Share

Kabanata 9

NAPANGITI  si Zierelle nang marinig ang mga sinabi ni Gabrielle bago siya umalis sa restaurant na iyon. Napangiti lamang siya siguro dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magandang salita ang narinig niya rito. Puro nalang kasi pang-aasar at pagtataray ang umuukilkil sa isipan niya kapag naiisip niya si Gabrielle. Hindi na siya humarap sa babae pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon sa kanya at nag-wave lamang siya ng kamay hudyat ng pamamaalam niya rito dahil aalis na siya.

Ilang minuto lamang ay nakarating na siya sa opisina ng Major nila. Agad siyang sumaludo pagkalapit na pagkalapit niya sa mesa nito. Alam niyang masesermonan na naman siya nito dahil sa nangyari sa bus kanina. Sabagay, sanay na rin naman siya na palagi siyang pinag-iinitan nito. Madilim pa sa nagbabantang bagyo ang mukha nito. Nanatili siyang nakatayo at hinintay niya itong magsalita.

“Ano itong nabalitaan ko kanina? Bakit ganoon ang ginawa mo sa mga holdaper?! Diba sabi ko sayo, manghuli
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status