Share

Chapter 4

Chapter 4: Free Yourself

Alex's POV

Andaming nangyayaring kung ano ano ngayon, hindi ko na alam kung kaya ko pang pumasok sa paaralan kung ganito lang din naman ang mangyayari. Hindi ko alam kung baka mamaya, ako na. Ako na ang isusunod ng taong iyon.

"Alex! Alex! Alex!" Sigaw sa akin ni Kuya Andre ng tumatakbo at namumuo ang pawis sa noo. Hinihingal pa ito nang makarating na sa kinaroroonan ko. Hinila niya ang kamay ko at mahigpit na niyakap.

"Alex, come to your senses," he said calmly as if he were trying to sing me a lullaby.

"What did you see there?" tanong niya sa akin sabay nakaturo sa kung saan.

Then, to him I submit the real me. Ang mga luha ko ay agad na nag-unahang lumabas sa mga mata. I tried to feel the breeze of the afternoon but all I can feel is my Kuya's warmth. Making me feel secured and safe.

"I'm afraid, Kuya," pag-amin ko sa kanya.

"Shh. Don't be, I'm here," sagot niya sa akin at hinahagod ang aking likuran na nagpalalo lang sa pag-iyak ko. 

Kasabay nang pagpikit ko sa mga mata ay ang pagbabalik ko sa isang masalimuot na nakaraan.

"Alex, pakibantayan mo muna si Mommy. May gagawin lang kaming group project." Tumango na lang ako kay Kuya dahil wala naman na akong magawa e, nakabihis na ang ugok.

"May magagawa pa ba ako?" 

Tumawa na lang siya at kinuha ang susi ng kotse niya, bakit niya pa 'yan ginagamit? 

"Alex, I am not going to use it. Ibabalik ko na sa kanya ito at ang bigay sa akin ni Mama ang gagamitin ko." Paliwanag niya sa akin.

"You go in her room. Stay there, just call me kung may mangyari. Okay?" Sabi niya sa akin.

"Ma, dito muna ako, ha. Wala akong kasama sa labas eh," ngumiti naman siya sa akin.

Umupo ako sa tabi niya at nakisamang manood sa kanya.

Wala akong magawa kung hindi ang mag-stay sa loob ng kwarto at bantayan si Mommy. Yes, kung hinahap niyo ang magaling kong tatay, wala na siya rito at nangibang bahay na. He left us and made Mom miserable. Wala man lang consideration ang taong iyon. Puro bisyo at pambabae ang inaatupag. Tangina. I couldn't imagine myself forgiving my father.

"Mom? Do you know? I can already cook," sabi ko sa kanya. 

Ngumiti lamang siya sa akin at tumango.

"Are you proud, Ma?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Very very proud! I remember those days that you are so hard to teach! You would always burn everything. But I am happy that you've learned it now," sagot niya sa akin habang nakahawak sa ulo ko at hinalikan ang noo ko.

H****n niya ako nang mahigpit habang siya ay lumuluha. And to see my mom cry, I feel like I've been the saddest human being ever live. Mabuti na lamang at nakontrol ko ang luha ko. Ayaw kong makita iyon ni Mama, kahit pa tears of joy iyon.

"Then, if you could do it. Make some merienda!" Natutuwang sabi niya sa akin.

"What should I make for you, then?" Tanong ko sa kanya at pinunasan ang pisngi niya.

"Churros!" Sabay naming sabi at nakaturo sa isa't isa.

"Can you wait for it?" Tanong ko sa kanya.

"I can always wait for it, Alex. Be careful, sweetie. I love you!" Sabi niya habang nagmamadali akong lumabas ng kwarto.

Agad kong inihanda ang mga gagamitin ko sa pagluluto. Mula sa mga ingredients at paglulutuan. Ilang minuto pa ang nakalipas at nakatapos na ako ng apat na piraso, isang piraso na lang. This is my first time cooking my mom's merienda. Madalas kasi ay si Kuya ang nagluluto para sa amin.

Kaya naman sa unang pagkakataon, I did my best. Mabuti naman at walang nasunog. Agad ko namang kinuha ang chocolate syrup sa refrigerator at saka nilagyan ang isang maliit na platito. Saka nagtungo na ako sa itaas para makakain na kami ni Mama.

Pag-apak ko sa hagdanan ay biglang bumilis ang tibok ng puso. Resulta, muntik ko nang malaglag ang hawak ko. Kaya naman dahan dahan na akong umakyat.

"Ma! Look, it is almost perfect!" Natutuwa kong puri sa sarili ko hanggang makarating na sa ikalawang palapag.

Pagpasok ko sa kwarto ay wala si Mama sa kama. Narinig ko naman ang faucet sa CR. Paglingon ko sa pwesto ni Mama kanina ay may papel doon. Ngunit hindi ko iyon pinansin.

"Ma, dalian mo riyan! Lalamig na ito!" Natatakam na ako sa niluto ko ngunit gusto ko si Mama ang unang tumikim.

"Ma!" Sigaw ko nang ilang minuto ay hindi pa rin siya lumalabas sa banyo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hanggang sa ang papel ay kinuha ko dahil binabagabag ako ng kyuryosidad ko.

Written in black ink, it was addressed to me and my Kuya.

To my Andre and Alex.

Agad kong binuksan ang papel at binasa.

Dear lovely children,

Thank you for being strong through our rough times. Thank you for not leaving my side and taking care of me.

Hindi ko na natapos ang pagbabasa sa sulat. Nang umatras ako ay nalaglag ang churros na niluto ko. Ang pinggan ay maingay na bumagsak at nabasag sa maliliit na piraso, tila pinapaalala ang pagkawasak ng pamilya ko.

Na-dial ko ang numero ni Kuya at nang hindi na makapag-isip ng maayos ay nabitawan ko iyon. Nang subukan kong pulutin ito sa sahig ay siyang pagbaon sa paa ko ng ilang bubog. Ramdam ko ang sakit nito pero hindi nito matatalo ang sakit na nakabaon sa puso ko.

"M-ma?" Tanong ko sa harap ng CR habang ang luha ko ay unti unting nararamdaman sa aking pisngi. Deep in my mind, in my aching heart, I knew where this leads me and I can not just accept nor believe it.

I was trying to calm myself, wipe my tears, and stop my body from trembling. And when I open the door... I lose control of myself.

"M-ma." Pakiramdam ko sirang-sira ako. 

I want to hug her but my feet won't move. Gusto ko siyang lapitan pero ang tanging nagawa ko ay umupo sa sahig na kaninang kinatatayuan.

"Alex? Mom?" Tawag sa amin ni Kuya. "Anong?" Hindi na nakapagtanong si Kuya nang makita niya si Mama.

"Alex, call for a help! Call the ambulance!" Sigaw sa akin ni Kuya habang pinapatay ang faucet sa CR.

But my feet won't really let me move. Wala akong nagawa. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.

"Hindi ikaw ang may kasalanan nu'n okay?" Sabi ng Kuya kong nagpabalik sa akin sa reyalidad. 

Binabalikan ako ng mga alaala na iyon, pinaparanas muli ang sakit na pilit nililimutan.

"Alex, palayain mo na ang sarili mo sa nakaraan at mabuhay ng malaya sa kasalukuyan." 

"No, Kuya. Let's be honest here. If I could just call the ambulance and ask for help, I could have helped Mom have a little chance of surviving."

"Shh. You already helped her, Alex. I know that before she did it, she's at her happiest moment. Because you made her happy again, even if it is just at her last hours."

Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko. Ang bigat-bigat sa pakiramdam.

Without the warmth of Kuya, I can now feel the breeze and it is also comforting me. I wish that when I leave this place, the pain in my heart would also go away and never be enveloped in my body again.

Sabay na kaming kumain ng lunch ngunit ilang subo lang ata ang nagawa ko roon. Hindi na rin ako pinilit pa ni Kuya at bumili na lang siya ng mga biscuit saka inilagay iyon sa bag ko. Pagkatapos ay napadesisyunan naming pumasok na. Wala pang masaydong tao nang pumasok na kami sa gate ng school. Naglalakad na kami sa school ground nang nakasalubong ko ang mga naka-itim na lalaki at may kung anong logo ang nakalagay sa kanilang damit. Nakasuot pa ito ng face mask. Kasama rin nila si Miss Joy.

Tumigil sila nang masalubong nila kami ni Kuya.

"Ikaw ba si Ms. Alex Verchan?" Tanong ng isa sa kanila at tinignan pa ang ID na nakasabit sa leeg ko.

Agad akong tumango. "Opo."

"Kung gayon ay maaari ka ba naming maimbitihan at makausap sa pribadong lugar?" Tanong nila sa akin.

Tumingin ako kay Kuya at tinanguan niya lamang ako.

"Alex, kakausapin ka lang nila tungkol sa kaso ni Queenex. Sila kasi ang nag-i-imbestiga doon." Paalala sa akin ni Miss Joy.

Walang pag-aalinlangan akong sumama sa kanila. Wala naman akong dapat ikatakot.

Jocuuu

Enjoy reading! <33

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status