Share

Pandora's Box (Tagalog)
Pandora's Box (Tagalog)
Author: AnneBlythe

Chapter 1- Eggplant Girl

Sayuri’s POV

I was sold. Well, hindi naman ibinenta na as in kukunin ‘yong lamang loob o kaya kukulayan ang buhok para magmukha akong pulubi tapos uutusan akong mamalimos. No.

Parang ‘yong sa movie na Flipped, nagkaroon sila ng school activity na inihanay ang lahat ng lalaking estudyante na may hawak na basket, tapos ibebenta sa kung sino mang makakapag-bid ng pinakamataas na price. Oo gano’n nga ang naisip ng mga administrator dito sa school namin para sa culminating day ng Nutrition Week. Ang original ng idea. Ika-apat na taon na nilang ginagawa ito.  Ngunit hindi basket ang hawak namin, kung hindi talong. Tapos nakasuot kami ng costume. Ang costume ko ay Anabelle Doll.  Anabelle doll plus talong? Winner!

At paano naman ako napabilang dito? Eh malalandi lamang ang sumasali rito, mga gustong magpabenta upang makahanap ng boypren. Define cheap.

Well, ibahin nila ako, hindi ako desperada. Sapilitan akong isinali ng kapatid kong gago. Isa siya sa organizers ng event na ito; vice-president kasi siya ng council. Gusto niya lamang akong asarin, galitin, gantihan, pahirapan. Lahat na ng pang-iinis na magagawa ng isang tao sa kapatid niya. Ganoon niya ako kamahal.

I was Eggplant girl no 8. I had to stand on the stage in the gym while nearly half the girls got auctioned off. The minimum bid was Five Pesos. Wow, hindi aabot sa bituka mo ang ipapakain sa iyo ng kakagat sa five pesos. And if nobody bids, a teacher would have to bid on you. Malas kapag ‘yong teacher na may galit o may hidden desire sa iyo ang nanalo. Kahihiyan to the highest level.

"Ang sunod naman na Eggplant girl, ay walang iba, kundi ang pinaka maganda kong kapatid at Diyosa ng Strawberry Fields Academy! The friendliest, photogenic and talented, Contestant no. 8, Sayuri De Chavez! We'll start the bid in Five Pesos. Five Pesos? I think she's priceless," ngumiti nang nakakaloko sa akin si Yuki. Tinignan ko siya nang masama. Ihanda mo na ang pang-pabiling mong unggoy ka!

Bumuntong hininga ako at hinintay kung sino man ang gustong malasin na makasama ako for a month.

"One million pesos!" sigaw ng isang hindi kaaya-ayang nilalang.

WHAT THE EFFING — 

Natigilan ang lahat, tumingin sa akin si Yuki na nanlalaki ang mga mata. Nagsimulang magbulong bulungan ang mga audience pati na ang ibang contestant. Inilibot ko ang mga mata ko para hanapin kung sino ang mapangahas na bidder na iyon.

Walang gustong magbid ng mas mataas, or should I say wala talagang gusto magbid sa akin? Tumingin ako kay Yuki, na mukhang hinahanap rin ang bidder ko. 

“Wow!” my brother laughed awkwardly. We have a million-peso bid! That is — definitely record-breaking! What a generous donation for the Applegate and Orangevalley Foundation!” those are the charitable institutions that were funded by our school.

I unbelievably mouthed at him the word WTF? nagkibit-balikat lamang si tanga. Patay ka talaga sa akin Sayuki! I was sold for One Million Pesos; that doesn’t sound right! Human exploitation! nilapastangan ang pagkatao ko.

“Maaari na po bang lumapit dito sa harapan ang generous na buyer ni Ms. De Chavez?”

Natahimik ang lahat nang lumabas mula sa gilid, malapit sa exit ang isang matangkad na nilalang, dahan-dahan siyang naglakad papunta sa stage. Nakasuot siya ng V-neck na white fitted shirt, navy blue jeans paired with black high-cut boots. Nakakaloko ang mga ngiti niya. Kung isa akong hard core na malandi ay isa lang ang masasabi ko Hot baby!

Pero hindi eh, kilala ko kasi siya. Kilalang-kilala. Mukhang na-gets niya ang dahilan nang pagsimangot ko. He smirked at me, this is terrible.

Si Timothy Blythe.

Strawberry Fields Academy is a school for rich and gifted children slash spoiled brats. Cliché man pakinggan pero iyon ang katotohanan. Ipinatapon kami ng mga parents namin dito noong seven years old kami; hindi lamang dahil sa pagiging gifted namin, kundi dahil inabandona na nila kami emotionally. Nilalagyan lamang nila ng pera ang mga account namin pero bihira nila kaming bisitahin o tawagan para kamustahin. Apparently a billionaire is studying here and that billionaire is Timothy Blythe. If I’m a regular girl I would swoon over him, he’s very handsome and tall with pale skin, jet black hair, and hazel-brown eyes. He could charm many people with his looks and fat bank-account.

But I’m not a regular girl because the opposite happens, I hate him, and he hates me. End of story. And now, dahil sa gago kong kapatid, He owns me, for a month. Dahil sobrang laki nang ibinid niya, isang buwan akong magiging assistant/ sunod-sunuran sa kanya.

Wow! I love my life! Salamat sa talong ha!

Timothy’s POV

Alam kong kanina pa siya nag-titimpi at konting pitik ay sasabog na siya. Hindi ako nagkamali, this is going to be fun. Sayuri De Chavez, the girl who has been my arc nemesis for the past five years. Pera ang nagpapaikot sa mundo, gusto kong ipakita sa Andrew Sato na iyon na hindi niya ako matatalo, ako pa ang hinamon niya pagdating sa pera. Nababaliw na siya. Isa siyang loser, trying to win your ex-girlfriend with an auction is the dumbest thing I’ve ever known. Yeah, sumali ako sa auction hindi dahil sa foundation, kahit naman hindi ako magbid dito eh kayang kaya ni nilang lahat ‘yon.

Lumawak ang ngiti ko habang nakatingin sa nag-aalab sa galit na mga mata ni Sayuri, kung baril ang mga tingin niya malamang kanina pa ako nakabulagta dito.

Iyon ang isa pang bagay na kinakamuhian ko sa babaeng ito. Siya lamang ang may lakas ng loob kumalaban sa akin. Samantalang lahat ng estudyante dito, sinasamba ako. Ako, si Timothy Blythe, the richest, hottest and the most powerful guy in this school, ay binabalewala lang ng isang katulad niya? She’s got the nerve!

Now, I can wrap her around my finger. Iyon ang tinatawag na  hidden agenda, and it will be a great game.

"This is crazy!" galit niyang sabi sa kapatid niyang si Yuki.

"Come on Yuri, para to sa foundation!" patawa-tawang sagot ni Yuki sa kapatid.

"Puwes, tawagan mo ang matatanda at sabihin mo mag-donate sila sa foundation!"

"Whoah, minamaliit mo ata ang kakayahan kong tumulong sa foundation. To tell you miss, hindi galing sa yaman namin ang bayad ko sayo. Galing to sa sarili kong bulsa,” ngumiti ako sa kanya na ikinainis niya pa lalo. Tinapunan na naman niya ako ng masamang tingin.

"Kinakausap ka ba namin ha? Get lost Blythe," she spat on me. Hindi talaga marunong sumunod sa uso itong babaeng ‘to.

"Oh, so, gusto mo bang si Andrew Sato ang bumili sayo?" natigilan siya sa sinabi ko.  Alam kong kaunti na lamang lalagapak na sa mukha ko ang kamay niya kaya ibinaling ko ang atensyon ko kay Yuki. Unlike his snobbish and loathsome sister, Yuki is my close friend.  Malaki ang tiwala ko sa kanya, tinatawanan lamang niya ang mga pang-aasar ko sa kapatid niya.

“Anong account number ninyo? Para mai-deposit ko na ang kalahati” hindi mapailawanag ang reaction ni Yuki, mukha siyang nag-aalangan. Isinulat niya sa isang papel ang account number at ibinigay sa akin. Inis na inis siyang tinignan ng kapatid niya pagkatapos ay nag-walk out na.

Binalingan naman ako ni Yuki at tumingin ng seryoso sa akin.

"Timmy, alam kong masayang inisin ang kapatid ko. Pero this time, it’s different, I swear hindi ko alam ang gagawin ko sayo kapag ginawan mo ng hindi maganda ang kapatid ko. Don't treat her like any of your girlfriends. Or else, I will kill you," seryosong tumingin si Yuki sa mga mata ko habang sinasabi ang mga salitang ‘yon.

Tumango ako at tinapik siya sa balikat. “Don’t worry dude, it’s just for a month,” I blindly assured him.  Don’t treat her like any of my girlfriends? Bakit ko naman gagawin ‘yon? Kung puwedeng namang mas masama ang gawin ko?

Sinundan ko si Sayuri na ang bilis-bilis nang lakad dahil sa sobrang inis. Napalingon siya sa akin at hindi ako nagkamali malapit na siyang sumabog sa sobrang galit. “Hey Miss Sayuri De Chavez, slow down. Paano tayo magkakasundo niyan kung ngayon pa lang gusto mo na akong patayin? Hindi ka ba natutuwa? The most sought-after dude in this school bought you,” mayabang kong sabi sabay kindat sa kanya.

"Dream on, Blythe" she roared, giving me a death glare. I swear mukha nang pinitpit na lata ang mukha niya.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, napaurong siya. "Hindi mo na pag-aari ang bawat galaw mo ngayon miss, you're all mine. Remember that. I’ll be seeing you tomorrow then, Sayuri De Chavez,” and then I left here there, with her face showing an utter disbelief.  Alam kong gustong gusto na niya akong bigwasan, bangasan at tadyakan. Pero sorry siya, bawal ang violence sa school na ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status