Share

Chapter 5

Aiden POV

Malapit na mag alas diyes pero hindi pa rin dumadating ang kliyente na kakausapin namin at ramdam ko na din ang inis ni Hunter dahil kanina pa ito nagrereklamo na gusto ng umuwi sa kanyang mag ina, kahit ako din naman ay kanina pa gustong bumalik sa bahay nila Ciara.

"Wala pa rin ba?" tanong ko kay Hunter.

"Obvious naman Aiden, dahil kung nandito na sila ay hindi na tayo naghihintay dito." bakas sa boses nito ang pagkairita.

"Chill man, halatang gusto mo lang maka iskor kay Linnea eh kaya kanina pa nakabusangot ang mukha mo." natatawa na asar ko dito.

Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto at pumasok si Dane. "Nandito na sila." anunsiyo niya at sabay pinapasok ang kliyente namin.

"Nasaan na ang inorder namin?" bungad agad ng isa ng nakaupo na sila.

"Nasaan muna ang pera?" ani ni Hunter.

Agad naman inilagay nito sa mesa ang mga case na naglalaman ng pera at mabilis nilang kinuha ang mga armas na binili nila sa amin, pero ng binuksan ni Dane ang case at nadetect agad namin na puro peke ang lamang pera nito.

"Stop or I will kill you." mabilis na saad ni Hunter sa businessman na papalabas pa lang sana ng pinto, naging alerto naman ang mga tauhan nito at tauhan din ni Hunter na kapwa ng tutukan ng kanilang mga baril.

"Ako pa talaga ang balak mong lokohin Mr. Sy?" nakangisi na saad ni Hunter.

"H-how?" hindi makapaniwala na tanong nito.

"Hindi pa ipinanganak ang makakaloko sa akin. Don't try to play your dirty games on me and my business dahil wala akong sasantuhin Mr. Sy." seryosong wika ni Hunter.

Mabilis naman akong naglakad papalapit sa lalaki at sinuntok ito ng malakas at sinenyasan ang mga tauhan namin na kunin lahat ng weapons.

"Umalis kana Mr. Sy kung gusto mo pang mabuhay. Mali ka ng kinalaban mo." wika ko at mabilis na itinulak ang lalaki. Inalalayan naman siya ng kanyang mga tauhan at mabilis na nilisan ang lugar.

Halos suntukin ni Hunter ang pader dahil sa sobrang inis, naghintay kami ng ilang oras para sa wala sino ba naman ang hindi maiinis do'n. Ang lakas naman ng apog ng lalaking 'yon para lokohin kami. Pasalamat siya at hinayaan pa siyang mabuhay ni Hunter.

At dahil wala naman na kaming magagawa ay umuwi na lang kami ni Hunter at dahil mag uumaga na kaya hindi na ako pumunta pa sa bahay nila Ciara dahil alam kung tulog na ito at ayaw ko naman na makaistorbo kaya sumama na ako kay Hunter pauwi.

"I'll just see you tomorrow Ciara." bulong ko.

Ciara POV

Tanghali na ng magising ako dahil halos umaga na ng makatulog ako, bwisit kasi na Aiden ito ang sabi ay babalik pero inabot na ng umaga ay wala pa din. Bakit naman ba kasi ako naghintay? Crazy!

Hindi ko din maintindihan ang sarili ko ang sabi ko ay hindi na ako makikipag ugnayan pa sa kanya at iiwas na ako pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapanindigan ito. He never failed to give me stress in my life.

Hindi na ako pumasok dahil hindi din naman ako makapag concentrate dahil sa inaantok din ako kaya bumaba na lang ako para magluto ng almusal ko.

Habang nagluluto ako ay hindi mawala sa isip ko si Aiden kung bakit hindi siya nakabalik gayo'ng sinabi niyang babalik siya. Posible kayang may hindi magandang nangyari? Pero masamang damo naman 'yon.

At dahil sa sobrang pag iisip ko at hindi ko na namalayan na nasusunog na pala ang niluluto ko kaya biglang nangamoy ito at maraming usok, dahil dito ay halos hindi na ako makahinga gawa ng nalanghap kung usok at alam kung any minute ay mawawalan na ako ng malay.

Bago ko pa ipikit ang mga mata ko ay may nakita akong bulto ng katawan na papasok sa kusina, hindi ko na naaninag kung sino ito dahil tuluyan na akong nilamon ng dilim.

Ilang oras na ang nakalipas at unti unti kung iminulat ang aking mga mata at puro puti ang nakikita ko.

"Mabuti naman at nagising kana." boses ng lalaki sa gilid ko at ng tiningnan ko ito ay nakita ko si Dane na nakaupo.

"And thanks to you." kako sa kanya.

"Hindi ko alam na may pagka tanga ka din pala, alam mong dumadami na ang usok pero hindi ka pa tumakbo palabas? Anong akala mo isa kang super hero na kayang iligtas ang sarili mo sa apoy?" sarkastikong wika niya.

"Kamusta naman ang bahay? Nasunog ba? May mga nadamay ba?" kinakabahang tanong ko.

"Wala namang ibang nasaktan at ikaw lang, ang kaso halos kalahati ng bahay ay nasunog at nadamay pa ang kalapit nito." wika niya.

Napatampal ako sa noo ko, hindi ko alam ang irereak ko dahil sa nalaman. Paano ko babayaran ang mga damages nito? Alam kung hindi magiging sapat ang kinikita ng boutique ko at isa pa ay ayaw kung problemahin pa 'yon ni kuya na busy din sa pagtatrabaho. Kailangan ko maayos ang bahay at mabayaran ang lahat ng kailangan bago pa siya makabalik.

"I'm sorry about what happened." 

Napaangat naman ako ng tingin. "Sorry saan?"

"Kasi hindi namin agad naapula ang apoy kaya may mga nadamay pa maliban sa bahay mo."

Natawa naman ako. "Siraulo ka! Hindi mo naman kasalanan ang nangyari ang importante ay iniligtas mo ako sa kapahamakan." anas ko.

"Huwag mo na muna isipin 'yon, magpahinga kana muna dahil kailangan mo 'yon. Tutulungan kita."

Hindi ko mapigilan ang mapahikbi dahil sa nangyayaring kamalasan sa buhay ko, niyakap naman ako ni Dane dahilan para mas mapaiyak pa ako.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, ayaw kung makadagdag sa alalahanin pa ni kuya dahil nagtatrabaho din siya para sa amin." kako.

"Don't lose hope Ciara, we will find a way para mabayaran lahat ng 'yon." he assure.

Nagtagal pa kami d'n dahil may ginawa pang mga test ang doctor at ng masigurado nila na okay na ako saka kaming nagpasya na umuwi na. Ayaw ko naman na makaabala pa kay Dane lalo na't alam kung may trabaho din siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status