Share

Kabanata 25

Gisselle

Nagsisisigaw ito habang ang nanay naman niya ay sinabunutan din ako. Isang malakas na sabunot sa babae ang iginawad ko’t binitiwan, bago ibaon ang kuko sa kamay ng ginang, dahilan para mabitiwan nito ang buhok ko.

Ngumisi lamang ako at bahagyang sinuklay ang medyo nagulong buhok. Saglit ko pang sinulyapan ang dalawa, bago ilibot ang paningin sa mga kapit-bahay nila na tila tuwang-tuwa pa sa ginawa ko. Nagkibit-balikat lamang ako bago umalis sa lugar na iyon.

Pinaka-ayoko sa lahat ay dinadamay ng iba ang lola kong namayapa na, at ang nakaraan niyang trabaho na pilit isinasampal sa mukha ko. Pati ang nanay ko na nananahimik na ay idinamay niya pa.

Umirap ako sa kawalan habang nagmamaneho. Pagdating ko sa bahay ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Gigil na gigil ako sa babaeng iyon at sa isip ko ay kinalbo ko na iyon.

Padarag kong dinampot ang phone

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status