Share

Chapter 8- Pretty But Annoying

Umiiyak ang isang bata habang naglalakad sa madilim at mahabang pasilyo ng isang malaking bahay. Nakarating siya sa tapat ng isang malaking pinto. Napasigaw siya nang may humawak na malamig na kamay sa maliit niyang balikat at pilit siyang iniharap.

Humihikbi ang bata sa takot.  Nagsimulang magalit ang babae nang magsimulang umiyak ang bata.

Nanlisik ang mga mata ng babae.

"Ayoko ng umiiyak! Nabibingi ako sa iyak mo!" sigaw ng babae na halos matumba ang bata sa lakas ng boses niya. Sinampal niya nang pagkalakas ang bata. May umagos na dugo mula sa gilid ng bibig ng bata.

"Hindi ka titigil?! Ilang beses ko ng sinabi sayo na dapat kapag uuwi ako malinis ang bahay! Eh bakit ang dumi-dumi?! Nagkalat ka nanaman! Ang baboy baboy mo! Madumi ka! Madumi!" Paulit-ulit niyang niyugyog ang batang walang tigil sa pag-iyak, halos magsuka na ito dahil sa hilong naramdaman.

"Alam mo kung anong ginagawa sa mga batang salbaheng kagaya mo?! Kinukulong sa bodega!

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status