Share

CHAPTER FIVE

CHAPTER FIVE

Ziah's POV

"Sweetie, pag uwi ko mamayang gabi kasama ko na si Daddy mo. Kaya always be a good boy, okay?" pagkakausap ko sa anak ko.

"I'm so excited, Mom! I will be always a good boy to Lola and Lolo!" masiglang sambit nito at niyakap ako.

Matapos kong kausapin ang anak ko ay nagpaalam na ako kila Mama para tagpuin na si Braxien kung saan nagsimula ang lahat. This would be hard for me but for my son's happiness I will do. Hanggang ngayon pa rin naman ay nasa akin ang copy ng swipe card ng unit 109 kaya madali na lang ako makakapasok sa loob.

Pagtungtong ko pa lang ng Saludario Hotel ay agad kong tinawagan si Vivi to inform her na malapit na ulit kaming magkita. My best friend is support me to what decision I've made that's why lalong lumalakas ang loob ko. Sumakay na ako ng elevator at tinungo ko ang unit 109.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan at naduduwal na ewan. Hindi naman ganito noong unang pahkikita namin, ah. Dumagdag pa ang malamig kong pawis na pakiramdam ko ay lumalabas sa bawat sulok ng katawan ko.

Nang i-swipe ko ang card, ay napansin kong bukas na 'yon. Lalong namayani ang kaba sa dibdib ko dahil narito na siguro si Braxien. Wala na akong sinayang na panahon at dali-dali na rin akong pumasok.

"Nathalia, Get out of me!"

Isang sigaw ang narinig ko mula kay Braxien nang tingnan ko sa sala ay nakaupo ito sa sofa habang may nakakandong na babae.

"What the..."

"Who are you?" 'yon ang sinalubong sa'kin ng babae.

Maganda ito ngunit bakas sa mukha ang pagkairita noong makita ako.

"Ziah, wait. Ziahㅡmagpapaliwanag ako."

"Sorry, nakaabala 'ata ako," sambit ko saka lumbas ng unit.

Paano ko haharapin ang siraulong 'yon, eh may kalampungan pang hinayupak! Kagagaling lang sa hospital tapos ganyan 'agad ang pinaggagagawa?

Oh, bakit parang galit ako? Bakit parang mali ang inakto ko?

"Ziah!" patuloy ang pagtawag sa'kin ni Braxien kaya agad kong pinindot ang button pababa ng elevator.

Habang nasa elevator ay hindi ko maiwasan ang tingnan ng masama ang nagsaradong pinto ng elevator. Naikuyom ko ang aking kamao. Dahan dahan naman akong kumalma nang maalala kung bakit gusto kong makipagkita sa kaniya.

For my son, but what the heck! Ano itong nararamdaman ko?

Dumiretso ako sa isang bar malapit sa Mendiola. Mas magandang uminom na lang muna ako baka sakaling umayos ang pag-iisip ng utak ko.

Mabilis akong pumunta sa counter at humingi ng medyo hard na inumin. I don't care what people think right now to me. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako kahit hindi. Dapat pala ay nalumpo na lang ang lalaking 'yon para hindi na makapangbabae.

Eh, paano kung ang babaeng 'yon pala ang fiance nito? Damn it!

Hindi ko na mabilang kung nakailang baso na ako ng alak. Ang importante sa'kin ngayon ay mawala sa isip ko ang senaryong nakita ko dahil nag-iinit talaga ang ulo ko.

Piste!

"Masyado ka ng maraming nainom," napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko.

"And so?" I answered.

"Wala bang naghihintay sa'yo sa bahay? Baka nag-aalala na sa'yo ang anak mo," dugtong nito.

Naalala ko bigla ang anak ko. Ang sabi ko pa naman ay kapag umuwi ako ngayong gabi ay kasama ko na ang Daddy niya. Pero mukhang sama ng loob ang iuuwi ko.

"I'm Matthew, kaibigan ko ang may-ari ng bar," sabay inom nito.

"Paano mo nalaman na may anak na ako?" naguguluhang tanong ko.

"Uhm, hinulaan ko lang, oh 'di ba tumama ako. Bakit ka ba kasi umiinom?"

Hindi ko muna ito pinansin at muling nilagok ang natitirang alak sa baso ko. At muling nanghingi sa barista. Sandali akong natahimik at muling humarap sa kaniya.

"Siraulo kasi ang tatay ng anak ko. Kagagaling lang sa hospital, hayun at may kalampungan 'agad akong nakita. Kung hindi ba naman talaga siraulo ay ginawa pa sa araw na magkikita kami."

Naalala ko nanaman tuloy ang nangyari kanina kaya napalagok ulit ako ng alak.

"Siraulo nga," komento nito at uminom rin.

Hindi ko mawari pero parang pamilyar sa'kin yung itsura ng lalaking kaharap ko. Hindi ko lang alam kung saan ko ito nakita o dahil lang ba sa kalasingan ko.

Akmang tatayo ako ng ma-out of balance ako. Pero kaagad din namang may sumalo sa'kin.

"Careful, honey," para akong naestatwa sa narinig kong boses.

It was him. Hindi ako pwedeng magkamali.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

"My friend told me na nandito ka," sabay tingin nito sa lalaking kaharap ko.

"Thank me later," tugon nito saka kami iniwang dalawa.

Inilayo ko ang sarili ko kay Braxien, "Huwag ka ngang lumapit sa'kin nandidiri ako sa'yo."

"Napakadumi ng utak mo kung iniisip mong may ginagawa kaming milagro! Ni kuko ng babae na 'yon hindi ko na muling pag-aaksayahan na hawakan."

"Nye nye nye, whatever," naglakad na ako papalapit sa exit pero laking gulat ko ng may biglang bumuhat sa'kin.

"Ang akala mo 'ata makakatakas ka pa sa'kin ngayon?"

"Bitawan mo 'ko, Saavedra!"

"Tsk, not now, Honey."

Ipinasok agad ako ni Braxien sa loob ng kotse niya at ikinabit agad ang seat belt. Hindi ko na nagawang magreklamo pa dahil mas de-hamak naman na mas malakas sa'kin ang lalaki na 'to.

"Saan mo 'ko dadalhin?" tanong ko habang nagmamaneho siya.

"Sa bahay ko, hindi ba't may importante kang sasabihin sa'kin? Hindi pa ako fully okay pero pinilit ko ang sarili ko para lang malaman ang importante mong sasabihin."

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi pa pala siya okay. Eh, bakit nakikipaglampungan na agad siya? Kahit sabihin niya saking wala silang ginagawang milagro ay iba pa rin ang naabutan ko. Tumingin ako sa labas para iwasan ang mga matang nitong panay sulyap sa'kin. Hindi ako sanay na may matang akala mo'y tatakasan ko pa kung makatingin.

Sa kabilang banda ay kinakabahan nanaman ako dahil kailangan ko ng ipagtapat sa kaniya ang totoo. Naalala ko naman ang kaibigan niya kanina, alam ng kaibigan niya na may anak ako. Hindi kaya't alam na rin niya?

"Stop staring, honey."

Hindi ko namalayang sa kaniya na pala ako nakatitig.

"Psh. Kapal."

Mayamaya pa ay huminto na ang kotseng sinasakyan namin sa loob ng isang village. Sa harap ng mismong malaking gate ay kusang bumukas ito na tila ba automatic. Namangha ako sa nakita ko, dahil ito ang unang beses na nasaksihan ko ang gano'n. Talagang mayaman nga ang lalaking ito.

Nang maiparada ang kotse ay bumaba si Braxien at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ito sa loob ng bahay na siya rin namang sinundan ko. Automatic na nagliwanag ang loob ng bahay sa isang pitik lamang nito. At sobrang nakakamangha sa loob dahil iba't-ibang painting ang nakasabit.

Mas lalo akong namangha nang makita ko na ang isa sa mga pader niya ay isang malaking salamin at sa loob ay iba't-ibang uri ng isda. Tila isa itong ocean park, sa ganda at linis ng tubig.

"Take a shower ng mahimasmasan ka."

"Saan? dito?" sabay turo ko sa loob ng aquarium.

"Really, Ziah? Maliligo ka diyan? Gusto mo bang pagpiyestahan ng ilang pating diyan?"

'Agad akong lumayo sa aquarium. Potek, mamaya mabasag bigla 'yon maging gabihan ako ng wala sa oras.

"Tsk, kung iniisip mong mababasag 'yan hindi mangyayari 'yan dahil triple ang kapal niyan kaysa sa salamin sa ocean park."

Inabot sa'kin nito ang isang wardrobe at iginaya ako sa isang kwarto.

"Lahat ng kailangan mo nasa kwarto na 'yan. Please, hurry. Magluluto lang ako ng makakain natin."

Nang makapasok ako ay inilibot ko muna ang paningin ko. Binuksan ko ang isang closet at puro damit pambabae naroon. Ang lahat ay bago at hindi pa nagagamit. Mauroon din underwear at may iba-ibang size ang mga 'yon.

Ayos, ah? Ilang babae na ba ang dinala niya rito?

Mayamaya pa ay narinig ko ang boses ni Braxien sa tila ba speaker na malaiit na nakadikit sa gilid ng pader.

"Honey, please hurry up. Huwag ka ng parang namamasyal diyan."

"Wow, ah? may CCTV ka na dito may speaker ka pa?"

"Of course, kailangan, eh. Panunuorin pa kitang maligo."

"G*go!" sigaw ko.

"Just kidding, wala ng CCTV sa shower room."

I just rolled may eyes at tinungo ko na ang shower room. Para bang gusto ko na lang maligo ng nakadamit. Paano ba naman ay mayroon ngang harang colorless naman na salamin. Halos kita rin ang buong pagkatao ko sa loob.

Pagpasok ko ay biglang naging dark ang kulay ng salamin. Natutuwa akong naghubad dahil hindi naman pala ito basta-basta. Parang napapalibutan tuloy ako ng mahika sa loob ng mansion ni Braxien.

Mabilis namang natapos ang pagligo ko at talagang nahimasmasan ako. Pagkarating ko sa dinning area ay naghahain na sa lamesa si Braxien ng makakain.

"Sorry, 'yan lang ang kayang lutuin sa mabilis na paraan."

Napalunok ako. Halos lahat ng nakahain ay tiyak na masasarap. Pero isang lutong pinoy ang siyang nakakuha ng atensyon ko. It's nilagang baboy, ito ang paboritong ulam ng anak ko.

"Paboritong ulam mo ba ang nilagang baboy?" tanong ko.

"One hundred one percent, yes. Lalo na kung niluto 'yon ni Nanay Selya, mayordoma sa bahay ng mga magulang ko."

Napatango na lang ako. Halos lahat na lang ay kay Braxien minana ni Zhen. Tanging ilong lang ata ang nakuha sa'kin ng bata, hayun at hindi tuloy matangos. Tahimik na natapos ang pagkain naming dalawa halos busog na busog ako sa dami ng nakain ko.

Ngayon ay kapwa kami nagpapahinga sala at ako'y nagpapanggap na nanunuod ng TV kahit ang totoo ay kinakabahan na ako sa mga susunod na mangyayari sa'ming dalawa.

"Ziah, ano ang importante mong sasabihin?" tanong ni Braxien.

"Auh, b-bukas na lang kaya?" nauuutal-utal kong tugon.

Napakamot ito sa batok, "Please, let me hear nang hindi na ako kinakabahan ng ganito."

So kinakabahan din siya? Well, it's a tie!

Mga Comments (17)
goodnovel comment avatar
Trialyn Mendez Reyes
Thank you po Author .........
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
Ziah ano nag aalangan kpa? remember my promise ka sa anak mo dadalhin mo sya pauwi
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
sabihin mo na Ziah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status