Share

CHAPTER TWO

CHAPTER TWO

Ziah's POV

Hindi na ako dumiretso pa ng flower shop at sa halip ay tinawagan ko na lamang si Sarah upang mag take over muna sa pansamantala.

Hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit siya sa loob ng limang taon! Hindi ko rin alam kung paano niya ako naalala, madilim nang gabi na 'yon sa pagkakaalam ko, kaya't paano?

Ang isa pang ikinababahala ko ay hindi naman niya ako ipinapahanap pero kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kainteresado sa'kin ngayon.

Damn this life! Mali 'atang bumalik agad kami ng Pilipinas.

Mabilis akong bumaba ng kotse nang maiparada ko ito sa bahay.

"Oh, hija, ang aga mo naman 'ata?" tanong ni Mama.

"Ah, sabi kasi ni Vivi kailangan niya ako makausap," pagdadahilan ko. "Where's Zhenrix?"

"Naroon sa garden at nakikipaglaro sa Papa mo."

Tumango na lamang ako saka nagpaalam na muna na aakyat sa kwarto. Mabilis kong idinial ang number ni Vivi sa America.

Nakailang ring pa lang ay kaagad na nitong sinagot.

"I just met him earlier!" iyon agad ang ibinungad ko.

"Waitㅡwho?" tanong nito.

"Braxien Philip Saavedra."

"Oh my! What happened? Did he recognized you?"

"Oo, at sa hindi ko malamang dahilan kung paano! Patay ang ilaw nang gabi na 'yon at nakainom siya, kaya't nagulat ako ng makilala niya ako."

Namayani ang konting katahimikan bago magsalita si Vivi.

"Hindi kaya binuksan niya ang ilaw ng mahimasmasan siya?

Ako naman ang natahimik. Hindi malabong gano'n nga ang nangyari.

"I will call you later, bye."

Tumayo ako saka nagpabalik-balik na lumakad, habang ang kamay ko ay hindi mapakali. Natatakot ako sa possibleng susunod na mangyayari kung sakaling magkikita pa kami.

Ano bang nangyari sa lalaki na 'yon sa loob ng limang taon?

I just found myself searching over the social media accounts using my laptop. Marami akong nabasa tungkol sa kaniya lalo na pagdating sa business industry at company niya. Sa unang taon pala ay may kinaharap itong crisis sa company at nakabawi lamang sa sumunod na taon dahil sa pagsusumikap nito.

After that year puros positive na ang naging mga balita kay Braxien, that's why hindi makakailang bilyonaryo ito. Pero may isang article akong nabasa sa POP BUSINESS PH.

BRAXIEN PHILIP SAAVEDRA, ENGAGED NA NGA BA?

Ang bilyonaryong si Braxien Philip Saavedra ay napapabalitaang engaged na sa dati nitong nobya na si Nathalia Aragon. Makikita sa kuha ng litrato ang iba't-ibang araw na pagpunta ng dalaga sa mismong building ng Saavedra Corporation at hinihinalang ang binata ang pinupuntahan nito rito.

Nakaramdam ako ng biglang sikip sa dibdib nang mabasa ko ang article.

So engaged na pala siya? Ang dapat pala ay matuwa ako dahil malaki ang tyansang hindi na niya ako hanapin pa. Dahil hinding-hindi ko rin naman hahayaan na basta na lang siya papasok sa buhay namin ng anak ko.

Oo, anak ko lang dahil hindi ko kailangan ng lalaking sasaktan lang ako.

"Mommy?!"

Mabilis kong isinara ang laptop ng marinig ko ang boses ni Zhen.

"Hello, sweetie!" hinalikan ko ito sa noo at ganoon din ang ginawa nito sa pisngi ko.

"You're so early, is your work done for today?" tanong nito.

"Yes, for my baby time!"

Malawak na ngiti ang sumilay sa labi ng anak ko. Lalo tuloy akong natakot na baka sa isang iglap mawala ang kasiyahan ko.

"Mommy, are you okay?" biglang nagbago ang tinig nito.

"Yes, I am. Why you ask?"

"It's just like you space out."

Napansin pala nito na tila malalim ang iniisip ko. Kung alam mo lang anak, na kanina ay nagkita kami ng Daddy mo ay tiyak na matutuwa ka.

Matutuwa...

Matutuwa ang anak ko kung sakaling malaman niya na buhay pa ang tatay niya. Parang bigla namang may kabayong nagkarerahan sa puso ko. Halo-halo na ang mga nasa isip at nararamdaman ko.

"Zhenrix, sweetie. May itatanong si Mommy, what if buhay pa ang Daddy mo what will you do?"

Hindi pa man sumasagot ang anak ko ay kinakabahan na ako na tila ba ako ang nasa Q and A.

"I would be glad and so so much happy! Yayakapin ko po siya ng sobrang higpit at makikipaglaro po ako ng basketball. We will do everything para maging happy tayo!" bakas sa boses nito ang excitement.

Maging happy kami? Magiging kasama ba ako doon kung sakali man na magkakilala sila?

"But so sad, cause Dad is already gone years ago. Hindi ko man lang siya nakalaro ng chess, basketball. Hindi ko man lang mararanasan sunduin ng Daddy sa school," malungkot na tinig nito.

Biglang nanlambot ang puso ko sa nakikitang lungkot sa mga mata ng anak ko. This is so hard. I want him to be happy pero sa isang bagay na kasiyahan niya ay tila pinagkakait ko pa.

Masama na ba akong ina?

Tahimik naman ang mga sumunod na linggo sa amin. Wala naman kahinahinala kaya naging palagay muli ang loob ko na hindi na ako hahanapin pa ni Braxien.

"Good morning, Sir. How may I help you?" magligayang pagbati ni Sarah sa kakapasok lamang.

Napatingin naman ako kung sino ang unang customer namin dahil kakabukas pa lamang namin ng flower shop. Isang lalaking matangkad, maputi at medyo may pagkasingkit ang dumating. Nakasuot ito ng simple color gray shirt and black pants.

"Bibili sana ako ng bulaklak para sa liligawan ko," tugon nito na nakangiti rin.

Hindi maitatangging gwapo ang lalaki at isa pa ay lalaking lalaki ang boses.

Humarap naman sa'kin si Sarah na tila kinikilig at humihingi ng tulong. Napangiti na lamang ako at napailing. Agad akong tumayo at lumapit sa dalawa.

"Matutulungan ka namin, Sir. Ano bang paboritong kulay ng liligawan mo?" I asked.

Bago ito magsalita ay tila pinag-aralan muna nito ang buong pagkatao ko.

"Sir?" muling tawag ko upang mawala rin ang pagkailang ko.

"Ikaw ba ang may ari ng flower shop na ito?" nakangiting tanong nito.

Parang ang akward, "Yes, you're right. Paano mo nalaman?"

"Based on your confidence. Magaling kasi ako kumilatis ng mga tao. By the way, ang favorite color ng liligawan ko ay," muling tumingin ulit ito sa'kin na para bang nag iisip. "What is your favorite color?"

"Purple," walang preno kong sagot.

Late ko na narealize kung bakit niya ako tinanong.

"Sir, eh, yung liligawan niyo po anong favorite color?" naiilang kong tanong.

"Baka purple din," sa sinabi nito ay nawalan na ako ng ganang kausapin ito.

"Wala kami ng hinahanap mo," mataray kong sagot at tumalikod na, akmang maglalakad na sana ako nang may maalala ako. "At saka tiyak na hindi ka sasagutin ng liligawan mo, maliit na impormasyon hindi mo man lang alam tungkol sa kaniya. You may go now, Sir. Have a nice day!" sarcastic kong sambit dahil ang araw ko ay tila sinira na niya.

"Sungit naman pala nito, paanong naging interesado siya sa babae na 'to?" bulong lamang 'yon ng binata ngunit sapat na para marinig ko.

"Excuse me, ako ba ang tinutukoy mo?"

"No, I didn't say anything," patay malisya nitong tugon.

"Isa kang baliw, umalis ka na nga!"

Totoong irritable na ako sa presensya nito. Nakita ko na pailing-iling itong lumabas ng flower shop.

"Sayang Ma'am, gwapo sana pero mukhang may saltik," sambit ni Sarah.

"Mukha ngang may sira sa pag iisip."

××××

Braxien's POV

"Bro, kung wala lang akong utang ng loob sa'yo hindi ko haharapin ang babae na 'yon! Tinawag ba naman akong baliw? Itong gwapong 'to, tinawag na baliw? F*ck!"

Natawa na lang ako sa itsura ni Mike habang nagrereklamo. Kasalukuyan kaming nasa private room ng Enchanted Bar na pag mamay-ari nito.

"Mukha ka naman kasing baliw sa inakto mo," komento ni Mathew.

Si Matthew ang kumalap ng impormasyon tungkol sa babeng pinapahanap ko. At sa wakas ay alam ko na ang pangalan niya. Hindi nga lang formal, but at least kahit papaano ay may lead information na ako.

"Nagtanong ka ng bulaklak para sa liligawan mo pagkatapos ay siya naman ang tinanong mo. Baliw ka nga talaga!" natatawa ring dagdag ni Paolo.

"Eh, sa wala ng pumasok sa isip ko ng mga oras na 'yon, eh," sagot naman ni Mike.

Napailing na lang ako. Gusto ko lang makakuha pa ng iba pang impormasyon kay Ziah. Gusto kong maging customer niya sa pamamagitan ni Mike pero mukhang hindi sumang ayon ang plano ko dahil sa kapalpakan nito.

"May iba ka pa bang information na nalaman, Matthew?" tanong ko.

"Wala siyang post sa nakalipas na limang taon sa kanyang social media account at nalaman ko rin na nag stay siya ng mga panahon na 'yon sa America. Kauuwi pa lamang niya rito sa Pilipinas two weeks ago."

Nakakapagtaka naman na wala man lang na hindi ito naging active sa socmed ng limang taon. Para na akong mababaliw sa palihim na paghahanap ng impormasyon tungkol sa kaniya sa hindi ko rin malaman na dahilan.

Ininom ko ang alak sa baso ko, "Paano ba ako lalapit sa kaniya ng hindi siya lalayo?" tanong ko.

"Ganyan ba kapag tinamaan?" balik tanong ni Matthew.

"Isang bilyonaryo, nainlove sa isang naka-one night stand, ta-dah!" dagdag ni Paolo.

"Kayo na mayaman," sabay-sabay kaming tumingin kay Mike at binato namin siya ng slice ng lemon.

Ang akala mo kasi pulubi. Kung tutuusin ay mayaman rin naman ito ngunit matigas ang ulo at ayaw pamahalaan ang company and hotels nila at sa halip ay nagtayo ito ng sariling bar.

"Wala kang maloloko dito, Saludario!" sigaw ni Paolo.

"Ah, basta hindi na ako babalik sa flower shop na 'yon. Kung gusto mo ay si Paolo ang ipadala mo tutal bago ang mga crusing ship niyan," pagpapasa nito kay Paolo kaya napatingin ako dito.

"Dude, huwag mo 'kong tingnan," sambit ni Paolo.

Natawa naman si Mike nang makita kung paano matakot si Paolo. Sumasakit ang ulo ko sa mga ito, hindi ko malaman kung talaga bang kaibigan ko sila.

"I think, you should plan wisely," sambit ni Matthew at inayos nito ang necktie. "Dapat isang okasyon yung kapanipaniwala then, sa kanila kayo magpabook ng mga bulaklak."

Napaisip naman ako sa suhestiyon ni Matthew. Tulad noong nakita ko siya sa Casa Esmeralda ay tiyak na sila ang nagdala ng mga bulaklak noon.

"May kakilala ba kayong magbibirthday ngayon?" tanong ko.

Nagkatinginan naman ang tatlo.

"Tapos na birthday ko," tugon ni Mike.

"Tapos na rin sa'kin," tugon ni Paolo.

Tumingin ako kay Matthew.

"December pa ako," sagot nito.

Agad kong idinial ang number ng sikretrya ko.

"H-Hello, Sir?"

"Kailan ang birthday mo?"

"Ha?"

"Sydney, kailan ang birthday mo?"

"Auh, sa darating na bente-kuwatro na po, Sir."

"Okay, sagot ko na lahat sa birthday mo bilang gift ko. Tommorow morning mag report ka sa'kin and we will settled all the things for your celebration."

"Talaga, sir? Thank you po!"

Ibinaba ko na ang tawag at tiningnan ko ang tatlo kong kaibigan na ngayon ay nakatitig sa'kin.

"What?" I asked.

Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
hahhaa grabe baliw din itong mg kaibigan na ito
goodnovel comment avatar
Marilyn Rabino Moreno
pagtinaman talaga ni kupido...
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
effort kung effort ha,. Lalo na siguro kung malaman mong my anak ka na ubod Ng pogi hehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status