"Let's go," mabilis na wika ni Olive na hinila na ang kamay niya bago pa siya makapagpaalam kay Anthony.
"Bakit ka ba nagmamadali?" natatawa niyang tanong nang marating nila ang parking lot kung saan naka-park ang BMW nito.
"Are you making fun of me?" inis nitong tanong.
"No. Nagtataka lang ako kung bakit kailangan mong magmadali," sagot niya. Pinaandar niya ang makina ng kotse at nilisan ang parking lot. "Hindi naman siguro ikinahihiya mo na ako ang manliligaw mo?"
"You don't need to act like that in front of Anthony, Gregor."
"Act like what?"
"You called me sweetheart! Baka sabihin nun may relasyon na tayo!"
"Wala ba?" tanong niya na sumeryoso ang mukha. "Ano 'yung nangyari sa 'tin nang ilang beses? Wala lang sa 'yo?"
"Iba naman 'yun, iba rin ngayon..." katwiran nito.
Kanina pa nag-iinit ang katawan ni Gregor mula nang magsayaw sila ni Olive at madikit ang katawan niya sa dalaga. Lagi na ay mabilis na nagliliyab ang katawan niya madikit lang dito. At alam niyang ganoon din si Olive sa kanya. Nakita niya ang inis sa mukha nito kaninang itigil niya ang paghalik at pinaandar ang kotse. Pero hindi puwedeng magdeny ito nang magdeny sa damdamin nito sa kanya. Kailangan nitong manindigan na mahal siya nito.Pagdating sa parking lot ng condo nito ay ginising niya ang dalaga na nakatulog na sa kotse. Isang mapusok na halik ang ginawa niya na nagpagising sa diwa nito. "We are here...""Thank you... Umuwi ka na baka gabihin kang masyado..." wika nito na tinanggal ang seatbelt at kinuha ang susi sa kanya. "Hindi na kita ihahatid sa silid mo?""H-huwag na..." alangan nitong sagot. Bago ito bumaba ay nakabig pa niya ito pabalik."Where's my goodnight
Hindi na namalayan ni Olive kung anong oras umalis si Gregor. Nakatulog siya sa pagod. Tunog ng telepono niya ang nagpagising sa kanya kinabukasan. "Hello?""Good morning..."Isang irap ang pinakawalan niya bagama't hindi naman niya kaharap si Gregor. "Anong maganda sa umaga?""You. Just hearing your voice makes my day complete.""Hindi ka na nawalan ng papuri, Gregor.""Anong plano mo ngayong araw?""Sa opisina lang maghapon. I have so many things today.""How about tonight?""Wala naman. Pero gusto ko talagang umuwi ng maaga.""We'll go home after dinner.""Gregor...""Kung hindi mo gustong kumain sa labas, um-order na lang tayo.""Hindi ka talaga nagpapasuko, ano?""Hindi ikaw ang babaeng sinusukuan."Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya. Tumayo siya at tinungo ang banyo."I have
Nag-iwan siya ng mensahe kay Gregor na nasa Falcon Hotel siya ngayon dahil baka bigla siyang puntahan sa opisina. Pagkatapos niyang basahin ang Deed of Sale na ipinagawa niya sa abogado ng kumpanya ay ipinadala niya iyon sa e-mail ni Gregor. Hindi rin niya gustong madaliin ang pagbili sa property nito pero tiyak na kukulitin naman siya ni Anthony at ang Daddy niya. Alas singko pa lang ay sinabi na ng staff ng hotel na may naghahanap sa kanya sa ibaba. Nang bumaba siya ay si Carter ang naroon."What are you doing here?" Hindi niya naitago ang iritasyon sa tinig. Ang inaasahan niya ay si Gregor ang dumating."Anthony told me you are here for the inspection of upcoming expansion. Ang sabi rin ng Daddy mo ay baka may maitulong ako.""May mga engineers at architects nang naka-assign sa project na 'to, Carter," aniya na napilitang dalhin ang kaibigan sa restaurant ng hotel. "Marami ka nang ibang pinagkakaabalaha
At dahil tinanggap niya nang opisyal na silang may relasyon ni Gregor ay mas lalo itong naging pa-PDA. Tila ba nagkaroon na ito ng lisensya para yakapin at hagkan siya kahit sa pampublikong lugar."Yang kamay mo, Mr. Angeles. Andaming tao," bulong niya habang nasa counter sila dahil kinausap nito ang kaibigan na may-ari ng seafood restaurant."Para alam nila na pag-aari kita," sagot din nitong pabulong. "Nakikita mo ba ang mata ng mga kalalakihan dito? Kahit may ka-date na iba sa'yo pa rin nakatingin.""As if naman hindi sa 'yo nakatingin ang mga babae dito. Kahit yata may edad na natatakam pa sa 'yo," pairap niyang wika. "Wala nang ibang makakatikim ng katawan ko kung hindi ikaw," biro nito saka kumindat. Hinila niya na ang kamay nito para umalis na sila roon. Nang ihatid siya nito sa condo ay hindi rin ito umalis kaagad. "May bakanteng unit pa ba dito?""Why?""Ka
Alas dyes na dumating si Anthony sa condo niya. Mabuti na raw ang lagay ng Daddy niya pero pinayuhan na huwag na muna itong magtrabaho."Ano ba talaga ang nangyari?" tanong niya kay Anthony. "May atraso ang Daddy mo sa mga Abad, Olive. Naalala mo ba ang stag party na dinaluhan ng Daddy mo dalawang buwan na ang nakalipas?""Sa stag party ni Mr. Cruz?" tanong niya. Nasa kwarenta mahigit na ang edad ni Mr. Cruz na naisipan pang mag-asawa sa pangalawang pagkakataon. Namatay na ang unang asawa nito. Kaibigang matalik ito ng Daddy niya at pinsan naman ito ng mga Abad. "Yes. May nangyari pala noong gabing 'yon na ngayon ay hinahabol ng mga Abad ang Daddy mo. Hindi sila pumapayag na humingi lang siya ng tawad.""Anong pangyayari? Hindi ko maintindihan.""Your father was accused of raping Carter's sister..." mahinang wika ni Anthony pero naging kulog sa pandinig niya."W-what?
Maaga pa lang ay nagtungo na siya sa opisina ng Mommy niya. Ito ang may hawak ng Falcon Manpower Services at Travel Agencies. Ang Daddy niya ang may hawak naman sa Mining Company katulong pa rin ang Mommy niya. Habang sila ni Anthony ang namamahala sa Falcon Hotel at Falcon Condominium. Ang Papa ni Anthony ang siyang CEO ngayon ng buong Falcon Group of Companies.Few years ago, ang Lolo pa nila ang namamahala ng lahat ng 'yon. Wala pa ang pamilya nila Anthony sa Puerto Princesa dahil umalis ang Uncle Antonio niya. Itinakwil kasi ito ng Lolo nila noon dahil sa pagtanggi nitong makasal sa anak ng kabilang hacienda sa Dumaran. Bumalik lang sila nang ipahanap ito ng Lolo nila dahil kailangan na nito ng tagapagmana. Ang gusto ng Lolo nila ay mapanatili ang apelyidong Falcon sa Puerto Princesa. Si Anthony lang ang sagot sa problema nito. Silang magkakapatid ay puro babae at Montañez ang dala nilang apelyido.
Pagkatapos niyang makipag-usap kay Carter ay muli siyang lumabas sa opisina. Pinuntahan niya ang opisina ng pinsang si Anthony."I cannot think properly," aniya. "Hindi rin ako makakapagtrabaho nang maayos. Uuwi ako sa Dumaran.""May problema ba?""Ang problema ko'y ang pagiging sunud-sunuran ni Mommt kay Daddy. Gusto kong makausap si Dad.""Okay, ipahahatid kita sa chopper."Mabilis na tinawag ni Anthony ang empleyado na naghahatid sa pinsan kapag umuuwi ito ng Dumaran."Your father suffered mild heart attack, Olive," paalala sa kanya ni Anthony. "Be careful on how you talk to him.""Inatake lang 'yun ng asthma, huwag mong intindihin," sagot naman niya bago ito iniwan at sumunod sa piloto. Habang nasa himpapawid ay iniisip pa rin niya kung paano kakausapin ang ama. Naroon ang galit sa dibdib niy para sa ama, ang inis sa Mommy niya, at ang iritasyon kay Carter. Ang tatlong
Tumunog ang doorbell ng condo niya. Hindi niya alam kung si Carter ba ang nasa labas o si Gregor. Kanina pa tumatawag si Carter dahil nagyayaya ito ng dinner pero hindi niya sinasagot. Hindi rin niya pinagbuksan ang kung sinumang tao sa labas. Wala siyang gustong makausap sa ngayon. Mas gusto niyang namnamin ang pag-iisa.Ang sumunod na tawag na natanggap niya'y galing sa Auntie Margarita niya na ina ni Anthony na siyang namamahala sa mansyon doon. Itinakbo daw muli ang Daddy niya sa ospital kaya't pinauwi nito ang Mommy niya."Marami hong trabaho sa opisina," pagdadahilan niya dahil hindi niya gustong umuwi. "Si Mommy na lang ho ang mag-aasikaso..."Alam niya na kung bakit hindi ang Mommy niya ang tumawag sa kanya ngayon. Alam nitong masama pa rin ang loob niya hanggang ngayon. Kinabukasan ay maaga siyang pumasok sa opisina. Alas syete pa lang ay nakaalis na siya sa condo dahil tiyak na