"Ayaw mo bang bumalik ako?"Nilagpasan niya ang babaeng nasa harapan niya at naupo sa sofa."Sye-Syempre hindi!" Mariing ngumiti si Yvonne. "Nagulat lang ako kasi...bigla kang bumalik ng walang pasabi..."Sa nagdaang tatlong taon, may panahon na inaasahan niya ang kanyang pagbabalik araw at gabi. Matapos ang hindi mabilang na pagkabigo, unti-unting siyang tumigil na umasa.Pero ngayon, bumalik siya nang walang pasabi! Hindi lang iyon, pero ginawa nila ang ganoong uri ng bagay. Ano kaya ang magiging reaksyon niya rito?!Naninigas si Yvonne habang maingat siyang lumapit para umupo sa tapat ng lalaki, sinusubukang masanay sa pagiging asawa ulit.Gayunpaman, hindi siya tiningnan ng lalaki at biglang sinabi, "Dito ako titira mula ngayon.""Ano…?!" Nasamid at umubo si Yvonne hanggang mamula ang mukha nito at hindi siya makapaniwalang nakatingin sa lalaki.Si Henry naman ay may hindi kanais-nais na ekspresyon. Agad tinakpan ni Yvonne ang ang kanyang bibig.Maya-maya, hindi niya napig
"Wala akong planong magka-anak."Sa pag-aabang ni Yvonne, dahan-dahang bumuka ang bibig ng lalaking nasa harapan niya, at saka binasag ang lahat ng kanyang pantasya sa malalim at malamig na tinig nito."Ha?" Si Yvonne ay nalilito nung una, pero mabilis niyang naiintindihan ang sitwasyon.Ang kanyang walang malasakit na tono...ay nakakasakit sa tenga ni Yvonne."Ah okay, naiintindihan ko." Sinubukan niya ang kanyang makakaya para mag-walang bahala. "Iinom ako ng morning-after pill.""May iba ka pa bang sasabihin sa’kin?" Maingat na tinanong ni Yvonne na may maingat na ngiti sa labi."Wala na."Tinapik ni Henry ang kanyang mga daliri sa manibela, mukhang sabay na nasiyahan at hindi komportable sa kanyang tugon.Pinakasalan niya lamang si Yvonne Frey dahil hindi siya mapagbalak na babae tulad ng ibang mga kababaihan doon na tila palaging nagsisikap na maanakan niya para magkaroon sila ng dahilan para manatili sa kanyang tabi.Bakit nga ba hindi naisip ni Yvonne iyon?Dahil ba sa
Sa oras na makarating sila sa lobby, masikip na ito. Ilang babaeng secretary ang nagbubulungan."Narinig mo ba? Sabi nila na galing sa Ontario ang bagong boss. Nagmamay-ari na siya ng maraming mga kumpanya at mukhang mayaman! Hindi lang yun, pero single din siya!""Sigurado ka ba? Ang bagong boss daw nagpakasal sa isang babae dahil sa arranged marriage na ginawa ng kanyang pamilya noon. Kaso ayaw niya sa girl.""Oo, alam ko rin ‘yun! Narinig ko na yung CEO ay may malapit na relasyon pa sa ex niya, pero pinilit siya na makipaghiwalay para pakasalan pakasalan yung present wife niya dahil sa pamilya. Hindi man lang sila in love."Hindi mapigilan ni Lynette na tingnan ang kapanapanabik na pag-uusap na nangyayari sa paligid nila. Lumingon siya at sinukbit ang manggas ni Yvonne. “Narinig mo ba yun, Yvonne? Nagtataka ako kung ano ang hitsura ng bagong boss natin! Siguro matangkad, mayaman, at gwapo? ""Ewan. Malay ko."Kinulot ni Yvonne ang kanyang mga labi na may kaunting interes at ni
Naku, napansin niya ba?!Dali-daling iniyuko ni Yvonne ang kanyang ulo habang nakikipagtalo sa sarili tungkol sa pagtatago. Gayunpaman, mabilis na napalingon si Henry at tila hindi siya napansin.Phew. Nakahinga siya nang maluwag. Mabuti na lang at hindi siya nito napansin."Tingnan niyo, Mr. Lancaster. Ito ang lahat ng mga empleyado ng kumpanyang ito. Inaasahan talaga namin ang iyong pagdating.” Mabilis na lumapit ang isang executive para ma-flatter si Henry.Malamig na kinilala ni Henry ang pagsipsip ng lalaki at pinangunahan ang isang grupo ng mga executive sa likuran niya sa elevator, na hindi nagpapakita ng interes sa mababaw na kasanayan ng lalaking dikit nang dikit.Habang nakasara ang pinto ng elevator, narinig ni Yvonne ang lahat sa paligid niya na naguusap sa mahinang boses. Karamihan sa mga tao ay hinahangaan si Henry sa kanyang hitsura at ugali.Ang mga salitang tulad ng 'makisig', 'gwapo', 'marangal', at 'matangkad' ay tila ginawa para sa kanya.Hindi mapigilan ni Y
"Oo." Tumango si Henry na may sama ng loob sa kanyang makitid na mga mata. "Kung hindi nasiyahan si Mr. Hendrickson sa taong pinili ko, gusto mo bang ikaw na lang ang pumili?"Sa kabila ng napakaraming mga kababaihan na may heavy makeup pa, si Yvonne Frey lang ang nag-iisang pinaka kaaya-aya sa kanyang mga mata."Hindi, hindi naman! Mr. Lancaster, masyado kayong seryoso! " Si Mr. Hendrickson ay hindi naglakas-loob na magsabi ng kahit ano.Mabilis siyang lumapit kay Yvonne. "Well Yvonne, ikaw ang magiging personal na secretary ni Mr. Lancaster. Tulungan mo siyang mabuti. Pwede kang lumapit sa’kin kung kailangan mo ng anumang tulong.""...opo sir," Natulala si Yvonne.Wala siyang ideya kung bakit siya pipiliin ni Henry bilang kanyang secretary. Siguro dahil mas madali para sa kanila na magtulungan dahil magkakilala na sila?Lihim niyang ninakaw ang isang sulyap kay Henry nang nagkataon ang lalaki naman ang umiwas ng tingin at pinunasan ang bakas ng emosyon sa kanyang mga mata.Kin
Sadyang ginugol ni Yvonne ang kanyang buong hapon sa opisina. Nang matapos niya ang lahat ng trabahong nasa kamay niya, alas tres pa lang ng hapon. Marami pang oras bago matapos ang arawang trabaho.Nang makita na wala talagang ibang paraan para ipagpaliban pa ang ‘di maiiwasan, wala na siyang ibang magawa kundi ang maglakas loob na kunin ang telephone receiver, pagkatapos ay i-dial ang opisina ng CEO.Matapos mapromote sa posisyon na personal secretary, binigyan si Yvonne ng sariling opisina sa tabi ng opisina ng CEO.Kanya lamang ang buong kwarto.Ang tawag ay mabilis na nasagott, at agad siyang nanigas. “M-Mr. Lancaster? Ako to…""Ipaghanda mo ako ng isangr eport ng lahat ng projects na tinanggap ng kumpanya sa nakaraang taon tapos dalhin mo ‘to sa akin bago matapos ang araw." Ang malamig na boses ng lalaki ay dumating sa pamamagitan ng receiver at hindi siya pinansin."Lahat ng projects?" Nanlaki ang mga mata ni Yvonne.Gawain ba yun para sa isang tao lang?!"May iba ka pa
Sa ospital...Nagsagawa ang doktor ng isang physical exam kay Yvonne na may seryosong mukha. "Miss Frey, malamang matagal ka nang may gastric problem, di ba? Sa kabutihang palad, hindi ito masyadong seryoso. Pagtuunan mo lamang ng pansin ang diet mo.""Siguro kaya biglang sumumpong ngayong gabi dahil hindi ka kumain sa tamang oras. Ano nga pala ang nakain mo ngayon Miss Frey?”Ano ang kinain niya ngayong araw? Si Yvonne ay tumingin kay Henry ng may halong hiya. Kabadong kabado kasi siya simula nung tanghalian at at nag-overtime pa siya. Paano naman siya magiging nasa mood na kumain ng kahit ano?"Doc, mayroon bang treatment para permanenteng gumaling ang mga gastric problem?"Sumimangot si Henry, medyo naguilty siya sa ilang kadahilanan nang tumingin siya sa maputlang mukha ng babae."Medyo mahirap iyon." Umiling ang doktor. "In any case, ang gastric problem mo naman ay hindi gaanong seryoso, Miss Frey. Siguraduhin mo lang na mapapanatili mo ang isang healthy diet at kumain ka sa
Sa paggising ni Yvonne, ang IV catheter ay tinanggal na mula sa likuran ng kanyang kamay.Pinunasan niya ang kanyang mga mata at nakita ang pagpasok ng doktor. "Doc, sa tingin ko ayos na ako ngayon. Kailan ako madidischarge?""Mukhang hindi pa pwede. Sinabi sa akin ni Mr. Lancaster na nais niyang manatili ka sa ospital ng ilang araw pa para sa imonitor. Maaari ka lamang mapalabas matapos naming matiyak na ang gastric problem mo ay talagang isang gastric problem lamang. ""Nasaan na po siya ngayon?"Gulat na napaupo si Yvonne. Kung mananatili siya sa ospital para sa maobserbahan, kailangan niyang mag-sick leave sa trabaho."Umalis na si Mr. Lancaster. Ipinaalam niya sa akin na babalik siya bukas. Miss Frey, sa palagay ko mahalaga ang concerns niya. Ang mga gastric problem ay maaaring magkakaiba nga kalubhaan. Magiging mabuti para sa iyo na ma-checknatin ito nang maayos."Nagbigay ng payo ang doktor, pagkatapos ay lumabas dahil may isang nurse na naghahanap sa kanya.Dahil hindi m