Share

Chapter 4

"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong ni Lalaine habang tinatali ang rubber shoes niya.

Tiningnan ko ang uniform kong natapunan ng juice at halos magmantya pa ng yellow dahil sa kulay na meron iyon.

"Naiwan ko ang uniform ko." aniya ko saka sinarado ang pinto ng locker ko.

"Hindi ka pa ba umuuwi?" tanong na muli ni Lalaine at tumayo na ito.

Umiling ako.

"Kukunin ko nalang sa bahay bukas. Kakausapin ko nalang si sir." paliwanag ko.

Saka lumabas ng locker room.

Naglalakad ako papuntang classroom nang makasalubong ko si Ms. Gutierrez na may dala dalang plastic. Niyuko ko ng bahagya ang ulo ko tanda ng paggalang ng tumigil naman siya sa harapan ko. Agad akong tumingin sakanya at iniabot sa akin ang plastic na hawak niya.

"Ano po ito?" tanong ko at kinuha ang iniabot niya.

"Diba classmate mo iyong Kian James Crisanto? Pakibigay yan sakanya at PE uniform niya yan." tinanggal din niya ang nakasugbit na market bag sa balikat niya at binigay din sa akin.

"Ano naman po ito?" tanong kong muli.

"Yung PE uniform mo. Kanina ka pa inaantay ni Kuya sa gate pero out of coverage area ka." saad niya.

"N-nasa gate pa po ba siya?" tanong ko na nagbabakasakali.

"Hindi ko sigurado pero pwede mo pang maabutan. Hindi pa siguro nakakalayo iyon." ani niya." At saka pala ... wait lang Via!" 

Tumakbo ako agad sa hallway at bumaba sa hakdanan. Nasa 3rd floor kami pero hindi ko inalintana ang kapaguran at tinungo ang gate. Medyo may pagkamalayo konti pero bibilisan ko nalang ang takbo ko habang bitbit ko ang binigay sa akin.

Halos pagtinginan ako ng mga studanteng nadadaanan ko pero wala akong pakealam.

"Papa!" tawag ko nang nasa gate na ako.

"Bawal ka pa lumabas iha. Anong year kana?" tanong ng guard sa akin.

"Grade 12 po, pero yung Papa ko." paliwanag ko habang sinisilip ko siya sa labas ng gate.

"May gatepass ka ba na binigay ng adviser niyo na pwede kang lumabas?" tanong niyang muli.

"Wala po pero kailangan kong makita ang Papa ko." reklamo ko.

"Umalis na ang Papa mo. Uuwi ka naman sa inyo, doon nalang kayo magkita." paliwanag niya na kinabuntong hininga ko.

Yoon nga ang problema. Hindi ako umuuwi sa amin.

Muli akong lumingon sa labas pero hindi ko na nakita si Papa. Nilabas ko ang phone at lowbat pala ito.

Halos hindi maipinta ang mukhang kong bumalik sa classroom. Nang makapasok ako ay nakasalubong ko naman si Kian na papalabas nadin dala ang bag niya na nakasugbit sa isang balikat niya.

Napasapo ako ng noo ng malaman kong nasa akin pala ang PE uniform niya. Tiningnan ko ang oras at 15 mins late na siya sa klase namin. Kinuha ko ang uniform niya sa market bag na binigay sa akin at yuko ang ulong binigay sakanya.

"Sorry. I wasn't able to give you on time." paghingi ko ng tawad pero wala akong narinig na kahit ano mula sakanya. Hindi niya rin kinukuha ang inabot ko. 

Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya sa harap ko pero nataranta ako nang hindi ko siya nakita. Nilingon ko siya gilid at likod pero wala akong Kian na nakita. Lumabas ako ng classroom at nakita ko na siyang pababa sa hakdanan.

Hinabol ko siya at muling hinarang sa hakdanan na kinakunot ng noo niyang tumingin sa akin. Gumilid siya para dumaan pero hinarangan ko ulit.

"Pwede bang huwag kang humarang sa dadaanan ko?" He said without any emotion seen in his face. Ang cold lang?

"Sorry na nga. Ito oh!" abot kong muli pero tinitigan niya lang. "PE uniform mo yan." imporma ko pero hindi niya parin kinukuha. Problema nito?

Tiningnan ko ang plastic na iniabot ko  at nagulat ako dahil iba pala ang iniaabot ko sakanya. Agad kong tinago sa likod ko at hinanap ang uniform niya.

Halos mag-init ang mukha ko sa hiya. Bakit hindi sinabi sa akin ni Auntie na kasama ang underwears ko sa PE Uniform kong binigay ni Papa tapos transparent pa ang plastic na ginamit.

"Should I go now? I'm just wasting my time here." I felt him pissed.

"Wait lang!" Pagpipigil ko sakanya gamit ang dalawang palad ko. "Naiwan ko ata sa guard house yung uniform mo." At hilaw akong ngumiti.

He sighed.

"Kukunin ko nalang." saad niya saka nagpauna.

"Uuwi ka na ba?" tanong ko pero hindi siya lumingon. "Bawal kang lumabas kapag wala kang gatepass!" dagdag ko at pinakita niya ang isang maliit na kapirasong papel sa akin habang patuloy paring bumababa sa hakdanan.

"Wait lang!" tawag ko at muli siyang hinabol.

"What??" sungit niya.

"Pwede ba akong makisabay na lumabas?" tanong ko habang sinasabayan siyang bumababa.

"Iisa lang ang gatepass kaya iisa lang din ang pwedeng lumabas." saad niya sa akin.

"Pero pwedeng isama ang name ko diyan? Baka sakaling pumayag ang guard at sabihing gipit sa bond paper ang school." sabay malawak na ngiti at pinagsiklop ang dalawang kamay ko sa harapan niya. "Please?"

Tumigil siya at hinarap ako.

"If you wanted to go home then go to sir Ivan and ask for this." sabay lahad sa gatepass niya. "Huwag ako ang kulitin mo." He annoyingly said.

"Busy si Sir sa isang klase niya. Baka pagalitan ako. Tsaka nahihiya din ako." paliwanag ko pero nagpauna na naman siyang umalis.

"That's not my problem." he added.

"Would you mind to help me?" I asked reason for him to stop.

"I have my own problem so don't dare to be one of them." he warned me.

Hanggang sa nakababa na siya at hindi ko na mahalagilap ang presensiya. Pagbalik ko sa taas ay saktong lumabas si Sir Ivan sa classroom kung saan siya nagtuturo sa last period niya.

Agad akong ang lumapit.

"Sir ang gwapo niyo!" pasipsip ko na kinangiti niya.

"May kailangan ka?" tanong niya na kinangiti kong malawak.

"Uuwi na po kasi ako Sir. Kakukuha ko lang po sa uniform at nakapag paalam naman po ako sa teacher namin." saad ko but he look at me with disbelief. 

"Ok." Bumalik siya sa loob ng classroom at ilang sandali lang ay binigay na sa akin ang hinihingi ko.

"Thank you Sir!" At agad tumalikod at dali daling kinuha ang bag ko sa classroom at bumaba ng building. Naglalakad patakbo akong pumunta ng gate.

Agad kong hinanap iyong PE uniform ni Kian.

"Kuyang Guard. May nakita po ba kayong plastic dito na may lamang PE uniform?" tanong ko habang hinahanap parin ng mata ko iyon.

"Eto ba?" Pakita niya sa plastic na hawak niya.

"Opo! Yaan nga po!" tuwang sagot ko at kukunin na sana nang itaas niya ito.

"Sigurado ka bang sayo ito? Iba ang pangalan na nakalagay dito sa ID mo. Ibig sabihin hindi sayo ito." sabay lapag ulit sa table niya.

"Sa akin po kasi pinagkatiwala iyan. Nakalimutan ko lang po dito kaya binalikan ko po." paliwanag ko.

"Next time iha, kapag may ipinagkatiwala sayo, alagaan mo. Hindi lahat ng ipinagkakatiwala sayo nababawi mo rin." aniya niyang kinakunot ng noo ko.

"Kuyang Guard PE Uniform lang yan." reklamo ko.

"Kaya nga! Kaya huwag mong asahan na sa iyo ko ibibigay. Huwag mo rin asahan na sayo rin siya babalik." sabay kuha ulit sa Uniform. "Tawagin mo ang may-ari nito at siya ang kumuha. Mas panatag pa ako na naibigay talaga sa may-ari." dagdag ulit niya.

Grabeng hugot si Kuyang Guard. 

Magsasalita sana ulit ako nang maramdaman ko ang isang presensiya sa likod ko. Liningon ko iyon at halos tingilain ko sa tangkad niya.

"Sa akin po ang Uniform na iyan." singit niya saka kinuha ito.

"Sa wakas nahanap na niya ang totoong nagmamay-ari. Alagaan mo iyan iho nang hindi mapunta sa pabayang mga kamay." sabay tingin sa akin.

Literal na napaawang ako sa narinig ko. Ako talaga ang pinaparinigan niya?

"Salamat po." sagot ni Kian at binigay ang gatepass. Binigay ko rin ang akin at sumunod akong lumabas.

Naglalakad lang siya habang hawak ang manobela ng bike niya. Ako naman ay nakasunod sa likod niya ng hindi ko alam kung bakit.

"Sa kabilang daan ka diba? Bakit ka sumusunod sa akin?" tanong niya nang tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako.

Hindi ako nakaimik. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Ito rin kasi ang daan papunta sa bahay namin pero hindi ko alam kung bakit dito ako tinutungo ng paa ko.

"Go home." utos niya at nagsimulang maglakad ulit.

Nagsimula din akong maglakad pero napahinto ulit siya at nilingon ulit ako kaya napahinto ulit ako.

"D-dito ang d-daan pauwi sa amin." hirap kong sagot.

May part sa akin na gusto kong umuwi at may part din na huwag muna. Hindi ko alam. Kaya ko na ba? Sabik lang ako makita si Papa kanina pero baka namimiss ko lang kaya ganun ako kanina.

"Ok." He said, then continue walking again.

Sa ilang minutong paglalakad namin ay taka akong napapaisip bakit hindi niya sakyan ang bike at tinutulak lang ito.

"Sinasamahan mo ba akong maglakad?" direkta kong tanong sakanya at doon ulit siya napatingin saglit sa akin at umiwas din agad.

"Kailangan ko rin maglakad minsan pauwi." sagot niya na kinangiti ko.

"Salamat kung ganoon." I said smilingly. 

"For what?" he asked.

"For walking with me." I said.

"Assuming." Sabi niya na kinakunot ng noo ko.

"Hindi ako assuming. I'm just grateful na naisip mo ring maglakad. Atlist may kasama ako." I said explaining my side. Assuming ka diyan! Pero pwede rin.

Bigla akong napangiti sa naisip.

Hindi siya umimik hanggang sa marating namin ang pedestrian lane na sa tapat nito ay ang convenience store na pag-aari nila.

Napansin ko ang matiim na tingin nito sa lalakeng kakalabas sa store nila at sasakay na sana sa itim na kotse niya nang magsalubong ang mga mata nila at nagpalitan ng tingin hanggang sa binawi ng lalake at sumakay sa sasakyan niyang nakaparada sa harap ng store hanggang sa makaalis ito.

Tiningnan ko si Kian na hindi inaalis ang tingin sa umalis na sasakyan at tumawid sa kalsada na hindi na ako nilingon. Sinundan ko siya hanggang sa harap ng store nila.

Pagkabukas ko ng glass door ay natigil ako sa narinig ko.

"Siya ang ama mo Kian."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status