Share

CITOW:[Choppy 5](Hope)

Curse In The Other World[Ch 5]

Chapter 5: "Hope"

Genre: Sci-fi, Fantasy, Drama, Action

Malatakang tumunog ang kasa ng mga baril sa ere ng buong cafeteria. Bantay sarado ang dalawang detective na inakala'y nastalemate na nila ang kanilang mga kalaban, ngunit sa bilang sila nagkatalo.

Biglang tinutukan ng mga armadong lalaki ang ulo nila Seize at Taylor mula sa kanilang likod. Napakagat sa labi si Taylor, samantalang si Seize ay kalmadong nakangisi pa rin.

"Ibaba niyo ang mga armas niyo, kung ayaw niyo pang pumutok ang mga ulo niyo!" sigaw ng lalaking nasa likod nila, "Ngayon din!"

Napapalibuta't walang mailalabas na alas. Lumingon si Seize sa kaniyang liko't tinignan ang mga lalaking balot ng bonnet.

"Tatlo, plus two guards sa mga hostages, even if we can beat this three behind us,

"Mababaril pa rin kami ng dalawang guards sa harap," ika ni Seize sa kaniyang isipan.

Ngunit hindi inaasahan ng lahat ang napakalakas na puwersang nagpatumba sa ilan, isang visible shock wave na nagspread ng malakas na vibration sa hangin.

Nakuryente ang ilan sa mga hostages, pati na rin ang isang nakabonnet na nagbabanatay sa kanila.

"DIE!!" Saka sinikong binasag ni Taylor sa mukha ang taong nasa likod niya't binaril ang kasama nito sa d****b.

Sumabay na pinabagsak ni Seize ng isang putok ang nagbabantay sa mga hostage.

"Whatever it is, good that it occurred," aniya habang nakatingin sa mga hostages.

Ang nagdidiinang mga ngipin na si Taylor ay napasaklob ng kamay sa buhok nito.

"4 down, It's time to defeat those in the portal plate room," ika niya sa isang pagmamalaking tono. Biglang itinulak ni Seize si Taylor sa sahig na siyang nagpabagsak sa kanila.

Nabaril si Seize sa kaniyang tagiliran ng isa pa sa mga nakabonnet na nagtago na sa gilid ng pintuan.

"DAMN IT! WHY?!" Pinagtatadtad ni Taylor ng bala ang bumaril sa kasama niya. Na 'di natamaan sa bilis ng pagtago nito. Unti-unting tumulo ang mga masaganang dugo ni Seize sa maputing sahig.

Nanlaki pa ang mga mata ni Taylor, sapagkat ang kalaba'y itinutok na ang baril sa kaniya't handa ng hilain ang gantsilyo nito.

Ngunit bigla namang nagputi ang mga mata ng kalabang ito't bumagsak sa sahig, dahil sa paghampas ni Rubix ng fire extenguisher sa ulo nito.

"Sakto lang ang pagdating ko," Saka ngiti't usog ni Rubix ng kaniyang salamin.

"Dr. Gustus, Lenam, Rydoniko at Detective Seize!" nabiglang aniya pa nang masilayan niya ang mga taong may dugong tumatagas.

"Kaya mo pa ba, Sir Seize?!" Lumapit siya sa kaniya't tinignan ang tama niya. Napangisi lamang si Seize at natawa.

"Oo naman.., unahin., mo na sila." 

Binuhat ni Taylor nang may noong nakakunot ang naghahabol na hiningang Seize.

"Sige," tugon ni Rubix.

Dumating ang maraming Police at mga alagad ng Detectives. Sa kabutihang palad ay naisalba silang lahat.

Isinara muna pansamantala ang buong P.U.S.O. facilities for further investigations.

Nakaratay ang ilan sa hospital for their medical treatments sa mga natamo nilang tama. Ang iba'y talaga nga namang natrauma sa mga pangyayari. Hiningan ng mga pulis ng datos ang bawat isang nasa crime scene to elaborate what happened.

Sa loob ng isang room, nakahigang parang tubig sa kakalmahan pa rin si Seize kasama sila Taylor at Rubix.

"Hindi severe ang tama niya compared to other patients, he'll be okay soon," Lumabas na ang nurse sa pintuan.

"WAIT LALAKI KA?!" gulat ni Rubix.

"Yeah, do I really look like a girl?" Maamong kindat ni Seize at paghawi ng kaniyang buhok. Bahagyang napangiti ang dalawa, samantalang si Taylor ay nakasibangot lang.

"Mabuti na lamang malapit ang hospital sa ating facility, kun'di..," wika ni Rubix sa isang kampanteng tono.

"Oo nga eh, by the way paano na yung ibang mga staffs? Ayos lang ba sila?" tanong ni Seize. Ibubuka pa lamang ni Rubix ang kaniyang bibig pero'y nasingitan na siya.

"They're just fine, don't worry about them," tugon ni Taylor sa isang malalalim na tono.

"And wait why did you save me? stupid," dagdag pa niya na 'di masiyadong narinig nilang dalawa.

"What?" sabay na paglilinaw nila.

"Nothing! Forget that." Madiing pumadiyak si Taylor sa sahig.

Biglang tumulo ang pawis sa gilid ng pisngi ni Rubix na siyang nakakuha ng atensiyon ni Seize.

"Oo nga pala, si Reist..," ika ni Seize. Kasama ang pagbalak nitong tumayo, na siyang pinigilan naman ni Rubix sa pamamagitan ng pagtapat niya ng kaniyang palad sa kaniya.

"Wala na kaming naabutan pa ni Taylor, tanging ang boss lang at tauhan nito ang naroroon sa room ng mysteriously naglahong portal plate," tugon ng nakasalaming Rubix.

"Yung explosion wave na naganap was nanggaling sa portal plate,

"There's a chance na napasok sila rito or even died, dahil sa shockwave," dagdag  niya. Habang kumikintab ang kaniyang mga matang nakatitig sa kawalan.

"Natignan niyo na ba yung narecord ng mga surveillance cameras?" Saka kamot ni Seize sa kaniyang baba't 'di halata ang pag-aalala

"Shockingly everything was deleted, every single information from the beginning were all corrupted," sabi ni Taylor.

"Is it possible na may nagsabotahe? Or there's an insider traitor?" assumptions ni Seize.

"If ever meron man, they must pay," nakakagat sa labing ika ni Rubix.

"I know who could it possibly be, but," wika ni Taylor sa kaniyang isipan. Saka siya napakamot ng kaniyang braso't lumakad na palabas ng pintuan.

"Sandali, Taylor," tawag pansing ika ni Seize. Napalingon at napahinto ang taong nakalapad na mga ngiping tinawag niya na hanggang ngayo'y magkasalubong pa rin ang kilay.

"If you think I knew already who it is, you're wrong and we're still gathering infos from these dumb hostaging guys," matuling tugon niya.

"Who it is? Paano mo nalamang isa lang siya?" Kampanteng ngumisi si Seize. 

"N-NO! I DON'T KNOW! JUST," Hindi na lumingon pa ang nagbabagang si Taylor at naglakad na. Ngunit hinarangan siya ng bumubulusok na si Rubix, na may mga matang nag-aanyong tubig talon.

"Sir Taylor! Pakiusap sabihin mo kung sino!" nagmamaakawang tono niya.

"Tsk, DON'T BLOCK MY WAY," ika ng nakasibangot na Taylor. Saka subok niyang diretso, pero siya pa ri'y hinaharangan ng unlimited batteryang binata.

"Sabihin niyo na! please! Kahit ano pang gawin niyo sa'kin I'll do it! Just please sabihin niyo!" Saka luhod ni Rubix sa kaniyang harapan na may mga matang nag-uumapaw ng kalungkutan at hinagpis. Nakalublob ang mga isipan niya sa pag-aala sa matalik niyang kaibigan at galit mula sa mga naghostage.

Napatingin-tingin ang matatalim na mga mata ni Taylor sa kaniyang paligid. Naiiritang nakikita niya ang mga dumadaang staffs at nurse ng ospital na tinitignan sila.

"STOP ACTING LIKE A CRYBABY!" Saka hinila niya ng tayo si Rubix. 

"Assumptions aren't assurances! Think of it," malalim na tonong dagdag niya.

Napatitig ang nagmamakaawang mga mata ng nakasalaming siyentipiko sa kaniya. 

Wala ng nais pang itugon si Taylor sa kaniya, kaya'y bumawi na lang siya ng pagbati sa taong kadarating pa lamang.

"Bad greetings with a curse, Quillon," magaspang na aniya. Napaharap ang nagpupunas ng luhang si Rubix sa kaniyang likura't nakita niya ang matandang lalaking bihis ng casual black suit nito. Kasama ang mga buntot nitong guards suot din ang casual formal outfits. Napahinto silang lahat at napayuko ang matanda sa kanila.

"Pasensiya sa mababang aksiyon ng aking mga tauhan, all of us didn't expect ang pangyayaring ito, I'm sorry if I'm not there to suffer as well,

"Don't worry, we'll be enhancing our security," nag-aalalang ani ng matanda.

"Just now? Well, that's just crap," Saka lumisan si Taylor na walang paalam.

"Paano yung dalawang nawawala? What're you going to do? Paano si Reine?" tumutulong pawis na tanong ni Rubix.

"It's up to fate if that anomaly comes back, wala tayong magagawa," kalmadong ani ni Quillon.

"Why," isang humahagulgol na salitang binitawan ng binatang nakasalamin sa ereng napupuno ng mga thoughts. Tutulo na namang muli ang mga luha niya, ngunit ito'y nahinto nang niyakap siya ng matanda.

"Everything will be all right, young one..Soon makakalimutan mo rin ang lahat ng problema mo," Patuloy sa paghimas sa likod ng ulo ni Rubix si Quillon. Mediyo nababawasan ang kirot sa kalooban ng binata't bumawi na rin ng yakap sa matanda.

Ang paglaho ng world's #1 Detective 'Reist Keepers' kasama ng newest and youngest scientist 'Reine Pasterski' ay itinago ng buong organisasiyon. Isinikreto rin nila ang paglaho ng portal plate sa buong mundo, kasamang naitago rin ang hostage taking na naganap kamakailan.

Ang kakaibang mundong kinalunodan ng dalawang taong nagmula sa kabilang mundo'y patuloy nilang ginagalawan sa mga oras na ito. 

Maririnig ang mga kabayong-yapak na diretsong nag-iiwan ng mga malalalim na bakas sa kalupaan ng masukal na gubat. Tagaktak ang pawis ng binata't dalaga sa patuloy na pagbulusok ng kanilang mga paa sa pagtakbo.

Hinahabol sila ng 'sang kumpol ng mga kulay lilang halimaw. Nakakapagpapataas balahibong naghihiyawan ng pinagsamang leyon at ahas ang mga ito, na nagpapalabas ng kaba nila.

Binubuo ang bawat isa ng malalaking nakabukang bunganga na may 'di mabilang na ngipin sa harap nito't may makapal na katawang 20 feet long. Mayroon ang mga 'tong tatlong paa sa magkabilaang side ng katawan nila na nagbibigay ng bilis.

Naka-imprinta sa mukha ni Reine ang pangamba't kapagurang nakikipagsabayan sa bilis ng takbo ni Reist.

"Anong mga nilalang 'to.., I expected na.. maraming abnormalities ang nag-eexist inside this..world, Pero wala 'kong ideya that this creatures exist..," ika ni Reine sa kaniyang isipan. 

"Tch, kailangan nating magtago!" nagnginginigang wika ni Reist.

"The question is where?" dagdag pa niya.

Sa kasamaang palad. Sila'y nahinto sa bangin na nagseseparate sa kabilang kalupaan. Hindi man lang nila masilayan kung ano ang nasa ilalim, dahil sa kadiliman nito.

"Hindi maari! We're trapped," nagdidiinang ngipin na sinabi niya. Saka sila napaharap sa kanilang likura't namataan na ang papalapit ng mga naglalaway na halimaw.

"Kanina, we're sightseeing lang, pero ngayo'y naging prey na tayo ng mga halimaw na wala tayong ideya na mayroon sa mundong 'to,

"Do you have any plan? Reine," kabadong tanong ni Reist.

"I do have," aniya.

Biglang umandar gaya ng isang advanced na makina ang nakapangbibilib na isipan ng dalaga.

Si Reine na para bang reynang nakaupo sa isang bundok ng mga impormasiyo'y nakapagsum-up agad ng mga possible plans and strategies.

"6 and more plans that might save and kill us," matuling kinakabahang tugon ni Reine. Sobrang kumabog pa ang d****b ng dalawa nang kaunti na la'y magiging hapunan na sila ng mga halimaw.

"Tsk, no choice," Binuhat ni Reist si Reine na madiing napakurap. Saka'y tumalon sila sa bangin na gaya ng kometang walang kontrol sa kanilang babagsakan.

Sila'y nahulog sa posible nilang kamatayan, ngunit 'di nila inaasahang nasalo sila ng isang makapal at malagkit na bagay na siyang nagsalba sa kanila. Nangangamoy aloe vera ang slimy stuff na ito't transparent ang kulay. Madali lamang sila nakaalis sa bagay na ito, ngunit may kaunting lagkit pa rin na nakadikit sa kanila't nahirapan na silang tanggalin pa. 

"K-kadiri naman ito, pero salamat dito'y nakaligtas pa tayo," ika ni Reist. Ang pangamba'y nawala sa kanilang mga isipan sa sandaling ito.

"Let's go ahead." Tumuro si Reine sa malayong lugar. "maaaring nariyan ang paakyat sa itaas,"

Nagsimula na silang maglakad patungo sa mahabang daanang nagdala sa kanila sa kabilang kagubatan.

Nagpatuloy silang naglakad na 'di nag-iimikan. Habang nasasaksihan ang mga makukulay na mga punong nagbibigay lilim sa kalupaan at mga naglalarong paro-paro sa makukulay na damuhan.

May mga makukulay na bunga silang namamataan sa bawat sanga ng mga puno.

Huminto't saka nilabas ng binata ang kaniyang cellphone upang ito'y paganahin. Ngunit ang batterya nito'y ubos na.

"Kaasar, nilobat ko pa sa pagbabasa ng novel." Napataas si Reist ng tingin at napakagat sa kaniyang labi.

"You will need these three basic components: Rectifiers, Filters and Regulators para makabuo ka ng isang charger," napahawak babang wika ni Reine. Mabilis siyang sinulyapan ni Reist na napa-isip pa sa mga sinabi niya.

"Marami mang types ng charger for mobile phones, pero lahat almost same lang ang key functions," pahabol pa niya.

Napatango na lamang ang binata sa mga sinabi ng dalagang mas knowledgeable pa kaysa sa kaniya.

"Makakagawa ka ng charger?" manipis na ngising ika ni Reist sa ilalim ng kaniyang mask.

"I can, but I can't make something without nothing," pangbabaong tugon ni Reine. Napakamot na lamang si Reist sa kaniyang ulo.

"By the way, Just to clarify something," wika ni Reine sa isang kalmadong tono.

Naglakad pa siya't pumulot ng isang patpat sa damuhan. 

"Even if I talk or respond to you like a close person, I still don't like to be with you." Saka umupo't gumuhit siya sa lupa ng dalawang bangka na may linyang naghihiwalay sa gitna nito.

Nakatalikod at nagsasalubong lamang ang mga kilay ni Reist, na 'di man lang ibinukas ang bibig para tumugon.

Tumayo na ang dalaga't nag-umpisa ng maglakad.

"Tara na," malamig na tonong ika ni Reine.

Biglang napahigpit ng kamao si Reist at nagmamadaling napahatak ng braso ng dalaga. Sa talas ng pandinig niya sa mga kaluskos ay naligtas sila. Kamuntikan na silang mahuli ng mga halimaw na humahabol sa kanila.

Nagtago't sumandal sila sa isang malapad na puno. Pinipigilan ang malakas na paghinga, dahil maaari silang marinig ng mga ito. Tahimik nilang sinisulyapan ang mga halimaw na lumagpas na on where they're hiding.

Nakahinga na sila ng payapa nang 'di na nila matanaw pa ang mga nakalayo-layo ng mga halimaw. Nagstandby sila sa sandali't 'di inaasahang kumulo ang kanilang mga tiyan sa gutom.

Nagkatinginan silang dalawa sa isa't isa.

"Tsk, anong klaseng mundo 'to, how can I survive this," kabadong sabi ni Reist.

Napatayo si Reine at saka binungkal ang basang lupa sa gilid ng puno gamit ang patpat.

"Anong ginagawa mo?" malumanay na tanong ni Reist.

"Those creatures and the triangular sun proved that this world's logic is different compared to our own, thus 'di natin makakain ang bunga ng mga puno or plants," Dampot ni Reine ng mga kulay brown na uod at saka tingin kay Reist, "Mas trusted pang kainin ang mga uod for now,"

"EW! YUCK." Napatakip ng bibig ang binata't nanginig sa pandidiri.

"Hindi naman natin sila kakaining raw, but lulutuin din natin ang mga 'to para mamatay ang mga possible parasytes o pathogens." Saka hinulog ni Reine ang mga uod sa harapan ng binata. 

"KADIRI! Ba't kailangan mo pa ilapit sa'kin yan!" Napatalon siya sa sobrang takot at mahigpit na napayakap sa isang payat na puno.

"This worms are looking and behaving like common earthworms, so they're high-likely edible," kalmadong wika ni Reine. Nangasim ang mukha ng binata sa kaniya.

"Parang sanay kumain ang taong 'to ah," bulong ni Reist. 

"Kahit pa, hindi ako kakain niyan." Bumitaw na siya sa puno't lumingon-lingon sa buong kapaligiran, habang pinagmamasdan ni Reine ang mga malikot na uod.

Hindi inaasahang matanaw ni Reist mula sa kalayuan ang magiging kaligtasan ng binata sa pagkain ng uod. Isang malayong pamayanan na may mga modern-day houses and structures.

"AHHHH...!! YES..!!!" nagtataasang boses niyang naisigaw. Emosiyonal siyang nagalak sa nakita niya, ngunit dahil sa kaniyang sudden reaksiyo'y naglead ito sa isang negative concequence.

Nakaligtaan ng binata ang mga halimaw na puwedeng makarinig sa kaniyang boses. Tumunog ang mga naglalakasang ungol ng mga nakakatakot na nilalang na nag-udiyok para'y mapadiin ang ngipin nilang dalawa.

Napalingon si Reist kay Reine at napataas ng peace sign sa kaniya.

Nasibangot ang dalaga't napacross-arms.

"Uhm.., peace?" pilit ngiting wika ni Reist.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status