Share

Chapter 6- Admirer

Sayuki's Pov

Sayuri is my twin sister and I love her. Sayuri is my twin sister and I love her. Sayuri is my twin sister and I love her. I love her kahit ginising niya ako nang alas kuwatro nang madaling araw, para magkape, dahil kailangan daw niya ng makakausap pero hindi naman siya nagsasalita. Halos one hour na ang lumipas at stagnant pa rin siya. Ineexpect niya na mahuhulaan ko ang problema niya with my twin ESP.

Puyat ako. Hindi ako umiinom ng kape. But I lover her. She's my twin and I love her. My sister is a mute.

Hindi ka pa ba magsasalita?!I snapped at her. Nagulat ata siya kaya natapon sa kamay niya yung kape. Napabuntong hininga ako, ang sakit ng mata at ulo ko dahil kulang pa ako sa tulog. Pinunasan ko ang kamay niya gamit ang tissue.

"Sorry sis," sabi ko habang pinupunasan ang natapon niya. 

"Ok lang, alam ko inaantok ka pa," she sighed. Sigurado akong malaki ang problema niya kaya siya ganito ngayon.

"Ano ba kasi? Ginising mo ako, dinala mo ako dito sa 24hours coffee shop kasi sabi mo may sasabihin ka. Ano yon?" Umupo ako ng diretso para magsimulang makinig sa kanya.

"May katangahan akong ginawa."

Pagkasabi niya non ilang libong scenario ang pumasok sa isip ko. Nagpabuntis? Nangholdap? Pumasok na dancer sa club? Nakipag one-night stand? Sumali sa sindikato? Nanood ng bold movie sa sine? Nagtulak ng droga? Nagsmuggle ng tao? Nagbenta ng bawal na alahas?Nameke ng passport? Nang e****a? Nagshoplift? Nagbasag ng mga bintana sa corridor?Ano?

Ipinilig ko ang ulo ko at tumingin sa kanya nang seryoso.

"I sold my soul to the devil. I made a bet with Timothy Blythe."

“You what?!” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ohy my God Sayuri, sa lahat ng tao bakit kay Timothy pa?

“Okay, you made a bet with him I get it, what kind of bet?” At lalong nanlaki ang mga mata ko dahil gumana ang twin ESP ko. 

“Don’t tell me nakipag bet ka na ang kapalit eh isa sa inyo makikick-out dito sa Academy?!”

"Ganoon na nga," hinandusay niya ang mukha niya sa lamesa. She look so miserable. 

Napailing ako.

"Well, kailangan mong manalo, anong exactly ang pinagpustahan ninyo?"

"Padamihan ng malalamang personal info tungkol sa bawat isa."

"Personal what?!" 

Bigla siyang napataas ng ulo sa reaksyon ko at kunot noong tumingin sa akin. 

"Oh bakit?" tanong niya.

"May alam ka ba sa kanya Yuri? Kasi sigurado akong wala akong alam sa kanya. Ang alam ko lang sa kanya eh bigla na lang siyang sumulpot dito seven years ago at pinagharian ang buong school. Kahit strand niya walang nakakaalam," humalukipkip ako. 

"Don’t worry Yuki, isa sa pinag-usapan namin ay hindi kita puwedeng tatanungin nang kahit ano," she told me in a assuring voice. For sure hindi siya nag-iisip noong naganap ang bet nila, naunahan nanaman siya nang pagiging implusive niya. Mautak talaga 'tong si Blythe eh. Natawa na lang ako. Nahalata naman niya na may meaning yung tawa ko.

"You're on your way out sister," napailing kong sabi sa kanya, napasimangot lang siya.

"Huh? Anong sinasabi mo?"

Dumeretso ako ng upo at sinuklaya ang buhok ko gamit ang mga daliri.

"Diba sabi niya hindi mo ako puwedeng tanungin?" dahan dahan siyang tumango.

"Kasi  sis, wala akong alam sa personal life ni Timothy as in zero information," tinignan niya ako ng may pagkalito sa kanyang mukha. 

"And so?" Oh my god, my sister why are you so slow?! Napasapo ang palad ko sa noo sa kabagalan ng utak niya. 

"Sabi niya sayo bawal ka magtanong sa akin. Pero siya sinabi ba niyang hindi siya puwedeng magtanong sa akin tungkol sayo? 'Yan na nga ang sinasabi ko Sayuri, hindi ka nagiisip kanina, naging impulsive ka nanaman. Diba hindi? ikaw lang ang sinabihan niya. At dahil wala kang friends, sino pa bang pagtatanungan niya? Sino bang kakambal mo na nakakaalam ng mga deepest, darkest secrets mo? Everything about you? Sino bang kumpare niya dito?" 

Nanlaki ang mga mata niya at unti-unting namula sa galit ang mukha niya nang marealized kung paano siya naisahan ng magaling na si Timothy. She just dug her own grave.

Papatayin ko talaga siya!"

Nagsimula na siyang mag erupt.

"Hey, hey, sis, relax!" Hinawakan ko siya sa balikat pero inalis lang niya.

"Kakalbuhin ko siya!"

Grabe parang natanggal lahat ng laman ng tenga ko sa sigaw niya.

"Kakatayin ko-" tinakpan ko na ang bibig niya nang makita kong palapit ang isang staff sa amin. Hinila ko siya at lumabas na kami.

Pinainom ko siya ng tubig dahil mukhang naabot na niya ang boiling point niya.

"May idinagdag pa siya sa pustahan namin. The impossible one, I have to make him fall for me and vice versa, as a sign of defeat kailangan halikan ang panalo. Kapag natalo ako, kailangan ko siyang pagsilbihan hanggang April tapos kailangan ko ng umalis sa school."

I swear grabeng galit ang naramdaman ko nang sabihin niya 'yon. Sinabi ko na sa lalakeng 'yon na huwag niyang gagalawin ang kapatid ko! Pero pinigilan ko ang sarili na magwala. 

"Knowing the two of you, you'll just resist each other. He hates you for being a non-conformist about his attitude and you hate him for his supreme egoistic personality. So basically it's a mission impossible for the two of you," napailing kong sabi.

"Gusto niya lang talagang patunayan na hindi siya ganoon kababaw kagaya nang iniisip ko. O dahil masyado lang siyang confident na hahalikan ko siya. Yuck! In his face!" Nandidiring sabi niya at nagsimula na kaming maglakad pabalik ng school.

Actually iniisip ko rin kung malalim  ba talaga magisip si Timmy o puro trip lang ang alam niya sa buhay niya. Kilala ko siya sa mga traits na ipinapakita niya, babaero, user, gago, conceited and sobrang taas ng ego.  Nasa school kami na puro genius ang mga bata, pero kahit kailan hindi niya ipinapakita kung anong specialty niya. Parang sa tuwing makikita ko siya at nakatatak sa mukha niya ang mga salitang ‘what you see is what you get.’

"See you later, Yuki. Siguro naman ok na yung kuwarto namin," groggy na paalam ni Yuri.

Dumeretso na ako sa boy's dorm. Nasa pinakadulo ang kuwarto ko kaya madadaanan ko ang kuwarto nina Timmy knowing his hardcore insomniac roommate, malamang hindi nakalock ang pinto nila. Kahit pa laging nagrereklamo si Timmy tungkol sa roommate niya lagi naman niyang iniiwang bukas ang pinto. Ang dahilan niya lagi daw kasi siyang ginigising ni Tiw gamit ang megaphone. Pero sa tingin ko hindi 'yon ang tunay na dahilan.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Walang tao. Di na ako magtataka kung wala si Tiw, pero si Timmy? Umikot ako sa mga kuwarto at nakita kong bukas ang ilaw sa banyo.

I walked over the door, at natigilan ako, akala ko makikita ko si Timmy na naghuhugas ng kamay o nagpapapogi sa salamin or nagma-master’s degree. Hindi ko inexpect ang nakita ko. Nakatayo si Timmy sa tapat ng medicine cabinet, nakatulala sa reflection niya. Tatawagin ko na sana siya o kaya dadagukan ko ng patalikod dahil sa kagaguhan niya sa kapatid ko pero natigilan ako sa ginawa niya.

Binuksan niya ang cabinet at may kinuhang maliit na bote. Kumuha siya ng ilang pirasong pills mula sa bote. Tumitig sa mga ito saglit at nagbuntong hininga.

"Kailangan kita ngayon,” sabi niya sa mga pills. Sinubo niya ang dalawang tableta, there's something weird about him, para bang sobrang lungkot niya habang ginagawa 'yon. Parang namatayan. Tapos kumuha siya ng tubig sa gripo at ininom. Matagal niyang tinakpan ang bibig niya, pumikit siya nang madiin at pilit na nilunok ang gamot. Nang magmulat siya ay pulang pula ang mga mata niya para bang paiyak na. 

Mabilis akong lumabas nang patayin niya ang ilaw. Nagtatakbo ako papunta sa unit ko nang lumingon lingon siya sa hallway na parang nasense niyang may tao. Ano yon? Para saan ang mga gamot? Drug addict ba siya? Hindi eh, prescribed medicine yung nakit ko eh. 

Huminga ako ng malalim, com'on Yuki, hindi ganon ka-junkie si Timmy. Gamot lang 'yon. Baka vitamins na ayaw lang niyang inumin. Oh baka antibiotic na pangotra sa mga ayaw niyang tao? Diba? Nothing serious. End of story.

Hihiga na sana ako nang mapansin kong may nakapatong na envelope sa kama ko. Weird, Old English font na C.S.H lang ang nakalagay.  Binuksan ko at binasa.

Dear Yuki,

Sorry sa abala ha. Sige puwede mo na akong tawanan at puwede mo na 'tong punitin kung para sayo b****a lang ito. Gusto lang naman kitang tanungin? Anong naisip mo at ibinenta mo ang kapatid mo kay Timothy Blythe? Are you on drugs? Siya ang pinakagagong lalake sa ibabaw at ilalim ng lupa! Pinormahan niya yung kaibigan ko dati at halos magsuicide siya noong makipaghiwalay si Timothy sa kanya. I totally think he's not worthy to die for.

Siguro iniisip mo kung ano ba 'tong sulat na 'to? Bakit ikaw ang inaaway ko? Eh hindi naman ikaw si Timothy? Nalungkot lang ako dahil nagmukhang kiddy meal ang kapatid mo. Alam kong iniisip mo na imposibleng magkagustuhan silang dalawa dahil halos magpatayan na sila sa tuwing magkakasalubong sila.

At alam kong sisisihin mo ang sarili mo kapag nasaktan ang pinakamamahal mong kapatid. Ganon kita nakilala. Overprotective ka sa kapatid mo.Pero bakit mo 'yon nagawa?

Huwag mong hayaan na gaguhin ni Timothy ang kapatid mo! For goodness sake! Hindi man niya sasaktan si Sayuri kagaya ng mga girlfriends niya pero alam mong malala pa doon ang gagawin niya. Ulitin ko lang. Ibinenta mo siya. That's human exploitation!

Hindi ito usual na 'Oh i like you from afar since you were seven' letter pero no doubt that I liked you since the day the two of you set foot on this academy. You're nice, caring, protective, kind, and determined. And how can I forget? So handsome.

I like your gentle attitude. Lalo na pag nagaalaga ka ng mga hayop, I know you have a soft spot for animals. So sweet and gentle. I heared that you smuggled kittens in the academy after a lowlife owner abandoned them on the street.  At alam kong iniyakan mo sila ng ipatapon sila ng mga administrators dahil bawal ang hayop dito, well Timothy Blythe is an excemption. How i wished na isa rin akong animal para mapalapit ako sayo. I'm such a sucker for your attention. And writing this letter is the only thing that I do to get your attention. Sana nakuha ko kahit papaano.

I may write again in the future. I know you’ll just forget about me after you read this. But I still thank you for your time reading this, thank God for your existence.

Sincerely,

The one who admired you the most.

Itiniklop ko ang sulat at natulala. Madami na akong natanggap na sulat pero puro 'I love you' 'You're hot' 'Can we go out?' lang ang sinasabi nila lagi. This one is very different.

Kailangan kong makilala ang taong 'to. I want to find the person who actually scolded my foolishness.

Napangiti ako sa sarili ko. Itinago ko sa isang kahon sa side table ko ang sulat at nilock.

Hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa mukha habang iniisip ang mga nabasa ko.

She's wrong. I do actually wanted to know her. I'll be waiting for her next letter. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status