Carrying The Conde's Heir (Taglish )
Carrying The Conde's Heir (Taglish )
Author: Ann Selanreb
Prologue 1.1

    Life is beautiful, not until you fucked up.

    Dahan-dahan at maingat niyang iminulat ang kanyang mga mata, pakiramdam niya umiikot ang buong silid. May kakaibang nangyayari sa kanyang katawan, parang binibiyak din ang kanyang ulo sa subrang sakit, sumasabay pa sa pag-aalburoto ang kanyang tiyan.

    "Argh. Ano ba nangyayari sa akin?" Mahina niyang bulong sa sarili, at muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata dahil sa hiling nararamdaman.

    Wala sa sariling kinapa niya ang katabi, ngunit bakante na iyon. Imbes malungkot, isang masayang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

   

    "Good morning, Alejandro ko," usal niya, sabay na kinagat ang pang ibabang labi. Hindi ito ang unang beses na nagising siyang mag-isa sa malaking kama na ito.

    Alam niyang busy ang kanyang kasintahan sa mga oras na iyon, narinig niya kahapon ang bulong-bulungan patungkol sa importanteng bisita ng pamilya Sancho. Si Emma Dowager Tenth duchess of Montoro, family friend ng pamilya Sancho at higit sa lahat business partner din ni Alejandro. Mahigit isang taon na silang nagsasama ni Alejandro, ngunit ngayon niya pa lamang makikilala ang isang Emma Dowager.

    Iminulat niya ulit ang kanyang mga mata, kahit nahihirapan ay maingat siyang bumangon at umupo sa kama. Sinalat niya ang kanyang noo, nagbabasakaling baka nilalagnat lamang siya, ngunit kabaliktaran ang nangyayari, malamig iyon. Tagaktak ng pawis ang kanyang noo, bigla siyang napahawak sa kanyang tiyan dahil parang may namumuong dilubyo sa loob niyon. At nangangasim ang kanyang bibig.

   

    "Oh, good Lord, what is happening to me?" wala sa sariling tanong niya sa kung sinuman. Para siyang mababaliw dahil sa kakaibang nangyayari sa loob ng kanyang katawan.

    Kahit nanghihilo hindi nakawala sa kanyang paningin ang isang puting rosas, na nakapatong sa bed side table kasama ang isang mamahaling lampshade. Hindi niya maiwasang mapangiti, inabot niya iyon at napansin niyang bagong pitas iyon. At alam niya kung kanino galing ang puting rosas na iyon. Hindi niya maiwasan ang mapahagikgik, hindi niya mawari kung paano nalusotan ni Alejandro si Thomas ang masungit na hardinero ng kastilyo. Mahigpit na pinagbabawal ni Thomas ang pumitas ng bulaklak sa hardin, maliban na lang kung siya ang pipitas. Sa katwiran ni Thomas baka raw mag tampo ang mga bulaklak at hindi na iyon mamulaklak pa. Ngunit heto at May hawak-hawak siyang puting rosas na sa hula niya ay palihim na pinitas iyon ni Alejandro.

    Isang ngiting punong-puno ng saya ang sumilay sa kanyang mga labi na umabot sa kanyang kulay tsokolateng mga mata. Hindi niya lubos akalain na magiging ganito siya kasaya sa piling ni Alejandro, wala na siyang mahihiling pa. Pag-mamahal ni Alejandro ang bumuhay sa puso at nagbigay kulay sa madilim niyang buhay.

    Napansin niya ang isang puting papel kung saan niya natagpuan ang isang stem ng puting rosas. Kinuha niya iyon at binuksan, isa iyong scented paper, the scent of Jasmine invade her nose luckily the scent calm her raging scenes, thank goodness to that. Ng binasa niya ang laman ng puting papel, parang tumigil sa pag-tibok ang kanyang puso.

We are so different,

You and I,

Yet together are balanced,

As yin and yang,

Both beauties,

Both strengths,

A perfect match,

A perfect bond,

El amor de mi vida, mi Cameron.

( The love of my life, my Cameron. )

    Hindi niya mapigilan ang impit na tili, pagkatapos niyang mabasa ang isang tula, wala na yatang ginawa si Alejandro kundi ang pakiligin siya at gawing perpekto ang kanyang araw. Sumagi sa isipan ni Cameron ang araw na una niyang nakita ang binata. Nakakatawang isipin ngunit buong akala niya noong araw na iyon, ay katapusan na nang malungkot at birhen niyang buhay.

*********

    Na-i-imagine na ni Cameron na sinusundo na siya ni kamatayan, sa madilim na sulok ng kalyeng pinagdalhan sa kanya, habang may matalim na kutsilyong nakatutuk sa leeg niya, at mala-demonyong pagnanasa na maaninag sa mata ng kanyang magnanakaw.

    "Please, nakikiusap po ako kunin niyo na lang po mga gamit ko, j-just spare my life," pakiusap niya sa taong halang ang kaluluwa. Lord, hindi niyo man lang ako binigyan ng notice na sa isang manyak lang pala mapupunta ang aking perlas ng silangan. Sana nag pa-fiesta muna ako sa isang pogi na may eight inches. Pwede na rin, Lord, ang seven inches, kung hindi kaya six inches na lang bahala na si Batman. Huwag lang mapunta sa ganitong nilalang. Piping usal niya ng panalangin. Imbes 'berhing Maria napupuno ka ng grasya' ibang panalangin yata ang nausal niya.

    "Manahimik ka! At bakit ko naman gagawin iyon? Kita mo naman hindi lang pera ang makukuha ko sa'yo... Kundi." Nakakalokong wika nito sabay ngisi, at ang sunod nitong ginawa ang halos nag pawala sa kanyang ulirat. Bigla nitong dinilaan ang ang kanyang pisngi na animo'y dahan-dahan nitong tinitikman ang pinakasarap na putahe.

    Lord, iligtas niyo po ako, promise magiging mabait na po ako at higit sa lahat mag-jo-jowa na po ako, hindi ko na po pa-pangarapin ang isang Alejandro Sancho, ang Conde ng bansang ito. Ang lalaking may ginintuang mga mata. Basta, iligtas niyo po ako. Piping panalangin niya, halos maiyak siya sa subrang takot ng maramdaman ang marahas na pag-haplos ng lalaki sa bewang niya.

    Pinipilit siyang kumawala ngunit hindi niya magawa, malakas at malaki ang halimaw na nasa likuran niya. Madiin itong nakahawak sa bewang niya ang kanang braso nito at may matalim na kutsilyo itong hawak sa kaliwang kamay, at nakatutuk iyon sa leeg niya.

    Yup. Maybe this is my last day in this beautiful world, good-bye career, good-bye amazing life, good-bye virginity I'm sorry if hindi kita naibigay kay Alejandro. Nakaka-iyak-- natigil ang pag-da-drama niya ng biglang May sumigaw at umagaw sa atensyon niya at ng lalaki na nasa likuran niya.

    "I believe, that's not how you treat a woman, dimwit." Ani nang isang buritunong boses.

    Ng masilayan ni Cameron ang lalaking May ginintuang mata, halos mag wala ang puso niya sa subrang bilis ng tibok, at parang may kung anong kumikiliti sa kanyang tiyan.  Hindi siya makagalaw at na batobalani siya sa kanyang kinatatayuan, tila hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Isa lang ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon. Dininig ni Lord ng kanyang panalangin.

    Binuksan niya ang kanyang bibig, "h-help..." Mahina niyang usal na labis na ikinagalit ng lalaking May hawak ng buhay niya ngayon.

    Ang kanang kamay nitong naka-hawak sa bewang niya ay napunta na ngayon at mahigpit na sinasakal siya sa kanyang leeg. Habang ang matalim na kutsilyo ay nakatutuk na ngayon sa bewang niya. Ang dalawang kamay ni Cameron ay mahigpit na nakahawak sa kanang braso ng lalaki, pinipigilan niya mahigpit na pag hawak nito sa leeg niya.

    "Umalis ka na! Ako ang unang nakakita sa babaeng ito, kaya akin siya. Kung gusto mo rin aba'y mag hanap ka!" Malakas na sigaw ng lalaking manyak.

    Walang hiya ka, kuya! Hindi mo ba kilala 'yang kaharap mo? Gusto niyang isigaw iyon sa lalaki, ngunit hindi niya magawa. Nanganganib ang buhay niya mamaya na siya mag-da-drama.

    Biglang namulsa si Alejandro Sancho ang nag-iisang Conde De Parama. Yes, siya ang lalaking biglang dumating ang tagapagligtas ni Cameron.

    "If you're a real gentleman, but I believe you're not, by the way, no hurt feelings, dude. Just pure real talk. My kind of man, treat a woman like a queen and...bang them like their a freaking pornstar." Ani nito sabay ngisi ng nakakaloko.

    Fuck! I never see this one coming. Piping usal ni Cameron.

    "W-what-" hindi na nakahuma ang lalaking may hawak sa kanya ng biglang sumugod si Alejandro.

    Kinuha ng binata ang pagkakataon ng magulat ito dahil sa binitawan niyang salita. Biglang hinatak ni Alejandro ang kamay nitong May hawak-hawak na kutsilyo at hinawakan iyon nang mahigpit, namilipit sa sakit ang lalaki nang ipitin ni Alejandro kamay nito.

    Biglang lumuwang ang brasong nakapulot sa leeg ni Cameron, agad niyang kinagat ang braso nito, at dahil sa gulat at sakit agad na nabitawan ng lalaki si Cameron. At agad na kinuha ni Alejandro ang pag-kakataon binigyan niya ng isang malakas na suntok sa mukha ang lalaki, hindi niya na ito binigyan ng pagkakataon na makabawi nang lakas. Binigyan niya ulit ito nang isang malakas na suntok sa tiyan, hindi pa nakuntento si Alejandro bigla itong umikot at binigyan ng isang malakas na sipa, na tumama naman sa mukha ng lalaking manyak. Biglang itong natumba at hindi na nakagalaw pa.

   

    "Y-ou, did you killed him?" Mahina niyang tanong sa binata. Biglang nilapitan ni Cameron ang lalaking nakalugmok sa maruming semento, mahina niya pa itong sinipa, napatalon sa gulat si Cameron ng biglang gumalaw ang Paa ng lalaki.

    "Lord...buhay pa!?" Tili niya sabay kapit sa braso ni Alejandro.

    "Chill, lady. Pinatulog ko lang siya." Natatawang wika ni Alejandro. May kung anong kinukuha si Alejandro mula sa loob ng coat nito, naka-suot kasi ito ng three-piece suit na kulay asul. Halatang galing ito sa isang party.

    "What the-- really?" Hindak at nandidiring usal niya nang tuluyan niyang makita kung ano ang kinuha nito. "I never thought that you're... Into kinky stuff,"

    Isa iyong posas na may nakabalot na pink lace. Her flower may be virgin and off-limits, but her mind aren't. Alam niya kung para saan ang posas na iyon.

    "Kinky? No way!" Gulat na sagot ni Alejandro bigla itong natawa ng tinuro niya ang hawak-hawak nito. "You mean this? It's a gift from my friend. Hindi ko alam na magagamit ko pala ito," ani nito sabay tawa nang malakas.

    "Eh, bakit dala-dala mo 'yan?" Tanong ni Cameron hindi pa rin siya maka move-on sa gulat. Hindi niya lubos akalain na mahilig pala sa BDSM ang lalaking kanyang lihim na hinahangaan.

    Yeah, bang them like a freaking pornstar, remember, Cameron? Favorite motto niya na yata 'yon, kaya huwag ka nang magulat kung May makita kang pink na posas. And besides mukhang magandang headline ito para bukas 'Alejandro Sancho and his dark fantasy' siguradong bubulusok pataas ang rating ng show niya kapag nangyari iyon.

    "Today is my birthday. My friends decided to send me a naughty gift, and besides I've saved your life. So, you're welcome." Pinagpag pa nito ang dalawang kamay, matapos nitong posasan ang lalaking nakahandusay.

    "T-thank you," nahihiyang usal niya. Oo, nga naman kung hindi ito dumating good-bye life na sana siya. Isang mahinang tapik sa balikat ang ibinigay ni Alejandro at nagsimula na itong mag lakad palabas sa madilim na eskinita.

    "So, do you know this place? Nawawala kasi ako." Nahihiyang usal ni Alejandro.

    "Sorry, but no. Nawawala rin kasi ako,"

    "That's explain why. You're the famous newscaster, right? Cameron Bailey?"

    Halos lumukso palabas ng kanyang dibdib dahil sa subrang saya ang puso ni Cameron. Kilala niya ako?! Lord, kilala ako ng isang Alejandro Sancho?! Piping tili ni Cameron sa isipan.

    "Y-yeah..." Nauutal na sagot niya sa binata. Nakalabas na sila ngayon mula sa madilim na eskinita. Tuloyan niyang naaninag ang guwapo nitong mukha, mula sa buhok  nitong magulo at wala sa ayos. Hangang sa nilalandas nang kanyang paningin ang makakapal nitong kilay, at makakapal nitong pilik mata. Halos tumigil ang mundo ni Cameron ng dumapo ang kanyang paningin sa mga magaganda nitong mga mata. Ngayon niya lang nakita sa malapitan ang ginintuan nitong mga mata na kumikinang kapag ito ay naka-ngiti, ang mga matang isang titig pa lang alam na nito ang mga tinitago mong sekreto. He's well defined jaw, and prominent nose. His features screams that he is one of the dangerous Spaniards man you want to run away from, except if you want to open your legs.

    "So, do want some coffee, senorita?" Wika ni Alejandro sabay inilahad nito ang kanang kamay. Kahit nanginginig sa subrang kaba ay inabot niya iyon.

    Nang magdaop ang kanilang mga kamay, libo-libong bultahe ang dumaloy sa buong katawan ni Cameron. Alam niyang naramdaman din iyon ni Alejandro dahil sa kakaibang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

    "I love latte,"

    "Latte, then." Masuyo inalalayan ni Alejandro ang dalaga, papalayo sa lugar kung saan tinagpo silang dalawa sa kakatwang sitwasyon.

    Hindi lang iyon ang unang beses na nagkita ang dalawa, dahil ang dalawang puso na tinagpo ng tadhana ay hindi kailan man mabubuwag.

DMCA.com Protection Status