Share

Kabanata 1

“Sinabi ko na kasing tahimikkkkkkkk! Silence! Keep quiet!!!!!!” halos umalingawngaw sa loob ng silid-aralan ang tinig ni Gabrielle nang mga oras na iyon. 

Umagang-umaga ay nabadtrip agad siya dahil nadatnan niya ang kanyang mga estudyanteng nagkakagulo. May nagbabatuhan ng mga nilamukos na papel at mayroong nagsasabunutan. Nang marinig ng mga ito ang kanyang sigaw ay awtomatikong napahinto ang lahat sa kabalustugang ginagawa nila ngunit sa kasamaang palad pagkatapos ng limang segundo ay bumalik din ang mga ito sa kaguluhang ginagawa.

Dahil sa naramdaman niyang parang walang epekto ang kanyang pagsigaw, minabuti niya nalang na awatin ang kanyang dalawang estudyante na nagsasabunutan. Siya na ang pumagitna sa dalawa. May mga pagkakataong siya na ang nasasabunutan ng mga ito ngunit mapapalampas niya pa iyon ngunit…..

Nagimbal ang lahat nang biglang siya ang maitulak ng isa sa mga estudyante niyang nakikipag-away at bumagsak siya sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak nito.

Mistulang naging isang virgin island ang nasabing lugar at natahimik ang lahat. Kung may ibon nga lang na puwedeng lumipad nang mga oras na iyon, malamang ay iyon lang ang nakapag-ambag ng ingay sa buong silid-aralan.

Bumangon siya agad at hindi nagpahalata sa sakit ng pagkabagsak niya. Tiningnan niya isa-isa ang reaksyon ng mga estudyante, may napangiwi. May ilan na napailing at may ilan din na nakatawa.

Hindi na niya talaga kayang habaan ang pasensya niya nang mga panahong iyon. Marami na ang atraso sa kanya ng Section-Love. Kung palalampasin pa niya ito ulit, mamimihasa lang ang mga ito sa kawalan ng disiplina. 

“This is the worst class ever! Kahit kailan talaga Section Love ni hindi niyo talaga mapanindigan ang pangalan ng section ninyo. Hindi niyo manlang alam kung paano rumespeto ng inyong guro. All of you, to the guidance office! Now!” ang nanggagalaiti sa galit niyang wika at nagpatiuna nang lumabas ng pinto upang sumunod na sa kanya ang lahat ng mga estudyanteng involved sa guidance office.

She is Gabrielle Rodriguez. Mabait na guro pero mahirap galitin. Sa ilang taon pa lang na pagtuturo ay parang normal na rin para sa kanya na araw-araw na ganoong eksena sa loob ng paaralan. Hinding-hindi siya susuko sa sinumpaang propesyon o tungkulin. Layunin niyang mapabuti at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan kahit pa na isinasakripisyo niya ang kanyang sariling kaligayahan.

Halos kinalimutan na niyang makipag-date manlang o makipagkilala sa mga lalaking may potensyal na maging boyfriend niya. Paano ba naman siya makakakilala ng lalaking puwedeng mahalin siya kung nakakulong naman siya sa apat na sulok ng paaralan?Hindi naman siya abnormal at boring na tao pero school at bahay lang ang palagi niyang ruta at hindi na ito nagbago. Hindi na niya rin alam kung normal ba talagang wala siyang kahit na isang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso. Ni wala siyang makitang lalaki na magugustuhan niya hindi dahil pihikan siya at mataas ang standard sa pagpili ng lalaki kundi dahil natatakot na siyang magmahal pa. 

 Simula kasi nang mawala ang isang taong mahalaga sa kanya, sa palagay niya ay wala na siyang karapatang magmahal pa at mahalin ng iba. Naiisip niyang hindi niya deserve ang maging maligaya dahil sa nangyaring iyon na hinding hindi nawawala sa isipan niya.

“Gab!Gab!” narinig niyang tawag sa kanya ng kanyang kaibigan at kasamahang guro na si Stella. Nagmamadali ang mga hakbang nito na tila may emergency talaga o may tsismis lang na gustong malaman.

“Anong nangyari kanina sa klase mo?” Ayun. Sabi na nga ba niya, iyon talaga ang habol nito.

“Ang Section Love lang naman, ang problema,” Nakasimangot niyang tugon.

“Ba’t ganoon? Problema mo na nga ang love dahil hanggang ngayon single ka pa rin tapos pagdating dito sa paaralan, love pa rin ang problema mo,” Natatawang sabi ni Stella.

“Hindi ko lang iyon problema, kundi pati iyon ay problema mo. Advisory mo kaya sila. Palaging magrereflect sa adviser ang mga kabalastugang ginagawa ng kanyang mga estudyante,” Pang-aasar niya rito.

“Sa katunayan, hindi ko nga alam bes kung magtatagal pa ako bilang adviser nila,” Nailing din na tugon nito.

“Actually bes, may mga pagkakataon na nahihirapan na ako sa pagtuturo ngunit dahil sa naiisip ko siya nagkakalakas ako ng loob. Kung hindi ko man siya naproteksyunan dati baka sa mga estudyante ko manlang ako makabawi,” Malungkot niyang wika rito at napayuko.

“Gabrielle, huwag kang mag-alala, mahahanap din natin siya,” Wika ng kanyang kaibigan at ginagap ang kanyang kamay.

Napabuntunghininga siya. Sana nga… sana mahanap ko na siya ..

 Pabiling-biling sa higaan si Gabrielle. Hindi siya makatulog nang mga oras na iyon. Bumabalik pa rin sa alaala niya ang nangyari sa kanila noon. Paulit-ulit niyang sinisisi ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya siya ang dahilan kung bakit nangyari ang mga iyon sa kanilang pamilya. Kung hindi sana nangyari ang mga iyon noon, maaaring buhay pa ang kanyang ina at nakakasama niya pa ito ngayon upang hindi na niya maramdaman pa ang pag-iisa. May pamilya pa sana siya ngayon. Maaaring wala mang ama dahil nasanay na rin naman siyang wala ito sa buhay nila, basta ba nakakasama niya pa ngayon ang kanyang ina pati na rin ang kanyang kapatid.

 Napabangon siya mula sa pagkakahiga at kinuha sa kanyang bedside table ang larawan nilang tatlo ilang taon na ang nakararaan. Punong-puno ng ngiti ang mukha nilang tatlo dahil kaarawan iyon ng kanyang kapatid. Unti-unti na namang dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi. 

 Dali-dali na siyang tumayo at kinuha ang flashlight. Tuwing nalulungkot siya ay doon siya nagpupunta sa puntod ng kanyang ina na nasa di kalayuan lang naman sa kanyang apartment na tinutuluyan. Napatingin siya sa kanyang wristwatch alas nueve y medya palang naman ng gabi. Nagmadali na siyang bumaba at hinanap ang kanyang bisekleta.

 Mabilis na nakarating si Gabrielle sa sementeryo kung saan naroon ang puntod ng  kanyang ina. Ipinark niya ng maayos ang kanyang bisikleta sa gilid ng sementeryo at nakangiting pumasok doon. Mabuti na nga lamang at walang katao-tao sa paligid kaya mabilis niyang narating ang naturang sementeryo. 

 Nagtirik siya ng kandila sa puntod ng kanyang ina. Sa una ay nakatitig lamang siya sa puntod nito pero maya-maya pa’y hindi na niya napigilan na mapaiyak.

“Nay, bakit naman kasi hindi ka tumupad sa pangako mo? Wala ka bang tiwala sa akin Nay na mahahanap ko siya? Bakit hindi mon a nahintay na dumating ang pagkakataong iyon?”

Walang sumagot sa kanya kundi tanging mga huni ng kuliglig at simoy ng hanging panggabi. Iyon lamang ang naging kaulayaw niya sa tahimik na pag-iyak at sa pag-iisa.

“Kasalanan ko naman diba, nay kung bakit nangyari sa atin ang ganito? Kasalanan ko diba? I’m sorry Nay… I’m sorry,” Napayuko siya at niyakap nalang ang kanyang sarili.

Ganoon naman palagi. Nasanay na din siyang kapag umiiyak siya at nalulungkot ang sarili lang niya ang kumakalma at yumayakap sa kanya. 

“Hello, Chief. Namataang papuntang sementeryo ngayon ang magnanakaw. Saan ka banda ngayon?” ang habol ang hininga na wika sa kanya ng kanyang partner na si Lemuel. Marahil ay pagod na pagod na itong habulin ang sinasabi nitong magnanakaw.

“What a coincidence. Malapit na akong sementeryo. Magmadali nalang kayo at magpunta na rin doon. Ako na ang bahala sa magnanakaw,” Nakangiti niyang wika rito at pinindot na ang end button call.

Humantong na siya sa sementeryo at sinalubong siya ng hanging panggabi at tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing tanglaw. Nararamdaman niya rin ang kanyang pag-iisa sa nasabing lugar. Bunsod kasi ng tumataas na krimen sa bansa, mas pinatatag ng pulisya na umiral din ang kapayaan at disiplina sa bawat lugar ng bansa kaya mahigpit nilang ipinatutupad ang curfew na sa tingin niya’y epektibo naman dahil wala na siyang nakikitang kahit na isa mang tao sa lugar. Kailangan na niyang mahanap ang magnanakaw.

Nagsimula na siyang maglakad at napatda siya sa kanyang nakita. Isang babaeng nakasuot ng lingerie ang kanyang nakita sa harapan ng puntod na may nakasinding kandila. Itim na itim ang mahaba at nakalugay nitong buhok at umuusal ng mga salitang hindi niya halos maulinigan. Nakatalikod sa kanya ang babae kaya hindi nito alam ang kanyang presensya.

 Naisip niyang hindi naman siguro multo ang nakikita niya. Hindi siya naniniwala roon. Kung sabagay sino ba namang multo ang magtitirik ng kandila sa sarili nitong puntod? Kaya malinaw na ang babae ay lumabag sa pinapatupad nilang curfew. Gaano man ito kaganda at kasexy ngayon sa paningin niya kahit na nakatalikod, ang batas ay batas pa rin. Walang maganda at sexy sa paningin ng batas kung kaya’t nararapat lamang na ito’y hulihin. Saka na niya muna iisipin ang magnanakaw dahil sigurado naman siyang makikita niya at mahuhuli ito.

 “Miss! Police ito!” sigaw niya habang ipinapakita ang kanyang i.d. Dahil sa sigaw na iyon ay napalingon sa kanya ang babae. He was amazed to see her face. The lady is indeed beautiful idagdag pa ang kaseksihan at makurba nitong katawan na tinatakpan lang ng suot nitong lingerie. Iyon nga lang hindi halos mapapansin ang kagandahan nito dahil sa kalungkutang mababanaag sa mga mata nito. 

 Who on earth would go alone the streets wearing a lingerie? Is this lady trying to seduce some policemen?

 Naalala pa nga niyang may idinulog na suliranin ang ilan sa mga matatanda sa nasabing lugar na may mga babae raw na lumalabag sa curfew upang makapaghanap ng mga pulis na puwede nilang maakit upang mahuthutan nila ng  pera. Hindi kaya ito na ang isa sa mga babaeng matagal na rin nilang hinahanap?

 Nagkatitigan sila ng babae. Humalo ang pagtataka at pag-aalala sa mukha nito na panandalian lamang nitong ipinakita. Nag-angat ito ng kilay at sinungitan siya.

“pakialam ko ba kung police ka? Ano naman ngayon sa akin?” nakaangat ang kilay na tanong ng babae.

Lumapit siya rito at tinitigan ito. Napagmasdan niya sa malapitan ang hitsura nito. Magaganda ang mga mata nito na parang kagagaling lang sap ag-iyak. May matangos na ilong at natural na mapulang labi na tila kay sarap halikan.

“Miss, listen. You have to care that I’m a police because you have a violation,” Kalmado niya pa ring sabi.

“And what was that?” nanghahamon ang pananalita ng babae. Nakipagsabayan din siya sa pagtitig nito. Halatang-halata din sa pananalita ng babae na may pinag-aralan ito.

 Sabagay, marami nga talagang gumagawa ngayon ng masama na magaling sa pananalita kaya nga marami silang naloloko dahil matatalino sila. Kailangan niya talagang malaman kung sino ang babaing ito at kung ano ang ginagawa nito sa kadiliman ng gabi. 

“Ba’t natameme ka? Ano na ulit ang violation ko?” untag ng babae.

 Naipilig niya ang kanyang ulo. Kung saan saan na kasi sumasalipadpad ang kanyang isipan nang mga oras na iyon.

“Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinapatipad ngayon sa buong bansa ang curfew? Iyon ay dahil sa dumaraming kaso ng krimen sa bansa. And that was the law you don’t abide. Kaya sa ayaw mo man at sa gusto, sasama ka sa akin sa presinto at doon ka nalang magpaliwanag,” Matiim ang anyo niya habang sinasabi iyon sa babae. He have to be firm as a police officer.

Ngunit nagulat nalang siya nang tawirin ng babae ang distansya sa pagitan nilang dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status