Share

Chapter 3: Mindy's house

2 months later

"Thank you for working with us for five years, Yaya." 

"You're welcome, Ma'am." I hugged her then she hugged me back.

Kailangan kong gawin ito kase wala na akong pera na ipapa-sweldo sakanya.

Kailangan narin naming umalis sa bahay na tinitirhan namin ngayon dahil beninta ko na ito, inantay ko nalang yong bumili nito ngayon, ibibigay niya na kase ang pera. 

Nag hiwalay na kami ni Daren at nagnakaw pa talaga siya ng malaking pera sa companya na pinaghirapan ko, sinubukan niya pa akong siniraan.

"Mommy,  anong kakainin natin ngayon?" Tinignan ko iyong anak ko at hinawakan ang pisngi niya.

"Pasensya ka na sweetie, walang dalang pagkain si Mommy. Pero may apple pa naman don sa ref kunin mo nalang tapos kainin sa ngayon, antayin mo na natin iyong buyer ng house natin pagkatapos bibili tayo ng food na gusto mo."

"Okay," she smiled.

Narinig ko ang pag tunog ng doorbell kaya kaagad akong tumayo at binuksan iyon.

"Hello, good morning--" nagulat ako nang dalawang makita ang limang lalaki na biglang walang pasabing pumasok sa bahay at sinimulang sirain ang mga kagamitan dito sa bahay.

Nakita ko si Elizabeth na may kagat-kagat na apple, kakagaling lang nito sa kusina. Kita ko ang gulat sa mga mata niya at nahulog sa kamay nito ang apple na hawak-hawak niya. 

Mabilis akong tumakbo sa gawi niya at niyakap siya.

"Elizabeth go to your room now!" I mutterd and she immediately run to her room. 

"Ano bang ginagawa niyo!! Sino ba kayo!!" Sigaw ko sakanila pero di sila nakinig. Sinubukan kong pigilan iyong isang lalaki na basagin iyong family picture namin pero tinulak niya ako kaya naupo ako sa sahig.

"PUTANGINA TUMIGIL NA KAYO!!!!" Sigaw ko at napaupo nalang sa gilid nang maramdamang nawawalan nang lakas itong tuhod ko habang pinapanood silang sinisira lahat ng kagamitan sa bahay. Mukhang di naman sila magnanakaw at parang ang pagsira lang ng mga gamit dito ang pakay nila.

Ilang minuto pa ang lumipas di ko namalayang wala na pala iyong limang lalaki, na naramdaman ko nalang na buglang yumugyug sa balikat ko.

"Mommy? Mommy?!" Bigla akong natauhan at nakita ko naman si Elizabeth na nakatayo sa harapan ko.

"Are you okay Mommy?" that question made me cry, hinawakan ko ang pisngi niya at tinignan ang buong katawan kong may sugat ba ito, nakahinga ako nang maluwag kase mukhang okay naman siya.

"O-Oh y-yeah, Mommy is okay sweetie." I forced myself to smile at her. I can't show my daughter that I'm weak, I have to be strong for her.

Alam ko na kung sino ang may pakana nito!! Hindi na nga siya nahinang mag nakaw sa companya tapos ngayon ito?!! Ang kapal talaga nang mukha mong gagu ka! May araw ka din sakin tandaan mo yan!! That shameless jerk, ginigigil niya ako! He didn't even feel sorry for her daughter!

Sige lang ipagpatuloy mo lang iyan, sirain mo man ang pagkatao ko, wala akong pake! Kunin mo na lahat nang pera ko, wala akong pake! Basta wag mo lang balak kunin itong anak ko... mag kakamatayan muna tayo bago mangyari iyon!

_

"Ibebenta ko sana iyong mga gamit sa bahay pero sinira nila lahat." Paliwanag ko kay Mindy.

Nandito kami ngayon ng anak ko sa bahay ng pinsan ko na si Mindy. Naturulog na si Elizabeth ngayon, pinatulog ko na siya kase gabing-gabi na at alam kong napagod iyon sa byahe papunta dito. Yong bibili lang bahay at lupa ay maliit lang na amount ang binigay niya sakin kumpara don sa napag kasunduan dahil narin sa nga basag na gamit at iba pang damage sa bahay.

Wala naman akong ibang magagawa kase kailangan ko talaga nang pera, wala na kaming makain ng anak ko kung di ko tatanggapin iyon. Pati kase iyong savings sa bank sa para sa anak ko kinuha rin nang gagung iyon! Sobrang kapal talaga!

Mag hahanap ako nang trabaho para magka pera. Nakatapos nga ako nang pag-aaral kahit na nabuntis ako, naging ina at asawa at the same time. Natupad ko ang pangarap kong makapag patayo ng sariling companya, nakaya ko iyon lahat tapos ito lang susukuan ko pa?

Ako iyong tipo ng babae na hindi madaling sumuko, nalagpasan ko nga iyong mga pagsubok dati kaya ito makakaya ko ito. Hindi pa naman magugunaw ang mundo kaya ba't ako susuko, kakayanin ko ang lahat para sa anak ko, hindi ako susuko.

"So, san mo balak tumira niyan Elyse? Dito?" Tanong niya sakin. Napakamot ako sa leeg ko at sinubukan siyang tignan sa mata.

"Hindi ko na talaga alam Mindy, pwede bang dito muna kami? Ikaw nalang kase talaga iyong malalapitan ko. Tutulungan naman kita sa mga bayaran sa bahay at paglilinis." 

"Ano ka ba Elyse, okay lang sakin na dito muna kayo. Ako lang naman mag isa dito sa bahay eh." Ngumiti siya sakin.

"Pumapayag ka na dito muna kami??"

"Syempre naman! Sa lahat lahat ng pinsan ko, ikaw ang paborito ko. Nakalimutan mo na bang ikaw ang tumulong sakin na mag tayo nitong bahay, tinulungan mo akong makapag tapos ng pag-aaral. Ang laki-laki ng naitulong mo sakin at ngayon ako naman ang tutulong sayo." Napangiti ako sa sinabi niya.

Oo, ako ang tumulong sakanya. Madami-dami rin naman akong tinulungan na kamag-anak kong makapag tapos ng pag-aaral. Tulungan silang makahanap ng trabaho, sino pa nga ba ang mag tutulungan? Eh, di kami rin mga magka pamilya.

Yon nga lang, nong naghirap sila tumulong ako. Pero nong ako ang naghirap at kailangan ng tulong... sa dinami ng natulungan ko si Mindy lang yata ang gustong tumulong sakin. Ganyan talaga eh, nakakalimot na, kapag wala ka nang pera bigla-bigla nalang hindi ka na kilala.

"Maraming salamat, maraming maraming salamat talaga Mindy!" Saad ko bago siya niyakap. "Ikaw nalang kase talaga iyong ang huling taong malalapitan ko Mindy." Dagdag ko pa.

"Shhh... wag ka nang umiyak, baka marinig ka ng anak mo." Pinahiran niya iyong luha ko.

"Saka nga pala, kailan mo balak mag hanap ng trabaho?" Tanong niya at nag kibit balikat naman ako.

"Don sa restaurant na pinag ta-trabahoan mo nag hahanap ba sila ng employee? Kahit pag ja-janitor nalang, kahit pansamantalang trabaho lang."

"Wala eh, pasensya ka na Elyse."

"Okay lang, ako na ng bahala. Mag hahanap nalang ako sa online baka may makita ako." Saad ko.

Nag buntong hininga ako at ngumiti. Kahit pangit ang araw ko dapat di ko parin kalimutan na ngumiti. Ba't naman ako malulungkot diba? Dapat nga mag pa salamat ako kase healthy ako at pati narin ang anak ko, pera at asawa lang ang nawala sakin hindi iyong anak ko. 

Ang manloloko na lalaki ay mapapalitan iyan pero iyong anak hindi, oo pwede naman akong magka-anak pa pero hindi naman mapapalitan non si Elizabeth kase iba siya. Si Daren, pwede ko siyant palitan ng lalaking mamahalin ako ng totoo at di ako lolokohin.

Natulog na kami, kinabukasan ay hinatid ko si Elizabeth sa bagong school niya. Sinimulan ko na ang pag hahanap ng mga trabaho sa online.

Nandito lang ako nakaupo sa bench habang focus na focus dito sa phone ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa phone, mahirap na baka ma nakaw ito. Dapat mag ingat ako, di ko pa naman afford bumili ng phone ngayon, dapat unahin ko iyong pagkain kesa sa gadget.

"Hiring assistant--" hindi ko na natapos basahin iyon dahil biglang may umagaw sa phone ko, nanlaki naman ang mata ko ng mapagtantong magnanakaw iyon.

Mabilis ko namang hinabol iyong lalaking naka hoodie na kulay itim.

Habang tumatakbo ay sinubukan kong tanggalin iyong isang sapatos ko, walang sintas itong sapatos ko kaya madali siyang tanggalin. Wala na akong pakialam kong pag tinginan ako ng mga tao dito.

"Hoy ibalik mo iyong phone kong mag nanakaw ka!!!" Sigaw ko don sa lalaki, lumingom siya sakin pero patuloy parin sa pag takbo. Pogi mo sana kaso mag nanakaw!

"Tang*na matamaan ka sana!" Pinikit ko ang isang mata ko at tinapon ng malakas iyong sapatos. Para naman akong nabuhayan ng tumama iyon sa ulo niya at bigla siyang natumba. Mabuti nalang at hindi sa ibang tao tumama iyong sapatos ko, di naman masyadong marami iyong tao dito.

Mabilis akong tumakbo ako papalapit don sa lalaki bago pa siya makabangon at takbuhan ako. Bago pa siya makatayo ay hinila ko ang buhok niya at sinuntok ang likod niya, pilit kong hinila iyong phone ko at napag tagumpayan ko nga.

"Bwesit ka!! Akala mo di kita mahahabol, hoy runner ako nong highschool! Gold medalist ako!"

Bigla niya akong tinutulak kaya napaupo ako sa sahig, mabilis siyang tumakbo papalayo sakin. Napadaing ako kase masakit iyong siko ko.

Dahan-dahan kong kinuha iyong phone ko na malapit lang sa akin, pag tingin ko rito ay may crack na at di ma open.

Napatampal ako sa noo ko at napakagat nalang rin ng kuko. "Nakuha ko nga iyong phone ko pero sira naman!"

Ba't ba ang swerte-swerte ko ngayon taon!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
TotoJojo Luntao
very destructive husband
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status