Share

Kabanata 43

Kabanata 43

HINDI maipinta ang mukha ni Brent at Julian nang makita nilang papasok si Zierelle sa loob ng punerarya kung saan nakaburol si Lemuel nang mga oras na iyon. Samantalang binati naman nila ng magiliw ang babaeng kasama ni Zierelle, walang iba iyon kundi ang kasintahan nitong si Gabrielle. Sinalubong naman ng pamilya ni Lemuel ang mga dumating dahil wala namang kalam-alam ang mga ito sa mga pangyayari.

“Nakikiramay po kami,” wika ni Zierelle at ginagap nito ang kamay ng Nanay ni Lemuel.

Pagkatapos silang igiya sa upuan ng matandang ginang ay nagsimula na itong magkuwento.

“Napakabata pa ng anak kong si Lemuel para sapitin ang ganito,” napabuntunghininga pa ito.

“P-Paumanhin po Auntie, at hindi ko manlang po naprotektahan si Lemuel,” nakayukong wika ni Zierelle.

Hinawakan ng ginang ang kanyang kamay. “Wala kang kasalanan. Alam ko namang sa ilang taon ninyong pagsasama ni Lemuel bilang magkaibigan ay hindi mo siya kayang pabayaan. Iyon nga lang, hindi natin alam kung ano ba tal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status