiting salubong bati ni Yeshun, ang kanyang tito.

Nanlaki ang mga mata ni Leigh at napasigaw sa labis na tuwa nang makita niya ang kanyang tito. Napatayo siya sa kanyang pagkakahiga at patakbong lumapit papapunta sa kanyang Tita Hany at Tito Yeshun sabay niyakap sila nang napakahigpit.

"Kailan pa po kayo dumating? Super na-miss ko po kayo!" tuwang-tuwa at sabik na tanong ni Leigh sa kanila nang maialis niya ang pagkakayakap sa dalawa.

Hindi umumik ang kanyang tito at tita at tanging mahinang tawa ang itinugon sa kanyang naging kilos at asal.

“Bakit po? May nagawa po ba akong mali? Bawal po ba na ma-miss kayo?” sunod-sunod na tanong ni Leigh na medyo nailang sa mga titig at ngiti sa kanya ng kanyang tito at tita. Masaya lang naman ako, ‘e. Mali ba na maging masaya dahil sa nakita ko sila? E, sobrang na-miss ko naman talaga sila.” Sa loob-loob ni Leigh.

"Kani-kanina lang lang p’kin,” nakangiting sagot ni Yeshun.

"Ate Cute, kami ba wala rin bang hug?" Sabay-sabay na sabi nina SaJun at ng apat na kambal na nagpapa-cute sa harap ni Leigh.

"Syempre meron," masayang tugon ni Leigh at isa-isa niyang niyakap ang kanyang mga napaka-cute na mga pamangkin.

"Hmm... Ang cute niyo talaga,” nanggigigil na sabi ni Leigh sa mga pamangkin niya at isa-isang pinisil ang mga cute at malalambot na pisngi nito.

"Mas cute ka, Ate Cute,” sabay-sabay at masigla sabi ng kanyang mga pamangkin.

Natawa na lamang si Leigh sa kanyang mga pamangkin. “Tignan niyo nga naman, “Kids don’t lie,” saad niya sa kanyang sarili.

"O, siya! Tama na 'yan magsibaba na tayo nang makapaghanda na ang Tita Cute niyo, bago pa siya mahuli sa pagpasok niya sa school," aya ni Yeshun sa kanyang mga anak pababa.

“Opo!” magalang na tugon ng mga bata at isa-isa silang sumunod sa kanilang ama pababa papunta sa dining area.

“Baba na kami, Leigh. Sunod ka na lang, ha?” nakangiting wika ni Hany.

“Sige po, Tita Hany,” nakangiting tugon ni Leigh.

Matapos noon ay lumabas na ng kanyang k’warto ang kanya tita kaya nagsimula na siya mag-ayos ng kanyang sarili at ng kanyang pinaghigaan. Dali-daling nagpunta si Leigh sa C.R para mag-toothbrush at nagsuklay pakatapos ay bumaba na rin ito. Nakita niya na naghihintay ang lahat sa kanya para sabay-sabay na silang kumain dahilan para mapangiti siyang muli.

“Na-miss ko ‘to,” wika niya sa kanyang sarili at binilisan ang kanyang paglakad para makapagsimula na silang kumain.

“Tara na po, kain na tayo,” aya niya sa kanyang tito at tita at mga pamangkin nang siya’y makaupo.

“SaJun, lead the prayer,” wika ni Hany sa kanyang panganay na anak.

At nagsimulang sambitin ni SaJun ang dasal bago kumain. “In the name of the Father, of the Son, of the Holy Spirit, Amen.”

“Amen.”

Matapos noon ay isa-isang kumuha ng pagkain ang mga bata maging ang mag-asawa at si Leigh.

"Kayo talaga, Tita kapag dumarating kayo palagi niyo na lang ako sinusurpresa. Hindi niyo man lang hilig ang magpasabi,” saad ni Leigh bago isinubo ang kanyang pagkain.

Nagsitawanan naman ang mag-asawa.

"Hindi ka na nasanay, P’kin alam mo naman ‘yang Tita mo laging pabigla-bigla,” tumatawang wika ni Yeshun.

"Si Tita talaga talo pa ang mga manliligaw palaging may surpresa,” pagbibirong sabi ni Leigh.

Nginitian lang ni Hany si Leigh at nagpatuloy sa pag-inom ng tsaa nito. Naging masaya ang umaga at breakfast ng dalaga kasama ang kanyang tita at tito at sa lima nitong pamangking sobrang kukyut na labis na nakakagigil at masarap pagpipisilin.

Ang saya talaga tuwing nakakasama ko sila.

Hindi maalis ang tuwa sa kanyang kaloob-looban lalo na ngayon na makakasama silang muli ng kanyang itinuturing na pangalawang pamilya matapos ang lahat na nangyari sa kanyang pamilya. Laking pasasalamat na lamang ni Leigh na nariyan ang kanyang tito at tita para gabayan at pasayahin siya at hindi hinahayaang mag-isa lamanag.

"Ang sarap po talaga ng luto mo, Tita 'di pa rin kumukupas,” pagpuri ni Leigh sa kanyang tita na sobrang nasasarapan at ini-enjooy ang pagkain sa inihanda nitong almusal.

"Mag-aral ka na kasi magluto para na rin ‘yan sa magiging asawa mo. Kawawa naman ng magiging asawa mo kung palagi kayong fast foods,” hikayat na sabi sa kanya ni Hany.

"Tita naman, ‘e,” napangusong awat ni Leigh.

Biglang napalingon si Yeshun sa orasan.

"P’kin wala ka bang pasok?" pagtatakang tanong ni Yeshun sa kanyang pamangkin dahil sa hindi pa ito tumatayo sa pagkakaupo nito.

Napabalikwas naman ang dalaga sa kanyang pagkakaupo at napatingin sa orasan.

"OMG!" bulalas nitong sabi na may panlalaki ng mga mata.

Agad na uminom ng tubig si Leigh at dali-daling napaktakbo papuntang sa kanyan k’warto at mabilis na kumilos para makaligo at makapag-ayos ng kanyang sarili.

"Mahuhuli na ako! Ano ba 'yan? Ba’t ko ba nakalimutang may pasok ako?" natatarantang pangaral ni Leigh sa kanyang sarili.

Halos hindi na magkamayaw ang dalaga sa sobrang pagmamadali ngunit kailangan niyang bilisan ang kanyang kilos kung ayaw niyang mahuli sa pagpasok. At mukhang dahil anak ata siya ni The Flash ay wala pang dalawampung minuto ay nakapag-ayos na siya ng kanyang sarili. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at nagpaalam sa kanyang tita at tito at sa kanyang mga pamangkin na binigyan niya ng tig-iisang h***k sa noo bago tuluyang umalis ng bahay.

Mabilis naman nakarating sa university si Leigh gawa ng ‘di naman kalayuan ito pero kailangan niya pa rin magmadali dahil nakakahiya naman na ang lapit na nga lang ng bahay niya nahuli pa siya. Takbo-lakad ang ginawa ng dalaga para hindi siya masyadong ma-haggard at iwas na rin sa mga tingin ng ibang tao na magmukha siyang tanga dahil sa kamamadali. Sa labis na pagmamadali ay hindi niya namalayan na may mababangga siya dahil sa nakayuko itong tumakbo. Well, sino ba ang tumatakbo ng nakatingala?

“Aray! Shit! Bwiset naman! Bakit ngayon pa? Ang sakit sino ba itong taong pader na ito at nakaharang pa talaga sa dadaanan ko?” mahinang mura ni Leigh habang hinihimas ang kanyang noo.

Lalo namang nairita si Leigh dahil hindi man lang siya nitong gawang tulungan kita ng nasaktan ito mula sa pagkakabangga.

“Takte! Ang sakit tuloy ng p’wet ko,” d***g ni Leigh.

Habang iniinda ni Leigh ang sakit ng pagkakabagsak ng p’wet ko at noo niyang nakabangga ay itiningala niya ang kanyang ulo para makita kung sino ang nakaharang sa kanyang daraanan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya kung sino ang taong nakabalandra sa kanyang daraanan.

"I-ikaw?" nauutal na bigkas ni Leigh at napaturo sa lalaking nasa kanyang harapan.

Oh no! Not now. Bakit ba sa lahat ng timing ito ang wrong timing? Ang daming pagkakataon bakit ngayon pa? Pag-inuulan ka naman nga ng kamalasan. God help me ayaw ko pa pong mamatay. Tulungan Niyo naman po ako.

Napadasal nang wala sa oras si Leigh sa labis na takot nang makita niya ang binata. Tinititigan lang siya nito na may mga matang animo’y mangangain ng buhay.

“Gosh! Ang mga mata niya talagang handang pumatay nakakatakot talaga!” sa loob-loob ni Leigh na kinakain na ng takot lalo na hindi pa nawawala sa kanyang alaala ang ginawa nito kagabi.

Halos tinawag na ang dalaga ang lahat ng santong alam niya para lang iligtas siya pero mukhang walang nakakarinig sa kanya dahil nakatitig pa rin sa kanya ang binata. Wala siyang nagawa kung ‘di ang humingi na lang ng tawad para hindi na ito magalit sa kanya kahit na siya ang nasaktan siya na lang nagpakumbaba para isalba ang kanyang buhay.

"So-sorry—"

Lalong napaatras ang dila ni Leigh at napatigil sa pagsasalita at napapikit ng kanyang mga mata dahil sa pagkilos ng binata kung kaya bigla niya namang itinaas ang kanyang mga braso at iniharang iyon sa kanyang ulo bilang depensa kung sakaling saktan siya nito. Pinakinggan niyang mabuti ang ang naging kilos ng binata habang nanantili sa ganoong posisyon bilang handa sa kung anong gagawin nito sa kanya pero lumipas na ang ilang segundo pero wala pang lumalanding na kahit ano sa kanyang  katawan. Kaya dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at tiningnan ang nangyari pero laking gulat niya ng wala na sa kanyang harapan binata. Lumingon siya sa kanyang likuran kung saan nakita niya itong naglalakad papalayo na sa kanyang kinaroroonan.

“Shit! Akala ko papatayin niya na ako sobrang lakas ng kabog ng puso ko,” sabi ni Leigh na nakahinga na nang maluwag habang hawak-hawak ang kanyang d****b.

Labis ang kanyang pagkatakot nang sandaling iyon ngunit nawala ang lahat ng takot ni Leigh nang bumalik sa kanyang ulirat na mahuhuli na siya sa kanyang klase. Agad namang napatakbo nang mabilis ang dalaga papunta sa kanyang classroom.

"Ay ano ba ‘yan may klase pa ako!" inis niyang sabi habang tumatakbo at habol ang kanyang paghinga.

Takbo-lakad iyon ang kanyang ginawa hanggang sa makita niya na ang pinto ng kanyang classroom at walang ano-ano’y agad niya itong binuksan at sabay yuko at sabing,

"Ma'am, sorry I'm late!" nakayuko niyang paghingi ng dispensa.

Hinintay niyang may magsalita ngunit wala siyang narinig na sermon o kahit boses man lang ng kanyang professor.

“Bakit walang nagsasalita? Bakit hindi ko marinig ang boses ni Ma'am?” nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili.

Dahan-dahan niya namang itinaas ang kanyang ulo para makita kung naroon ba ang kanyang professor at nang maitaas niya na ang kanyang ulo ay she just find out na wala ang kanyang professor sa harapan.

Napasapo naman ng kanyang ulo si Leigh. “Another katangahan moments mo na naman Leigh. Epic failure!” nahihiya niyang sabi sa kanyang sarili.

Narinig niya naman ang tawanan ng kanyang mga kaklase dahil sa ginawa niyang katangahan.

"Leigh, ano bang nangyayari sa ‘yo? Ang aga-aga pa kaya anong late na pinagsasabi mo riyan?" nagtatakang tanong ni Bry na may kasamang pangungunot ng noo nito.

"Ay naku! Nakalimutan na naman siguro ni Leigh na advance ang orasan niya ng 30 minutes,” sabi ni My na umiiling-iling.

"Oo nga pala advance ang orasan ko sa bahay!” Muli ay napasapo si Leigh sa kanyang noo dahil sa pagiging makakalimutin niya. Epic failure talaga!

Nagsitawanan na lang ang mga kaklase ni Leigh dahil sa ka-engotan at makakalimutin ng dalaga. Sa sobra niyang hiya ay tahimik na  naglakad na lamang siya papunta sa likuran kung nasaan ang kanyang upuan at inubob na lang ang kanyang mukha sa kanyang arm chair.

“Grabe! Sobrang nakakahiya talaga ang ginawa ko!” hiyang-hiya niyang sabi sa kanyang sarili.

Wala siyang pinansin kahit isa sa sobrang kahihiyaan na kanyang sinapit kaya natulog na lamang siya para hindi niya na maalala ang sandaling iyon na punong-puno ng kanyang ka-engotan.

"MS. JO! MR. DELOS REYES!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status