Share

CHAPTER THREE

CHAPTER THREE

Ziah's POV

"Ziah, anak. Darating ang mga pinsan mo galing Bulacan sa susunod na araw. Gusto ka raw nilang makita," sambit ni Mama habang kumakain kami.

"Sino? Sila Kuya Leo at Kuya Dave ba?" tanong ko.

"Oo, pero mukhang hindi lang si Leo ang bibisita sa iyo. Mukhang pati ang mga Kuya mo na si Edwin at Elvino ay bibisitahin ka rin."

Nginuya ko muna ang kinakain ko saka tumango, "Okay, Ma. Hindi na lang ako papasok ng araw na 'yon para maka-bonding ko sila."

Sa totoo lang ay miss ko rin naman na ang mga nakilala kong pinsan. Sabay sabay kami halos lumaki at tila prinsesa nila ako dahil nag iisa akong babae noong mga panahon na 'yon sa magpipinsan. They even protect me from mosquito, cockroach and frog dahil ang tatlong 'yan ang kinakatakutan ko.

"Mommy, ako ba? Gusto din nila makita?" tanong ni Zhen.

"Of course, sweetie! I'm sure they will love you and also you can play with them a basketball!"

"Yehey! Makakalaro na ako ng basketball! I'm too afraid kapag si Lolo kalaro ko baka masaktan siya."

Namayani ang tawanan sa hapagkainan ng mga oras na 'yon.

"Taga-cheer mo na lang kami, apo," tugon naman ni Papa at ginulo ang buhok ni Zhen.

Nang matapos kumain ay nag grocery kami ni Mama. Dahil linggo ngayon ay isinara ko muna ang flower shop para makapagpahinga din si Sarah at Xander.

Nag stock na rin kami ng maraming makakain lalo na't sigurado akong mananatili dito sa bahay ng ilang araw ang mga pinsan ko.

Mabilis natapos ang araw na 'yon sa simpleng pamimili at family bonding.

Kinabukasan ay binuksan kong muli ang flower shop. Nakatanggap kami ng ilang bookings. At ang ilan ay birthday celebration. Mabuti na nga lang dahil iba-iba ang date para hindi kami mahirapan.

"Ma'am, magpapaalam sana ako sa huwebes na magleleave dahil ipapasyal ko po ang pamangkin ko," paalam sa'kin ni Sarah.

Nang tingnan ko sa kalendaryo kung anong date iyon ay nakita kong a-bente-kwatro iyon ng July at may isang booking lamang kami ng araw na 'yon.

Napakagat ako sa labi, "Sige, ako na lang magte-take over ngayon. Have fun with your family that day," sambit ko.

"Thank you, Ma'am Ziah."

Agad kong ipinatawag si Xander upang i-confirmed dito kung aalis din ba ito ng huwebes. Ngunit hindi raw at maaaring siya muli ang makakasama ko sa booking namin sa Saturn Avenue, kung saan gaganapin ang birthday celebration.

Pag uwi ko sa bahay ay masayang sinalubong ako ng anak ko. Nagulat din ako ng biglang may malalaking tao ang sabay-sabay na sumalubong ng yakap sa'kin.

"Namiss ka namin, Ziah!"

"Ang ganda mo na, ah!"

"We miss you, Ziah!"

Nakangiti ko silang niyakap pabalik.

"Ang tatangkad niyo na grabe!" tugon ko.

"Hindi mo man lang kami binalitaan na may anak ka na pala!"

Katahimikan ang namayani sa'min at napatingin ako sa anak ko na nakangiti ngayon.

Hinawakan ko si Kuya Elvino sa braso at saka inilayo. 

"Kuya, ang alam ng bata patay na ang tatay niya. So please, be careful sa words."

Napakunot ito ng noo. "Okay, sorry. I didn't know. Ako na ang bahalang magsabi din do'n sa tatlo."

Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay naiintindihan nila ako. Dumating ang kinagabihan at tulog na rin sila Mama pati si Zhen. Tanging kami lang na magpipinsan ang gising at narito kami malapit sa pool.

"So, where's Zhen's Father?" panimula ni Kuya Dave.

Sandali ko silang tiningnan saka bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang lahat ng nangyari. Pero hindi ko naman dapat itago 'yon habang buhay.

"Nagbayad ako ng sperm donor and we do sex," mabilis kong tugon.

"F*ck, that Zafhara!" medyo napalakas ang boses ni Kuya Leo sa naging sagot ko.

"Anong pumasok sa isip mo at gano'n ang ginawa mo?!" tanong ni Kuya Elvino.

Napapikit ako dahil sa mga naging reaction nila.

"Hey, just listen to her. Calm down, guys," sambit ni Kuya Edwin.

"Nagbayad ako, p-pero hindi ang sperm donor ko ang tatay ng anak ko. Nagkaroon ng aberya dahil nagpalit pala ng hotel number ang sperm donor ko at hindi ko nabasa ang text niyang 'yon. N-nakapasok ako doon sa unit d-dahil yung lalaking naroon ay may hinihintay rin pa lang babae, kaya hindi rin nagduda sa'kin ang tao sa lamesa nang hingin ko ang isa pang copy ng swipe card."

"At syempre nakita mo rin naman siguro yung mukha ng lalaking 'yon. At syempre tinanong mo rin kung anong pangalan niya?" tanong ni Kuya Leo.

Tiningnan ko silang apat. Lahat sila ay naghihintay sa sagot ko.

"Oo, kilala ko. A-at baka kilala niyo rin," kibit-balikat kong tugon.

Nakakunot silang nagkatinginan.

"Si Braxien Philip Saavedra."

Napasabunot sa buhok si Kuya Dave,"As in Braxien Philip Saavedra, the billionaire?"

Tumango ako.

Parang hindi makapaniwala ang tatlo sa nalaman nila at kaniya-kaniya sila nag iwas ng tingin.

"Ziah, walang hindi makakakilala sa kaniya. And I know him little dahil minsan ng nagtapo ang landas namin noong nasa kelehiyo ako," paliwanag ni Kuya Elvino.

"At hindi ka pinanagutan ng bilyonaryong 'yon? Bakla siya kung gano'n!" sambit ni Kuya Leo.

Kanina pa mainit ang ulo nito. Ang akala mo tuloy ay siya ang naagrabyado.

"No, hindi niya alam na nabuntis niya ako. Ayokong malaman niya dahil baka kunin niya si Zhen sa'kin."

Napabuntong hininga si Kuya Dave, "Hindi mo pwedeng itago 'yan habang buhay. Lumalaki na si Zhen at kaninong puntod ang ipapakita mo? Kaninong picture ang ipapakita mo?"

"Tama si Dave, isipin mo na lang na hindi habang buhay maaari mong itago kay Zhen. He deserves to know the truth dahil ipinagkakait mo sa kaniya ang makilala ang ama niya."

Napahilamos ako sa mukha at napatakip sa bibig ko upang pigilan ang hikbing lalabas. Gusto ko lang naman magkaroon ng anak na walang pinoproblemang iba. Nagkaroon nga ako ng anak ngunit heto at hindi madali ang sitwasyong ikinakaharap ko.

"Anong gagawin ko? Nagkita na ulit kami ni Braxien ngunit hindi naman ako nito muling hinanap pa."

"Just prepare yourself, kahit bilyonaryo pa ang lalaking 'yon lalabanan natin siya kung sakaling kunin niya si Zhen."

Napatango ako, "Okay, salamat sa inyo."

Kinabukasan ay namasyal kami buong pamilya kasama ang mga pinsan ko. Kitang-kita ko kung gaano kasaya ang anak ko sa bawat araw na kasama niya ang mga pinsan kong lalaki.

Siguro'y iniisip ng anak ko na para niya na itong mga ama at sinusulit na nito ang bawat sandali. 

"Paano, aalis na kami. Bibisita na lamang kami kapag may mga free time ulit," paalam ni Edwin.

Isang mainit na yakapan ang nangyari sa bawat isa. Ngayong araw na rin sila aalis at babalik ng Bulacan. Malungkot ang anak ko na nakayakap sa bawat tiyuhin niya.

"Will you comeback?" tanong nito.

"Of course, we will. Bubuhayin namin ang Papa mo para hindi na kami ang hanap-hanapin mo," sagot ni Kuya Leo.

"Talaga? Pwede ba 'yon, Tito Leo?"

Tumingin si Kuya Leo sa'kin, "Oo naman, pwede 'yon. Kayang-kayang gawin 'yon ng Mommy mo."

Nakangiting bumaba sa pagkakabuhat ni Kuya Leo si Zhen. At tumakbo sa'kin at niyakap ako.

"Mommy, Did you hear Tito Leo said?"

"Yes, sweetie."

"And you do, right? Mabubuhay mo si Daddy hindi ba?"

Sa halip sa sumagot ay tumango na lamang ako dahil pakiramdam ko ay mababasag ang boses ko ng nagbabadyang luha. Kitang-kita ko kasi sa anak ko kung paano siya nangunguli sa ama.

"Yehey! You're the best mommy ever!" masiglang sambit nito at tumingin sa mga Tito niya. "Hindi na po ako malulungkot na aalis kayo, bubuhayin naman po pala ni Mommy si Daddy," dagdag nito na ikinatawa ng lahat.

Nakaalis na ang mga pinsan ko habang si Zhen naman ay nanunuod ng cartoon sa sala ay nilapitan ko sila Mama at Papa.

Noong una ay kinakabahan akong sabihin sa kanila ang totoo ngunit alam ko naman na hindi magtatagal ay malalaman din nila.

"Sinasabi ko na nga ba't may kamukha talaga ang batang 'yan, eh. Ang akala ko'y artista 'yon pala'y isang business tycoon," tugon ni Papa.

"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Mama.

"Sa ngayon wala pa, gusto ko munang ihanda ang sarili ko at kilalanin si Braxien dahil hindi ko rin naman lubos na kilala ang lalaking 'yon. Oo nga't sikat siya pero hindi ibig sabihin ay mapagkakatiwalaan na agad."

"Susuportahan ka namin sa kung anong desisyon mo, anak," at niyakap ako ni Mama.

××××

Someone's POV

"Bakit ba naman kasi ginto na pinakawalan mo pa? Kung hindi ka ba naman tanga," sambit ni Tita Margarette habang hawak nito ang isang kopita nag alak na may lamang wine.

"Hindi ko naman kasi alam na maghihirap si Saito," tukoy ko sa ex-boyfriend kong lulong sa droga.

And that night, Ako dapat ang nasa unit ni Braxien nang gabi na 'yon. Ang ipinagtataka ko ay may kumuha na raw ng copy swipe card.

And that woman ruined our plan. Bullsh*t!

"Kahit naghirap si Saito, kung maaga ka lang pumunta sa unit ni Braxien nang gabi na 'yon, ay hindi ka mauunahan ng kung sino."

I just rolled my eyes at iniwan na si Tita Margarette sa sala at nagtungo na ako sa kwarto. Paulit-ulit na senaryo ang nangyayari sa'kin araw-araw. Uutang ng malaki tapos ako ang mamomroblema para bayaran ang inutang niya.

Nakakainis na buhay!

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Matthew, "Where are you?"

Wala pang isang minuto ay nag reply na ito.

"Nasa tahimik na lugar, kaya huwag mo 'kong guluhin."

Hinagis ko ang cellphone na hawak ko.

Bwesit! Lahat na lang ayaw akong makausap! Parang mga wala kaming pinagsamahan. Kung maaari lang ibalik ang nakaraan ay gagawin ko ngayon din.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
duh my Bida bida na sino nman kaya to
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
naku baka ang ex girlfriend ni Braxien yun
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku sino un? mukhang ngaun pa lng may manggugulo na
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status