PAG-AALAY
Para sa matalik kong kaibigang si Bianca, at sa pinsan kong si Jomari na nangarap na maka-talik ang matalik kong kaibigan… Maganda ba ang langit?
***
"MAMAMATAY NA AKO..." paulit-ulit na sinasabi ng maliit na boses sa isip ko. Walang iba kundi sa akin ang maliit na boses na iyon. Ito na yata ang pinaka nakakatakot na sandali ng buhay ko. Narito ako sa isang silid na bahagyang nasisinagan ng liwanag. Bahagya ko ring nasisilayan ang mukha ng walang hiyang kasulukuyang lumalapastangan sa akin! Nakangisi siyang parang isang demonyo!
Nakahiga ako sa isang malambot na kama. Nakatodo ang lamig ng air-con. Nanghihina ako sa lamig. Nakaibabaw sa akin ang walang hiyang gustong tumikim sa sariwa kong katawan! Wala siyang saplot na pang-itaas. Magkagayunman, hindi ako naaakit sa ganda ng katawan niya. Nasusuklam ako!
Gumagapang ang mga kamay niya sa iba't ibang parte ng katawan ko: sa hita ko, sa gitna ng pantalon ko, sa tiyan ko, sa d****b ko. 'Di pa nakuntento, itinaas niya ang pang-itaas na damit ko. Nandiri ako nang maramdamang dumampi ang laway niya sa d****b ko. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak. Ayaw ko sana, pero hindi ko kayang sikmurain ang kababuyang ginagawa niya sa akin. Ang masama pa noon, hindi lang puri ko ang gusto niyang kunin, kundi pati buhay ko!
Masaklap, pero alam kong iyon ang kahahantungan ko. Pagkatapos niyang makakuha ng pansamantalang kaligayahan, alam kong parang b****a lang niya akong itatapon gaya ng ginawa niya sa mga kaibigan ko. Pinatay niya sila! At ngayon, ngayong ubos na sila... Ako naman ang isusunod niya.
"Ikaw, Bianca, alam mo ba kung kailan at paano ka mamamatay?" tanong niya sa akin. Mapanubok ang tanong, kaya kailangan din ng mapanubok na sagot.
Sa kabila ng takot na nararamdaman ko, nagpakita ako ng katapangan.
"Hindi! Pero sige, kung gusto mo akong patayin... Kung mamamatay man ako, huwag BUKAS! Sige na, ngayon na!" paghamon ko sa kanya.
Akala ko, kahit paano maaawa siya sa akin. Pero hindi! Sinakal niya ako!
"Hayop ka!" sigaw ng isip ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makahinga!
Sinubukan kong pigilan ang mga kamay niya, pero masyado siyang malakas! Wala na ring silbi ang mga paa ko. Kanina pa ako pumapadyak at lumalaban para sa buhay ko. Kanina pa rin dumadagan sa akin at nagpapakasasa sa makamundong kaligayahan ang baliw na ito.
"MAMAMATAY NA AKO..." sabi ng maliit na boses sa isip ko. Hindi ko na pinilit huminga. Itinigil ko na ang paglaban. 'Di nagtagal, nakita ko na lang na dumilim ang paligid ko. Isa lang ang nasa isip ko, hindi na ako aabutan ng BUKAS. Susundan ko na ang mga kaibigan ko, ngayon na...
"For I am with you, no one will attack and harm you, for many people in this city belong to me."Acts 18:10***Pito kami sa barkada: sina Laila, Janine, Eve, Alden, Dan, Jomari at ako --si Bianca!Si Laila.Siya ang pinakamatalino sa barkada. Hangang-hanga kami sa kanya dahil sa dedikasyon at sipag niya sa pag-aaral. Sa kanya kami nagpapaturo kapag nahihirapan kami sa lessons o kapag may iniwang gawain ang professor na hindi naman itinuro. Minsan nga, kapag tinatamad yung iba sa aming gumawa ng assignment, siya na ang gumagawa. Sabi ng mga kaibigan namin, hindi siguro sila makaka-survive sa College kung wala siya. Magkakaiba man kami ng kurso, Laila always finds a way para makatulong sa amin.
Ang bulung-bulungang manghuhula... SI JUDE. Kilalang-kilala ko siya. Sa katunayan, kababata ko siya. Bata pa lang kami, nakakakita na siya ng mga hindi pangkaraniwang bagay sa paligid. May mga panaginip din siyang nagsisilbing babala. Halos lahat ng kakilala namin, natatakot sa kakayahan niya. May iba namang kinukutya siya at sinasabing anak daw siya ng demonyo. Naging biktima rin siya ng pambu-bully noong Grade School at High School kami. Ngayon namang College, iniilagan siya. Malungkot siguro ang buhay niya. Kaunti lang din kasi yung kumakaibigan sa kanya. Hindi na rin naman niya gustong makipag-kaibigan sa iba. Wala nga yata siyang ibang pinagkakatiwalaan bukod kay Jomari na pinsan niya at sa akin na kapit-bahay nila.Tulad ni Jomari, tahimik at malalim ang personalidad ni Jude; wirdo para sa karamihan. Hindi siya basta-basta nakikipag-usap sa mga tao maliban na lang
Noong gabing iyon, nanaginip ako. Naglalakad daw ako sa isang palapag ng University. Nakasalubong ko si Jude. Binati ko siya, pero hindi niya ako pinansin. Maya-maya, lumitaw si Laila sa panaginip ko. Nilapitan niya ako.“Bianca!” pagtawag niya sa akin.“Nagpahula ako,&r
Naabutan kong papasok na si Jude sa University nang magdesisyon akong umuwi muna. Ayaw pa nga niya akong kausapin noong una kahit hinarang ko na siya, pero buti na lang, pumayag din sa bandang huli.Tinanong ko siya tungkol sa ginawa niyang hula kay Laila, at sinabi niyang, “Nakita ko sa pangitain... Naglalakad siya palabas ng bahay. Mag-aabang na sana siya ng ma
Nanaginip ako. Nakatayo kami nina Laila at Janine sa isang tulay. Yari sa bato ang tulay; magaspang ito at bitak-bitak. Nagbahagi si Laila ng impormasyon tungkol sa tulay, na isandaang taon na itong nakatayo rito. Makasaysayan daw ang tulay sabi niya. Hindi raw iyon basta-basta magigiba, parang pagkakaibigan namin.Dumungaw ako sa ibaba; gumaya sila. Nakita kong malinaw ang tubig. Ganoon din ang sinabi nila. Sabi ni Janine gusto niyang maligo. Naka-e-engganyo kasing maligo, lalo na kung malinaw ang tubig. Nagulat na lang kami nang bigla siyang tumalon sa tulay! Napasigaw kami ni Laila!Tumingin kami pareho ni Laila sa ibaba ng tulay. Hindi namin nakita si Janine sa ibabaw ng tubig. Nakaramdam ako ng malakas na kabog sa dibdib ko. Nalunod na kaya siya? Patay na kaya siya? Sinigaw namin ang pangalan niya; tinawag namin siya, pero hindi siya sumagot.Maya-maya, lumitaw si Jani
Ayokong pag-isipan nang masama si Jomari, peroshit! Nandiri talaga ako sa ginawa niya sa akin. Hinawakan ko ang leeg ko at nanalanging sana panaginip lang din ang ginawa niyang paghalik sa akin. Nang mailibing si Laila, si Janine naman ang binantayan namin. Balisang-balisa si Eve habang tinitingnan niya si Janine. Tinabihan ko siya. NasaParadisokami. Nakahimlay si Janine sa kabaong. Maganda ang ayos nito. Nagkaroon ng misa matapos magbigayan ngtestimonials. Nakakatawang marinig na puno na ngayon ng magagandang salita ang mga bibig ng mga taong umaway at sumumpa kay Janine noon. Ganoon siguro talaga kapag namatay na ang isang tao. Hindi na maaalala ng iba yung mga pangit na bagay na nagawa mo. Hindi ko alam kung mas mainam iyon sa karaniwang gawi na naaalala lang yung kabutihan mo kapa
Nang mabalitaan naming patay na si Eve, pinuntahan namin nina Dan at Jomari si Alden sa isang presinto sa Tagaytay kung saan siya dinala. Kasama ko si Dan, samantalang nagsabi si Jomari sa pamamagitan ngtext messagena susunod na lang siya sa amin. Wala kasi siya sa bahay nila nang puntahan ko siya.Habang nasa biyahe kami ni Dan sakay ng kotse niya, nakatulog ako at nanaginip. Naglalakad ako sa isangbuilding; hindi ko alam kung saan. Sabi ng isip ko, nasa isanghotelako. Umakyat ako sa hagdanan papunta sasecond floor. Naglakad ako sa pasilyo at huminto sa isang silid.Bumukas ang pinto at nakita ko si Eve, umiiyak."Pabayaan mo na kami!"sabi niya."Mahal ko si Alden!"Hindi ako na
Lumabas ako ng presinto para magpahangin. Ginusto ko rin noon na pumunta sa Tagaytay, pero hindi sa ganitong pagkakataon. Inisip ko noon na kung may pagkakataong magout-of-town tripkami ng barkada, yung masaya at kumpleto... hindi yung ganito.'Di nagtagal, dumating si Jomari at tinabihan ako."Ok ka lang?" tanong niya."Ok lang," sagot ko, kahit na nagtatampo pa rin ako kay Dan."Sabi ni Dan, sorry raw. Nahihiya siyang lumapit sa iyo kaya ako na lang ang magsasabi. Stressed lang daw kasi siya kaya niya nasabi iyon."Ngumiti ako. "Ok lang," sabi ko. Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Tumingin ako sa malayo. Ninamnam ko ang preskong hangin bago ako nagsalita. "Si Laila... si Janine... si Eve... Mayroon pa bang susunod na mamamatay?" tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko! Unti-un