Share

Chapter 2- Arc Nemesis

Timothy’s POV

Bukod kay De Chavez ay may isa pa akong kinakainisan sa school na ‘to. Ang dorm at ang kasama ko sa kuwarto. Nakipag-usap na ako sa chief executive officer na magpapatayo ako ng sarili kong kuwarto, kaso hindi daw puwede. End of discussion. Puwedeng-puwede ko na ngang patayuan ng kanya-kanyang kuwarto lahat ng estudyante dito eh. Kaso nag-iinarte pa mga administrators, they value camaraderie daw. What a joke.   

Hindi naman sa bad trip na badtrip ako sa roommate ko, well badtrip lamang ako sa ginagawa niya. Sino ba namang hindi maiinis? It’s 3:00 in the morning, it’s the devil’s hour, everybody should be sleeping at nandito siya, ang pinakapogi kong roommate, singing at the top of his lungs, at Heart Break Anniversary! Puchang ama! Nakaka-bobo eh! Oo he’s a musical prodigy, magaling siya sa instruments pero hindi ko alam na sobrang basag pala ang boses niya. For heaven and hell’s sake!

Seriously, may pinag-dadaanan ba siya? May identity crisis? Bakit kailangang gawin niya ‘to? Nag-lagay ako ng dalawang unan sa ulo ko, trying in vain to fall back to sleep.

Napabuntong hininga ako nang malalim at pumikit ng madiin. Yeah right, hindi lamang siya nagwawala—he’s dancing using his own choreography. This is too much.

Bumangon ako at lumabas ng kuwarto. Kunwari pupungas-pungas. Sa susunod nga sasabihin ko dun sa administrator na ipa-soundproof ‘yong kuwarto ko. Isama narin itong kasama ko dito, ipapa-soundproof ko na rin ang bibig.

“Goodmorning Sir. Timmy!” masaya niyang bati sa akin, langhiya, nag pot session ba siya? mukha siyang sabog.

“Morning,” walang gana kong bati sabay kulong sa bathroom. Why do I have to be with a crazy, insomniac, roommate? sa lahat ng tao, ako pa? bakit hindi na lang si Yuki ang kasama ko dito?

Binuksan ko ang ilaw, tinignan ang mukha sa salamin. Naks! Kahit puyat ang pogi ko pa rin. Humikab ako. Ano bang puwede kong gawin sa ganitong oras? Napangisi ako nang pumasok sa isip ko ang isang bright idea.

Sayuri’s POV

I swear, mag ha-hire na talaga ako ng professional killer para sa lalaking ito. Pumasok siya sa kuwarto at winisikan ako ng malamig na tubig sa mukha! Ang bait grabe! Sabi niya madami pa daw akong gagawin kaya bumangon na daw ako. My God it’s just 6 A.M! I was supposed to be waking up at eight dahil nine ang start ng klase ko sa Einstein Hall.

I want to kill him softly, starve him to death, ipakain siya sa mga langgam, burn him alive, peel every layer of his skin—

“Bitbitin mo nga.”

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa bag na ibinigay niya sa akin.

“Ano ‘to?” inis kong tanong.

Tumingin siya sa akin na tila tinatanong ‘gifted child ka ba talaga o ano?’

“Sako ng b****a, donate mo sa Payatas,” pilosopo niyang sagot. I swear magkakaroon na ako ng brain hemorrhage dahil lagi niyang pina-painit ang ulo ko sa mga walang sense niyang sagot.

“At bakit ko naman to dadalhin aber?!” mataray kong tanong.

 “May soccer practice ako ngayon, at obviously ayokong iwan yan sa locker room. Baka nakawin ng mga fangirls ko. At saka obviously, I bought you kaya obligasyon mong bitbitin yan,” nakangisi niyang sagot, I’m so pissed right now!

I frowned at him and slung his bag over my shoulder. At padabog na naglakad palayo, alam kong tuwang-tuwa naman siya sa pagkainis ko. Yeah, ito na ‘yong sinasabi niyang long day ko? I, picking up and carrying his crap while he mocks me.  What a bummer! kulang na lang paluhurin niya ako at habang tinatawag siyang Master Timothy. Hah! In his face!

“Para kang pagong maglakad! magagalit ang coach namin kapag na-late ako!” inis niyang sabi. Pero nginitian ko lang siya at naglakad na parang matandang nirarayuma. Nabadtrip siya at sinamaan ako ng tingin. Tapos bigla siyang pumunta sa likod ko at itinulak ako na parang trolley.

“Stop!” sigaw ko, tumigil siya bigla at nasubsob ako sa field. Ang lakas niya! Buwiset! Paano kung nabagok ako at nabobo? Edi mawawala na ako sa top niyan!

Nagtatakbo na ang loko sa field at nakisama sa mga ka-team, iniwan akong nakahandusay doon. Tumayo ako at pinagpag ang tuhod ko at chineck ang noo ko. Wala namang sugat, great buo pa ang utak ko.

“Hey, sis!”

Napalingon ako para makita ang pinakamamahal kong kakambal. Nakangiti siya sa akin. Kala niya siguro nalimutan ko na ang ginawa niyang kagaguhan sa akin. Kotang-kotang na ako sa salitang gago. Eh sa nakakagago sila eh. Nag-iritan naman ‘yong mga babaeng nasalubong niya. Malalandi! Hindi niyo alam pinapahid lang niya ang kulangot niya kung saan at umuutot ng mabaho tas hindi nag-e-excuse me.  

“Ito, busy sa community service kay Mr. Narcissistic Blythe,” bitter kong sabi. Tumawa lang ang hinayupak kong kapatid at kinurot ako sa pisngi.

“Don’t worry sis, hindi ka niya papahirapan masyado.”

“Oh…nalimutan ko, bff mo nga pala yang sira-ulo na yan. Sige wag mo ng pansinin ang maganda mong kapatid. Join them,” umirap ako sa kanya.

Sumimangot siya saglit at pagkatapos ngumiti ulit.

“Malay mo, dahil sa auction na ‘to mawala na ‘yong inis ninyo sa isa’t-isa. Pero let me warn you sis, don’t you dare fall in love with him, kung hindi itatakwil kita!”

Tinaasan ko siya nang isang kilay. “Oh, kala ko ba BFF mo siya?”

Inakbayan niya ako.

“Pangalawa lang siya no, ikaw kaya ang number 1 BFF ko. Syempre magkamukha tayo ‘no”

“Che! Bola!” inis kong inalis ang kamay niya sa balikat ko, it feels awkward when he’s pampering me with twin love.

“You know, sis, mas mapapanatag ang loob ko kung hindi ka na muna mag bo-boyfriend ulit.”

“De Chavez! Pasok dito!” sigaw ng coach nila sa kanya. Agad-agad namang tumakbo si Yuki papunta sa kanila. Buti na lang nag-text ‘yong teacher namin na wala daw munang klase. Nahiga ako sa bleachers at nagdekwatro habang nagbabasa ng paborito kong story.

Timothy’s POV

Nakakainis talaga ‘tong babae na ‘to. Nang lingunin ko siya habang naglalaro ay nakita ko siyang tawa nang tawa habang nagbabasa ng ‘Miss Ugly’s Diary.’ Sino namang siraulo ang magbabasa ng diary ng hindi kanais nais na mukha. Hindi ba dapat ang atensyon niya ay nasa akin lang? heck, hindi man lang mag-cheer, para matuwa naman ako sa kanya. Pero hindi eh, nakababad ang mukha niya sa diary ng kung sino mang miss ugly na ‘yon.

Panalo kami sa game, siyempre magaling ako eh. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay nilapitan ko siya agad, her nose was still in that freaking book!

“Nice game,” walang gana niyang sabi nang hindi pa rin nalingon sa akin. “Impressive,” dagdag pa niya. Sinong niloko niya? Lolo niyang panot!

“Mukha mo, ni hindi ka nga nanonood!” padabog kong sabi sabay hablot nang librong hawak niya. Bigla siyang napatayo at nagsimulang mag-rap.

“Eh ano ngayon kung hindi ako manood? Kung manonood man ako, si Yuki lang ang papanoorin ko no. Badtrip to ah! After waking me up at 6:00 in the morning, ikaw pa ang may ganang magalit na hindi kita pinanood?! kapal ng panga mo!”

Walanje, kaunti lang nang sinabi ko galit na siya agad. Kailangan talaga ng anger management ng isang ‘to.

“Nye-nye!” nangiinis kong sabi with matching tsonggo look pa. Hindi ko naisip na masama talaga ang gising niya, kumuyom ang kamao niya at nag-space landing sa pinaka-iingatang treasure ng Strawberry Fields Academy. My handsome face.

“Owshi!” hindi makapaniwala ang buong soccer team sa nasaksihan nila. ‘yong iba nagtawanan. ‘Yong iba nagdasal na sana mabuhay pa si Sayuri bukas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status