Share

Chapter 4

“WHAT? WTF! Bakit? Anong ginawa ko sa kanya bakit pati ako nakasali? Ano naman ba ang pumasok sa utak niya? Paraan niya ba ito para hindi ako makakawala sa mga kamay niya? May koneksyon pa ba ito sa nakita ko ng gabing iyon? Oh my! What am I going to do?” paghihimutok at naguguluhang pakikipagd’welo ni Leigh sa kanyang isipan

"Kyaaa! Ang swerte mo Leigh!" tumitiling sabi ng babae niyang kaklase.

"Oo nga!" sabay-sabay na pagsang-ayon pa ng iba niya pang kaklase.

"Ang g’wapo talaga ni Jieun!"

“WT? Alam ba nila ang pinagsasabi nila? Ako mas’werte sa halimaw na ‘yon? Paano naging mas’werte ang magkaroon ng ugnayn ang isang tulad ko sa isang halimaw? Nababaliw na ba sila? Monster siya hindi siya tao! Anong mas’werte roon? Nabulag na ata sila ng pagkahumaling sa halimaw na 'yon. Kyaaa!  Somebody help me!” mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ni Leigh sa kanyang isipan. Para siyang binagsakan ng langit at lupa nang sandaling iyon. Nanghihina ang kanyang mga tuhod habang ang mga kaklase niya ay tuwang-tuwa na pinag-uusapan silang dalawa ng halimaw na kanyang kinatatakutan.

"Bakla! Grabe ka! Hindi mo man lang sa amin sinabi na boyfriend mo pala si Jieun!" hindi magkandaugagang bati sa kanya ni Max nang makalapit ang kaibigan kay Leigh.

"WT? Ilang beses ko bang sasabihin na 'di ko siya boyfriend ni 'di ko nga siya kilala!" mariing sabi ni Leigh kay Max na pilit niya ring ipinapaliwanag sa iba niyang kaklase na kanina pa tuwang-tuwa sa ginawang pagtatanggol sa kanya ng halimaw niyang kaklase kanina may Mr. Calvou. “Kung sa tingin nila nakakakilig ang ginawa niya p'wes sa akin hindi! Hindi siya nakakatuwa at nakakakilig kung hindi ay nakakatakot!” naiinis na saad ng dalaga.

“Share ka naman diyan, bakla!” saad ni Max na may malawak na ngiti at kinikilig na  tono habang patuloy sa pagsiko sa dalaga at pangungulit.

Hindi umimik si Leigh at inirapan ang kanyang sa labis na pagkasiphayo ngunit bigla siya nitong siniko. “Magk’wento ka na kasi! Siya ba ang dahilan kung bakit mo ako in-indian ng gabing dapat magkikita tayo, ha?” tanong nito na may nakakalokong ngiti at pataas-taas pa ng kilay.

Napasapo naman ng noo si Leigh sa labis na pagkasiphayo. “Pati ba  ikaw ayaw mong maniwala sa akin?” dismayadong tanong ni Leigh sa kanyang kaibigan.

Umiling naman ito nang mariin na halatang hindi kumbinsido at naniniwala sa kahit na ano pang sabihin ng dalaga.

"Ay naku! Bakla kunyare ka pa! 'Wag mo ng itanggi ayos lang naman sa akin na itinago mo. Halata naman talagang kayo kasi kung 'di kayo, malayong gawin niya 'yong ginawa niya kanina sa klase ni Mr. Calvou,” malisyosang sabi ni Max na may kasama pang patango-tango.

“Hindi ba kayo nag-iisip? Isang death threat niya iyon para sa akin? Hindi niyo alam ang takot na nararamdaman ko simula kagabi pa! Siguro kaya niya ‘yon ginawa para ipaalala sa akin ang mga paalala niya sa akin na dapat wala akong kailangan pagsabihan ng mga nakita ko kagabi. Somebody help me ayaw ko pang mamatay!” nanggigigil niyang sabi sa kanyang isipan habang nanlulumong tinitignan ang mga kaklase niyang nakapalibot sa kanya at naghihintay ng kanyang love story. “Fuck! Hindi naman kasi love story ang k’wento naming dalawa ng halimaw na ‘yon kung ‘di isang malaking bangungot!”

Impit na napatili ang isa niyang kaklase habang abang na abang sa kanyang magiging k’wento. "Leigh sabihin mo naman kung paano naging kayo," kinikilig nitong sabi.

"Kyaaa! Siguro ang sweet ni Jieun. Kyaaa! Nakakainggit ka Leigh!" saad ng isa niyang kaklase na walang tigil sa pagtili.

Samu’t saring lebel ng kainisan ang nararamdaman ni Leigh habang pinapakinggan ang pantasya ng kanyang mga kaklase na para sa kanya ay isang nakakatakot na bagay ang ma-involve sa buhay ng halimaw na ‘yon.

“Dagdag pa itong mga asungot na ito! Anong sweet na pinagsasabi niyo? Hindi niyo ba alam na isa siyang brutal killer alien na pinadala rito sa mundo natin para pumatay ng tao? Paano naging sweet ang ganoon, kung sweet na iyon sa tingin niyo p’wes sa inyo na siya! Hindi pa ako nasisiraan ng bait para magkaroon ng isang relasyon sa kanya! Iniisip ko pa lang na magkaroon kami ng relasyon pakiramdam ko ibinaon ko na sarili ko ilalim ng lupa ng buhay! Shit! Parang inisip ko na rin na may relasyon kami, as if naman makikipagrelasyon ako sa kanya. It's a big no no no! He's a monster! Hindi siya sweet!” Iyon ang gusto niyang sabihin sa lahat na may buong panggigigil ngunit sino ang maniniwala sa kanya? Ngayon pa nga lang kahit na sabihin niya na hindi sila ay ayaw na nilang maniwala paano na lamang kung sabihin niya ang totoo? At malabo rin na maging mapangahas siya na sabihin ang lahat ng iyon dahil ayaw niya pang mamatay ng maaga lalong-lalo na sa kamay ng brutal na si Jieun.

"Leigh! Leigh! Share mo na!" kulit ng isa niyang kaklase habang hawak ang kanyang braso at yinuyugyog.

"Sige na Leigh! Sige na," saad ng iba na may pakurap-kurap pa ng mga mata na animo’y asong nagpapa-cute sa dalaga.

Hindi nila tinantanan si Leigh at patuloy pa rin nilang pinipeste ang dalaga.

“Ano bang masasabi ko sa kanila ‘e, hindi naman kami? Lalong-lalo na wala talagang kami. Anong gusto nilang malaman sa akin? Iyon bang nakita ko ng gabing pinagbantaan niya ako? Will somebody help me please?” saad niya sa kanyang isipan.

Hiling ni Leigh na sana maglaho na siya nang sandaling iyon nang matigil na ang lahat ng pangungulit at panggagambala ng mga nababaliw niyang kaklase sa kung anong koneksyon ang meron sa kanila ng halimaw na Jieun na ‘yon.

“Wala bang tutulong sa akin?” pagmamakaawa ni Leigh sa kanyang isipan.

Bigla namang lumagabog ang pinto nang pagkalakas-lakas dahilan para lahat napatingin sa pintong tumunog. Isang matalim na tingin ang sumalabong sa kanilang lahat dahilan para mabilis na nawala sa harapan ni Leigh ang kanyang mga kakalase at agad na nagsibalikan ang mga asungot sa mga kani-kanilang mga upuan.

Halos maluha-luhang tinignan ni Leigh ang halimaw na may matatalim na tingin nang sandaling iyon. “Kyaaa! Thanks you, halimaw!” saad ng kanyang mga mata sa binata habang tinititigan niya ito.

Makalipas ang ilang saglit na pagtititigan nilang dalawa ay malamig na inalis ng binata ang mga tingin nito kay Leigh at nagsimula itong maglakad papunta sa upuan nito at umupo.

“Kailangan ko bang magpasalamat dahil sa pagdating niya?” tanong ni Leigh sa kanyang sarili. “Pero natatakot ako sa kanya para siyang binabalot ng maitim na aura. Teka! Bakit ako magpapasalamat sa kanya malay ko bang coincidence lang na dumating siya so hindi ko kailangan magpasalamat sa kanya. Pero—naman ‘e, bahala na nga!” naguguluhang pakikipagtalo niya sa kanyang isipan ngunit matapos ang ilang segundong pag-iisip ay nakapagdesisyon na rin si Leigh.

Napahugot na lamang ang dalaga nang malalim na paghinga matapos na makipagtalo sa kanyang sarili. Hinarap nito ang binata at kahit kinakabahan ay sinubukan niyang sabihin ang dapat niyang sabihin kahit na nauutal.

"T-Thank—"

"Wag kang magpasalamat 'di ko 'yon ginawa para sa ‘yo ayaw ko lang ng maingay,” diretsahan at cold pa ice tea na sabal ni Jieun sa kanyang sasabihin.

"O-okay,” nauutal ko namang sagot.

Napayuko naman si Leigh. “Sabi ko nga, hindi ng dahil sa akin,” mahinang sabi ng dalaga. Bakit ba kasi ako nag-abala pang magpasalamat? Sinasabi ko na nga ba’t halimaw talaga itong lalaking ito. Wala man lang tinatagong kabaitan.

Napaubob naman si Leigh sa kanyang armchair hindi lang para hindi niya makita ang mga mata ng kanyang kaklase na nakatingin sa kanya kung ‘di para makapaghimutok sa kanyang sarili. “Grabe ang harsh niya talaga! Kahit ba naman sa pagsalita ganiyan siya ka harsh? My God! Nakakatakot talaga siya pero mas nakakatakot kapag may ginagawa na siya.”

"At kung pwede—”

Napaangat naman ng ulo si Leigh at napatingin kay Jieun nang magsalita ito. “A?” sambit niya na buo ang atensyon sa binata.

"Wag mo kong kakausapin." Sabay lagay ng headphones sa tainga ni Jieun.

“E?” lutang na reaksyon ni Leigh.

Naguguluhang nakatingin si Leigh kay Jieun na ngayon ay nakaubob sa armchair nito at walang pakialam sa nangyayari sa paligid nito.

Nasisiphayong napaubob din si Leigh sa kanyang armchair at naghihimutok sa kanyang isipan. “Grabe! Hindi ko naisip na nakaya kong makatabi ang isang tulad niya! Paano ko nakaya na makatabi ang isang tulad niya? Lumipat na kaya ako ng klase? Pero, bakit ako ang lilipat? Dapat siya! Hindi siya nararapat dito— pero naman, ‘e! Nakakatakot talaga siya! Ano bang nangyayari ngayon sa buhay ko? Gaano ba ako naging masama sa past life ko para magkaganito ang buhay ko ngayon?” mangiyak-ngiyak na tanong niya sa kanyang isipan.

LUNCH BREAK,

"Ikaw, bakla ha! Kaya siguro 'di ka nakarating kahapon dahil nag-date kayo ni Jieun ‘no? Ayiee! Aminin!" Kilig na kilig na pangungulit ni Max na may kasama pang pasundot-sundot sa tagiliran ni Leigh.

“Bwiset!”

Bwiset na bwiset na si Leigh sa pag-iintriga at pangungulit sa kanya ng kanyang mga kaklase—idagdag pa ang kaibigan niya na ayaw magpaawat sa kakukulit sa kanya hangga’t hindi nalalaman nito ang katotohanan.

“Kailan ba nila ako tatantanan? Mahirap bang intindihin na hindi kami? Hindi kami at walang kami! Paano kami mag-de-date? Wait! As if naman iniisip kong mangyayari iyon! No no no! Asaness!” gigil na saad ni Leigh sa kanyang isipan dahilan para halos hindi na maipinta ang kanyang mukha nang sandaling iyon.

Tinabig ni Leigh ang kamay ni Max saka napabuga nang malalim at tinignan ito na may inis na nakaguhit sa kanyang mukha. "Tigilan mo nga ako Max anong date na pinagsasabi mo? Sumama lang talaga ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapunta sa tagpuan natin,” pagdadahilan ni Leigh sa kanyang kaibigan.

Kahit na anong mangyari hindi ay wala siyang balak na sabihin ang kinasangkutan niya kagabi dahil alam niyang lalaki ang issue na ‘to kapag nalaman nila ang katotohanan sa kung ano talaga ang koneksyon nila ni Jieun. Dagdag pa ay ayaw niya pang mamatay lalo na sa kamay ng halimaw na ‘yon.

Naramdaman ni Leigh ang pagtapik ni Max ang kanyang balikat, "Naiintindihan kita friend,” wika ng kanyang kaibigan na may nakakalokong ngisi sa mga labi nito.

Napabuntong-hininga si Leigh nang malalim. "Salamat naman at—"

"Kapag handa ka na mag-share ‘wag mong kalimutan nandito lang ako at handang makinig sa ‘yo,” nakangiting sabi ni Max kay Leigh na may paangat-angat pa ng mga kilay nito.

Napasapo nang malakas si Leigh sa kanyang noo nang sandaling iyon. “Darn! Akala ko ba naman naiintindihan niya talaga ako ng lubusan hindi pa pala. Ay naku,” dismayado at iiling-iling na sabi niya sa kanyang isipan.

"Ewan ko sa ‘yo," nadidismayang sabi ni Leigh at tumayo sa kanyang pagkakaupo.

"Bakla! Uy! San ka pupunta?" tanong ni Max sa kanya na nanatiling nakaupo.

"Nawalan na ako ng gana kumain,” monotonong tugon ni Leigh sa kanyang kaibigan at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Sandali—"

Akmang tatayo na si Max sa pagkakupo nito ngunit mabilis iyon na pinigilan ni Leigh.

"Wag kang susunod kung ‘di lagot ka sakin,” saad ng dalaga na may paghahalong pagbabanta kay Max.

“Ang mga tao talaga kahit kailan ang hirap umintindi at paliwanagan. Ano bang mahirap intindihin at paniwalaan sa sinabi kong 'hindi kami? Anong mahirap sa dalawang salitang iyon? Kahit sabihin ko ang totoo ayaw pa rin maniwala, ano na lang ba ang gusto nilang paniwalaan na kami ng halimaw na iyon?” tanong ni Leigh sa kanyang sarili.

“No! Hindi kami at hindi magiging kami! Nagmumukhang ewan na lang ako kakapaliwanag sa kanila, nakakaasar! Pero pakialam ko nga ba kung maniwala o hindi sila maniwala sa sinasabi ko? Basta alam ko sa sarili ko na hindi kami at walang kami basta ako ang nagsasabi ng totoo. Boyfriend?” Sabay palatak. “'Yong halimaw na iyon magiging boyfriend ko? Oh com’on! Nakakatakot kaya siya para maging boyfriend! He's not a boyfriend material kung alam lang nila ang tunay na pagkatao ng halimaw na iyon ewan ko lang kung kabaliwan pa nila 'yong halimaw na 'yon. Paniguradong kahit sila tatakbo sa takot kung alam lang nila ang nangyari kagabi sa lalaki na halos mapatay niya na sa sobrang pambubugbog na ginawa niya. Hindi ko nga alam kung mabubuhay pa iyon. Isa siyang brutal na tao! ‘Nay! Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kagabi! Ang harsh niya. Kawawa talaga 'yong lalaki, talagang kaawa-awa. Halos maligo na sa sariling dugo at hindi na halos makilala ang mukha dahil sa matinding pambubugbog sa mukha niya. Inay! Nakakatakot talaga siya!” sabi ni Leigh habang nagbubunton ng frustration sa hangin.

“HE'S TOTALLY A MONSTER!” mariin niyang sabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status