“S-Stella? K-kamusta ka? Anong ginagawa mo rito? Saan ka galing?” sunod-sunod na tanong ng kanilang principal kay Stella. Napaismid nalang si Eris.
Pinasadahan niya ng tingin ang babae sa harapan niya. Madumi ang suot na damit nito, magulong-magulo ang buhok na mahahalatang walang suklay, at may punit-punit na ang suot nitong damit. Ang mukha naman nito ay may mga pasa particular na sa labi nito at sa mata nito. Ganoon din sa braso nito. Kahit na sinumang makakakita sa kalagayan ngayon ni Stella ay tiyak na maaawa sa kanya. Pero hindi niya alam kung ito ngayon ang panahon para paniwalaan niya ito. Dapat saying mag-obserba.“M-maam,” iyon lang ang nasabi nito ng may garalgal na tinig pagkatapos ay nanghihina itong napaupo sa silyang nasa tabi nito at pumalahaw na ng iyak.“Stella, sabihin mo sa akin kung anong nangyari sayo?” nag-aalalang tanong ulit ng kanilang principal sa babae.Ninais niyang maawa sa kalunos-lunos nitong kalagayan ngunit hindi niya magawa dahil ma“GARY! Gary!” dumadagundong na tila kulog ang tinig ni Colonel Rolando noong tawagin nito si Gary sa opisina nito.“Bakit po boss?” nagmamadaling tanong ni Gary na hinihingal pa.“Magtatatlong araw na pero wala pa ring nangyayari sa mga artista ko. Naiinip na ako bilang director dahil lahat naman yata sila ay takot na lumabas sa kanilang lungga!” reklamo nito.“Ayan nga po boss ang sinasabi ko sa inyo pero may nalalaman pa po kayong actor at director kaya hindi ko na po alam kung anong sasabihin sa inyo,”“Heh! Tumigil ka nga riyan at hindi ko tinatanong ang mga iyan sa inyo! Hala! Bilisan mo at tipunin mo ang lahat ng tauhan natin at patayin ang mga hangal na pumasok dito sa lungga natin!” galit na sigaw ng Colonel.Hindi pa rin natinag sa kinatatayuan si Gary.“Ano ba, Gary! Bingi ka ba?! Sabi ko tipunin mo na ang mga tauhan natin at halughugin ang buong mansiyon ko kahit na mapagod man kayo sa kahahanap kung nasaan silang kuwarto nagtatago. Pagkatapos ay p
GULAT na gulat si Gary nang makita ang nakagapos na si Stella at Gwyn sa upuan nang makita niya ang mga ito sa tagong opisina ni Gwyn. Agad niyang kinalagan ang mga ito at pagkatapos ay nakita niya pang galit na tinanggal ni Gwyn ang takip nito sa bibig.Dahan-dahang nagbilang si Gary dahil ilang Segundo lang ay alam na niyang magbubunganga na ito.Isa, dalawa, tatlo, apat lima…“Ano ba naman Gary! Ang tanga-tanga ninyo! Naturingan pa naman kayong tagarito sa lugar na ito at kabisado ninyo ang pasikot-sikot tapos kayo pa ang maiisahan ng mga pulis na iyon! Napakabobo niyo talaga!” iritang-irita si Gwyn habang nagsasalita at napasabunot pa ito sa sarili nito dahil sa inis.“Ano bang alam naming sa mga plano nila, Gwyn? Kung makapagsalita ka riyan parang ang tapang-tapang mo ah,” sagot ni Gary.“Ano na tayo ngayon, Gary ha? Wala na tayong armas, kinuha na nilang lahat! Paano ka ngayon lalaban sa kanila?” tanong ni Gwyn dito.“Don’t worry, ako pa,” nakangiting sabi ni
“G-Gwyn?!” nagulat pa si Gabrielle nang biglang kunin ang blindfold niya sa mata at nang makakita na siya ay agad niyang nakita sina Stella at Gwyn na nakatunghay sa kanya. Mabilis na ring kinalagan siya ni Stella mula sa pagkakatali ng mga ito na hindi niya maintindihan kung bakit siya nito pinapakawalan.Bago kanina humupa ang usok ng pagsabog ay may biglang humila sa kanya mula sa likuran kung kaya’t napasunod siya agad. Hindi na siya nakasigaw pa at nakahingi ng tulong dahil mabilis nang natakpan ng kung sino ang bibig niya habang hinihila siya papunta sa back stage ng naturang bulwagan. May daanan kasi roon upang makalabas sa bulwagang iyon ngunit sa likurang bahagi lang. At noong alisin nga ng mga ito ang takip niya sa mga mata ay saka na lamang niya nalaman na nasa mga kamay pala siya ngayon nila Stella at ni Gwyn.“Ano na naman ang kailangan ninyong dalawa sa akin?”tanong niya sa dalawa. Hindi na niya kasi maabot kung ano na namang gumagana sa isipan ng dalawa.
ABALA ang mga pulis sa mansiyon na iyon simula nang dumating sila roon. Wala na silang inabutan pang mga buhay na tauhan ng lider ng sindikato. Tanging katawan lang ng mga ito na wala nang buhay ang kanilang nakita at ang mga magulo at sira-sirang bahagi ng mansiyon.Nang libutin nila ang buong lugar at nang ituro ni Detective Lee ang mga tagong kuwarto doon nila nadiskubre ang mga ilegal na armas at ang mga droga na maingat na itinatago ng sindikato. Makakatulong pa ang mga iyon na maging dagdag na ebidensya upang mas lalong madiin at mahuli ang sindikatong matagal nang hindi mahuli-huli.Wala na silang naabutan pa sa itinuro ni Ashtear na opisina ng boss nila dahil tanging mga gamit nalang ang naiwan doon at walang kahit na anumang bakas ang naiwan para maging pagkakakilanlan kung sino ba talaga ang boss ng Crying Ladies. Hanggang ngayon ay palaisipan iyon sa kanila dahil ayon na rin kay Ashtear ay walang nakakakilala sa mukha ng kanilang boss kundi si Gary lamang at
Kabanata 43HINDI maipinta ang mukha ni Brent at Julian nang makita nilang papasok si Zierelle sa loob ng punerarya kung saan nakaburol si Lemuel nang mga oras na iyon. Samantalang binati naman nila ng magiliw ang babaeng kasama ni Zierelle, walang iba iyon kundi ang kasintahan nitong si Gabrielle. Sinalubong naman ng pamilya ni Lemuel ang mga dumating dahil wala namang kalam-alam ang mga ito sa mga pangyayari.“Nakikiramay po kami,” wika ni Zierelle at ginagap nito ang kamay ng Nanay ni Lemuel.Pagkatapos silang igiya sa upuan ng matandang ginang ay nagsimula na itong magkuwento.“Napakabata pa ng anak kong si Lemuel para sapitin ang ganito,” napabuntunghininga pa ito.“P-Paumanhin po Auntie, at hindi ko manlang po naprotektahan si Lemuel,” nakayukong wika ni Zierelle.Hinawakan ng ginang ang kanyang kamay. “Wala kang kasalanan. Alam ko namang sa ilang taon ninyong pagsasama ni Lemuel bilang magkaibigan ay hindi mo siya kayang pabayaan. Iyon nga lang, hindi natin alam kung ano ba tal
“DETECTIVE Lee, maaari niyo po ba akong tulungan para mahanap ko ang nawawala kong kapatid?” sunod-sunod na lumunok si Gabrielle ng laway nang magpunta siya sa desk ni Detective Lee.“Anything for you. Maupo muna kayo,” anyaya nito sa kanilang dalawa si Zierelle. Naupo silang dalawa sa upuan na nasa harap ng desk nito. May privacy naman ang opisina nito kung kaya’t Malaya silang makakapag-usap.“Now, sino ang ipapahanap ninyo?” nakangiting tanong ng Detective.“Detective Lee, wala kaming ipapahanap sayo but we are asking for your help para sa mga impormasyon na makatutulong sa amin para mahanap ang kapatid niya na si Gwynette,” seryosong wika ni Zierelle.“Anong kinalaman ko sa kapatid ni Gabrielle? Wala pa akong naiimbestigahang may pangalang ganyan kung kaya’t hindi ko kayo puwedeng matulungan sa bagay na iyan. Wala akong masasabing impormasyon sa inyo,” iiling-iling si Detective Lee.“Naalala mo ang kuwintas na sinabi ko sayo na isa sa mga nahanap naming lead para matagpuan ang mga
NAGTITILI pa si Reynard nang malaman na nagpropose na sa kanya ng kasal si Zierelle. Kung kaya’t dali-dali niyang tinakpan ang bunganga nito dahil baka marinig sila ng ibang guro dahil nasa faculty sila nang mga oras na iyon. Kung minsan nga rin talaga hindi niya ito maintindihan kung lalaki ba talaga ito o lalaki na may pusong babae.Magmula kasi nang mawala si Stella ay si Reynard na ang taong naging mas malapit sa kanya kung kaya’t sa lalaki niya sinasabi ang lahat ng kaganapan na nangyayari sa relasyon nila ni Zierelle.“Oo! Kaloka nga! Everything went slowmo and the moment na nagsink in na sa akin ang lahat ay nang makita ko na siyang lumuhod sa harapan ko,” kinikilig rin niyang wika sa kausap.Maya-maya pa’y biglang napahinto sa paglalakad si Eris at napatingin sa dalawa. Nabigla ang dalawa ngunit huli na upang bawiin pa ni Gabrielle ang kanyang mga salita.“Gab, what happened next? He already proposed to you?! Really?!” namimilog ang mga mat ani Eris habang itinatanong iyon. N
"S-SINO ka?” ang tinig na iyon ang nagpalingon sa kanyang paghahalungkat. Halatang bagong gising ang babae dahil pupungas-pungas pa ito habang tumatayo mula sa pagkakahiga sa sofa’ng naroroon. Ibig sabihin kanina pa ito na nasa loob ng study room ni Major Rosales.“I-Ikaw? S-sino ka?” pati siya ay nagkandautal na rin sa pagsasalita dahil kahit na kaunting liwanag lang mula sa buwan ang tumatanglaw sa kanila na nagmumula sa bintana ng naturang silid ay mapapansin pa rin ang kagandahan ng babae. Hindi na nga niya namalayan na nabitawan na niya ang dala niyang flashlight.“Anak ako ni Major Rosales. Saka ano bang nangyayari? May dapat ba akong malaman?” nakapamaewang nitong tanong sa kanya.“Police ako,” mahina niyang tugon sabay pakita ng i.d. niya.“So? If you’re one of the police officers here in town, do you have the right to go here in the middle of the night?” parang tinamaan siya sa sinabi ng babae.“Alam ko na hindi ko dapat gawain iyon ngunit ikaw ang talagang sadya ko,” halata