Chapter 3

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sa pagmulat nito, tanging ang puting kisame lamang ng ospital ang agad kong nakita. Habang hindi ko pa naaaninag ang lugar kung nasaan ako, bahagyang kumirot ang ugat ko sa ulo. Siguro, dahil ito sa mga nakakapagtakang pangitain na nakita ko. Ilang beses kong pinikit at minulat ang aking mga mata para matanggal ang cloudiness that surrounds the corners of my eyes. After minutes of focusing and trying to grasp my consciousness, I manage to sit down. Maya't maya pa, I saw Jane beside the hospital bed. Pagkakita niya sa aking mga mata, agad siyang tumayo sa kinauupan niya at inilapit ang mukha sa akin. Hinawakan niya kaagad ang aking magkabilang braso at marahang inalog. Sinapo din ng likod ng kanyang palad ang aking noo. She looked concerned.

"Vera!" matinis na sigaw ni Jane na halos mabasag ang eardrums ko dahil sa sobrang lapit niya. "What happened to you? Hindi ka nanaman kumain no? Diet pa. I am so worried you are sleeping for almost a day." pasigaw na sambit ni Jane pero bakas ang matindi nitong pagaalala. What? I am out for almost a day? Ganun na pala ako katagal nakahiga dito. I want to react but I can’t kaya tanging tipid na ngiti ang nakayanan kong isagot sa mga sinabi ni Jane. Nangihina pa ang bawat kalamnan ko at halos hindi ko pa maikilos ang ilang muscles ko sa katawan. Napansin agad ni Jane ang aking kapaguran kaya umupo na lang ulit siya sa isang sulok at nagphone.

After some time, mahinang mga katok sa pinto ang bumasag sa katahimikan na namamayani sa loob ng silid. Binuksan ni Jane ang pinto at laking gulat ko, pumasok sa pintuan ang taong kinaiinisan ko. May dalang bulaklak ang lalaki. Bakas sa mukha ni Jane ang pagdadalawang isip na papasukin ang lalaki. Alam kasi niya na ayaw ko sa pagkaarogante ni John. But in my surprise, Jane guided John towards me. She flashed a teasing smile na para bang gusto niyang mag-init ang ulo ko.

As expected, pagkaamoy ko pa lang sa scent ng lalaki at pagpasok niya, hindi ko maiwasang hindi mainis sa mga malilit at takas na ngiti na kumakawala sa kanyang mga manipis na labi. When the man reached my bed, Jane exited the scene and rushed out from the room to get some drinks. Kung sinuswerte ka nga naman.

"Vera, I am so worried. I do not mean to scold you." apologetic na saad ng overly conceited kong boss. I smiled as a response kahit na kumukulo nanaman ang dugo ko sa kanya. Akala ba niya madadala niya ako sa bulaklak? In fairness, may puso pala ang boss ko. Oh, hindi rin tayo sure, baka kunwaring concern lang ito. I honestly cannot determine if he is sincere or sarcastic siguro John’s kind of talk falls between the two. Mukhang may gusto pang sabihin ang lalaki pero I made sure na mararamdaman niya na ayaw ko makipag-usap. Kaya, iniligay niya ang bulaklak sa side table at umupo sa mga upuan sa gilid ng aking kwarto.

Maya’t maya pa, Angelo entered the room. Mas mukhang haggard siya ngayon. Hobby na yata niyang hindi magayos at matulog.  "Miss Vera!" humahangos nitong tawag. "Why Mr Angelo?" I asked. "I don't mean to be rude and insensitive but what is the update about your research? Well, I am just asking with all due respect." magalang na tanong ni Angelo. Akala ko concern siya sa akin kaya nagmamadali siyang pumunta dito, mas concern pala siya sa project namin. No offense taken but he was insensitive. How can I work? I am not physically fit to do my job. Since nandito ang boss ko, hindi ako magiinarte baka makagawa nanaman ito ng issue na kesyo hindi ako professional. Kaya kahit labag sa loob ko, I answered Angelo politely.

"Ano ka ba. It's okay. Well, it is up to Sir John's decision if you will continue writing or not." sarkastikong saad ko. Akala ni John lagi niya akong maiisahan? Well, definitely not. Aside from that, while I am talking to Angelo, I realized that my hospitalization this time is beneficial to me and to my work. I felt like I was hitting two birds with one stone. Because as you can see, this is the perfect opportunity na mapressure si John na magdecide about the proposal I presented to him. I am confident that his decision will favor my request, considering my situation. Sorry Sir John, mas magaling ako. Habang tumitindi ang tension, pumasok si Jane na may dalang kape.

Habang humihigop ang lahat ng isang mainit na cappuccino, all eyes are now pointing to John, just like what I expected. Mas nakakapressure kapag nasa iyo ang lahat ng mata. Bakas ang pagkagulat ni John, mukhang di niya ineexpect na makakagawa siya ng isang decision in an instance like this. Poor, John. Si Jane naman mahinang chumichika kay Angelo tungkol sa mga naganap.

Amidst of the pressure to our boss, for an unknown reason, suddenly, my eyes met his surprised and thinking eyes. Hindi ko maialis ang tingin ko sa boss ko.  Unfortunately, I had a conclusion that is eyes look perfect. Ang ganda pala ng kanyang mga mata, mapusyaw na kulay abo at tila ba dinadala ang diwa ko kung saan. His slight smirk awakened me from my daydream. Nakakainis. Baka mamisinterpret niya yung actions ko. 

"I am not looking at you John. I mean, well, we are all looking at you. Haaaay. Basta." hindi ko alam kung bakit ako nagsalita at kung bakit ako nageexplain. Now, all eyes are on me. Nakakahiya.

When I realized how defensive I sounded and how I confirmed my actions, agad akong nagtalukbong ng kumot dahil sa kahihiyan. Sana umalis na sila. Utang na loob, gusto kong makalimutan ang mga naganap. After a second of silence, mga awkward na tawa ang umalingawngaw sa buong kwarto. Sinasabi ko na nga ba. Ako na ang center of focus nila. Nakaligtas nanaman si John. Ngayon, siguradong sigurado akong panay pang-aasar ang aabutin ko kay Jane mamaya. Vera, bakit mo ba sinabi yun? 

"Miss Jane and Sir Angelo, can you leave us for a while? We will discuss some matters." John pleaded. Then, I heard the closing of the doors. Malakas ang pagkalabog ng pinto buhat ng pag-alis nila Jane pero mas matindi ang dagundong ng puso kong puno ng kahihiyan at awkwardness. Bakit niya pa pinaalis sila Jane? Dapat siya na lang ang umalis. 

"Vera, you look so cute." nagbibirong saad ni John. What, cute? Anong pinagsasabi nito? Tinanggal ko ang kumot na tinalukbong ko. Luminga-linga ako sa paligid at nang makatiyak ako na wala na sila Jane. I faced John directly.

"Tigilan mo ko, sir. I am not falling to that kind words. Anong paguusapan natin?" direct kong tanong. "Lighten up, Vera. Do not stress yourself so much. By the way, we will be having an 8:00 am appointment tomorrow with Rebecca Razon." sabi ni John na tila ba nagyayabang. Papayag naman pala bakit ang tagal pa. Napahiya ko na naman ang sarili ko. To recover from my shame, I answered him quickly.

"Copy, sir. I will be at their office early tomorrow." I assured John na hindi ako malalate. Buti na lang, pumayag na siya.

"Don't bother going alone. I will fetch you tomorrow. I am not believing when you say that you will not be late. Ilang beses mo na yan sinabi pero lagi ka namang late." nangaasar na saad ng boss ko. Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi niya. How dare him? I know I am late, huwag na niyang iemphasize. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi.

But there is one thing I know, he is getting in my nerves. What an attitude? Pasalamat siya boss ko siya. "Okay sir. If that's your decision." sagot ko sa pinakakalmadong tono na kaya kong gawin as of now.

"See you." John uttered his goodbye and left. See? He is truly annoying. After he insulted me and made me feel awkward, he will just walk out from the scene na parang walang nangyari. He did not even say sorry or had become empathetic. Hindi man lang niya inassure na hindi ako offended. In the middle of my agony, my phone rang.

"You are indeed cute. See you, tomorrow." John texted to me. Pagkabasa ko sa text niya, parang binuhasan ng malamig na tubig ang nag-iinit kong ulo dahil sa inis. Hindi ko mapagilang hindi sumilay ang maliliit na ngiti sa aking labi. When I realized the effect of the text to me, I turned off my phone immediately. What? Stop it. Hindi ito nakakatuwa. John is affecting me too much. Shake it off, Vera. Hindi kayo okay ng boss mo, remember that.  

"What's with that smile?" nang-iintrigang tanong ni Jane habang papasok kasama si Angelo. "What are you saying? I am just practicing my smile. And, it is not definitely your business." I replied. "Asus! Kinikilig ang ate mo." saad ni Jane then she bursted into kilig laughs. Angelo was affected by the laughs, so he joined at laughing. Mga traydor. "Stop it, guys." diin kong sigaw. Pagkaraan pa ng ilang oras, pinayagan na ako ng doctor na makauwi.

After some time, I don’t know how many hours passed by, malalakas na busina ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog. As far as I remember, katutulog ko lang, dahil kakauwi lang ni Angelo ng mga around 3 am. Napahaba kasi ang kwentuhan naming while eating dinner in our house. Ang sakit ng ulo ko daig ko pa ang uminom. Bumusina ulit ng napakalas ang kotse. "Saglit lang!" sigaw ko. Jane didn't move a bit. Tulog mantika ang bestfriend ko. I rushed to the door and opened it. Sino ba kasing kapit bahay ang walang respetong bubusina ng napakalakas in the morning!

Pagkabukas ko ng pinto tumbad sa akin ang pormadong si John. "Kamusta? Just as what I thought. Ang husay, Vera." sarkastiko nitong saad. Habang kinukusot ko ang aking mga mata, amoy na amoy ko ang mabangong scent ni John. Nang luminaw ang aking mga mata, kitang-kita ko ang facial features ng lalaki. Well, gwapo siya. And a question lingered in my mind for second, bakit ganoon, ang ganda pakinggan ng boses niya? Ginising ng malakas na pagsamid ni Jhn ang pagtulala ko sa kanya. Vera, shake it off walang maganda sa boss mo at anon a naming kahihiyan yan. 

"Sorry sir, I forgot. Pasok po muna kayo. You want coffee, tea, or water?" I asked in the middle of my heavily beating heart while trying to act normal as possible. Umagang-umaga puro kahihiyan agad.

"I am not here to get hospitality and service. I am here to fetch you. We are so late, Vera." John uttered while trying to compose himself. Mukhang pinipigilan niyang magalit. Namumula na ang tenga niya sa inis. Hindi ko maiwasang titigan siya nang titigan. Did I say this already? He is formally dressed mukha siyang gentleman with a brushed-up hair. I know I said this like a million times in my head pero to be honest, humahalimuyak sa buong bahay ang mamahalin niyang pabango.

"What are you waiting for, cinderella?" tanong niya na gumising sa daydream ko. Vera, wake up. Stop daydreaming. I rushed to take a bath. After 30 minutes, I am done.

"Sir, let's go?" I asked. John swiftly walked out to the door without saying any word. Galit na ang boss ko. Gusto ko pa sana i-check si Jane pero mukahng hindi na pwede kasi nagmamadali na si John. I followed him na lang instead. Tahimik ang naging byahe namin. Walang umiimik. When we reached Hombre Lobo Inc, I was stunned by its splendor. Its building radiates wealth. Mukhang mayaman. Nasa 10th floor ang office ng director. Mabilis kaming sumakay ng elevator. "We are 10 minutes late." pigil na saad ni John. Then, he immediately approached the secretary pagkababang-pagkababa namin sa elevator. In a minute, the secretary led us to Ms. Razon's office.

Habang naglalakad kami sa hallway, hindi ko mapigilang maaninag ang mga sining na nakapalamuti sa walls. Mostly tribal ang designs but what caught me, is the portrait of a great white wolf. "Good morning, Miss Rebecca Razon. I am deeply sorry for our delay." John said with an apologetic tone after entering the office. "Here is Vera, she is one of my editors."

John introduced me.

Upon entering the room and as John introduced me to the director, my eyes were caught by the woman in front of me. Rebecca is a woman in her late forties. She looks sophisticated and regal sa suot niyang white suit. Her hair was tied in a bun. Upon seeing her, ramdam ko agad na may kakaiba sa kanya. She is not an ordinary person. Hindi ko sure kung dahil mayaman siya or dahil sa iba pang bagay. Hindi ko maipaliwanang ang nararamdaman ko ngayon.

Mabilis ang tibok ng aking puso at ang aking mga ugat ay tila ba lumulukso. What is this? I saw her eyes. Wala namang maraming ilaw sa kwarto pero there is a peculiar radiance that exudes out of her brown eyes. Then, I shook her hand. Pagkawak ko sa kanyang mga kamay, a chain of visions flooded my mind like movie played in a very fast speed. My smile was replaced by fear. Bakit ko nakita ulit ang mga panaginip ko?

"Are you okay, Ms. Vera?" concerned na tanong ni Ms. Rebecca. John held my shoulders and asked me the same question. I nodded and displayed a faint smile. I am bothered by my thoughts. Maraming tanong ang nasa isip ko ngayon pero I chose to be silent. It is inappropriate to include my personal life in this professional meeting   "What are your questions, John?" Ms. Rebecca immediately asked pagkaupo namin ni Sir John. 

"Actually, Vera is working on a story with our writer but suddenly the writer cannot write due to lack of inspiration for his plot. Then, somehow, one of your articles before, spark a hope for us to finally aide our writer's need." John said professionally. "Ohh, the article about?"

Rebecca asked. "About a tribe." I answered, hindi ko na mapigilan ang curiosity ko. Malakas ang pakiramdam kong may kakaiba kay Rebecca.

Bakas ang pagkagulat sa mga mata ni Rebecca ngunit mabilis iyong napawi at napalitan ng confidence. "The Kai-La-An tribe of the Benguet mountains. What about it?" she replied. "Can we go there?" I directly asked her habang parang pelikulang naglalaro sa utak ko ang mga visions na nakita ko when we shook hands. I am bothered. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status