Share

Kabanata 2

“Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinapatipad ngayon sa buong bansa ang curfew?And that was the law you don’t abide. Kaya sa ayaw mo man at sa gusto, sasama ka sa akin sa presinto at doon ka nalang magpaliwanag,”

 Tiningnan ni Gabrielle at tinantiya ang ekspresyon ng pulis habang sinasabi iyon. Kaseryusohan ang mababanaag niya sa mukha nito.

Patay! Kaya naman pala wala manlang akong makitang ibang tao. May curfew pala. Ang eng-eng ko talaga ngayong gabing ito! Nakakahiya!

 Kapag nadampot siya para mapunta sa kulungan, ano nalang ang sasabihin ng mga kakilala niya lalo ng mga kasamahan niya sa pagtuturo pati ng mga estudyante niya? Nakakahiya iyon lalo pa’t isa siyang guro pero hindi siya marunong sumunod sa batas na ipinapatupad. 

 Kahit sabihin man niya sa lalaking kaharap niya ngayon na dahil sa kalungkutan niya at sa dami ng iniisip nawala na sa isipan niya na may curfew. Police officers won’t believe that lame excuse. They are after of the laws to be implemented and they should never be swayed by emotions of the citizens.

 WHAT TO DO? Kaya mabilis pa sa alas kuwatro na tinawid niya ang distansya sa pagitan nila ng pulis at marahas siyang humawak sa leeg nito at idinampi niya ang labi niya sa labi nito. Napapikit siya. Hindi dahil may kakaiba siyang sensasyon na nararamdaman para sa lalaki, kundi dahil sa kahihiyan.

 Mas pipiliin nalang niyang maging kahiya-hiya sa harapan ng lalaking ito kaysa sa maging kahiya-hiya sa harapan ng mga kasamahan niyang guro at mga estudyante. 

“SHIT!!!!!!!!!!!!!!!!!!”  he cursed. Nakamulagat ang mga mata ni Zierelle habang nakahalik sa kanya ang babae kaya kitang-kita niya kung paano tumatakas ang hinahabol na magnanakaw. 

 As a gentleman, masuyo niyang tinulak palayo sa kanya ang babae at mabilis pa sa alas kuwatrong hinabol ang magnanakaw. Isipin niya palang na mappaahiya siya sa mga kasamahan niyang pulis ay nailing na siya. Napakayabang pa naman niya na siya ang makahuhuli sa magnanakaw.

 Napahinto na siya sa pagtakbo. Saglit niyang dinama ang labi kung saan siya hinalikan ng naturang babae.

 Damn that woman… Sa kaytagal na niyang panahong iniwang tigang ang kanyang puso, ngayo’y tila may pumupukaw na naman sa kanyang pagkalalaki.

 Sa ganoong tagpo ay Nakita siya ng mga kasamahang pulis.

“What now, Chief? Nasaanan na ang magnanakaw?” nailing na tila may pagdududang tanong ni Lemuel sa kanya.

“Saka bakit mo hinahawakan ang labi mo? Anong nangyari diyan? Nakagat ba yan ng langgam?” tanong ni Brent.

“Tse! Magsitahimik nga kayong dalawa diyan,” Nakasimangot niyang tugon.

“Okay. Okay,” ani Lemuel na itinataas na ang dalawang kamay na tanda ng pagsuko. “Pero nasaan na ang magnanakaw, Chief? Diba sabi mo siguradong mahuhuli mo yun?” 

Sasagot n asana siya nang biglang sumulpot ang babaeng huhulihin niya sana kanina na lumabag sa curfew pero bigla nalang siyang hinalikan. Nakalimutan na niya tuloy ang magnanakaw.

Napamulagat ang mga mata ng dalawang kasama niya nang Makita ng mga ito ang babae.

“Violating the law of curfew. Hulihin mo ang babaeng yun,” utos ni Lemuel.

Mabilis pa siya sa alas kuwatrong humarang sa daanan ni Brent.

“No!” bigla niyang harang rito.

Nagkatinginan ang dalawa at palipat lipat ang tingin ng mga ito sa kanila ng babae na ngayon ay nakahinto na at nakatayo malapit sa kanya.

“Then, why?"

“Huwag na nga kayong maraming tanong. Okay na ang babaeng yan. Pauwiin niyo na iyan sa bahay niya,.” direkta niyang wika.

“P-pero…. Ang batas ay batas kahit na maganda at se—"  hindi na natapos pa ni Brent ang sasabihin nito nang bigla na niyang tinakpan ang bunganga nito.

“Just this once, Brent. Libre ko kayo mamaya ng midnight snack,” At kumindat pa siya rito. Bumaling naman siya sa babae. “Ano pang tinutunganga mo riyan Miss? Makakauwi ka na. Baka magbago pa ang isip ko, makulong pa kita,”

Makulong pa kita.. sa puso ko.. Erase. Erase. Ipinilig niya ang ulo at iwinaksi ang ideyang pumasok sa kanyang isipan.

Tumiim lang ng titig sa kanya ang babae na halatang sinusungitan siya at mabilis na itong sumakay ng bisikleta nito at maya-maya pa’y nawala na ito sa paningin nila.

“Anong  nangyayari sayo, Chief?  Sabi mo mahuhuli mo ang magnanakaw, you’re very confident upon saying that and then… iba pala ang nahuli mo?” natatawang wika ni Lemuel nang makabalik na sila sa kanilang headquarters para magduty.

“Bakit anong nahuli niya, Pre?” natatawang tanong ni Brent. Kaswal nalang ang pag-uusap nilang iyon dahil silang tatlo nalang at magkakaibigan din naman sila.

“Sino na nga ulit ang kakilala nating nagsabi na: ang batas ay batas. Ang mga magaganda at sexy ay hindi exempted kapag may nalabag na batas,” ginaya pa talaga ni Lemuel kung paano niya sabihin ang mga katagang iyon.

“Well, a legend once said that… itago nalang natin siya sa pangalang Chief Zierelle,” pang-aasar ni Brent.

"Magsitigil nga kayong dalawa tatamaan talaga kayo sa akin! Okay. Okay. I admit na kasalanan ko kung bakit hindi ko nahuli ang magnanakaw sa sementeryo. But what on earth is that lady doing in the cemetery in the middle of the night? She disturbed me in concentrating to catch the robber,” nailing niyang wika.

“Baka naman may ginawa sayo ang  babae? Meron ba? Tell us,” pangungulit pa ni Lemuel.

Biglang nag flashback sa kanya ang kiss. Medyo ilang Segundo din siyang natahimik dahil iniimagine niya ang nangyari kanina.

“Confirmed pre may nangyari nga,” Brent concluded at nagtawanan ang dalawa.

He finally came back to his senses. “Ano bang pinagsasabi ninyong dalawa diyan? Marangal akong pulis, alam niyo yan. Alam mo ba na huhulihin ko na sana siya dahil nga lumabag siya sa curfew pero things happened. She kissed me. And as a gentleman, naisip ko na ayaw niya talagang makulong nang kahit isang gabi lang. Maybe she has a reputation to protect. Kaya warning nalang muna. Sa susunod na mag violate pa siya sa curfew hours, then it’s the time na huhulihin na talaga natin siya, gaano man siya kaganda o kasexy,"  tuloy-tuloy niyang salaysay. Nawala na sa loob niya na nabanggit na niya pala lahat.

“Pakiulit nga ng sinabi mo, Chief," may himig pang-aasar ni Lemuel.

“Ano sa mga iyon? Sa dami ba naman ng sinabi ko?"

“Yung sa part na merong.. She kissed me.” tumatawa-tawang wika ni Brent.

Wala na siyang nasabi at naghabulan na silang tatlo. Ang dalawa ay tawang-tawa samantalang siya ay asar na asar.

“Chief, ngunit paano kung ang babaeng palang iyon ang isa sa mga babaeng nirereklamo ng ibang matatanda at pulis na nagbebenta ng aliw na hindi mahuli-huli?” Natigilan sila sa sinabing iyon ni Brent,

“We’ll find out,"  ang pinal na wika niya. 

NANG gabi ding iyon ay mas lalong hindi nakatulog si Gabrielle. She is thinking about the kiss. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa unan at nagsisisigaw with matching suntok suntok pa sa higaan niya at ginalaw galaw niya rin ang kanyang mga paa dahil sa inis.

Ang eng-eng ko talaga…

Gusto na niya talagang sabunutan ang kanyang sarili nang mga oras na iyon. Nakakahiya ang ginawa niya. Ayaw niya na maheadline bilang isang guro na lumabag sa curfew at para lang hindi siya makulong nang pulis ay sinamantala niya ang kahinaan nito bilang isang lalaki at hinalikan niya ito. 

Parang ayaw na niya talaga sa Earth! Sana’y hindi na muling magtagpo ang kanilang landas ng pulis na iyon kahit pa aminin niyang napakagwapo nito. Ayaw na niyang dagdagan pa ang kanyang kahihiyan. Sabagay, hindi na siya muling lalabag pa sa curfew kaya alam niyang hindi na muling magkukrus ang mga landas nila.

Nagtalukbong siya ng kumot at pinilit niya na makatulog.

“TEAM, under surveillance natin ang babaeng iyon na natagpuan natin sa sementeryo. Baka kasi siya ang mag lead sa atin sa mga babaeng matagal na nating gustong mahuli," seryosong wika ni Zierelle sa tatlong kasamahan. Nadagdag si Julian sa grupo, may emergency kasi itong pinuntahan kagabi. 

“Chief naman kasi kung hindi ka sana nagpadaig sa halik niya sayo eh di sana nahuli na natin yun.Dalawa na sana ang nahuli natin ngayon, isang magnanakaw at isang lead sa mga babaeng matagal na nating hinuhuli,"  may pagrereklamo na wika ni Lemuel. 

“Chief? Halik? Nino? Sinong hinalikan?” sunod-sunod na tanong ni Julian. Ito ang pinakabata sa grupo pero ito rin ang pinakamausisa.

“Bunso.. mas maiging wala ka nang nalalaman pa.. kapag maraming alam, mas delikado,” tatawa-tawang wika niya rito.

Naghalakhakan naman sina Lemuel at Brent.

“So, heto ang plano, malamang na hindi naman dito lalayo ang babaeng iyon kasi dito rin naman natin siya nakita sa bayang ito. Kayong dalawa Lemuel at Brent, libutin ninyo ang interior barangays ng bayang ito at kami naman nitong si bunsoy lilibutin namin ang buong Poblacion.” tuloy-tuloy niyang wika.

“Seryoso ka na diyan Chief sa sinasabi mo? Sa interior barangay talaga kami ni Lemuel?” paniniguro ni Brent. Sinamaan niya ito ng tingin kaya’t natahimik na ito.

“Basta’t ang goal natin ngayong araw na ito ay mahanap ang babaeg iyon na natagpuan natin sa sementeryo? Okay? Malay natin at ang araw na ito ang maswerteng araw para sa atin. You can now say that promotion is waving,” nakangiti pa niyang wika pero inismiran lang siya ng mga ito at dali-dali na ang mga itong lumabas ng headquarters nila.

Halos liparin na ni  Gabrielle ang daan papuntang paaralan na pinapasukan. Paano kasi dahil sa kaiisip niya sa kahihiyan niya ay hindi na siya halos nakatulog nang gabing iyon. Patuloy niyang iniisip kung anong mangyayari kapag nagkrus ulit ang landas nila ng lalaking iyon. Pulis pa naman ito at nahihinuha niyang ditto iyon nadestino sa kanilang lugar. Ano nalang ang mukhang ihaharap niya rito? 

Naiisip na niya ang sasabihin ng principal nila kapag nalaman ng mga ito ang ginawa niyang kabalastugan.

What is this again, Ms. Gabrielle Rodriguez? Are you trying to embarrassed the whole teaching community?  

Nai-imagine na niya ang nakamulagat nitong mga mata na sa tingin mo’y kakainin ka. Napuno na rin ang imahinasyon niya ng mga estudyante niyang pinagtatawanan siya samantalang may ilan na kinikilig at tuwang-tuwa dahil ang guro nila ay nai-involve na ngayon sa isang lalaki na dati’y nakakulong lang sa apat na sulok ng silid-aralan habang palaging kaharap at kausap ang laptop, ang aklat o di kaya’y ang pisara.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status