Share

Chapter 4 (Part One)

Imbis na sumagot ay yumuko siya at tinakpan ang mukha niya kaya napairap ako. Wow, parang siya pa yung galit. Hindi na ako nagsalita pa at umupo na lang sa upuan na nasa kabilang dulo. 

Hindi ko siya makita dahil madilim. Tss, bakit ba kasi walang kailaw-ilaw rito? 

"'Wag mong sabihing ikaw yung ka-match ko?" pagputol ko sa katahimikan.

Nag-angat siya ng tingin at tinginan din ako sa mata. Parang kung may anong mahika ang humihila sa akin ang mga mata niya. I want to see his eyes without glasses. 

Umiling ako nang ma-realize kung ano ang iniisip ko. There's no way I would like to see his eyes. Ang pangit ng ugali niya, antipatiko. 

"Then I won't," sagot niya.

Hindi ko na lamang iyon pinansin, kahit sa boses niya ay naiinis ako. 

"Bakit kasi siya pa?" inis na bulong ko.

"As if I like you to be my match too," he sarcastically said. 

Nagulat man pero hindi ko na iyon pinahalata. How come? Ang hina-hina lang no'n ah tapos medyo malayo pa ako sa kaniya. Inirapan ko siya at tumapat sa puwesto ng pintuan.

Umalis din ako sa pagkakasandal nang may marinig na mga yabag. Palalabasin na ba kami? Huminto sa harap ng pinto namin ang isang lalaki kaya agad akong tumayo at tumakbo papunta rito.

"Wait!"

Hindi siya nagsalita at basta na lang naglusot ng papel sa ilalim ng pinto sabay takbo.

"Ano 'to?! Hey, sandali lang palabasin ninyo kami rito!" sigaw ko habang kinakalabog ang pinto. 

Humanda sa akin yung lalaking 'yon kapag nakita ko siya.

"Stop, hindi yan makatutulong," 

Sa sobrang focus ko sa pagkalabog ng pinto ay hindi ko na namalayang nasa tabi ko na siya at hawak-hawak ang papel na nilusot no'ng lalaki kanina.

"Ano 'yan?" I asked.

"Paper,"

"Alam ko. I mean, anong nakasulat!" malakas na sabi ko at bakas ang pagkairita sa boses.

"Why are you always shouting when you're talking to me? Could you please calm down," nakakunot ang noong aniya. Ang tingin ay nanatiling nasa papel pa rin. 

Napairap ako at humawak sa magkabilang bewang ko. Parang kasalanan ko pa na binibigyan niya ako ng rason para mainis sa kaniya, e, hindi naman ako ganito sa iba sa kaniya lang. Iyong tipong kahit wala siyang ginagawa naiinis ako.

"Blah blah blah." Humarap ako sa kaniya. Saktong humarap din siya sa akin kaya muntik na kaming magkabanggaan. Napaatras ako nakahawak sa d****b ko dahil sa gulat samantalang siya ay parang wala lang sa kaniya ang nangyari dahil wala na namang reaksiyon ang kaniyang mukha.

Inilahad niya sa akin ang papel na binabasa niya kanina. "Read it."

Kinuha ko ito nang dahan-dahan at binasa. What is this? Quiz about each other? 

Napahawak ako sa noo ko nang matapos kong basahin ito. Kailangan naming malaman sa isa't isa ang mga nakasulat dito, pagkatapos ay ite-test kami at kung perfect ay puwede na kaming lumabas, kapag may mali naman ay uulitin at iibahin ang questionnaire. 

"Anong gagawin natin?" Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. 

"We'll do the instruction, I want to get out of here " Tumalikod siya at bumalik sa upuan niya, gano'n na rin ang ginawa ko. Hindi na ako umimik pa dahil gaya niya, gusto ko na ring makalabas rito.

"Sisimulan ko na." Tumikhim ako at sumulyap sa kaniya na agad ko ring tinuon uli sa papel dahil hindi ko makayanan ang tingin na binibigay niya. 

"Name?"

"Alizon Craige Levigne," mahinang sagot niya pero sapat na para marinig ko 

Mukhang pinag-isipan name niya, huh.

"Course?"

"What about you?" I was stunned by his sudden question. 

Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya at napalunok. "Ha?" kalmado kong tanong.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at bigla akong nagkaganito. Para na akong si Melissa sa hinhin. 

"Your name." Pinagkrus niya ang mga braso niya at sumandal sa pader. 

"Ah Jamara Nicole Domingo." Mabilis na ani ko. Wala na siyang sinabi pagkatapos no'n kaya nagpatuloy na ako sa pagtatanong.

Ngunit sa kasagsagan ng pagtatanong ko ay nagsisimula na naman akong mainis. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya o ano.

"Isang color lang," pigil ang inis na sambit ko. 

"Why? They're all my favorite colors,"

Napapikit ako nang mariin, pagkatapos ay matalim na tumitig sa kaniya. "Hindi natin puwedeng sabihin 'yan," mabagal at may diing ani ko, animo'y pinapaintindi sa kaniya.

"Black,"

"Black is not a color. Puwede ba, ayusin mo naman yung sagot mo. Akala ko ba gusto mong makalabas? So please, maki-cooperate ka naman." Asik ko.

Napahawak ako sa noo ko nang ilang segundo bago nagpatuloy sa pagtatanong. Buti na lang ay umayos na siya. Walang maririnig sa buong silid maliban sa pagpapalitan namin ng sagot at tanong, para na kaming nagpipinoy henyo. 

"Umayos ka ah," nakataas ang kilay na sabi ko sa kaniya. 

Tumango siya bilang sagot at saka tumayo. Medyo nakahinga na ako nang maluwag dahil natapos na kami sa pagkilala sa isa't isa pero nakakakaba pa rin dahil ite-test pa kami, hindi ko pa naman sure kung puwede second chance rito. Muli kong binalikan ang naging tanungan namin kanina at inalala itong mabuti. Bakit pa kasi may ganitong booth.

"Reiner, kunin mo na," utos no'ng nasa kanan ko. 

Agad na sumunod ang tinawag niyang Reiner at inabot sa kaniya ang dalawang piraso ng white board at marker. Grabe, may paganito rin sila. 

"First, favorite color." Basa ni Reiner sa papel na hawak niya kasabay nang pagpindot niya sa timer. 

Ilang segundo matapos kong maisulat ang favorite color niya ay tumunog na ang timer. Sabay namin itong ipinakita. Green ang sinulat ko at purple ang kaniya. 

"Course."

"BS Accountancy." Pagkapakita namin ng white board napangiti ako nang kaunti dahil tama ang naisulat niya.

"Ay wow HRM, dream course ko rin 'yan kaso takot ako sa mantika," may bakas ng pagkamanghang sabi ni Reiner, napalitan iyon ng gulat nang batukan siya ng kasama niya.

Napatawa ako nang mahina at tinuon ang tingin sa harap, naabutan kong nakatingin sa akin si Ali na agad ring nag-iwas ng tingin.

"Favorite food!"

Napapitlag ako at muntik nang mabitawan ang hawak na white board at marker dahil sa gulat. 

"Bakita ka ba nanggugulat, Alfred?" Siko ni Reiner sa kasama niya.

"Aba siyempre para magising sila," katwiran niya.

"Do we look like we're asleep?" 

Sabay-sabay kaming napatingin kay Ali nang magsalita siya, malamig siyang nakatingin kay Alfred. Samantalang si Alfred at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa habang nakangisi. Hindi siya sumagot at tinuon na lang ang tingin sa papel at pinindot ang timer. 

Sinulat ko ay Burger samantalang ang sa kaniya ay macarons. Nagpatuloy iyon at wala pa kaming mali kahit isa hanggang sa umabot kami sa last question.

"Height and weight," nakangising sabi ni Alfred, nakakrus ang braso at nang-uuyam na nakatingin kay Ali.

"Wala naman 'yan sa binigay ninyo ah," bakas ang inis sa boses ko.

"Dinagdag ko, late ko na naisip, e," tila nang-aasar na sabi niya.

"No. We're not going to answer that. Wala 'yan sa questionnaire so basically hindi namin dapat 'yan sagutin." May diing saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. 

"Marco!"

Naputol ang pagtitig ko at nabaling iyon sa tinawag ni Reiner na Marco. Siya yung nanghuli sa akin kanina. 

"Tama na 'yan, palabasin ninyo na sila," sabi niya kay Alfred.

Tinapunan niya ako ng tingin at saka bumaling uli kay Alfred na napipilitang tumango. 

Sinenyasan kami ni Marco na sumunod sa kaniya. Hindi pa kami nakakalayo nang sumigaw si Alfred.

"Sana next time masagot ninyo na yung height and weight!"

Nang makarating kami sa labas ay hinarap kami ni Marco nang nakangiti. Mukhang ang saya-saya niya ah, sana all.

"Sana nag-enjoy kayo," ngiting aniya.

Inirapan ko siya kaya napatawa siya. "Sige na, may gagawin ka pa diba?" tanong niya ba tinugunan ko lang ng tango. 

Pagkatapos ay tumalikod sa kaniya at naglakad palayo. Napalingon ako sa tabi ko nang maalalang may kasama pala ako , kasabay ko siyang naglalakad pero hindi siya malapit sa 'kin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status