Share

Kabanata 5

KANINA pa nila hinahanap si Gabrielle at si Grechelle ngunit hindi nila ito makita. Wala na ring tao sa bahay ng mga ito. Kaya napagdesisyunan nilang taluntunin ang masukal na daan. Nagkikislapan ang mga dala nilang flashlights upang makita sa dilim ang mga hinahanap nila.

Hanggang sa may marinig siyang isang sigaw sa di kalayuan. Nakilala niya kaagad na ang tinig ay nagmumula kay Gabrielle.

“Move!” hindi na niya malaman kung pasigaw o pabulong ang sinabi niya basta’t ang alam niya lang ay naigalaw niya ang kanyang kamay upang magbigay hudyat sa kanyang mga kasamahan kung saan dapat pumwesto. Nagkukumahog siya ng mga panahong iyon at nag-aalala siya sa maaaring mangyari sa estudyante ni Gabrielle lalong-lalo na rito.

Hindi nagtagal ay narating nila ang pinanggagalingan ng mga sigaw at nadatnan nila na hawak na si Gabrielle ng isang lalaking may hawak na patalim. Nakalagay sa may leeg ni Gabrielle ang patalim at segundo lamang o minuto ay maaari na it
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status