ViaHalos mapahawak sa ulo ko ng maramdaman ko ang pagkahilo ko at kaunting pagkirot nito ng maanigan ko liwanag na tumatama sa akin.Tumagilid ako ng higa pero agad akong nagulat ng bigla akong mahulog mula sa kama na noo ko pa ang unang tumama sa sahig na kinadaing ko.Narinig ako sa labas na agad na kinaalerto nilang pumasok sa kwarto ko at nadatnan nila akong nakadapa."Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Mayne nang lapitan ako at tinulungang bumangon.Ang bigat ng ulo ko. Napahawak pa ako sa noo ko ng maramdaman ang sakit nang pagkauntog nito.Agad akong napatayo ng bumaliktad ang sikmura ko at tumakbo sa CR para magsuka. Halos ilabas ko lahat ng laman ng tiyan ko at nang wala na akong mailabas ay naghilamos at nagmumog.Halos mapakapit pa ako sa gilid ng lababo ng makaramdam ako ng hilo at kirot ng ulo ko. Napahawak ako dito."Okay ka na?" tanong ni tita sa likod ko."Anong nangyari?" tanong kong hinang hina at halos hindi ko maalala kung ano ang nangyari kagabi."Wala kang maa
KianHalos mapadaing ako sa mga suntok at sipa na binibigay sa akin. Lumabas ang pulang likido sa bunganga ko habang nakahiga ako. Nanghihina at wala akong lakas. Hiniwalayan na ako ni Via kaya wala na akong rason para mabuhay pa. Siya nalang ang natitirang pag-asa at rason ko kung bakit patuloy akong lumalaban ngayon. Kung bakit nandito pa ako."Napatay mo ata pre." Narinig kong sambit ng isang lalaki na isa sa mga nagpahirap din sa akin ngayon."Hindi naman malakas yung pagkakapalo ko." kinakabahang sagot ng kausap."Putek. Malalagot tayo dito. Icheck mo." utos ng isa."Ikaw na. Baka bawian ako eh." takot ng kausap."Kahit kailan ka oh. Iwanan nalang natin. Mukhang humihinga pa naman." Saad ng isa at narinig ko silang naglakad palabas hanggang sa narinig ko ang pintong sinara.Minulat ko ng kaunti ang mata ko pero malabo ang nakikita ko."Via." sambit ko sa pangalan ng mahal ko at kirot sa dibdib ko ang naramdaman ko hanggang sa nawalan ako ng malay.Pagkagising ko ay nasa isang kwa
Via4 years ago"Ang pangit mo kabonding." singhal sa akin ni Gail nang magbigay ako ng komento sa pang-apat na manliligaw niya.Paano ba naman kasi, kung sino sino nalang diyan ang hinahayaan niyang manligaw keso siya nalang daw ang NBSB sa aming dalawa. Alam kong mali rin yung ginawa kong pagsagot kay Elthon a month ago. Mag 3 months na kami nextweek pero parang wala lang.2 years siyang nanligaw sa akin. 5 times siyang nagpaalam na manligaw pero binasted ko hanggang sa naawa ako. Oo, dahil sa awa yung pagpayag kong manligaw siya sa akin. Ang sama ko noh! Ayaw tumigil eh. Nakita ko naman kung gaano siya kaeffort sa lahat. Hindi tumigil kahit ang tagal na niyang nag-aantay. Sinagot ko siya 3 months ago dahil pinagalitan ako ni tita. Pinapaasa ko daw yung tao. Paanong pinapaasa eh 5 times ko nang binasted pero nandiyan parin siya. Pinakita ko naman na ayaw ko. Hindi pa ako handa. Nagmomove on pa pero andiyan parin at nangungulit. 2 years siyang nag-antay pero hindi parin sumuko. Naappr
Via"Si Kian James Crisanto. He is a Del Valle!" Naestatwa ako sa kinatatayuan ko sa narinig. Si Kian ay isang Del Valle?"Tingnan mo oh. Ang sabi dito ay 'Isang larawan ang nagpapatunay na may isa pang anak ang panganay na anak ng nagmamay-ari ng Del Valle Corporation. Nakuha lamang ito sa isang family reunion nila sa Del Valle Beach Resort na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.' Bongga!" Singhal nito sa huli. "Ang yaman pala ng ex mo."Paanong nangyari na isa siyang Del Valle? Hindi kaya si Sir Ken ang ama niya? Hindi ba siya lagi siya doon sa bahay nila noon at isa pa, may pagkahawig din sila ni Kian. At kapag naroon ang presensya ni Sir Ken, hindi umiimik si Kian o kaya naman sinusupladuhan niya."May pangalan ba diyan kung kaninong anak siya?""Basahin ko. 'Napag-alaman na si Kian ay anak ng panganay na anak ni Senior Robert Del Valle na si Ken Del Valle kay Lianee Crisanto na dating magkalaban ang mga pamilya nila sa negosyo.' Ay wow. Parang bet ko yung love story ng magulang kesa
Via"Inhale, exhale." Bumuga ako ng hangin matapos kong sambitin ang huling salitang sinabi ko.Nasa harap ako ngayon ng isang mataas, maganda at sikat na Corporation dito sa bansa. Ang Del Valle Corporation.Noon ay pinangarap ko rin ang makapasok dito. Bukod sa sikat, alam ko rin na disiplinado at puro professional ang mga nagtratrabaho dito. Competitive din at natrain ng maayos. You won't dream of any company to work with after this. Hahanap hanapin mo for sure.I roamed my eyes around the building when I entered. From the front glass door na pagpasok mo palang ay bubukas na agad ito. Kapag tumunog ito, ibig sabihin ay may nadetech sayo at agad kang pupuntahan ng mga guard dito para icheck.Maluwang ang lobby. Hindi rin agad makakapasok ang mga empleyado dito kapag hindi suot ang mga ID. May high intelligent facial detector sila dito at nakikita kung empleyado ka o hindi. Halos kita mo rin ang mga empleyado na sumasakay ng elevator since transparent din ito at kita mong silang tum
ViaHalos hindi ko makumbinsi ang sarili na ganito ang bubungad sa akin. Marami nang nakapatong na folders sa desk ko. Hinubad ko ang suit ko at nilagay sa sandalan at pinatong naman ang shoulder bag ko sa gilid ng desk ko. Tiningnan ko isa isa ang mga folders at biglang sumakit ang ulo ko sa dami ng numbers. Napahawak ako ng di oras sa ulo ko ng literal na maramdaman ang bumungad sa aking trabaho."Hi Via." agad ako napalingon sa tumawag sa akin. Iyong head namin na si sir Rico.Tumayo agad ako at binati siya."Goodmorning po sir." bati ko."Goodmorning din. Welcome sa department namin." tiningnan ko ang iba at ngumiti at kumaway sa akin.Nginitian ko naman sila pabalik."Well, nakita mo naman siguro ang mga folders na yan. That will be your first assigned task. To be the encoder. Since medyo pressures ang mga trabaho natin dito at hindi natin mapasabay sabay, I'll give you the work that others can't do yet because of so many load carried to them. Is that okay?"Tiningnan kong muli an
Via"OMG!" tili ni Gail. "Ano ang amoy niya? Mabango ba? As in masculine na masculine ang dating ng pabango?" sunod sunod na tanong ni Gail na halos napabangon pa ito ng makwento ko sakanya."Hmmm. Base sa naamoy ko ay oo. Alan mo yung axe na pabango? Ganun ang amoy." sagot ko at inaantay ang reaction niya."OMG. Ang hot!""Hoyy! Parang kang ewan. Imagination mo umaabot hanggang Jupiter." reklamo ko dito at bumangon."Pero aminin mo, nagising na naman ang natutulog mong damdamin sakanya." Tudyo niya.Inirapan ko siya saka umiwas ako at tumagilid ng higa at tinalikuran siya."Matulog na tayo." aya ko."Paano si Elthon niyan? Umaasa yung taong magkakaayos kayo pagdating niya."Iyon din ang kinakatakutan ko, ang masaktan siya. Nalilito na tuloy ako kung ano ba dapat ang gagawin ko ngayon. Hindi ko alam. "Hindi ko alam Gail.""Napakawalang hiya naman kasi ang ginawa niya sayo. Kung hindi ko pa siya kinulit kung anong nangyari sa inyo ay hindi ko pa malalaman. Nasampal ko kaya siya. Hindi
Via"Anong balita kahapon?" usisa ni Adelfa sa akin ngayon.Talagang inantay pa ako kinaumagahan na dumating. Halos ayaw ko na ngaring bumangon kanina dahil alam kong ganito ang sasalubong sa akin.Hindi na nga ako bumalik kaagad kahapon at inantay silang makaalis lahat ay ganito naman ang bubungad sa akin kaumagahan."Ah-eh ... w-wala kasi si boss kahapon. Oo. Wala siya." pagsisinungaling makahanap lang ng lulusutan. "Kaya inantay ko hanggang sa dumating siya.""Pinapasok ka niya?" Agad na tanong nila."Ha? Kwan, kinuha ng secretary niya at sabi ko na ... babalikan ko at ... at may bibilhin lang ako sa caf.""Tapos?" "Tapos pagbalik ko ay napermahan na niya. Kaya hindi ako nakapasok." lusot ko. Nakalusot naman kaya?Halos hindi ko mapinta ang mukha nilang parang nagdududa sa kwento ko. Bahala na silang maniwala."So ibig sabihin hindi ka parin nakapasok sa office niya." at humalukipkip si Adelfa na nakangisi sa akin.Parang alam ko na pinapahiwatig nito ah."Hindi lang nakapasok kasi