Share

Chapter 6

She suffers a lot. Fellin suffered a lot. Imagine, at the age of six, they forced her to remove her emotions. She was locked in the room with no light, just darkness. I know how lonely it was, hindi ko man na-experienced but the thought na mag-isa ka sa dilim, I don’t think I can survive if I am on her place.

Their mom was really strict, you need to always obey the rules or else you’ll be punished. That’s what Gin told me. Compared to me and Fionna, Fellin is already matured. Yeah, mas matured pa siya kung mag-isip kaysa sa amin. Maybe from her experience. Kung bakit siya lang ang nakaranas ng ganoon ay dahil sa nagawa niya noong three years old pa lang siya.

It happened when they’re eating and Fellin suddenly stabbed her yaya with a fork. They were all shocked and when they saw Fellin’s reaction, that’s when they decided.

Hindi ko alam kung anong iniisip ni tita Dionne noong mga panahong iyon. Sarili niyang anak ilalagay niya sa alanganing sitwasyon. I don’t even know if I can call it “luckily” or “unfortunately” noong namatay siya dahil hindi ko man lang nakitang umiyak o nalungkot si Fellin, in fact, mas naging malaya pa siya at nakakilos ayon sa gusto niya. But Fionna mourned for her mother.

It’s already seven in the morning but it feels like I only slept an hour. I’m still on my bed, staring at the ceiling. Today is rest day, kagigising ko lang pero mukha na agad akong pagod na pagod. Napatingin ako sa table sa tabi ng kama, nakita ko ulit ang litrato na nakuha ko kagabi. Kinuha ko ito at pinagmasdan.

“They look happy,” I mutter.

Nakangiti ang halos lahat sa kanila maliban lang sa isa, I guess he’s the head of the family. Seryoso ang mukha niya. Ang dalawang batang babae at lalaki naman ay magkaakbay habang malawak ang ngiti. Nakaramdam ako ng inggit. I wish we’re also like this. Maya-maya lang ay biglang nag-ring ang bagong phone ko. It’s my grandma.

“Hi Gran—”

“You spoiled brat!”

Bigla kong inilayo sa tainga ang telepono dahil sa lakas ng boses niya. Tsk, kahit kailan talaga.

“It’s nice to hear you too, Gran. I’m fine, thank you. And oh, I miss you too,” I sarcastically said, rolling my eyes.

“Pasaway ka talagang bata ka, isang linggo pa lang tinatagal ng telepono mo, may bago na naman!” sermon niya kaagad sa akin.

“Yeah, thanks to the traitor,” I said.

“Lumabas ka nga riyan at mag-uusap tayo.”

“We’re already talking, Gran,” walang ganang sagot ko.

“Lalabas ka o sisirain ko ‘tong pinto mo?” Awtomatiko akong napabangon sa sinabi niya. Seriously?! Nandito siya sa mansyon?!

“Isa!” bilang niya. Mabilis akong kumaripas ng takbo sa banyo para magtoothbrush at hilamos. Hindi man siya strikto pagdating sa training, strikto naman siya pagdating sa hygiene kaya hindi ko siya pwedeng harapin nang kagigising lang at wala pang hilamos at mumog.

Halos hindi pa ata umabot ng isang minuto ang ginawa ko, mainipin din kasi siya, mas malala sa ‘kin. Paglabas ko ng banyo ay pumunta agad ako sa pintuan para pagbuksan siya. Excited ako dahil ilang taon din kaming hindi nagkita, though nakakapag-usap naman kami through call pero ngayon lang siya pumunta rito at binisita ako. Hindi kasi sila magkasundo ni Dad kaya hindi niya rin ako magawang bisitahin. Binuksan ko ang pintuan at nakangiti siyang hinarap.

“Good morni—”

Halos madapa pa ako nang bigla niyang hablutin ang kamay ko at hilain palabas. Seryoso? Matanda ba ‘tong kasama ko? Mas energetic pa siya kaysa sa akin.

“What the f*ck, Gran!” reklamo ko.

“Minumura mo ba ako, Fevianna?” tanong nito nang hindi pa rin tumitigil sa paglalakad.

“Of course not, I was just shocked. Bakit ka ba bigla-biglang nanghihila?”

“I told you, mag-uusap tayo sa labas.”

My jaw dropped. Don’t tell me literal na labas talaga?

“Yes, sa labas,” pagkumpirma nito na animo’y nabasa ang nasa isip ko.

Kahit na naguguluhan ay sumunod na lang ako. Pinagmasdan ko siya at napangiti. How I miss this woman, ang boses niya, haplos niya, kilos niya, everything about her. Kahit na mas bata pa siya kumilos kaysa sa akin. Actually she’s only fifty-seven years old, medyo bata pa dahil maaga siyang nagkaanak. Hindi naman siya mahilig magkwento tungkol sa past nila, it was a trauma for her kaya hindi na rin ako nagtatanong. But actually she’s cool, hindi mo mahahalata sa edad niya ang kilos niya.

Paglabas namin ng mansyon ay dinala niya ako sa garden at umupo kami sa bench. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nakita ko ang pangingilid ng luha niya.

“Oh my dearest apo, you’ve grown up,” nakangiting sabi niya na may halong panginginig ng boses dahil sa nagbabadyang luha.

“It’s natural, Gran, haller!” pagtataray ko kaya naman bigla niyang hinampas ang balikat ko. Sa totoo lang, sa kaniya ako nagmana sa pagiging sadista. Yamot kong hinimas ang braso ko nang magsalita ulit siya.

“I missed you so much, Fev.” Niyakap niya ako at ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap.

“I missed you, too.”

Pagkalas niya ng yakap ay pinunasan niya ang luha niya. Natawa na lang ako dahil sa arte ng pagpunas nito dahil daw baka masira ang make-up.

“Oh by the way, bakit ka nga pala pumunta rito? Okay na ba kayo ni Daddy?” I asked. She flashed a bitter smile.

“We will never be okay. Bumisita lang ako dahil gusto kong makita ang apo ko,” she smiled. But I sensed something about her smile. Hindi basta-basta bumibisita rito si Gran kahit na gusto niya akong makita. It’s been eight years pero ngayon lang siya bumisita. Am I being paranoid? Baka naman na-miss niya lang talaga ako.

“So what’s your plan for today?” she asked.

“Nothing. I’ll just watch movies or series or sleep all day.”

“What? Mag-i-stay ka sa room mo?” nanlalaki ang matang tanong niya.

“Yes. Is there a problem with that?”

“You know what? You’re so boring.” mataray niyang saad.

“Wow, coming from an old hag,” I said.

“I’m not old, I’m gold.”

“Old gold.”

Pareho kaming natawa matapos ang sagutan namin. I missed this! I really really missed my Grandma.

“So since wala kang plan today, how about we go on shopping?” she offered.

“Sounds good!”

*****

Para lang kaming magkapatid kapag magkasama. The favorite part I really missed sa tuwing magkasama kami ay ang pagkain sa paborito naming fast food restaurant. Busog na busog ako paglabas namin, parang ngayon lang ulit ako nakakain nang gano’n karami.

Nagtatawanan lang kami habang nakaupo sa bench at nagkukwentuhan. Marami siyang kinwento sa akin tungkol sa probinsya namin sa Pangasinan. Marami na rin pala ang nagbago roon. Gusto ko na tuloy bumisita.

I’m also thankful dahil kahit ilang oras lang ay nakalimot din ako ng tungkol sa misyon, no stress, no pressure, we just had fun.

“So, where are we going next?” tanong niya.

“Hindi ka pa pagod?”

“No, warm-up lang iyon.”

Natawa naman ako sa sinabi niya. I think I’m the luckiest apo na dahil may ganito akong klaseng lola, though ayaw niyang tinatawag ko siyang lola dahil nakakatanda raw kaya “Gran” na lang. Pero halos walang pinagbago, ewan ko ba, ang weird niya mag-isip.

“Gran, baka nakakalimutan mong hindi ka na bata. Hinay-hinay rin, okay? Huwag mo akong sisisihin kung may maputol na buto riyan,” mataray na saad ko sa kaniya, tinutukoy ang mga buto nito sa paa. Masyado siyang energetic, kanina habang nag-s-shopping kami ay akala mo mauubusan. Ngayon ang dami tuloy naming bitbit. Sabi ko ipadala na lang sa mga butler but she insisted, exercise niya na raw iyon. Ewan ko ba, napakakulit ng matandang ‘to.

“At hindi pa ako matanda, okay?” balik niyang pagtataray sa akin. Well, kanino pa ba ako magmamana.

“Oo na lang.”

“Oops, gotta pee,” saad niya at naglakad papuntang comfort room.

Naiwan akong mag-isa rito sa bench. Napagpasiyahan ko na lang na tawagan ang isa naming butler para kunin ang mga pinamili namin. Hindi namin kasama si Gin ngayon dahil may ibang pinagawa sa kaniya ang Daddy. At itong mga pinamili, alam kong sesermonan na naman ako ni Gran kapag nalaman niyang pinahakot ko ang mga ito. Pero wala na siyang magagawa, desisyon ako sa buhay.

Pagkatapos kong tawagan ang butler namin ay agad naman siyang pumunta rito. Mahaba ang bench pero dahil sa rami ng pinamili namin ay sinakop nito ang halos buong upuan. Pagkaalis ng butler ay sakto namang may umupong babae sa tabi ko.

“Finally!” saad nito. Sinulyapan ko lang siya at hindi na pinansin.

Maya-maya lang ay may inilagay pang mga shopping bags at kung anu-ano sa bench na halos ipatong na rin ang iba sa akin. Huminga lang ako nang malalim at hindi iyon pinansin pero mukhang sinasadya niyang iusog sa akin ang mga iyon.

“Uh... miss, pwedeng usog ka pa ng kaunti? Marami pa kasi akong ilalagay eh,” plastic na ngiting aniya. Hindi ko siya pinansin.

“Hello? May kausap ba ako? Excuse me, miss?”

Kinuha ko ang iba at inilagay sa baba. Ngayon ay maluwag na ulit ang upuan.

“Problem solved.” Inirapan ko siya.

Nakaawang naman ang mga labi nito nang tingnan ako. Ilang segundo pa ulit bago siya nakapagsalita.

“Ayokong nilalagay sa sahig ang mga shopping bags ko.” Pinulot niya ang mga iyon at ibinalik ulit sa upuan. Nairita na ako, tiningnan ko siya nang salubong ang kilay.

“Can’t you see? May nakaupo rin dito. If you don’t want to put that on the floor, then hold it!”

Nanlalaki naman ang mga mata niyang tumingin sa akin. “Excuse me? Nakikisuyo lang ako. Ganito rin naman karami ang dala n’yo kanina ah?” she argue.

“So? May nagreklamo ba?”

Hindi siya nakasagot. Maya-maya lang ay may isang pamilyar na boses ang nagtawag.

“Ems!”

Sumulyap ako rito. I’m a bit shock but I’m not surprise anymore na magkikita ulit kami. It’s Ryven.

“Vanna? Oh, hi,” bati nito sa akin.

“Magkakilala kayo?” the girl asked.

Biglang pumasok sa isip ko ang mga pangyayari noong nagkita kami. Sh*t hindi nga pala pwedeng malaman ng iba ang tungkol sa mga pangyayaring iyon.

“No.”

“No.”

Sabay naming sagot. Nakahinga ako nang maluwag dahil kahit papaano ay alam niya rin pala ang ginagawa niya.

“Huh?” naguguluhang tanong ng babae.

“Yeah, ah... no, hindi kami magkakilala. Pero ngayon... magkakilala na,” pilit na ngiting aniya. Tanga rin pala magrason. Napaka-obvious.

“What?” Halata na ang irita sa mukha ng babae.

“I mean... you know, like mushrooms,” he said with straight face. What the hell is that mushroom? ikinumpara niya ako sa isang kabute?!

“Mushrooms?” the girl asked.

“Pasulpot-sulpot lang, hehe.”

Pareho kaming napanganga sa sinabi niya. So that’s what he thinks of me?! What the f*ck! This guy!

Kahit na sa sobrang inis ko ay nagawa ko pa ring magsalita nang maayos dahil ayokong gumawa ng scene lalo na at public place ito.

“I’m leaving,” I said and saunters off.

Buti naman at hindi niya na rin ako hinabol. Not that I’m expecting though. Dumiretso ako sa paglalakad papuntang comfort room pero nagtaka ako nang makita si Gran sa labas na nakatayo at nakatulala. Lumapit ako dito pero tila hindi niya ako napansin dahil tumagos sa akin ang tingin niya.

“Gran? What’s the matter?” tanong ko. Namumutla siya.

“Gran? Hey,” sinubukan kong tingnan kung sino ang tinititigan niya pero tanging likod na lang nito ang nasilayan ko at marami ring tao kaya hindi masyadong klaro.

“Umuwi na tayo,” saad niya na ikinagulat ko.

“What? Tanghali pa lang, Gran.”

“Let’s go.” Hinawakan niya ang wrist ko at hinila na ako palayo. Naguguluhan pa rin ako pero hinayaan ko lang siya na hilahin ako.

“Gran, ano ba? Sino ba ‘yon?” iritado nang tanong ko.

“Huwag ka nang magtanong, Fevianna, sumunod ka na lang,” sagot nito nang hindi tumitingin sa akin.

“No. Kailangan kong malaman kung sino ‘yon. Ano bang nangyayari?!”

Pilit akong huminto at hinarap siya pero nagulat ako nang makita ko ang mukha nito. Basa ang mga mata niya at tumutulo pa ang luha mula roon. What the hell is happening? Why is she crying?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status