Share

Chapter 8

“You know him, do you?” tanong ni Fellin at lahat sila ay nakatingin na sa akin.

Tumango lang ako habang hawak pa rin ang papel. Malamang ay namukhaan siya ni Gin dahil siya ang kumausap dito noong gabing aksidente akong napunta sa sasakyan niya. Bigla namang inagaw ni Fionna ang papel.

“You know him? OMG, who’s this guy?” tanong niya habang palipat-lipat ang tingin sa aming tatlo.

“His name is Ryven Verlian, he’s the guy from Fevi’s previous mission. Remember? The infiltration,” paliwanag ni Fellin at napa- Oh naman si Fion.

May pinag-uusapan pa sila tungkol sa kaniya pero hindi na ako nakinig dahil hindi naman ako interesado. Kinuha ko ulit ang litrato ni Matthew Verlian. Familiar siya sa akin. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita, o baka kamukha niya lang? Kinuha ko na lang ang papel at itinago sa bulsa. Aalis na sana ako roon nang pigilan ako ni Fion.

“Where are you going?” nakataas ang kilay na tanong niya.

“To my room,” walang ganang sagot ko.

“We’re not finish yet.”

“And? Am I needed here? Ni hindi nga ako makakasama sa meeting kung hindi ko nakasalubong si Gin at Fellin,” mataray na sagot ko.

“That’s the original plan. But now that you knew one of them, as much as I hate to admit it, we need your cooperation,” naiilang na saad ni Fion. Parang kahapon lang halos isuka niya na ako, ah? Why the sudden thought?

Umirap lang ako at bumalik sa puwesto ko kanina. “So, what’s the plan?” walang ganang tanong ko.

“For now, we need to watch the son,” sagot ni Fellin habang nakatingin sa litrato ni Ryven na nakapatong na sa desk, “he’s more dangerous than Matthew,” she added. Hindi na ako nagulat, gano’n din ang naramdaman ko no’ng nakausap ko siya sa mansyon.  I already sensed that behind those playful smirks, there’s a demon.

“How about Matthew?” I asked.

“We still can’t locate him,” Gin answered.

“Then how did you take his personal info? Sigurado ba kayong siya ito?” tanong ko habang tinuturo ang litrato niya.

“Don’t underestimate my skill, Fevi,” singit ni Fellin sa usapan. Oo nga pala, bukod sa matalino siya, magaling din siya pagdating sa computer. Malamang ay ni-hack na nito ang system ng company ni Mr. Tan. Nang malaman kasi nila na may koneksyon ang Verlian kay Mr. Tan ay pinag-aralan na nitong mabuti ang bawat galaw nila, pati na rin ang mga personal info’s and connections.

Tumahimik na lang ako at sumandal sa upuan.

“Sa ngayon, hindi muna tayo kikilos,” panimula ni Fellin, “but we need to keep on watch this man.” Tinuro niya ang litrato ni Ryven.

Tahimik lang kaming nakikinig sa kaniya at nakatutok sa bawat salitang binibitawan niya.

“Fevi and Fionna will do the surveillance while Gin and I will continue to locate Matthew,” she ordered and no one complained. Pinaliwanag niya ang detalye tungkol sa plano at kung saan maaaring puntahan ang target. Even Fellin knew how dangerous that man is that she needs to plan carefully without failing. One wrong move and we’re all dead. That’s why she’s getting serious this time.

“If you have no complaints, then you may leave,” utos nito at naglakad patungong computer lab.

Wala akong imik na lumabas ng basement. Kasunod ko pa si Fionna na nagrereklamo na naman dahil ako ang kasama niya. Hindi ko na lang pinansin ang pinagsasabi niya at dumiretso agad sa kwarto. I badly want to sleep. Ang daming nangyari ngayong araw, kailangan ko ng mahabang tulog.

Nagising na lang ako kinabukasan nang katukin ako ni Fion sa kwarto. Ano na naman bang problema ng babaeng ‘to? Tiningnan ko ang orasan at alas-otso pa lang. Kusot-kusot ko pa ang mata nang pagbuksan siya ng pinto.

“What?” humihikab na tanong ko.

“Don’t you know what hour is it?!” iritadong tanong niya.

“Eight o’clock,” pilosopo kong sagot.

“Gosh, you’re always pa-important talaga. Can you please get dressed already? May trabaho pa tayo,” utos nito at doon ko lang napansin na nakaayos na pala siya. She’s wearing a black summer sleeveless crop-top paired with faded jeans and black boots. She’s also wearing a red lipstick na mas pinalitaw ang kaputian niya dahil sa suot na black. Naka-lugay rin ang wavy niyang buhok na hanggang baywang. But wait… alas-otso pa lang ah? Don’t tell me ganitong oras kami magmamatyag?

“Excited? Tulog pa ang target, Fion,” natatawang saad ko sa kaniya.

“Nah, he’s out right now,” saad nito na ipinagtaka ko. Paano niya naman nalaman ‘yon?

Nang makita niya ang pagtataka ko ay ngumisi siya, “I found his social media account and saw one post tagged with him that they’re at the seaside of MOA.”

“Wait… That guy has a social media account?” gulat na tanong ko, hindi pinansin ang tungkol sa location niya.

“He’s not like us, Fevi, hindi tago ang pagkakakilanlan niya. In fact, he’s attending a university and I bet no one knows how devilish that man is,” nakangising aniya.

Tumango-tango na lang ako at pumunta sa closet para ihanda ang isusuot. Somehow, I envy that man. He can do whatever he wants without thinking about the status of their family. Well, matagal na ring walang balita tungkol sa Verlian kaya hindi na nakakapagtaka kung hindi sila makilala.

“So? What are you planning to do?” tanong ko habang naghahanap ng isusuot.

“Isn’t it obvious? Malamang ay susundan siya,” umiirap na aniya. Tinapatan ko rin siya ng mas malupit at smooth transition ng irap, kala niya ah.

“Bilisan mo na nga! Tagal-tagal kumilos eh,” reklamo niya at naupo sa kama. Hindi ko na lang siya pinansin pero pumasok na ako sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong gawin ang dapat na gawin ay lumabas na ako ng banyo at nakita si Fion na tinititigan ang litrato na nakuha ko sa mansyon kasama ng silver key pendant.

“I wonder if this is the Verlian. They look happy,” mahahalata ang inggit sa sinabi niya. Nagkibit-balikat lang ako at nagsimulang mag-ayos ng buhok at maglagay ng light make-up.

I’m wearing a ruffled top long sleeve white blouse paired with jeans and white stilettos. Tinali ko ang hanggang baywang kong buhok at c-in-url sa bandang dulo. Nang matapos na ako ay kinuha ko sa couch ang white sling bag at sinabit ang sunglass sa bandang dibdib ng blouse ko; in case na kailanganin sa init, dapat ready. Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso na agad kami sa sasakyan. Ako muna ang magd-drive dahil si Gin at fellin ay kasalukuyang ginagawa ang trabaho nila. Saktong 10 am nang makarating kami kaya bukas na rin ang mall. Hindi naman maipinta ang mukha ni Fion dahil sa haba ng traffic na nadaanan namin kanina kaya ngayon ay hindi na sigurado kung nasa seaside pa rin ba ang target.

“Faster, Fevi! Napakabagal mo!” iritadong sigaw nito. Lumalayo na ang distansiya namin dahil ang bilis ng bawat hakbang niya kakamadali. Umirap lang ako at nagpatuloy sa normal speed ng paglalakad.

“Ano ba! Nananadya ka ba? Alam mo, kasalanan mo talaga ‘to kapag hindi natin siya naabutan,” saad nito habang salubong ang kilay na nakatingin sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko sa isinaad niya. Ako pa talaga ang sisisihin ng gaga.

“You see? Sa tingin mo makakatakbo ako sa suot ko?” Inirapan ko siya.

Inis naman siyang huminto at tiningnan ako bago ulit dumiretso sa paglalakad. Nagkibit-balikat lang ako at sinuot ang sunglass nang masilaw sa araw. Malamang ay wala na si Ryven doon. Sino ba naman ang mag-i-stay sa ganito kainit na lugar?

Naunang makarating si Fion at salubong pa rin ang kilay nito habang nakatayo sa ilalim ng puno at hinihintay ako.

“This is your fault,” sisi niya sakin nang makarating ako roon.

“Wow, really? What did I do?”

“Ang tagal mo kasi kumilos! Anong silbi ng pagka-assassin mo kung ganiyan ka kabagal kumilos?” inis na saad niya. May point. Pero malay ko ba kung maaabutan kami ng traffic. Kasalanan ng gobyerno ‘yon dahil hindi masolusyunan ang traffic, hindi ako.

Walang ibang tao rito kundi kami lang ni Fionna kaya walang nakakarinig ng pinag-uusapan namin.

“So, saan natin siya hahanapin ngayon?” mataray na tanong niya.

“Let’s separate ways at hanapin siya sa loob,” suhestiyon ko. Tumango naman siya at nauna nang maglakad papasok ng mall. Tss, kung di ko lang kapatid ‘to ay kanina pa ako lumayas dito.

Nagsimula na rin akong maghanap sa loob. Medyo rumarami na rin ang tao kaya mahihirapan talaga kaming hanapin siya. Nag-ikot-ikot ako kung saan-saan at may namataan na isang pamilyar na mukha. Ang babaeng nakasagutan ko sa bench kahapon. Napangisi ako dahil alam kong malapit lang dito ang target. Nasa loob siya ng Italian Restaurant kaya pumasok na rin ako roon at nagpasyang kumain. Umupo ako ‘di kalayuan sa table niya pero hindi rin ako mapapansin dito dahil nasa bandang gilid ako.

Pumili na rin ako sa menu at tinanggal ang sunglass na kanina ko pa pala suot. Patuloy ko lang siyang pinagmamatyagan pero mukhang wala siyang kasama. Matapos ang ilang minuto ay dumating  na ang order ko pero hindi pa rin siya nag-oorder. Mukhang may hinihintay siya. Maya-maya lang ay may biglang umupo sa tapat ko.

“Hi, are you alone?” tanong ng isang lalaking hindi nalalayo ang edad sa akin. Nakasuot sya ng black hoodie jacket at jeans. May headphone pa na nakasabit sa leeg niya. I can say na may dating din ang lalaking ito. Ngumiti ako nang matamis at sinagot siya.

“Obvious ba?”

He snickers awkwardly and pulls the chair to sit on it. “I’ll sit here, then,” saad nito at wala pa man akong approval ay naka-upo na siya. Puno rin kasi ng tao ang restaurant at mukhang wala nang available na table.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi pa rin naaalis ang tingin ko sa babae nang bigla itong tumayo at lumabas ng restaurant. Nagmamadali naman akong uminom at tumayo na rin para sundan siya. Narinig ko pang tinatawag ako ng lalaking kasama ko sa table pero hindi ko na siya pinansin. Saktong paglabas ko ng restaurant ay tumunog ang phone ko at nakita ang pangalan ni Fion.

“I found him!” saad nito sa telepono nang sagutin ko.

“Where? Tell me,” sagot ko pero tumahimik ang kabilang linya.

“Hey!” tawag ko ulit.

“Oh shit! He vanished!”

“What?!”

“He’s really skilled, he immediately noticed my presence and suddenly vanish,” halata ang disappointment sa tono nito.

Natahimik ako nang mamataan si Ryven papalapit sa babaeng sinusundan ko.

“He’s here,” saad ko sa telepono at humarap sa kabilamg direksyon para hindi niya ako mamukhaan.

“Where are you? I’ll go there.”

“Near the comfort room on second floor,” sagot ko at pinutol na ang linya.

Ngayon ay kausap na ni Ryven ang babaeng sinusundan ko kanina. Dire-diretso sila sa paglalakad hanggang sa mapadpad na lang kami sa national bookstore. Pumasok sila roon at sumunod ako nang hindi nagpapahalata. Nagtingin-tingin na rin ako ng mga libro habang pa-simple silang minamatyagan. Seriously? I look like a stalker here. Natawa ako sa sarili kong iniisip at napailing. Well, mukhang gano’n na nga talaga ang trabaho namin ngayon.

Patuloy ko silang sinundan hanggang sa makaalis ng bookstore at pumunta ng supermarket, pumasok sa department store at watsons. At sa kakalakad ay unti-unti nang sumasakit ang paa ko dahil sa stilletos. Wala bang balak magpahinga ‘tong dalawa? Pansin ko rin sa lahat ng pinuntahan namin ay ang babae lang ang bumibili.

Ngayon ay narito ulit kami sa bookstore at nagtitingin-tingin na rin siya ng libro. Malayo ang pwesto ko sa kaniya pero kitang-kita ko ang tindig niya habang binabasa ang makapal na libro. He’s wearing a maroon t-shirt and black jeans. Bagsak ang medyo mahaba niyang buhok at napansin ko rin ang itim niyang relo at three piercings sa kaliwang tainga, mayroon din siya sa bibig. Nang ma-realize kong napapalalim na ang titig ko ay umiwas na ako ng tingin. Tiningnan ko ang wrist watch ko at almost 45 mins. na ang nakalilipas pero wala pa rin si Fion. Kung hindi niya kami naabutan sa comfort room ay malamang tumawag na ‘yon. Nagkibit-balikat na lang ako. Malaki na siya, kaya niya na ang sarili niya

Binalik ko ulit ang tingin kung saan ang puwesto ni Ryven kanina pero wala na siya roon. Luminga-linga ako para hanapin siya pero wala talaga. Shit! Pumunta ako malapit sa exit at nakita ang babaeng kasama niya na nakapila sa cashier. Saan nagpunta iyon? Inikot ko ang bawat shelf para hanapin siya pero ni maramdaman ang presensya niya ay wala talaga. Pumikit ako at huminga nang malalim dahil sa irita.

“Looking for me?” halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses sa likod ko.

“H-huh? Who are you?” tanging naitanong ko na lang nang hindi tumitingin sa kaniya. Nanatili pa rin siya sa likod ko at nararamdaman ang mainit niyang hininga na tumatama sa buhok ko.

He snickers, “You’re stalking me without knowing who I am?” Ipinatong niya ang kanang braso sa gilid ng shelf kung saan ako nakatayo.

“And why did you think that I’m stalking you?” tanong ko nang hindi pa rin humaharap sa kaniya.

“Hmm? Instinct,” sagot lang nito na mahina kong ikinatawa.

“Assuming ka pala, ‘no? Sa tingin mo bakit kita susundan?”

“I don’t know. Bakit mo nga ba ako sinusundan?” balik niyang tanong. Natahimik ako ng mga ilang Segundo bago ulit magsalita.

“Hindi nga kita sinusundan!” depensa ko.

“Then why can’t you face me?” tanong niya na ikinatigil ko. Huminga ako nang malalim at unti-unti siyang hinarap. Doon  ko lang din narealize na sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa’t isa. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin pero kalaunan ay ngumisi rin.

“So it’s you,” nakangising aniya. Mabilis niya lang akong nakilala dahil hindi gano’n kakapal ang make-up ko.

“I’m not stalking you, okay?” I lied.

Maya-maya lang ay may nagtawag sa kaniya.

“Dude, you’re at it again? Come on, you just came from a breakup,” natatawang saad ng lalaki na sa tingin ko ay kararating lang. Kasama nito ang isa pang lalaki na naki-share sa akin ng table kanina. Magbabarkada sila? They’re both good-looking tho.

Tumawa lang si Ryven at dumistansya sa akin. Naglakad naman palapit sa amin ang dalawa.

“Mind if you’ll introduce us?” panimula ng lalaking nagsalita kanina.

“She’s Vanna. Vanna, this is Jasper and Jiro,” pakilala sa amin ni Ryven.

“Hi, nice to meet you, Vanna,” nakangiting saad ni Jasper at inialok ang kamay pero hindi ko ito tinanggap.

“It’s nice to meet you, too, Jasper,” saad na lang nito sa sarili at ibinaba ang kamay.

Tumango lang sa akin. Siya ‘yong naki-upo sa table ko kanina sa restaurant.

“So, what’s happening here?” dumating ang babaeng kasama ni Ryven at nanlaki ang mata nang makita ako.

“You?” salubong ang kilay na saad nito.

“Oh, Emma, hindi ko pa pala siya naipapakilala sa ‘yo. She’s Vanna. Vanna, this is Emma,” pakilala sa amin ni Ryven.

Pilit na ngumiti sa akin si Emma at nag-alok na makipag-kamay. “It’s nice to meet you, Vanna,” plastic na ngiting aniya.

“It’s nice to meet you, too,” sagot ko pero hindi rin tinanggap ang kamay niya. Nagtagal pa ito roon at lahat sila ay nakatingin sa amin. Wala akong balak tanggapin iyon pero dahil nanatiling nakangiti si Emma na hinihintay ang kamay ko ay napilitan akong makipag-kamay. Pilit kaming ngumiti sa isa’t isa at naramdaman kong hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko kaya mas hinigpitan ko ang hawak ko hanggang sa siya na rin mismo ang bumitaw. Ha! Huwag ako, girl.

“Wew,” kumento na lang ni Jasper nang maramdaman ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Binasag ni Ryven ang katahimikan nang tumikhim ito at magsalita.

“Saan ba kayo galing? Kanina pa kami nag-iikot-ikot ni Ems para hanapin kayo,” tanong nito sa dalawa.

“Jiro bumped on her ex,” nakangising sagot ni Jasper sabay tingin kay Jiro na tahimik pa rin.

“Woah, which one?” tanong ni Ryven at sabay silang nagtawanang tatlo.

Nakikinig lang ako sa usapan nila nang maya-maya lang ay biglang nag-ring ulit ang phone ko at nag-flash sa screen ang pangalan ni Fion. Nagpaalam ako sa kanila at lumayo para sagutin ang tawag.

“Where are you?” tanong agad ng sa kabilang linya nang sagutin koi to.

“NBS, kanina pa kita hinihintay.” Umirap ako kahit hindi niya nakikita iyon.

“Let’s go home,” walang ganang saad nito na ipinagtaka ko.

“Huh? Why?”

“I’m not feeling well,” sagot lang nito saka bumuntong hininga. But that’s impossible. Kanina lang ay masyado pa siyang excited tapos ngayon ay bigla na lang mag-aayang umuwi?

“What happened?” tanong ko pero hindi sumagot ang kabilang linya.

“Umuwi na lang tayo, okay? I’ll wait you here at the parking lot,” sagot lang nito saka ibinaba ang kabilang linya. There’s something wrong with her. Nagtataka man ay sumunod na lang ako at nagpaalam na sa mga kasama. Binigay naman ni Jasper ang contact no. niya at tawagan ko lang daw siya kung kailagan ko ng tulong. Tinanggap ko na lang iyon dahil magagamit ko pa iyon for future purposes.

Nang makarating ako sa sasakyan ay pumasok agad ako roon at naabutan si Fion na nag-reretouch.

“Took you so long,” saad nito at mataray na tumingin sa akin. Pero hindi ko na pinansin iyon dahil nagulat ako sa naabutan kong hitsura niya. I knew it!

“Umiyak ka ba?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status