CHAPTER FIFTEEN
Ziah's POV
"Get out of here now," utos ni Braxien kay Nathalia at kinaladkad ito papalabas ng bahay.
Nang bumalik si Braxien sa loob ay agad na isinarado nito ang pinto. Siniil ako nito ng halik at pinagtapat ang mga noo namin.
"Please, trust my words. Huwag na huwag kang papayag na mapaniwala ng iba, dahil maaari natin 'yong ikasira," paliwanag nito.
Tumango ako, "But it's that true? 'y-yung sinabi ni Nathalia kanina," paglilinaw ko.
"Of course not, maybe Mom said that to her. I don't know."
Nang araw na 'yon ay nawala na sa isipan ko ang sinabi ni Nathalia. Ramdam ko naman na hindi nagsisinungaling si Braxien at isa pa, kung totoo man 'yon natitiyak kong hindi dapat ako nito kasama ngayon.
Kinabukasan ay wala si Braxien dahil pumasok na ito sa company. Hindi ko maiwasan
CHAPTER SIXTEEN Ziah's POV Masama ang tingin nito at ang kamao ay nakakuyom habang nasa ibabaw ng lamesa. Tiningnan ko naman si Khalil na nakangiti at walang kaalam-alam sa titig na pwedeng maging mitya ng buhay niya. Hindi sila pwedeng magkalapit, dahil hindi ko alam kung kaya kong awatin kung sakaling mag abot sila. I know Braxien, si France pa nga lang ay buhay pa ngunit may kabaong ng nakahanda. "K-Khalil, mauna ka na. Kahit hindi mo na ako ihatid." "Why? I want also to meet Tito and Tita. Oh come on!" pagmamataktol nito, tulad pa rin noon. Nakita kong tumayo si Braxien at taas noong naglakad papalapit sa'min. Ang tindig nito ay tiyak na masisindak ka lalo pa't kakaiba rin ang awra. Pinagpapawisan ako dahil ang mga mata niyang 'yon ay tiyak na galit at handang pumatay ng tao. "Heyㅡ" Kinuha ni Braxi
CHAPTER SEVENTEEN Braxien's POV Habang natutulog si Ziah sa tabi ko ay hindi ko magawang alisin ang mga paningin ko rito. She and Zhen is everything to me now. Hinaplos ko ang pisngi nito at inalis ang ilang hibla ng buhok na nakalugay sa pisngi nito. Kasabay nito ang pagtitig ko sa kisame. Habang tumatagal lalong humihirap ang sitwasyon namin. Habang tumatagal padami ng padami ang pagsubok. Kung kailan aayain ko na siyang magpakasal ay saka pa may mga bagay na hindi ko maintindihan. Anong kinalaman ni Matthew sa litratong natanggap ko? Damn it! Kaagad akong napatayo at nag shower. I need to see Matthew to know the truth pero hindi doon matatapos ang lahat. Nang makapag bihis na ako ay hinalikan ko sa noo si Ziah at mabilis na nagtungo sa Enchanted Bar. I texted them all, para naman hindi ako ang magmukhang masama kapag nabugbog ko si Matthew. &nb
CHAPTER EIGHTEEN Matthew's POV "Ano ba naman kasing pumasok sa isip mo at tinulungan mo ang Nathalia na 'yon?!" nagagalit na sigaw ni Kirara. Isa sa mga tinulungan kong client noon sa paghahanap sa nawawala nitong kapatid. I don't know kung bakit sa kaniya ako lumapit para ikwento ang nangyari. Siguro ay inisip ko na lang na para mabayaran din nito ang kulang nitong bayad sa'kin noon. "Because I love her." "Love ka diyan? Hindi na love ang tawag kapag mali na ang ginagagawa!" saka nito dinuro ang sintido ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero nilabanan nito ang tingin ko. I am the one who cut staring. Matapang din ang babae na 'to, akala mo naman sobrang close kami. "You know nothing." "Wala pa akong alam bakit sa'kin ka lumapit?" sabay tapat ng yelo sa labi ko. Nang
CHAPTER NINETEEN Ziah's POV "How's your day?" tanong ko ng makarating si Braxien sa bahay. Bagsak ang mga balikat nito at malalim ang eye bag. Ilang araw na itong nag oover time sa trabaho. Kung minsan ay hindi na umuuwi sa gabi at madalas ng madaling araw kung umuwi. Kahit umagahan ay kape lang ang iniinom at aalis na. Kinuha ko ko ang coat na hinubad nito, saka ako nito hinalikan. "Tulog na si Zhen?" tanong ni Braxien. Tumango ako, "Oo, doon sa kwarto natin nakatulog dahil hinihintay ka niya." "Oh f*ck," kitang kita ko kung paano nadismaya si Braxien. "I'm sorry, Honey. May inaayos lang akong gulo sa company." Napakunot ako ng noo, "Ano bang nangyari? You can tell me," at tinabihan ko ito sa sofa. "May nawawalang stocks, hindi alam ng finacial kung saan nap
CHAPTER TWENTY Ziah's POV Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa mga narinig. Anong ibig sabihin no'n? Papaano nagawa sa'kin 'to ni Braxien. Si Zhen? Siya lang ang mahal niya? Siya lang ang kailangan niya? Pero bakit kailangan niya pa kong idamay at saktan? Nanlalabo na ang paningin ko at hindi ko na nagawa pang tumayo ng maayos at tuluyang na akong napaupo habang humahagulgol ng iyak. "You heared it right?" pagtataray ni Nathalia at lumapit sa'kin saka ako sinabunutan. "Ambisyosa ka kasi! Lumayas ka na dito! Isama mo yung anak mo dahil hindi ko rin siya matatanggap kapag ikinasal na kami!" "No, Nathalia, maiiwan si Zhen sa'kin. Ako ang magpapalaki sa kaniya!" "Pero Tita?!" Tiningnan lang siya ng Mama ni Braxien kaya wala na itong nagawa pa. Sa'kin nito ibinunton ang galit niya habang hila at hawak ng mahigpit ang buhok ko. Nasasaktan
CHAPTER TWENTY-ONE Ziah's POV "Wala kaming nagawa ng mama mo, may mga armadong kasama ang Daddy ni Braxien." Para na akong mababaliw. Anak ko 'yon, eh! Ako nagluwal at nagpalaki do'n! Kamusta na siya? Baka saktan din siya ni Nathalia? Sigurado akong umiiyak na 'yon. Hindi kaya ni Zhen na mawalay sa'kin. At hindi ko rin kaya. Bakit naman ganito? Si Zhen na lang ang mayroon ako matapos akong lokohin ni Braxien. Pati ba naman siya ilalayo rin sa'kin? "Ziah? What happened?" Tumingin ako sa kararating lamang na dalawang lalaki. Agad akong nabuhayan ng loob at tumayo. "K-Khalil, C-Colton. Tulungan niyo 'ko please. . . Yung a-anak ko. . . Kinuha nila." Muli akong lumuhod para humingi ng tulong sa dalawa. Kaagad naman akong tinayo ni Colton. "Tutulungan ka namin, hindi mo kailangan lumuh
CHAPTER TWENTY-TWO Ziah's POV "Ms. Cledera, narito na ang pagkain mo, kumain ka na!" medyo may pagalit na sambit ng isa sa mga pulis na nagdadala ng pagkain ko. Hindi ko alam kung ganito ba ang pagkain ng isang preso? Parang galing restaurant tapos may mga prutas pa. Hindi ko 'yon ginagalaw dahil wala naman akong ganang kumain. At isa pa, paano kung may lason 'yon? Wala akong pwedeng pagkatiwalaan dito. "Ma, kamusta na ang kaso ko?" naiiyak kong tanong nang bisitahin ako ni Mama. Tatlong araw na akong nakakulong, simula noong ma-hospital ako. Tatlong araw na akong nangungulila sa anak ko. Hindi naman ako nakakulong kung saan kasama ko ang ibang preso. Nakakulong lang ako sa isang selda ng wala akong kasama. At tatlong araw na akong hindi makatulog ng maayos. Miss na miss ko na ang anak ko. Napakasama nila, wala silang puso dahil nagawa nilang ilay
CHAPTER TWENTY-THREE Braxien's POV "Zhen? Wake up, mommy's here. . ." 'Yon ang unang salita kong narinig nang pumasok si Ziah sa loob. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Nanghihina ako sa lagay ng anak ko. Wala akong magawa dahil pakiramdam ko naman ay kasalanan ko. Kasalanan kong inilayo ko si Zhen kay Ziah. Iyak ito ng iyak at halos oras oras ay hinahanap nito si Ziah. Wala naman kasi akong magawa, hindi ko alam kung sino at ano ang paniniwalaan. "Anong sabi ng doctor?!" tanong nito nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "He's sick dahil sa patuloy na pag iyak," walang buhay kong sambit. Napatingin si Ziah sa'kin at mabilis itong tumayo at buong lakas akong sinampal. "Napakasama mo na nga! Wala ka pang kwentang ama! H-Hindi mo dapat inilayo sa'kin ang anak ko...naiintindihan mo ba