Share

Kabanata 55

Marahan ang andar ng taxi na sinasakyan namin pauwi, sa mga sandaling ito hinihiling kong sana mas bumagal pa ang takbo ng oras at manatili kami sa sandaling ito na magkasama.

Hindi ko maunawaan kung bakit ganoon na lamang kahigpit ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko, ang higpit noon ay tila ba ipinaparamdam sa akin na ayaw niya na akong bitawan.

Nanatili siyang nakahawak sa kamay ko habang nasa byahe pa rin kami at isinawalang bahala ko na lang iyon marahil mamimiss niya talaga ako kapag tuluyan na nga akong naka-alis sa susunod na linggo.

"Kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako palagi, labis kong ikatutuwa kapag nakakita kang muli Gummy Bear," aniya at sunod na naramdaman ko na lang ang ulo niyang marahang sumandal sa balikat ko.

May tila kung ano akong naramdaman matapos ang mga sinabi niyang iyon, hindi ko maunawaan kung ikatutuwa ko nga ba iyon o ikalulungkot lubha

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status