Share

Chapter 6

Chapter 6: Hangandrew

Someone's POV

"Tanga ka rin ano?" 

"Anong kasalanan ko sa'yo?" Nahihirapan na tanong niya sa akin.

Kailangan mo pa bang tanungin yan? Kung sabagay hindi mo talaga maalala, Andrew. Dahil wala ka namang pake sa akin.

"Marami." Sagot ko habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kamay.

"Tulad ng? Dahil kahit kailan wala akong inaapakang tao!" Nagtataka niyang tanong.

"What a great actor! Bravo! Isa sa mga nambully? Naging kalaban ko sa academics na binayaran ang guro para ikaw ang mag top 1! Ano, wala kang inaapakang tao? Isipin mo pa ang iba." 

"I-ikaw?"

I got the idea of Hangandrew from the game, Hangaroo. And it was exciting to see a real person, hanging his neck on a rope and soon being killed! I smiled because of my genius idea.

"Oo tama ka, ako nga." Pagmamalaki ko sa sarili ko. Tinanggal ko ang maskara na bumabalot sa mukha ko at nakita ang gulat sa mukha ni Andrew.

"Ikaw din ba ang may pakana kay Queenex?" Tanong niya pang muli.

"Oo."

Nagulat siya sa sinagot ko. Malamang sa ngayon ay nalaman na nilang suicide ang nangyari kay Queenex.

"Parang awa mo na! Babayaran ko ang lahat ng nagawa kong kasalanan, 'wag mo akong papatayin!" Iyan! ganyan ang gusto ko 'yung nagmamakaawa ka sa akin. Masyado mo akong pinahirapan sa buhay ko dapat lang na gumanti ako sayo.

"I am just doing you a favor, my friend. Hindi ba't balak mo rin ang magpakamatay?" Tanong ko sa kanya nang ma-kwento niya sa akin ang ginawang suicide letter.

"Hindi! Nagbago na ang isip ko!" Sigaw niya sa akin.

"Pero ako, hindi..." Sabi ko sa kanya habang hawak ang ginawa niyang suicide letter.

"Parang awa mo na, ayaw ko pang mamatay..."

"Ibinabalik ko lang sa'yo ang ginawa mo sa akin, Andrew! Ilang beses mo akong pinatay! Nagmakaawa rin ako sa'yo, hindi ba? Pero hindi mo ako pinansin! How does it feel? Masakit ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko iyon-"

"Alam mo ba?! Ha?! Alam mo ba kung ano ang dinanas ko dahil sa pangma-manipula mo sa sarili mong grado? Andrew, naging kaibigan kita. Alam mo ang dahilan kung bakit ako nagpupursiging maging top 1! Alam mo ang lahat at patas akong nakipaglaban sa'yo. Pero ano ang ginawa mo? YOU CHEATED! AKO DAPAT ANG TOP 1, PANGALAN KO DAPAT ANG NANDUN!"

"Hindi ko 'yon ginusto! You don't know the story behind it! You know how much I wanted you to be on top because I think that you deserve it. I saw how you achieve things fairly and I saw how hardworking you are-" 

"Liar! Kung ganoon, bakit ikaw ang nasa top?!" Buhos ko sa naipong galit.

"It was my Mother!" Sigaw niya sa akin kahit hirap na hirap na sa taling nakagapos sa kanyang leeg. "She did it." Malungkot niyang saad.

"Alam mo ba ng dahil sa inyo? Nagkanda-letse ang buhay ko! My mother won't accept me inside our house at napilitan akong umalis doon! Alam mo kung ano ang dinanas ko sa bakal na kamay niya! You saw how I cried for it, Andrew! At sobrang sakit dahil ni isa wala akong matakbuhan! Ni isa, wala akong mahingan ng tulong!"

"No... hindi ko balak iyon," umiiyak na hangos niya habang ang sakit ay nadepina sa kanyang bilugang mata.

"Ngayon na nasira ako. Gusto kong makaganti sa'yo at sa mga taong sumira sa akin!" Pero tangina, ito na naman ang anghel sa gilid ko, mas lamang ang bigat niya kaysa sa demonyo.

Kumirot ang puso ko nang makita siyang nahihirapan. Mukhang pati siya ay biktima ng sariling magulang. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

I was ready to kill him but my heart is aching for him. And deep inside it, naawa rin ako sa kanya.

Putangina kasing top 1 'yan! Hindi ko alam kung bakit ba sila obsessed na obsessed doon! If it weren't for my mother, I would be contented from where I ended up, kung saan lang ang kaya ko. Pero hindi niya kayang sikmurain na hindi ako top 1 so I work my heart out to earn the 1st spot! ButI failed and here I am, ended up wanting to kill a friend just because of that stupid mindset!

"Please, don't kill me. Marami pa akong pangarap. Parang awa mo na," he begged for his life.

"Don't let him distract you. He made your life miserable. Don't feel any mercy for him." Dinig kong sabi ng kasama ko sa gilid ko. Tinanaw ko siya na nakahiga sa stretcher. Sa anggulo ni Andrew ay hindi niya ito nakikita.

"I can not do it." Bulong ko sa sarili ko habang ang mata ko'y nanlalabo mula sa mga luha.

Ang kutsilyo sa nanginginig kong kamay ay nabitawan ko sa sahig. As much as I am in pain right now, I can't kill him. I just wanted him to say sorry... that's all I want.

Hinila niya ako at tinulak sa stretcher. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak at isuot pabalik ang maskara.

"Don't kill h-him." Utal ko sa kanya. Ngunit inirapan niya lang ako, tumaas ang maskara niya, at nginitian ako.

"You know. In order to successfully do your vengeance, you must not feel any mercy. And you should be cruel..." Matigas na sambit niya kasabay nun ay ang pagtulak niya sa upuan at naiwan akong tulala sa kinauupuan.

"Andrew?" Tanong ng isang babae ang boses.

Agad kong isiniksik ang katawan ko sa stretcher na natatabunan ng naglalakihang box sa harap ko. Ngunit ang kasama ko ay hindi ko alam kung saan nakapagtago, baka mamaya ay mahuli kami!

"An- AHHHHH!!" matinis at mataas na sigaw ng babae kasabay ang pagtakbo niya papalayo sa room na kinalalagyan namin.

Agad kong hinanap ang kasama ko nang marinig ko siyang nasa likuran ko.

"Hindi ka ba nakita ng babaeng iyon?" tanong niya sa akin. 

Umiling ako.

Tinignan ko ang nakasabit na si Andrew.

"Sorry... rest in peace," tanging nabanggit ko bago tuluyang lumabas sa room na iyon.

Jocuuu

Hmm. Who is someone?

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status