Share

CITOW:[Choppy 2](Differences)

Chapter 2: "Differences"

Genre: Sci-fi, Fantasy, Drama, Action

Napahigop ng mainit na kapeng itim ang binatang detective na si Reist. Ninanamnam ang napakasarap na timpla nito. Nakaupo siya sa isang upuan, katapat ang isang tao na matagal na niyang kilala. 

Napakalamig ang hamog sa labas ng mga bintanang prumoprotekta sa loob ng nag-iinit na tindahan. Marami ring tao ang may katapat na mga baso ng iba't-ibang tapang ng mga kape sa bawat mesa.

"Kamusta ka na, Rey-Rey? Hindi ko akalain na magtatrabaho ka din pala sa pinapasukan kong laboratoryo ah." Saka higop ng matandang may suot na berdeng sombrero sa kaniyang basong may maligamgam na kape.

Pag nakikipagusap si Reist sa kahit sinong tao'y 'di niya matitigan ang mata nila. 

Kaya'y sa kape niya na lamang siya nakabaling ang tingin.

"Ayos lang naman po, Uncle, Hindi naman po 'to permanente, but were temporarily hired just for this research po." Saka napapikit na natawa ng bahagya ang binata. 

"Nga po pala, kamusta na rin kayo?" dagdag pa niya.

"Ah.., ganoon ba, Okay pa naman, matagal na akong janitor sa laboratoryo na 'yon at salamat sa Diyos na permanente naman," ani ng matanda.

"Teka, si Puto po." Biglang natikom ang bibig ng binata sa naalala niya.

Napa-hinga ng sakit ng loob ang matanda sa pagkakarinig niyang muli sa ngalan na 'yon.

Natahimik sandali ang dalawa na kahit maingay sa paligi'y 'di sila natitinag.

"Pasensiya na po." Saka lingon ni Reist sa labas. Hinigop niyang muli ang baso niyang wala ng laman.

"Ayos lang yon, Rey-Rey." Saka dampi ng matanda sa mga unti-unti ng lumalabas na luha sa kaniyang mga mata.

"Mag-iisang taon na simula noong namatay siya, dahil sa diabetes.., Kung nakinig lang sana siya sa'min ng nanay niya na huwag ng kumain ng choco donut." Saka bahing ng matanda sa gilid na walang tao. 

"E'di sana'y naririto pa siya't masiglang nakikipaglaro sa'yo ng chess, like noong bata pa kayo," Pinunasan ng matanda ang kaniyang ilong gamit ang isang b**a niyang panyo.

Dinudurog na namang muli ang binata ng sakit ng nakaraan. Ang mawala ang kaisa-isang tunay na kaibigang mayroon siya.

Nagpipigil na lamang si Reist ng kaniyang mga luha't unti na la'y tatagas na. 

"Anyways, pautang naman.., Rey-Rey, Bubuhayin ko kasi ulit yung sari-sari store namin eh," nakalabas ngiping wika ng matanda.

From happiness to sadness, then to utang.

Nablangko ang utak ni Reist, habang napapakamot ang matanda sa kaniyang ulong nagsisilagas na ang mga buhok.

"Napunta lang sa drama, para makautang.., May utang pa nga si Puto na 50K sa 'kin eh," wika ng binata sa kaniyang isipan. 

Ngunit walang nagawa ang binata, pero mag-abot na lamang ng pera sa kawawang matanda.

[Reine's POV]:

Natagpuan ang mahiwagang balon na 'to ng isang pintor malapit sa isang lugar na napapamugaran ng mga libingan. Itinawag niya ang bagay na 'to kay Quillon na siyang nagstart magset ng plano sa research na ito.

Kaming bagong mga scientists at tatlong detectives ang inaasahan niyang magsaliksik sa anomalyang ito.

Pangalawang araw na ng pag-aaral namin sa naturang balon.

Nakapanginginig ang temperatura sa napakalaking laboratoryo, ngunit wala ni isa man sa'min ang nagpapahalata nito. 

Tagos ang aking paningin sa plasticized glass na nakaharang sa aming subject. 

Nakabihis ng 'sing puti ng kalapating laboratory coat kaming lahat na may mga matang nakapalibot sa aming subject.

Ang mahiwagang balon ay 'di kinuha ng buo, bagkus we just get the top lamang nito na may mahiwagang "Portal Plate" kung tawagin namin.

Ang portal plate ay ang kulay itim at manipis na cylindrical liquid-looking unknown, na matatagpuan lamang sa ibabaw ng balon na ito.

We've conducted many experimentation within this thing. Pinasok namin sa loob nito ang isang lab-rat na may string kaming itinali para ito'y mahugot pa. Surprisingly, nang pag-aho namin sa string ay wala ng bumalik na mabalahibong bubwit.

"I'll be taking the string sample sa test room para itest kung anong elemental properties ang naririto, Pakisulat sa log-book, Reine." Saka lumabas si Rubix dala ang sample. Lumingon pa siya sa aki't ningitian ako. 

Sino nga namang super curious na tao ang hindi magiging excited na malaman pa ang maraming impormasiyon sa bagay na driven siyang malaman.

Kapag natapos namin ang research na ito, I will have something na maipapagmalaki to my family in this age.

Nagpatuloy pa ang maraming attempts, ngunit same results lamang ang aming nakukuha.

"All right. Short break muna tayo, Guys," ani ng isa sa kasama namin.

Nagswitch muna kami sa susunod na mga mag-aaral sa subject.

Ang sandaling pahinga ay kinakailangan ng bawat isang tao sa mundo. We need namin ng enough energy, kaya nama'y naglagi muna ako sa cafeteria. Mag-isang umupo sa isang matigas na upuan. 

Saka ko ipinatong sa mesa ang aking baon mula sa loob ng aking pulang bag. Biglang nahinto ang aking paligid.

Tumulo ang aking laway ng katakaman nang makita ko ang laman ng aking lalagyan. Napakaraming malasang berdeng dahon, matamis na carrots, crunchy repolyo, at ang pinakamasarap na pulang cherries.

Nagniningning ang aking mga mata't nagmadali nang isinalpak ang mga cherries sa aking nangangailangang bibig.

Kasing bilis ng bulalakaw na nahulog ako sa napakalalim na bangin ng kaligayahan.

"Cherry! The only thing that gives me life!" natutuwang turan ko. Hindi ko na napapansin ang mga taong nasa paligid ko.

Para akong dinuduyan ng mga anghel at tinutugtugan ni Mozart ng kaniyang mga classical compositions. An out of this world feeling, that I can't express through salita lamang.

Ngunit, a book cannot be a book without an ending. Biglang naputol

ang magandang pakiramdam ko, nang may umupo sa aking tapat.

Isang lalaking may mga matang mas berde pa sa gulay na baon ko, mayroon din siyang magulong purplish dark na kulay ng buhok at itim na hoodie. Nilapag niya sa mesa ang isang bowl ng kanin at mga ulam na 'di ko nais matikman.

Processed meats. Hotdog, Tocino(Philippine sweetened ham) at Longanisa(Spanish pork sausage).

Kasama pa nito ang itim na carbonated drink na napakaraming sugar content.

Hindi muna ako sumubo ng aking pagkai't boringly pinagmamasdan muna siya habang siya'y sumusubo ng mga mamantikang ulam niya. 

Mga matang nangingitim sa ilalim nito, magulong buhok at bad diet. In theory, isang taong irresponsible, reckless, illogical at golden spooned.

Bumawi siya ng tingin sa 'king mga mata, ngunit 'sing bilis lamang din ng kidlat na tumingin siya sa kaniyang pagkain.

In addition, an intoverted person.

"What's your name?" tanong ko sa kaniya sa isang malamig na tono.

Hindi niya 'ko pinansin at humigop lamang ng kaniyang basurang inumin.

Inulit kong muli ang tanong, pero sa isang malumanay na tono.

"May I know your name?"

"King.. Tagatabi," matipid na bawi niya.

Ang taong ito'y needed pa talaga ng magandang tono para makasagot. 

"King.., Nice name for a rich person." Saka dampot ko ng cherry at ipinatong sa aking dila. 

"I'm not rich.., I'm just a gamer," Saka subong muli niya ng kaniyang pagkai't ninguya ito.

Diniretsyong wasak ko na rin ng aking ngipin ang cherry. Napalingon ako sa mga taong may suot na laboratory coats at saka lumagok ng tubig.

Nag-iisip ng mga sasabihin sa lalaking posibleng laro lang ang nakaimprinta sa utak.

"King, Mahirap talagang mabuhay sa mundong pakiramdam mo 'di ka nararapat na masama no, yung you do not have any significant contribution sa society?" nagdidiinang mga ngipin ko na sinabi sa kaniya. Bumagal ang kaniyang pagnguya sa naglalagkit niyang ulam, therefore he's highly affected.

"When you're toxic much na sa isang bagay, malalason ka na nito ng sobra't puwede mo na 'tong ikamatay," dagdag ko pa. Naging statue na ang aking kaharap na ang magawa na lama'y nguyain ang kaniyang pagkain.

"It's hard to tell if humanity really gone too far, To the point na ang stupidity is literally inherited na ng iba," Saka isinubo ko na ang mga manamis-namis na gulay. Napapikit ako sa lasa nito't napangiti habang nakasara ang mga labi.

"Tama ka nga," tugon niya. 

Napabukas ang aking mga mata, nang marinig ko ang pag-urong ng kaniyang upuan.

Tumayo na siya't naglakad paalis.

Nagsalubong pa sila ni Rubix na aktong patungo rin sa puwesto ko. Dala-dala ang mga pagkaing inorder niya.

Umupo na siya't inilapag ang kaniyang mga inorder na pagkain sa mesa. Isang cup of hot noodles, kanin at bittergourd with scrambled egg.

"Huy, anong nangyari doon?" Nagtataasang mga kilay na nilapit ni Rubix ang mukha niya sa 'kin.

"Kinausap ko lang naman siya saglit 'bout what society is now, that's all," tugon ko. Based on some facts lamang ang mga sinambit ko. I'm not deeply sending spears sa taong 'yon.

Napa-hinga ng may kunot at guhit ng kalungkutan sa mukha si Rubix. Nadismaya siya sa ginawa ko nevertheless.

"As your very close friend, I knew na most of the time you do not bother looking inside an individual's heart," wika niya sa akin. You're never wrong sa buong sinabi mo. Napa-ihip ako sa aking bangs.

"Using emotions to convey your words far from It's full primarial power." Saka inom ko ng tubig sa glass.

"No, not that kailangan mo pang magpatong ng emotions sa words mo or say something.., Mas maganda kasing just keep your opinions," napakurap niyang sinabi sa akin. Hindi ko mediyo nagustuhan ang huling sentence niya, kaya'y napaliit ang buka ng aking mga mata't napatingin sa kisame.

"No, I mean.., Mas maganda na itago mo lang sa isipan mo ang mga factual observations mo, kasi weird na sabihin mo pa. Right?" Saka malapad na labas ngipin siyang ngumiti.

"I have a feeling kasi na nasaktan siya sa nasabi mo eh," dagdag pa niya. I know Rubix is serious to what he is saying to me right now. Debate is useless, I know my wrongs.

Rubix is right that not all informations are needed to be let out.

"Susubukan ko." Saka subo ko na ng mga veggies. 

"Ahaha.., Reine, words can't satisfy me." Saka higop niya sa sabaw ng noodles.

Napatingin ako sa kaniyang mga salaming nagliliwanag. 

"Humingi ka ng tawad sa kaniya." Saka tulak niya ng eyeglasses gamit ang kaniyang hinlalaki.

Napakurap ako ng ilang beses at napataas ang mga kilay.

"What? Apologize to him for what?" sambit ko na 'di makapaniwala sa utos niya.

"Hindi na ako magdidive-in for whatever you told him, 'cause I know na sobrang matalino ka that your judgements aren't based on nonsense," pagpupuri niya sa akin. As if that'll make me do his command that easily.

"Also.., remember our deal?" dagdag niya.

"Ibig sabihi'y si Reist Keepers 'yon?!" napangangang sinabi ko.

"Oo, bakit?" ani niya.

Hindi ko inaasahan na that guy na nagpakilala sa ibang pangala'y ang isa sa mga hired detectives ni Quillon. Hindi ko siya namukhaan, dahil sa mask niya na suot no'n.

I get it now, 'King Tagapagtabi' is just linked sa original name niya na 'Reist Keepers'. Ang Reist ay nangaling from the Old French word na roy that means King and Tagapagtabi is the Tagalog singular translation of Keepers.

I didn't knew him from the beginning, neither I feel interested to a guy with just a title.

I also wonder why Quillon hired the three greatest of detectives, instead of using some other willing people.

"Wala, Nevermind, Anyways, I do remember your offer of 5 jars ng cherry flavored bubblegum para samahan kitang magkape with him," tugon ko.

"As always expected, matalas ang memorya mo.., That 5 jars will be 10 na, if magsosorry ka sa kaniya." Saka nguya niya sa mapaklang ampalayang nagpakunot ng kaniyang noo sandali.

Apologizing is just so simple, so as my decision.

"Payag ako, Pero, for what good reason you want me to do it?" Saka nguya ko ng huling subo ng aking pagkain at titig ko kay Rubix.

"Basta, Malalaman mo," napakamot ulo niyang sinabi. Ganoon pa man ang kaniyang tugon, may tiwala ako sa taong mula bata pa lamang ay kilalang kilala ko na.

[Back to 3rd POV]:

Sa isang maaliwalas at walang katao-taong hallway. Ang binatang si Reist ay nagtatago sa isang gilid ng buong pasilidad. 

Mag-isang hawak-hawak ang cellphone niya habang taimtim na nagbabasa ng isang mystery novel sa isang online website. Ang novel ay may title na 'The Deadtective'.

"Ang tanging narinig ko na lamang ay pagputok ng baril at ang mabilis na pagdilim ng aking kapaligiran..," b**a niya sa pinakahuling linya sa final chapter 1832 nito.

Hinayaan niyang tumulo ang mga luha niya, na agaran niyang pinagpupunas ng kaniyang panyo.

"In the end, even if he's the best detective sa buong series, Namatay rin siya sa bandang huli," mga salitang binitawan niya sa hangin. Dinadamdam niya ang sakit na hindi na naman ni Reist makakalimutan.

"Kaasar,"

Every sci-fi or mystery novel na kaniyang natatapos, hindi niya natatanggal ang pighati sa kaniyang kalooban. Ang sakit na hindi na niya malalaman pa ang mga hinaharap na mangyayari sa mga natitirang karakter.

Tumunog ang kaniyang cellphone ng dalawang segundo't tinignan niya ang kaniyang inbox.

Isang mensahe mula kay Quillon na pinapapapunta siya sa opisina nito.

Mayroon mang mahapding kirot sa kaniyang puso'y tumayo pa rin ang binata't nag-umpisa nang lumakad.

Ngunit bago pa man siya makahakba'y nakarinig na siya ng napakalakas na putok ng mga baril. Tuloy-tuloy na umaagos ang mga tunog sa buong lugar na nagpapatakip ng binata sa kaniyang ears.

Kumabog ang kaniyang dib-dib at tumakbo siya sa loob ng malapit na panlalaking comfort room. Saka siya nagtago rito.

"Hindi ko pa gusto mamatay," nanginginig na turan niya. Nagpapatuloy ang mga putukan na siyang nagpapataas ng kaniyang kaba.

Sa hindi inaasahan na kaganapan, may biglaang pumasok sa lugar na kaniyang tinataguan. Malakas ang mga kalabog ng paa nito at may hawak na isang mabigat na bagay.

"May tao ba diyan?" wika ng taong ito sa maskuladong tono. 

Tumataas na ang mga balahibo ni Reist, pinagpapawisan ng todo at mukhang nagiging greyish na ang kulay ng balat.

Matuling winasak ng taong ito ang unang pintuan gamit ang kaniyang hawak. Sumunod naman ang isa't sunod-sunod pa. 

May napakaliit na oras na lang ang natitira para sa binata. Binuksan at dinukot niya ang ano mang posibleng gamit na nasa loob ng kaniyang itim na hoodie. 

Nakakapangilabot na sa maling pagkakataon pa tumunog ang alarm ng kaniyang cellphone. Tumindig ang mga balahibo't nanlaki ng sobra ang mga mata ni Reist.

"HULI KA!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status